*FLASHBACK* Hinihingal at ramdam na ni Demon ang pagod ng buong katawan nya matapos nyang tapusin at pabagsakin ang kabuuan ng tauhan ng ama ni Ayane. Ilan sa mga ito ay mga nabalian nya ng buto na nawalan ng malay at ang iba ay wala ng buhay. Namamantsahan narin ng dugo ang suot nyang damit hindi lang dahil sa mga napatay nyang mga kalaban kundi narin sa pagdurugo ng sugat nya. Bago sya sumabak sa laban ay pinahigpitan nya kay Tad ang pagkakabenda ng sugat nya pero mukhang napwersa ito kaya muli itong nagdugo at ramdam narin nya ang pamamanhid ng parte ng may sugat nya na agad nyang ikinasapo dito. Ramdam narin nya ang hapdi sa ilang parte ng mukha nya lalo na sa gilid ng labi nya na hindi nya inaasahang matatamaan ng isa sa kalaban nya na agad nyang ginantihan at tinapos ang buhay