Episode 3- Abduction

2998 Words
“Your daughter is making me mad!” malakas na sigaw ni Menandro sabay bato ng baso ng alak na iniinom nito na muntik ng tumama sa mukha ni Conchita na napapikit na lang. “Wala ka ba talaga gagawin para iuwi dito sa mansion ang anak mo?” “Tinatanong pa ba yan? as you can see Maxine hated me.” “Dahil iyon ang gusto mong mangyari dahil ayaw mong i share sa akin ang anak mo.” galit na galit na angil pa rin nito na agad na nakalapit sa asawa at sinabunutan ito. “Ngayon ma mimili ka masasaktan ang anak mo o ikaw mismo ang mag uuwi sa kanya dito.” “Ano pang silbi ng mga tauhan mo kung 'di nila kayang makuha ang anak ko na isang hamak na babae——“ natumba sa pag kakatayo si Conchita sa malakas na sampal ng asawa. Hinablot naman s'ya nito patayo saka hinila patungo sa couch. Hinubad ang sintron na suot at alam na ni Conchita ang gagawin nito sa kanya kaya pumikit na lang s'ya. Ganun si Menandro kapag sobrang galit sadista. Sasaktan muna s'ya at kapag na ibsan na ang galit nito saka naman nito sasambahin ang ktawan n'ya na puro latay dahil sa sintron nito. Ganun na ang naging buhay n'ya sapol ng ilayo n'ya ang anak. Mas mabuti ng s'ya ang mag danas ng lahat ng hirap na yun sa kamay ni Menandro kesa ang nag-iisa n'yang anak. Ang importante lang sa kanya hindi s'ya mapatay ni Menandro dahil kapag nangyari yun hindi na n'ya ma-poprotektahan ang anak. Sinadya n'ya itong galitin at sabihan ng kung ano-anong masasakit na salita para lang tuluyan itong magalit sa kanya. Nung huling beses silang magkita 2 years ago. Humihingi ito ng tulong sa kanya noon para makalabas ng bansa dahil nalaman nito na ang stepfather nitong si Menandro ang nasa likod ng lahat naging problema nito sa pilipinas. Sinabi n'ya rito na kung gusto nitong maging maayos ulit ang buhay makipag relasyon ito sa stepfather para makuha ulit nito ang lahat ng luho na nakukuha nito dati ng nasa new york pa. Kita-kita n'ya ang pagkahumindig ng anak sa sinabi n'ya noon rito na parang diring-diri ito isipin pa lang ang suhestiyon niya. Magandang lalaki si Menandro matanda na ito pero nanatiling matikas parin ang pangangatawan. Alam n'yang marami itong babae maliban sa kanya. s*x maniac si Menandro para dito pera lang ang katumbas ng isang babae pero hindi kayang tumabasan ng kahit anong halaga ang anak n'ya kaya pipiliin pa n'yang isumpa s'ya ng anak kesa gawin lang din itong parausan ng asawa tulad ng ginagawa sa kanya. Mula ng araw na makausap n'ya si Maxine at nag bitaw ito ng salita na mamatay muna ito bago nito tanggapin ang suggestion n'ya. Nakahinga s'ya ng maluwag sa sagot na iyon ni Maxine. Alam n'yang hirap na hirap na ang anak n'ya pero pinag pasalamat n'ya na naging matatag pa rin ito. ******** Paliko na sana si Marco sa isang eskinita para sa huling delivery n'ya ng matanaw si Maxine na sapilitang hinihila ng mga tauhan ng ama n'ya. Nakataob ang motor na gamit ni Maxine at nakakalat ang mga pagkain sa kalsada. Obviously hinarang ito ng mga tauhan ng ama mabilis n'yang pinaharurot ang motor na dala at ibinangga sa Hi-ace Van na pinag sakyan kay Maxine. Huminto ang van at galit na lumabas ang mga lalaki ganun din ang isang kotse na kabuntot ng mga ito. Gustong matawa ni Marco