Gulat at hindi inasahan ni Ayane ang mabilis na pagtayo ni Demon at pagkuha nito sa wrist nya bago sya marahang itinayo at walang imik na hinila palabas ng resto at iniwan sina Blue na rinig nilang natatawa at may sinasabi na hindi na nila marinig.
Hila-hila lang sya ni Demon sa wrist nya na ikinabagsak ng tingin nya dito. Si Demon ang kauna-unahang lalaki na humawak sa kanya dahil sinasaktan nya agad ang kung sino man ang magtangka. Pero sa case ni Demon, hindi alam ni Ayane kung bakit ayos lang sa kanya na hila-hilahin at hawakan ni Demon ang wrist nya. Ito din ang unang lalaki na nag alala sa maliit na sugat nya na natural lang naman para sa kanya.
Unang kita palang ni Ayane kay Demon sa Fuji Speedway ay nakuha na nito ang atensyon nya, hindi pa nagsisimula ang karera pero ang atensyon nya ay na kay Demon na may kausap inalis nya agad ang tingin nya dito tumalikod ng maramdaman na lilingunin sya nito. Nawiwirduhan si Ayane dahil naattract sya sa presensya ni Demon, nagalingan din sya sa klase ng pangangarera ng binata kaya sineryoso nya ang laban at tinalo ito. Hindi lang nya inasahan ang paglapit nito para muli syang hamunin ng laban. Walang sino man ang lumapit sa kanya para magdemand ng rematch dahil lahat ng nakakalaban nya sumusuko agad na ikinababagod nya pero hindi si Demon kaya natuwa sya dito.
Hindi rin nya inasahan na makikita nya ito sa Ginza Kojyu at ito ang tatakbo para lang habulin ang bag nyang nanakaw. Ang totoo, wala syang pakielam sa bag nya dahil madalas yun mangyari sa kanya at nababalik din naman ang mga ito sa kanya pero hindi nya naiwasang mapangiti noon ng makilala nya si Demon na hinabol ang magnanakaw at ibalik ito sa kanya. Alam nyang nagulat ito sa kanya dahil nagkita ulit sila, gusto pa nya sanang makausap nun si Demon at makilala ito pero namataan nya ang itim na S.U.V na pagmamay ari nya kaya mabilis syang nagpaalam sa binata.
Nang makarating sila sa clinic ng hotel ay agad syang pinaupo ni Demon sa isang upuan dahilan para lingunin sila ng isang nurse na naka duty. Lumapit ito sa kanila pero napansin ni Ayane na kay Demon nakatingin ang nurse, hindi naman nya ito masisisi dahil gwapo ang binata. Mahirap hindi pansinin ang kagwapuhan nito at malakas nitong awra pero ang ayaw ni Ayane ay hindi sya bigyang pansin gayong sya ang dapat asikasuhin nito.
Akmang sisitahin nya ang nagpapakyut na nurse ng maunahan sya ni Demon
"Huwag ako ang tingnan mo Miss Nurse, yung kasama ko." may ngiting sita ni Demon na bahagyang ikinataas ng kilay ni Ayane
"Sorry, ano bang nangyari sa kanya?" tanong ng nurse kay Demon na ikinahalukipkip ni Ayane dahil hindi talaga inaalis ng nurse ang tingin nya kay Demon.
She knew that action, this nurse was flirting to Demon.
"She had a small cut in her side neck, it needs to disinfect." magiliw na sagot ni Demon sa nurse na halata naman nyang nagpapakyut sa kanya.
Demon knows how to flirt pero hanggang dun lang sya, ayaw nyang bigyan ng atensyon angga babae dahil nag aasume ang mga ito sa kanya. Just flirting and nothing else, tulad ng sabi nya sa sarili nya, ayaw nyang maging distraksyon ang babae sa mga gusto nyang gawin.
"Kukuha lang ako ng mga gagamitin." malanding ngiti ng nurse na ngising ikinareak ni Ayane na ikinatayo nya sa pagkakaupo nya at akmang aalis ng harangan sya ni Demon
"Saan ka pupunta?"
"You know handsome kaya kong gamutin ang sarili ko, besides ayokong may ibang gumagamot sa akin kaya babalik nalang aki sa kwarto ko." pormal na pahayag nya na hindi pinansin ni Demon at muli syang inalalayan sa pag upo.
"Maupo ka dyan at dito na gamutin ang sugat mo." sabi ni Demon sa kanya na ikinatitig nya sa binata.
