Episode 2- Stoneage

2495 Words
Tama si Denver agad n'yang napansin ang mga itim na kotse na halos nakatambay na sa gilid ng kalsada. Kilala n'ya ang mga plate number ng kotse nila sa bahay at natitiyak n'yang kanila ang apat na kotseng iyon. Mga tauhan ng ama n'ya ang nasa loob nun pero bakit naroon ang mga ito? binabantayan ba ng mga ito ang anak ng madrasta n'ya? pero bakit nasa panganib ba ang stepsister n'ya para mag padala ng ganun kadaming tauhan ang ama para bantayan ang stepsister n'ya. Inayos n'ya ang suot na sumbrerong itim saka nilampasan ang mga itim na sasakyan at tinunton ang isang restaurant na may ilang customer na kumakain. Nagtataka lang s'ya akala n'ya 'di makita ng madrasta n'ya ang anak nito pero bakit naroon ang mga tauhan ng papa n'ya. Isang malaking katanungan iyon para sa kanya. Na hihiwagaan s'ya sa nangyayari tiyak na may itinatago ang papa n'ya. “Applikante ka ba? maupo ka muna saglit pogi may kakausapin lang ako saglit.” wika ng isang matandang babae na inakay pa s'ya paupo sa isang mesa 'di na s'ya nakapag salita dahil agad din naman tumalikod ang matandang babae ilang minuto lang bumalik na ang matandang babae. “Hired ka na pogi intayin lang natin si nene para i-orient ka ng mga gagawin at mga kailangan gawin. Urgent na urgent kasi kami ngayon mukha ka naman mabait at mapapagkatiwalaan.” wika pa ng matandang babae na halatang busy nga. Napansin n'ya na maraming nakain sa loob ng restaurant. “I don’t think so mali po—— “Eto na pala si nene.” ngumiti ang matanda na kinawayan ang isang babae na pasok ng restaurant. Para naman dumilim ang langit sa paningin ni Marco ng makita ang babae na bago pa lang n'ya pinahahanap kay Denver pero mukhang pinagkakalooban ng langit ang dalangin n'ya na makita itong muli para makaganti s'ya sa ginawa nito sa kanya. “Maxine? nene…”tawag pa ng matanda ng makalapit na ito ng tuluyan. “S'ya ang bago natin delivery boy na makakatulong mo paki guide mo na lang s'ya nene at ako ay marami lang gagawin kaya ikaw na ang bahala sa kanya okay.” tinapik pa nito sa balikat ang dalaga saka nag mamadaling tumalikod. “Small world hmm.” usal ni Marco. “'Di ko alam na na love at first sight ka pala sa akin at talagang sinundan mo pa ako dito?”iiling-iling na ngumisi si Maxine na tameme naman si Marco sa narinig. “You even applied for a job? lilinawin ko lang sayo hindi ako pumapatol lalaking puro guwapo lang ang asset.” “Maxine Domingo I didnt know na malakas pala ang tama mo sa pag-iisip.” natigilan naman si Maxine medyo napa atras pa na pinagtaka ni Marco. “Who are you?” na alarma na tanong ni Maxine. “Sabihin na lang natin na isa akong lalaki na nasa matino pang pag-iisip para 'di ma in love sa isang gaya mo.” “Kung pinadala ka dito para pilitin na sumama sayo umalis kana dahil mapapatay mo muna ako bago n'yo ako maisama.” umiling si Marco na punong-puno ng curiosity. “Nag hahanap ako ng trabaho kaya ako nandito suwerte lang dahil nandito ka. Sa laki ng atraso mo sa akin tingin mo kakalimutan ko na lang yun basta-basta.” “Paano mo nalaman na Domingo ang Apelido ko.” “Bakit mali ba?” balik tanong ni Marco. “Mendoza ang apelido ko.” “Then why your reaction does not suit you?” nakangising tanong ni Marco. “Makinig ka tahimik ang buhay ko dito at wag mong subukan na guluhin dahil titiyakin ko sayo lalabas sa bibig mo yang baya* mo.” na umid naman ang dila ni Marco saka mabilis na pinagdikit ang mga hita ng makita kung saan nakatingin nanaman si Maxine. Sariwa pa sa isip ni Marco ang sakit na naramdaman ng sipain nito ang alaga n'ya. “Kung balak mong magtrabaho dito yung ducati na gamit mo the last day wag mong dadalahin dito kung ayaw mong umuwing kalansay na lang ang motor na yun, may sariling motor na pinagagamit sila lola Marsia. 