Dahil ayaw niyang makita siya nina Marco at Angela na umiiyak. Sa ilalim ng tubig niya inilabas ang kanyang galit. At ang sakit na kanyang nararamdaman, nasaktan siya dahil ikakasal na ang lalaking pinakamamahal niya. Dahil sa nangyari ay wala na siyang pakialam sa mga tao sa kanyang paligid. Kahit ang kanyang mommy ay hindi siya kayang pigilan nito. lahat ng gusto niyang gawin ay gagawin niya. Ang hindi lang niya puwedeng gawin ay ang bawiin si Marco sa mga kamay ni Angela. Umalis na ang mga parents ni Angela pero nagpaiwan siya. Katuwiran nito ay gusto niyang makabonding si Jasmin. Lumapit siya sa swimming pool. Nang umahon si Jasmin sa tubig ay nakita niya ang mukha ni Angela at biglang nagdilim ang kanyang paningin. Nilapitan niya ito at tinitigan niya mula ulo hanggang paa. "Angela