No one's dare to boss her around because she's the freaking boss pero hindi nya alam bakit hindi sya makaangal kay Demon. Dapat ay binabantaan nya na ito pero hindi nya magawang magsalita dito
"Pero ayokong may gumagamot sa akin na iba kung kay---"
"Ako ang gagamot sa sugat mo, hindi naman ako iba sayo diba?Were friends right?" seryosong pahayag ni Demon na kita ni Ayane ang pagkunot ng noo nito.
Dumating ang nurse na may dalang medicinal kit na kinuha ni Demon at ngiting sinabi na sya na ang gagamot sa leeg ni Ayane. Kumuha ng upuan si Demon at kumuha ng cotton buds at nilagyan ng betadine bago nilingon si Ayane.
"Tilt your neck para makita ko yung sugat mo."
Agad namang sinunod ni Ayane ang sinabi ni Demon at itinagilid nya ang leeg nya ng maramdaman nya ang pagdampi ng hawak ni Demon sa sugat nya.
Tahimik lang si Ayane habang ginagamot sya ni Demon pero hindi nya maiwasang titigan si Demon na kita nyang nakakunot parin ang noo at parang hindi mapakali ng bahagya syang lingunin nito dahilan para magtagpo ang mga mata nila.
Marami ng nakikilalang lalaki si Ayane pero ngayon lang sya humanga sa mata ng isang lalaki. Ilang minuto silang magkatitigan ng si Demon ang umiwas na ikinatikhim nito na bahagya nyang ikinangiti.
"Sanay ka bang masugatan?You didn't flinch when i put medicine on your small cut." kumentong tanong ni Demon na agad nyang ikinaangal ng muling dampian ng gamot ang kanyang leeg na may sugat.
"Aww! Don't put too much medicine, so hapdi kaya." biglang angal nya na ikinasalubong ng kilay ni Demon
"Bakit late reaksyon ka naman yata?"
"Hindi lang siguro madiin ang pagdampi mo kanina pero naramdaman ko na. Huwag mo kasing diinan." reklamo ni Ayane na bahagyang ikinangiti ni Demon na lihim nyang ikinatitig sa binata
"But i did it with the same pressure, masyado ka lang talagang late sa reaksyon mo." punang kumento ni Demon na hindi nalang nya ikinaimik.
Matapos syang gamutin ni Demon ay nagpasalamat sya sa binata, lumabas na sila sa clinic at naglakad na pasilyo ng hotel. Nakatanggap ng text si Demon mula kina ToV na dumeretso sila sa pool area para maligo at sinabing sumunod nalang sya. Nakatanggap pa ng pang aasar na text mula sa tatlo na nireplayan nya ng mga mura.
Nagpaalam na sa kanya si Ayane na aakyat na sa kwarto nito na ikinatango nalang nya. Mas maigi na mahiwalay ito sa kanya dahil iba talaga ang epekto nito sa kanya. Habang ginagamot nya ito at ilang inches lang ang layo nya sa dalaga ay ramdam nyang hindi sya mapakali. Being close to the woman who makes his heart pound fast is new to him. Hindi sya sanay at ayaw nyang ientertain ang nararamdaman nya.
Para kay Demon tama ng ginugulo nito ang isipan nya, mas mabuti ng hanggang isipan nya lang ang dalaga bago pa yun lumala.
Matapos makasakay ng dalaga sa elevator ay buntong hininga syang naglakad papunta sa pool area. Hinanap ng mga mata nya sina Blue na nakita nya di kalayuan pool na pinalilibutan ng mga babae at si ToV at Tad na lumalayo lang na parang takot malapitan ng babae. Gusto nyang bawian ng pang-aasar si ToV at Tad kanina sa kanya ng makaranig sya ng malakas na sigaw sa may lobby ng hotel.
"MAY PATAY NA NAKITA SA THIRD FLOOR! TUMAWAG KAYO NG PULIS!!"
Nagkagulo ang mga tao sa lobby at kahit ang mga nasa pool ay narinig ang sigaw na rinig nyang nagbubulungan na. Ayaw naman nya makischismiss sa nangyayari ng matigilan sya ng mapagtanto nya kung saang floor nakita ang sinasabing patay.
Nanlaki ang mata ni Demon at mabilis na tumakbo pabalik sa loob ng lobby para akyatin ang third floor. Hindi malaman ni Demon ang biglang pagkabog ng dibdib nya at pag-usbong ng kaba nya dahil nasa third floor ang kwarto ni Ayane. Nagkakagulo sa loob ng lobby at natataranta pero si Demon ay deretso lang na pumunta sa elevator at madiing pinagpipindot ang button nito para bumukas. Nang hindi nagbubukas ang elevator ay napamurang tinahak nalang ni Demon ang hagdanan at mabilis ang pagakyat na ginawa nya para makarating agad sa third floor.
Hindi alintana ni Demon ang hingal nya sa ilang hagdanan na tibakbo nya, nakarating sa third floor na may mga taong natataranta na gustong makababa. Agad na mabilis na naglakad si Demon sa pasilyo ng ikatlong palapag ng makita nya ang ilang tao na nagkukumpulan sa isang kwarto na agad nyang pinuntahan.
Natigilan si Demon sa pagpasok ng makita nya ang isang lalaki na nakadapa at nakatiwalya pa na naliligo sa sarili nitong dugo. Wala pa ang mga pulis pero hindi napigilan ni Demon na pumasok sa loob para tingnan ang bangkay na hindi naman magawang suwayin ng mga tao na naroon.
Pinagmasdan ni Demon ang bangkay ng lalaki, base sa itsura nito ay isa itong hapon, nakita rin nya na mas maraming dugo sa may bandang leeg nito kaya sa kalkulasyon ni Demon ay namatay ito sa pagkakagilit sa leeg. Sa klase din ng balat nito, mukhang hindi ito ngayong oras namatay. Mukhang may pumatay sa hapon na lalaki ng biglang maalala nya ang dahilan ng mabilis na pag-akyat nya sa third floor.
Agad syang lumabas ng kwarto at pinilit na hanapin si Ayane, hindi alam ni Demon ang room number nito hanggang sa makita nya ang pagdating ng mga pulis at dire-diretsong pumasok sa loob ng kwarto kung nasaan ang bangkay ng may kumuhit sa kanya mula sa likuran nya na agad nyang ikinalingon at parang nakahinga ng maluwag ng makita si Ayane na nagtatakang nakatingin sa kanya
"Anong ginagawa mo dito? Bakit maraming tao at pulis dito?" takang tanong ni Ayane habang sa mga nagkukumpulang tao na nakatingin
"May nakitang patay na lalaki sa loob ng kwarto na 'yun. Mukhang pinatay." sagot ni Demon na kita nyang ikinagulat ng dalaga.
"Talaga?Bakit mo naman nasabi na pinatay?! Can i see it?"
Akmang pupunta si Ayane sa lugar nang pinangyarihan ng krimen ng agad syang pigilan ni Demon.
"Hindi maganda ang makikita mo dun kaya huwag ka ng dumagdag sa mga tsismoso at tsismosa na naandun." sita ni Demon na agad hinila si Ayane para makaalis sa third floor.
Agad na pinindot ni Demon ang button ng elevator na agad namang nagbukas kaya agad silang sumakay ni Ayane pababa sa lobby. Sila lang dalawa ang nasa loob ng elevator.
"Sabi mo pinatay ang lalaking naandun, paano mo nasabi na pinatay sya?Imbestigador ka ba?" biglang tanong ni Ayane kay Demon
"Nah! Paano ko nasabi? Walang matinong tao ang gigilitan ang sarili. That's not a suicide either, it's murder." sagot ni Demon na kunot noong nilingon si Ayane
"Bakit ba nagtatanong ka tungkol dun?Dapat natatakot ka dahil may pinatay sa floor kung nasaan ka. The culprit might still here."
"Ofcourse takot ako nuh, pero naisip ko lang baka may malaking kasalanan ang lalaking yun kaya pinatay sya." normal na pahayag ni Ayane nang magbukas na ang elevator kaya muli syang hinila palabas ni Demon.
Marahan na hinihila ni Demon si Ayane hanggang sa makarating sila ng lobby.
"Dito ka lang, pupuntahan ko lang ang mga kaibigan ko sa may pool area. Aalis na kami dito at sasabay ka sa amin. Hindi na magandang mag unwind dito." bilin na pahayag ni Demon na ngiting ikinatango nalang ni Ayane.
Hindi pa sya masyadong nakakalayo ng marinig nyang magsalita si Ayane
"Undeserving people should expect their death, they did a mistake so they must face the consequences." sambit ni Ayane na ikinalingon ni Demon sa dalaga na bumaling sa kanya at malawak syang binigyan ng matamis na ngiti.