'Di ka naman siguro mag mamaneho ng mamahaling motor kung wala kang lisensya tama ba?” “Pinalayas ako sa tinitirahan ko at hindi rin sa akin ang ducati sa kaibigan ko.” tumaas ang kilay ni Maxine. “Talagang puro kaguwapuhan lang ang meron ka.” “Bakit parang sukang-suka ka kaguwapuhan ko o baka naman gusto mong magpalahi sa ----Ouch!” angal ni Marco 'di pa man sumasayad ang paa ni Maxine sa pundyo ng pantalon n'ya. “Piliin mo ang mga salitang lumalabas d'yan sa bibig mo kung gusto mong magising kinabukasan na nakakabit pa sayo yang alaga mo.” “tinatakot mo ba ako?” “Hindi dahil 3 delivery boy na ang napapaalis dito dahil tinangka nilang pasukin ako sa kuwarto ko and worst wala ng kinabukasan nag hihintay sa kanila bago pa man sila nakalabas ng restaurant na to.” napalunok naman si Marco sa sinabi ni Maxine. “Nasa 2nd floor ang magiging kuwarto mo suwerte mo dahil required dito na stay in ang mga deliveryman dahil 24 hrs na bukas itong resto ang kailangan mo lang gawin sa uluhin ang bawat kasulok-sulukan bahagi nitong metro manila kung gusto mong tumagal sa trabaho. libre ang pagkain 3 times a day, libre din ang kuryente at tubig kung sunog baga ka naman libre din.” kunot ang noo ni Marco. “Anong sunog baga?” “Nag sisigarilyo ka ba o nag yoyosi?” umiling si Marco sa tanong na yun ni Maxine. “Good magkakasundo tayo kahit papano.” “Babae ka pero bakit nag dedeliver ka?” curious na tanong ni Marco. Matagal itong nanirahan sa ibang bansa pero kung umasta ito parang taga squater and the way she talks parang wala itong ka manners-manners. Malayong-malayo sa stepsister na inaasahan n'ya. “Simple dahil sa panahon ngayon wala ng gender discrimination lahat na kayang n'yong gawin kaya nanamin gawin. Ngayon kung may problema ka sa gender ko patunayan mo muna sa akin na karapat-dapat kang maging deliveryman.” “Piece a cake.” nakangising komento ni Marco. “Good dahil start ka na tomorrow kung may gamit ka na damit kunin o dalahin mo na dito 4 kayong mag kakasama sa kuwarto sa itaas kung may iba ka pang katanungan itanong mo na dahil paalis na ulit ako.” “Bakit ang init ng dugo mo sa akin.” muli tumaas nanaman ang kilay ni Maxine. “Na niniwala kasi ako sa kasabihan na the more you hate the more you love.” ngumisi naman si Maxine sa padali ni Marco. “At naniniwala din ako sa kasabihan na Matalino man ang matsing na lilinglang pa rin.” ani Maxine saka tumalikod. napasimangot naman si Marco sa isiping tinutukoy ba s'ya nitong matsing. “May araw ka rin sa akin babae ka….hey!” sigaw pa ni Marco na medyo lumingon pa si Maxine. “You can call Marc.” “Whatever.”balewalang sagot ni Maxine. Nahulog sa malalim na pag iisip si Marco habang hinahatid ng tanaw si Maxine. Artistahin ang ganda ni Maxine di yun maikakaila na maganda ito sa kabila ng suot nitong long sleeve at wasak wasak na pantalon kahit ganun pa man elegante pa itong tingnan at kumilos. Nakakapagtaka lang kung bakit na hantong sa ganitong buhay si Maxine sa kabila ng mga ninakaw ng ina nito sa kumpanya idagdag pa na ayun sa source ni Denver graduate sa isang prestigious university sa New York si Maxine sa kursong Pharmacist at lisensyado na ito ngunit bakit na uwi sa delivery service ang dalaga. Napakadaming katanungan si Marco sa isip n'ya na gusto n'yang hanapan ng kasagutan. Ngunit hindi madaling i-approach si Maxine masyado itong defensive at palaban hindi n'ya alam kung paano n'ya aalamin kung bakit malaking ari-arian ng ama ang handang ibigay sa dalaga sa kabila ng lahat na 'di naman nila ito kadugo o kamang-anak man lang although anak ito ng bagong asawa ng ama malaking question mark pa rin sa kanya kung bakit at kung bakit din na sa ganitong klaseng lugar ang nag-iisang anak ng stepmother nya. ****** Ilang beses muntik na mapikon ni Marco sa mga customer na pinag dedeliveran n'ya. literal kasi na nag papa cute sa kanya ang iba ang iba naman mga akala mo kung sinong taga high society kung umasta. Minsan naman kapag lalaki ang customer si Maxine ang hinahanap ayaw i-receive ng customer ang order kung hindi si Maxine ang mag dadala kaya naman sa inis imbis na ibalik sa store ang inorder dinadala n'ya kay Denver at s'ya na ang nag babayad kaya naman tuwang-tuwa lagi ang kaibigan dahil libre na lagi ang pagkain nito. “Marc!” tawag ni Madam Marsia. Agad naman lumapit ang binata na kadarating pa lang galing sa delivery prente naman nakaupo si Maxine habang nag lalaro ng cellphone. “Ang daming customer na nag rereklamo 'di mo raw dinideliver ang mga pagkain na inorder nila?” galit na wika ng matanda. napakamot naman ng ulo si Marco. “Gusto kasi nila si Maxine ang mag deliver sa kanila kaya ayaw nilang i-receive madaam kaya imbis na ibalik ko dito at masayang ibenebenta ko nalang sa ibang customer.” huling-huli naman ni Marco ang bahagyang pag ngiti ni Maxine. “Hay ano ka ba naman totoy.” pabuga ng hangin na wika ng matanda napangiwi naman si Marco sa pagtaguri nito sa kanya. pakiramdam n'ya isa s'yang batang uhugin na hindi pa tuli sa pag tawag nito sa kanyang totoy okaya naman utoy. 33 years old na s'ya although maraming nag aakalang nasa mid 20’s pa lang s'ya in other term baby face ika nga. “Sa susunod kapag may ganun problema itawag mo sa akin okaya dito kay ineng para naman 'di tayo mawalan ng regular customer sayang din naman.” “E madam diba mas dumami ang customer natin chicks dahil dito kay Tisoy.” bungad ng isang deliveryboy na umakbay sa binata. pasimple naman ianalis ni Marco ang kamay ng ka roommate n'yang si Roger na feeling close agad ng dumating s'ya at ipakilala ni Maxine. Hindi s'ya suplado pero hindi rin s'ya friendly lalo na sa attitude ni Roger na kung baga sa babae malandi. Ilang beses n'ya itong nahuhuling nakikipaglandian sa ibang tindera sa labas kahit ata posteng pinaldahan papatusin nito. Isang beses na rin n'yang narinig na pinag uusapan ng mga ito si Maxine sa loob ng kuwarto nila. Nag papatay malisya lang s'ya pero nakakaramdam s'ya ng pagkapikon kapag sinasabi nitong pakipot lang daw si Maxine pero oras daw na matikman ni Maxine ang halik nito baka daw kahit 'di pa nito ligawan ang dalaga sagutin na agad ito bagay na parang gusto n'yang masuka. Oo 'di naman pangit si Roger pero 'di rin naman ito guwapo malakas lang ang loob nito bagay na tinatawanan lang ng iba nilang ka trabaho na ilag din kay Maxine. Kasama ni Maxine ang 3 pang babaeng nag tatrabaho din sa resto dalawang diswasher at 1 waitress meron pang 3 waitress pero mga hindi stay in may mga asawa na kasi mukhang hindi malakas ang tindahan sa umaga pero pag patak ng 7pm ng gabi dumadagsa ang mga customer. Ganun din ang delivery kaya naman pag minsan natulong din sila sa mga gawain sa loob mg resto lalo na't hindi naman hectic ang delivery. “Alam ko namam ang bagay na iyon kaso 'di rin puwede na mawala ang mga regular natin customer na iintindihan mo ba Marc.” “Yes, madam 'di na mauulit.” “Gusto mo bang ibigay ko sayo ang number ni Maxine.” pakindat na wika ni Roger masama naman ang tingin ang pinukol rito ni maxine na tumayo. “Wag kang epal Roger as if naman alam mo ang number ko.” mataray na usal ni Maxine saka binalingan si Marco. “Sumunod ka sa akin sa labas.” utos ni Maxine saka naglakad palabas ng resto. “Brod., bigay mo sa akin mamaya ang number ng babe ko ha.” bilin pa ni Roger hindi naman umimik si Marco saka tumalikod at sumunod sa dalaga na nakaupo sa motor nito. “Give me your phone.” utos ni Maxine dinukot naman ni Marco ang de keypad na cellphone natawa naman si Maxine ng mahawakan ang cellphone ng binata. “My gosh! stoneage pa ang cellphone mo 'di ka ba na usuhan ng Mellenials.” ani max habang pinipindot iyon. “I don’t need a fancy phone kung deliveryboy lang naman ang trabaho ko hindi bagay.” napatango naman si Max. “Sabagay hindi convinient sa trabaho natin well just for the record ikaw at si Madam lang ang nakakaalam ng tunay kong number hindi sa may tiwala ako sayo but for the sake of our job at sa hypertension ni madaam you can call me anytime basta regarding sa mga marereklamong customer na ako ang hinahanap bukod dun wala na tayong dapat pag usap using phone na iintindihan mo.” mahabang lintanya ni Maxine. “Tingin mo ba mag kakainterest ako sayo?” “Aba malay ko sayo saka wala naman akong paki alam. Basta linilinaw ko lang oras na may ibang nag text o tumawag sa akin. ililibing kita ng buhay kasama ng mga yan.” ani Maxine na ininguso ang 5 lalaki na kumakain sa loob ng resto. kumunot ang noo ni Marco ibig sabihin alam ni Maxine na may mga lalaking nag babantay rito pero hindi man lang ito na aalarma kung sino ang mga iyon unless na lang kilala nito ang mga lalaki. “Kilala mo ba sila?” takang tanong ni Maxine. “Of course, mga kampon sila ni lucifer.” sagot ni Maxine saka tumayo. “Lucifer?” takang tanong ni Marco na sumunod sa dalaga. “Di mo kilala si lucifer?” umiling si Marco. “Si Lucifer ang hari ng mga demonyong nabubuhay sa mundong ibabaw at ang mga yan ang sugo n'ya.” “Kung kilala mo sila bakit 'di mo sila kausapin para paalisin.” “Be my guest.” sagot ni Maxine saka lumingon kay Marco na tiningnan s'ya mula paa hanggang ulo. “What?” inis na tanong ni Marco. “I have this feeling that your one of them kapag napatunayan ko ang hinala ko na sugo ka rin ni lucifer mark my word Marc pag sisihan mo ang araw na muntik mo na akong mabangga.” ani maxine na ngumisi pa bago s'ya iniwan ng tuluyan. Masama naman ang tingin ang ipinukol n'ya sa mga lalaki na panaka nakang nakatingin sa dalaga. Hindi na ang mga ito ang dating tauhan ng ama kaya walang nakakakilala sa kanya ni isa sa mga ito kung sino s'ya bagay na pinag pasalamat n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD