"True Friendship is like sound health, the value of it is seldom known until it lost." - Charles Cales Colton "Love does not consists in gazing at each other, but in looking outward together in the same destination." - Antonine De Saint- Exūpery Chapter 16 Nasa iisang kwarto parin at magkakasama sina Ayane at sina Blue habang hinihintay ang pag gising ni Demon. Ilang oras narin itong walang malay at kahit nagamot na ni Tad ang mga natamong sugat nito ay hindi parin nawawala ang pag-aalala ni Ayane. Malapit ng sumapit ang gabi sa japan at alam ni Ayane na hindi sya mapapakali kung hindi parin magigising si Demon. Nakaupo lang sya sa gilid ng kamang hinihigaan ni Demon upang sa pag gising nito ay sya ang una nitong makita. Nakatitig lang si Ayane kay Demon at hindi nya napigilan