ng makita ang 9 na lalaki. Isipin pa lang 1 babae lang ang kukunin ng mga ito pero napakarami ng mga ito. Lalo tuloy s'yang na curious kung bakit kailangan puwersahan ipakuha ng ama ang dalaga at base sa na kikita n'yang galit ni Maxine sa papa n'ya mukhang may malalim na dahilan na kailangan n'yang alamin. Medyo nagulat si Marco ng makita isa-isa naglabas ng baril ang mga ito. “Kung sino ka man wag ka ng makialam rito.” wika ng isang lalaki mag sasalita pa sana si Marco ng isang lalaki mula sa likuran ang tumakbo paharapan at binulingan ang lalaking mukhang pinaka leader ng grupo ng mga ito saka tumingin sa kanya. “Inutusan lang kami ng Papa mo na iuwi s'ya sa mansion.” “Paano kung ayoko.” hindi naka imik ang lalaki dinukot ni Marco ang cellphone at nag kunwari na kinausap ang ama. “Your men just abducted a woman, or you wanted me to call the police.” halata naman na alarma ang mga lalaki na agad na binuksan ang pinto ng Van. Napa awang naman ang bibig ni Marco ng makita si Maxine na walang malay na nakahiga sa loob at may dugo na umaagos sa isang butas ng ilong nito. “You hit her.” bulalas ni Marco na nag dilim ang anyo na itinaas ang kamay na parang may sinenyasan. Kasunod nun ilang lalaki rin ang sumulpot na ikinagulat rin ng mga ito. Matagal ng alam ni Marco na meron din s'yang mga bodyguard na galing sa ama na laging nakabantay sa kanya. 'Di n'ya pinapansin ang mga ito pero ang bilin n'ya wag susubukan na lumapit sa knya kung ayaw ng mga itong mawalan ng trabaho. Kapag kailangan n'ya ng tulong s'ya ang tatawag sa mga ito. “Key.” utos ni Marco sa pinaka leader ng bodyguard ni Maxine. Napilitan naman itong iabot kay Marco ang susi ng Van. Inutos naman ni Marco sa mga bodyguard n'ya na ayusin ang mga kalat at ang mga motor nila ni Max. Napabalikwas naman ng bangon si Max na sapo ang mukha at sikmura sabay ngiwi. Pakiramdam n'ya na mamanhid pa ang mukha n'ya sa lakas ng suntok na ginawa sa kanya ng isang lalaki ng harangin s'ya ng isang Van at puwersahan s'yang gustong isakay sa sasakyan ng mga ito. Pinilit n'yang makawala pero ng maisakay s'ya ng mga ito sa Van muli s'yang siktan at sinikmuraan ang isa ay hinampas pa s'ya ng baril sa mukha kaya tuluyan s'yang nawalan ng malay. Napatingin s'ya sa paligid hindi pamilyar ang kuwartong kinalalagyan n'ya pero sa gara ng silid na sisigurado n'yang nasa teritoryo s'ya ng stepfather n'ya. Kailangan n'yang makatakas bago pa s'ya magawan ng masama nito natitiyak n'yang hindi s'ya tutulungan ng ina kahit umiyak pa s'ya ng dugo. Iika-ika na hinawi n'ya ang kurtina na tumatabing sa isang bahagi ng silid ngunit nagulat s'ya sa nakita. Nasa taas sila ng isang building at tanaw n'ya ang buong metro manila. Nasaan s'ya wala s'ya sa probinsya kung nasaan ang mama n'ya at asawa nito. Napatingin s'ya sa pintuan saka nag mamadaling nagtungo dun akmang bubuksan n'ya iyon ng bigla iyon bumukas at tumama sa mukha n'ya ang pinto dahilan para ma out of balance s'ya pero bago pa s'ya tuluyan bumagsak sa sahig isang matigas na braso ang pumulupot sa bewang n'ya at inalalayan s'ya. Nagulat na napamulagat si Max at nag mamadaling umayos ng tayo at lumayo ng isang dipa kay Marco habang sapo ang noo na nasaktan. “Are you alright?” akmang lalapit si Marco sa dalaga ngunit mabilis na umatras si Maxine. Napabuga naman ng hangin si Marco na nag taas ng kamay. “Itinakas kita sa mga goons na kumindnap sayo ang yet you're looking at me as if ako ang mastermind ng abduction mo.” “Honestly speaking I dont trust you or nobody specially you!” madiin na komento ni Maxine saka tinabig si Marco para makalabas ng kuwarto pero nagulat si Maxine ng makita ang napakadaming laruan na naka display sa isang shelves na halos punuin ang pader. Habang meron napakalaking monitor ng computer set ang nasa isang bahagi ng Sala o 'di n'ya alam kung ano ba dapat itawag sa lugar na yun na halos parang mga computerize ang nakikita nya. Para bang nasa loob s'ya ng isang CIA hideout. napakarami din monitor ng CCtv camera. “Who are you really?” nilingon ni Max ang binata na nag kibit-balikat lang na lumabas na din ng kuwarto saka dumertso sa pinaka kusina kung susumahin ni Max ang sukat ng kabuoan ng kinalalagyan nila ni Marco tingin n'ya nasakop niyon ang buong isang floor ng building pero iisa lang ang pinto na nakikita n'ya kundi ang silid na nilabasan n'ya. “Welcome to my world.” “Who are you?” salubong pa ang kilay ni max na sumunod kay Marco. Inabutan naman s'ya ni marco ng isang coke in can after nitong buksan. “You dont have to know just like you pareho lang tayong may itinatago.” sagot nito. “Tingin mo ikakaguwapo mo ang pa mysterious effect mo.” sikmat naman ni Maxine napailing naman si Marco. “Alam mo 'di ko alam kung man hater ka ba o sadyang ayaw mo lang sa guwapo. Well, ikaw pa lang ang babaeng nakilala ko na lantaran mag pakita ng dislike sa akin.” “Menandro Agoncillo.” usal ni Maxine sandaling natigilan si Marco na akmang lalampasan ang dalaga. “You know him right.” ngumiti naman si Marco ng simple saka tuluyan nilampasan ang alaga at sumalampak ng upo sa swivel chair nito sa harap ng malaking monitor. “Bakit 'di mo masagot ang tanong ko.” “Dahil stupid question deserve a stupid answer.” “And what was supposed to mean that.” “Menandro Agoncillo retired governor of Batangas. One of the richest governors in our country and very powerful man. Sino ang 'di makakakilala sa isang tulad n'ya.” Napaisip si Maxine at base sa facial expression ng dalaga mukhang wala itong idea sa ama n'ya bagay na lalong nag palalim ng curiosity n'ya. “Ikaw bakit mo kilala ang isang Menandro Agoncillo.” balik tanong ni Marco. “At sino ka naman sa tingin mo para sagutin ko yang tanong mo asan ba tayo?” nag palinga-linga si Max wala s'yang makita na pinto para labasan. “O 'di wag ka rin magtanong sa akin.” pabalang na sagot ni Marco napangiwi naman si Max saka bumuga ng hangin. “kailangan na natin bumalik sa resto baka hinahanap na tayo si Lola marsia.” ani Max. “With your look.” ani Marco sabay turo ng mukha n'ya. Kumunot naman ang noo ni Max saka nag hanap ng mirror na pag titingnan ng mukha. Nakita n'ya ang isang monitor na patay agad s'yang lumapit doon para tingnan ang sarili. Napaawang naman ang labi ni Max ng makita ang pasa sa mukha n'ya kaya pala ang sakit pa rin ng mukha n'ya. Inis na kinapa ang bulsa para sa cp n'ya pero wala doon. Nagulat pa si Max ng paglingon n'ya katabi na n'ya si Marco at iniumang sa kanya ang cellphone na hinahanap. Inis naman hinablot ni Max ang phone saka may hinanap sa phonebook. Ilang sandali pa may tinatawagan na ito. “Ma!” malakas na sigaw ni Max sa linya ng phone na ikinagiwi ni Marco. Sasawayin sana ni Marco ang dalaga pero naumid ang dila n'ya ng makita ang galit sa mga mata ng dalaga habang may umaagos na luha roon. Bigla parang nakaramdam s'ya ng awa rito. Kanina lang na iinis s'ya rito hinihintay ni Marco na mag salita si Max ngunit hindi ito nag salita instead muli itong pinatay ang phone saka derederetso na bumalik sa kuwarto n'ya at nag kulong na ito roon. Lumapit naman si Marco para sundan ang dalaga ngunit na pahinto s'ya sa akmang pag pihit ng serandura ng marinig n'ya na huma hagulgol ng iyak ang dalaga. ******** “Paano mo nakilala si Maxine?” seryosong tanong ni Menandro sa anak na ngayon ay nasa loob ng opisina ng ama sa mansion nila. Halos isang dekada na ang lumipas ng huli n'ya itong nakita pero hindi nkaramdam ng pagkasabik si Marco sa pagkakita sa ama. Malayong malayo na ito sa tatay na kilala n'ya noon. Napatingin si Marco kay Conchita na ina naman ni Max na kung titingnan kitang-kita ang pagiging sosyal nito. Nasa bahay lang pero punong-puno ng alahas ang buong katawan. Malayong-malayo sa hitsura ng anak nito na kahit anong accesories walang suot. Maganda si Conchita pero mas double ang ganda ng anak nito na marahil ay sa ama nakuha. Sa nakikita n'yang pagkawalang bahala ng ina ni Max parang wala itong paki alam sa anak. “Hindi ko s'ya kilala kung iyon ang dahilan kung bakit n'yo ako pinadampot sa mga tauhan n'yo after 10 years, forget it papa.” “Stop fooling around son. You're making a big mistake.” “Gaya ng ano papa.” hindi umimik si Menandro. “Don’t mess up with Maxine kung ayaw mong magkalaban tayo.” tumaas ang kilay ni Marco. “Is she that precious to you papa.” “Just stay away from her.” “Paano kung ayoko. Anong gagawin n'yo sa akin pa? Pasasaktan n'yo ba ako sa mga bodyguard na kinuha n'yo behind my back.” sarcastic na tanong ni Marco. “Don’t make me do it Marco.” “Then give me enough reason to stay away from her. Buhay pa kayo pero most of your property ay nakapangal kay Maxine Domingo. So how could you explain that to me.” sa pagkakataon na yun na ibaba ni Conchita ang magazine na binabasa. “Ano binabalak mo Menandro.” anito na mukhang wala itong idea sa ginawa ng ama. “Shut up! hindi ka kasali sa usapin ito. Lumabas ka.” utos pa ng ama sa asawa. “No! Ano ang sinasabi n Marco na nasa pangalan ni Maxine lahat ng property mo?” “Simple dahil I want to give her the best.” “And how about Jenivive.” tukoy n'ya sa kapatid. “Tingin n'yo papayag si Jen na mapapunta kay Maxine lahat ng majority na ari-arian n'yo and yet sa sarili n'yong asawa wala kayong iniwan.” ani marco na tinutukoy ay si Conchita. “Wala na kayong paki-alam kung sino ang gusto kong pag bigyan ng mga ariarian ko.” “No I insist! hindi ako papayag.” galit naman tumayo si Menandro saka may kinuha na isang envelop bago inihagis sa paanan ni Marco. Kunot noo naman si Marco na dinampot iyon saka binuksan. Nanlaki naman ang mata ni Marco ng makita ang mga nilalaman niyon. Mga malalaswang larawan ni Maxine kasama ang ama n'ya. Kung may sakit s'ya sa puso baka inatake s'ya, akmang lalapit ang ina ni maxine para tingnan iyon pero agad iyon itinago ni Marco at iniiwas rito. “Ano yan tinatago n'yo sa akin. I want to see it.” Utos nito sa galit na boses. “Iyan ang dahilan kung bakit sa kanya nakapangalan lahat ng ari-arian ko nasa kanya ang hard copy n'yan kailangan ko s'yang pigilan bago pa n'ya ako ma-expose.” hindi makaimik si Marco ayaw maniwala ng utak n'ya na si Maxine ang babae sa lakaran na hubo't- hubad may CD kasama ang envelop at di na n'ya kailangan tanungin kung ano ang laman ng Cd base sa mga larawan marahil isang s*x scandal iyon ng ama n'ya at Maxine kaya ganun na lang ka eager ng ama na makuha si Maxine sa takot nitong ma expose. Napakuyom ang kamay ni Marco. “Ngayon kung makikialam ka mas lalo mo lang s'yang lalayo sa akin. I need her to—— “Im dealing with her remove your men.” mariin na utos ni Marco. “No!” malakas na sigaw ni Conchita. “Leave my daughter alone.” “You shut up! pareho kayo mag-ina kaya tumahimik ka na lang.” sigaw naman ni Menandro. Kanina pa ring ng ring ang phone ni Max at ang ina ang natawag pero kanina pa din s'ya cancel ng cancel. Wala s'yang planong kausapin ito after ng nangyari sa kanya pakiramdam n'ya ang ina ang dahilan kung bakit malakas ang loob ni Menandro na kunin s'ya. Halos 1-week rin s'yang nag stay sa hideout ni Marco gusto n'yang lumabas pero 'di n'ya alam kung paano nagulat na nga lang s'ya pag gising n'ya wala na s'ya sa hideout ni Marco mukhang pinainom pa s'ya nito ng pang patulog para lang mailabas. Natitiyak n'ya hindi simpleng tao si Marco at may dahilan kung bakit bigla itong nag apply na deliveryman sa resto pinag tatrabahunan n'ya pero hindi s'ya tanga at ipinanganak kahapon. Natitiyak n'yang may kinalaman sa kanya ang biglaan nitong pag sulpot. Ano pa bang bago sa yaman ni Menandro Fuentabella natitiyak nyang connected ito sa matanda. Kaya bago pa nito magawa ang mga pinag uutos rito ni Menandro sinamantala n'ya ang pagalis ni Marco. Agad na s'yang nag paalam kila lola Marsia. Ayaw nito pumayag na umalis s'ya at ilang taon na rin naman s'yang nagtrabaho dun nag iiyak pa ito sa pakiusap pero matigas ang tangi nya kahit labag sa kalooban n'ya. Agad s'yang umalis sa poder ng lola Marsia dahil baka madamay pa ang mga ito sa baliw n'yang stepdad. Ngumisi naman si Marco habang nakatingin sa malaking monitor meron dun asul na ilaw na nag biblink. GPS signal iyon ni Maxine buti na lang talga naisipan n'yang lagyan ng tracking device ang cellphone nito hindi para bantayan ito kundi para lang alam n'ya kung bigla itong tangayin nanaman ng ama n'ya pero ngayon alam na n'ya ang dahilan kung bakit ganun na lang ang kagustuhan ng ama na makuha ito. Bagamat galit s'ya sa ama pero mas galit s'ya sa mga taong sinungaling at nag papanggap na biktima. Muntik na s'yang maniwala sa mga iyak ni Maxine. Yun pala sa likod ng maganda nitong mukha meron nag tatagong masamang uri ng babae. Babaeng pinandidirihan n'ya mukhang matalino rin si Maxine. At hindi basta simpleng babae lang ito, bigla na lang itong nag resign sa trabaho at nowhere to find mukhang malakas ang instinct nito kaya bigla umalis pero pasensyahan silang dalawa dahil mas matalino s'ya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD