Chapter 04 Part I

3344 Words
"Angelic face with a kindness personality is like a mask of a true identity." - MS. RHEN A. Chapter 04 Tahimik na pinapanuod nina Blue si Demon na maganang kumakain at ramdam nilang may magandang mood ang kaibigan. Wala pang alas sais ng umaga ng kalampagin ng mga ito ang pintuan ng kwarto nila para ayaing mag umagahan sa restaurant na nasa loob ng hotel. Naging maayos ang kasal nina Paxton at Irish kahapon at maagang umalis ang bagong kasal para sa honeymoon trip nila sa Maldives na regalo ni Uncle Lucian. Umuwi narin ang mga matatandang feeling bata, sina Ruhk at sina Ribal at ang mga may asawa na sa Phantoms kasama si Shawn na nagbook na ng flight nito pabalik sa Cebu. Umuwi narin si LAY na kasabay ni YoRi at si Lu na may natanggap na tawag mula sa General nila kaya maaga din itong umalis. Nauna naring umuwi si Devil at ang mga naiwan sa malaking resort sa batanggas ay sina Demon, Blue, ToV at Tad na inaaya pa ni Demon na mag stay sa resort ng isa pang araw na ikinapagtaka nila. Pinilit silang mag stay ni Demon sa resort na aawayan sana nila pero hindi na sila nakatanggi dahil sa pambubulabog nito kagabi kakakatok sa mga kwarto nila. Ngayon ay magkakasama silang apat na kumakain ng umagahan habang pinagmamasdan si Demon. "Nakatulog ka ba ng ayos kagabi Demon? Laki ng bagahe mo sa mata eh." hindi napigilang puna ni Blue kay Demon na ikinahinto nito sa pagkain at nilingon ang kaibigan. "Nakatulog ako Ynarez kaya lang kulang eh, alam mo kung bakit? Ang hirap nyo kasing kumbinsihin na mag stay ng isang araw pa dito mga peste kayo. Inabot ako ng madaling araw kakakatok sa mga pintuan nyo." reklamo ni Demon na pinagpatuloy ang pagkain Hindi napuyat si Demon sa pagkukumbinsi sa mga kaibigan, napuyat sya kakaisip sa babaeng may pangalan na. Nahirapan syang makatulog dahil naiisip nya ang ang dalagang narito na sa pilipinas at nasa iisang lugar silang dalawa. Hindi sya pinatulog ng dalaga sa isipan nya kaya ngayon malalaking eyebags ang nakikita sa kanya. Ang malala pa dahil hindi sya makatulog dahil sa dalaga, nagawa pa nyang bumaba sa hotel at pumunta sa information ng hotel para tanungin kung saan floor nag stay si Ayane. "Ano ba kasing dahilan at gusto mo pang magstay ng isang araw dito Mondragon? Pasalamat ka hindi masyadong puno ang sched ko sa Ospital dahil kahit magluluhod ka sa harapan ko uuwian kita." pahayag ni Tad na nagpangalumbaba sa lamesa habang nakatingin kay Demon. "Mahalaga ang case ko next week na kailangan kong pag aralan pero dahil sobrang kulit mo kagabi pinagbigyan kita anak ni Lucifer. Kaya gandahan mo ang rason mo." pahayag naman ni ToV na kinuha ang tasa ng kape nya at uminom. "Ano ba kasing dahilan at kinulit mo pa kaming mag stay dito?" naguguluhang tanong naman ni Blue na hindi magawang galawin ang pagkain dahil sa pagtataka kay Demon. Tinapos muna ni Demon ang kanyang pagkain bago sumandal sa kinauupuan nya at ngiti ng nilingon ang tatlong kaibigan "Masama bang mag extend ng isa pang araw para makapag relax tayo? Gusto ko lang mag unwind dahil sa dami ng trabaho ko the past few days at maganda dito para magpahinga. Kailangan natin ang ganitong pahinga guys." paliwanag ni Demon na sabay-sabay ikinakunot ng noo nina Blue "Gusto mo lang pala mag unwind dinamay mo pa kami, kinulit mo kaming manatili dito sa batangas para lang samahan kang mag unwind. Putsa! Anong trip mo Mondragon?" Tad growl in disbelief by Demon's reason Malawak na ngiti lang ang ibinigay ni Demon sa mga kaibigan na sa tingin nila ay napang-abutan sila ng kalokohan ni Demon. "Ang lakas ng topak mo Mondragon sa totoo lang, Aaksayahin ko ang isang araw ko na dapat nire-review ko ang hawak kong kaso dahil may tangna akong kaibigan na gustong may kasama sa pag a-unwind nya. Hindi ko gusto ang rason mo Mondragon." poker face na pahayag ni ToV na sumandal sa kinauupuan nya "Wala namang masamang mag unwind tayo paminsan-minsan, ang daming nangyari sa atin the past few weeks. Tsaka, i found this place peaceful." pahayag ni Demon na idinako ang tingin sa entrance ng restaurant ng hotel. Umaga na at for sure papasok na ang kanina pa nya inaantay na dumating. Nawiwirduhan na si Demon sa kanyang sarili dahil ang pinaka rason kung bakit nanatili sya sa resort at pinilit ang mga kaibigan na samahan sya ay dahil kay Ayane. Dahil sa pagkikita nila kagabi sa elevator pakiramdam ni Demon ay gusto nya parin itong makita. Nagawa nyang kulitin ang mga kaibigan dahil lang sa gusto nyang makita ulit si Ayane. Naisip din Demon kagabi ang napag usapan nila ni LAY, kung mabilis nga syang nahulog kay Ayane ay malaking problema yun sa kanya. Ayaw pa ni Demon na maranasan ang naranasan ng mga kaibigan nya pagdating sa pag-ibig. Hindi nya alam kung anong kaya nyang gawin sakaling tanggapin nya na sa sarili nya na mabilis syang nahulog sa dalaga. Ngayon pa nga lang, nagawa nyang mag stay pa sa resort para lang makita ulit ang dalaga paano pa kaya pag inamin nya na sa sarili nya na gusto nya na nga ito at hindi lang basta atraksyon ang nararamdaman nya sa dalaga. "Gusto kong maniwala Demon na gusto mong mag unwind dito kaya lang ang meaning ng unwind sayo ay car racing. Tol, walang racing field dito." sambit ni Blue na ikinabalik ni Demon ng tingin sa kaibigan "Bakit ba ang dami mong sinasabi Ynarez, kumain ka na nga lang dyan." sita ni Demon sa kaibigan bago dinampot ang baso ng tubig habang pasulyap sulyap sa pintuan ng restaurant Naiiling na hindi nalang nagtanong pang muli sina Tad kay Demon, nawiwirduhan sila sa trip nito pero pinagbigyan nalang nila. Siguro nga tama ito na mag relax kahit papaano dahil maraming mabibigat na nangyari sa kanila. Lulubusin nalang nila ang trip ni Demon bago bumalik sa mga trabaho nila at maging busy ulit. Hindi naman mapigilan ni Demon ang panaka-nakang paglingon sa pintuan na napansin ni Blue kaya nilingon narin nito ang pintuan ng restaurant ng hotel. Kunot noong binalik nya ang tingin kay Demon na pasulyap sulyap parin sa may pintuan na ikinapagtaka ni Blue. Nakikita kasi nyang hindi mapakali ang mga mata nito na parang may inaabangan. "May inaantay ka bang pumasok dito sa resto Demon?" punang tanong ni Blue sa kaibigan na mabilis nitong ikinalingon sa kanya Naguguluhang nakatingin narin sina Tad at ToV kay Demon na parang hindi inasahan ang tanong ni Blue. "A-anong sabi mo?" "Ang sabi ko kung may inaantay kang pumasok dito sa loob ng resto. Napansin ko kasi na pasulyap-sulyap ka sa may pintuan eh. Anong meron ha?" "Bakit Ynarez?Masama bang tumingin sa may pintuan?" depensa ni Demon na ikinasingkit nf mata ni ToV "May inaantay ka bang papasok dito Mondragon? Hindi ka nagstay dito para mag unwind tama ba? May ibang rason ba?" paghihinala ni ToV na ikinasama ng tingin nito sa kanya "Ano ba yang iniisip nyo?! Sino naman ang hihintayin kong pumasok dito. Huh! Lakas nyong paghinalaan ako na may iba akong rason kaya nagstay dito eh mag a-unwind lang naman talaga ako!" singhal ni Demon na ikinangisi ni Tad dahil sa nakikitang reaksyon kay Demon "Bakit ang defensive mo?Nagtatanong lang naman si ToV sayo." pahayag ni Tad na sinaman ng tingin ni Demon "Alam ko ang nagtatanong sa naghihinala, Aish! Kung ayaw nyong mag unwind tara na! Umuwi na tayo." singhal ni Demon na ikinatawa ng mga kaibigan nya sa kanya "Bakit ba masyadong pikunin ka ngayon Demon, kahapon ka pa ganyan. Bumalik ka lang galing Japan naging pikunin ka na." natatawang kumento ni Blue na pinakitaan lang ng middle finger ni Demon "Sasang ayon na kami sa unwind mo Mondragon, pero ikaw bahala sa accomodation namin dito. Hindi extended ang binayad ni Ignacio dito kaya ikaw ang magbabayad ng kwarto namin at kakainin namin dito." pahayag ni ToV na poker face nalang na ikinasandal ni Demon sa upuan nya "Alam kong sasabihin mo 'yan Valenzuela, wag kang mag alala ako ng bahala, hiyang-hiya naman ako sa inyong tatlo. Kuripot si Shawn pero ang kakapal naman ng mga mukha nyo. Isang kilalang lawyer, isang doktor na may ari ng malaking Ospital at isang idol na malaki ang kinikita sa mga concert ay sa isang car racer lang umaasa ng accomodation nila ngayon. Wow! Iba ang level ng kakapalan nyo." "Ginusto mo naman 'to kaya huwag kang umangal dyan tsaka huwag masyadong magmalinis, ganito ka din sa ibang mga kaibigan natin, bawi-bawian lang." ngising pahayag ni Blue na naiiling na ikinaingos nalang ni Demon Tinuloy nalang nila ang pagkain nila ng umagahan habang nag aasaran ng matigilan silang apat dahil sa isang bulto ng tao na nakatayo sa tabi ng lamesa nila na sabay-sabay nilang ikinalingon dito na ikinalaki ng mata ni Demon kasabay ng pagtambol ng dibdib nya. Damn it! Ito na naman. sita ni Demon sa sarili Nakatingin lang sina Blue sa magandang babae na nakatayo sa tabi ng lamesa nila na may malawak na ngiti sa labi nito na kay Demon nakatuon ang tingin kaya sabay-sabay nilanv binagsak ang tingin kay Demon na kita nila ang gulat sa mukha. "Pwede ba akong maki share ng upuan sa inyo?" magiliw na tanong nito na agad na ikinalingon ni Demon sa paligid ng resto ng makita nyang marami pang bakanteng upuan sa loob. "Ba-bakit d-dto?Marami pang bakante ah." bahagyang nauutal na pahayag ni Demon na sabay-sabay ikinasalubong kilay ng tatko nyang kaibigan na pinapanuod sya. "I can see that handsome, kaya lang hindi ako sanay kumain mag isa. Masama bang maki share dito? Nakakaistorbo ba ako?" "You can sit with us Ms. mukhang ayos lang din naman kay handsome." ngising sabat ni Tad ng may unti-unti syang maisip sa kaibigan na gulat na ikinalingon ni Demon sa kanya. Mukhang nahalata narin nina Blue ang nangyayari kaya nginitian nila ang magandang babaeng gustong makisabay ng umagahan sa kanila. "Your free to sit Ms. We don't mind right handsome?" ngising tanong ni ToV kay Demon na tinapunan sya ng masamang tingin. Hindi inasahan ni Demon ang biglang pagsulpot ng dalaga sa kanila, aaminin nyang inaabangan nya ito pero hindi nya napansin na nakapasok a pala ito at nakapunta sa tabi nila ng hindi man lang nya nakita. Muli na namang naghurumentado ang puso ni Demon na pilit nyang iniignora dahik ayaw nyang ipakita sa mga kaibigan na apektado sya sa presensya ng dalaga. Napaayos nalang ng upo si Demon ng umupo sa tabi nya si Ayane. "Thank you for letting me sit with you guys, hindi lang talaga ako sanay kumain mag isa. Buti nalang nakita ko si handsome dito kaya lumapit na ako." masayang pahayag ni Ayane na ngising nagtatanong na binalingan nilang tatlo ng tingin si Demon na hindi pinansin ang mga kaibigan. "So, kilala mo ang kaibigan namin?" usisang tanong ni Blue kay Ayane na malawak syang nginitian "Mag-kaibigan kami. . " "Teka? At kailan tayo naging mag kaibigan?" biglang angal ni Demon na natulos sa kinatatayuan ng nakangusong nilingon sya ni Ayane "Ang bad mo Demon, bakit tinatanggi mong kaibigan si Ms. Beautiful." ngising asar ni Blue na sinamaan ng tingin ni Demon "Hindi ko sya tinatanggi Ynarez dahil hindi naman talaga kami magkaibigan." "Pero gusto kitang maging kaibigan, actually interesado ako sayo. Ikaw lang ang lalaking nakakuha ng atensyon ko. Hindi ba tayo pwedeng maging friends?" pahayang na sambit ni Ayane na lihim na ikinamura ni Demon dahil naapektuhan sya ng sinabi nito na ikinatanggap nya ng pang aasar sa mga kaibigan. "Interesado naman pala sayo handsome, huwag mo ng tanggihan ang pakikipag kaibigan." asar ni ToV na ginatungan pa ni Tad "Kaya siguro gusto mag unwind, now i know." ngising pahayag naman ni Tad na kita nilang ikinaiinis na ni Demon. "It's rude to talk with you ng hindi kami nagpapakilala, i'm Tork Valenzuela." pagpapakilala ni ToV na inilahad ang kamay kay Ayane na akmang tatanggapin ng dalaga ng ibaba ni Demon ang kamay ni Ayane na ngiting may ngisi na namutawi sa labi ni ToV ganun din sina Tad "May naamoy akong malansa Asul, naamoy mo din ba?" pahayag ni Tad "Meron Tad, sobrang langsa." ngising sagot ni Blue na lihim n napangiwi ng sipain sya ni Demon sa binti mula sa ilalim ng lamesa nila na imbis na umangal ay natawa nalang si Blue. "Tadeus Han ang pangalan ko at itong may asul na buhok ay si Blue Ynarez, it's nice to know na kaibigan ka ni Demon." "Nice to know you guys, i'm Ayane half japanese-half filipina." pagpapakilala ng dalaga na nilingon si Demon na nagpipigil na pagbabatukan sina Blue dahil sa halatang pang aasar ng mga ito sa kanya. "Ilang beses na tayong nagkita tapos nagkita rin tayo kagabi sa elevator, hindi mo ba ako naikwento sa kanila?" tanong nito kay Demon na ikinaungos nito ng hindi man lang binabalingan ng tingin ang dalaga. Ayaw nyang makita ng mga kaibigan nya na naapektuhan sya dalaga lalo na pag nakita sya ng mga ito na hindi maiwasang mapatingin sa labi ng dalaga. Inaasar na sya ng mga ito at ayaw nyang madagdagan ang rason para pagkatuwaan sya ng tatlo. "Huh! Bakit naman kita ikukwento sa mga kaibigan ko? Hindi naman tayo masyadong magkakilala." tugon na sagot ni Demon na kita nina Blue na bahagyang ikinasimangot ng dalaga. "Paano pala kayo nagkakilala ni Demon, Ms. Ayane? Ito kasing kaibigan namin ay pili lang sa pakikipag kaibigan lalo na sa babae." tanong ni Blue na ikinalingon sa kanya ng dalaga "Bakit nyo ba sya tinat--hmmmppp!!" Nagulat sina Blue ng mabilis na tinakpan ni Ayane ang bibig ni Demon gamit ang kamay nito para hindi nito matapos ang sasabihin nya. Hindi naman agad naka reak si Demon sa ginawa ng dalaga kaya hindi nya magawang alisin o tabigin ang kamay nitong nakatakip sa bibig nya. "Sa Japan kami nagkakilala, sya ang humabol sa isang magnanakaw na kumuha ng bag ko. Tsaka, sa isang racing field kami nagkita, natalo ko sya sa car racing." pagkwento ni Ayane na agad ikinaalis ni Demon sa kamay nito na nakatakip sa bibig nya ng marinig nya ang sinabi nito na nginitian lang ni Ayane. Hindi naman makapaniwala sina Blue sa ikinuwento ni Ayane kaya agad na dumako ang mga mata nila kay Demon na naasar ang reaksyon pero hindi kinotra ang sinabi ni Ayane. "So, a woman take you down on a race." kumento ni ToV kay Demon "Woahh! Nakakagulat naman na may nakatalo na kay Demon sa larangan ng karera. Bakit hindi mo nakukwento sa amin 'yan?" "Tangna mo!" inis na mura ni Demon kay Blue "Pwede bang humingi ng autograph Ms. Ayane? Ikaw lang kasi ang kaisa-isang nakatalo sa kaibigan namin, wow! a beautiful woman defeat my friend in car racing class." manghang pahayag ni Blue na muling nakatanggap ng sipa kay Demon na ikinangiwi nito at agad hinaplos ang binti nya at sinamaan ng tingin si Demon. "Hindi ka nakakasakit Demon, gagong 'to!" angil ni Blue na ikinalingon nilang tatlo kay Ayane ng tumawa ito "Sorry, nakakatuwa kasi kayo. Huwag nyo ng asarin si Demon, magaling naman sya eh. Nakatsamba lang ako." pahayag ni Ayane na nagsimula ng kainin ang umagahan nya. Lihim namang naiinis si Demon dahil nalaman na ng tatlo nyang kaibigan ang ayaw nyang ikwento sa mga kaibigan. Hindi na sya magtataka kung malaman na ng iba nyang kaibigan ang pagkatalo nya mula sa Japan ng isang babae, alam nyang ikukwento 'yun ni Blue dahil sa taglay nitong kadaldalan. Hindi nalang umimik si Demon sa kinauupuan nya habang makahulugan ang binibigay na tingin at ngiti ng tatlo sa kanya na sinasamaan nya lang ng tingin. Bahagya nya namang tinapunan ng tingin si Ayane na kumakain sa tabi nya, hindi talaga maiwasan ni Demon na lihim na purihin ang dalaga dahil sa natural nitong ganda, naghahalo sa pisikal na anyo nito ang pagiging haponesa at filipina. Mas bagay din dito ang maikli nitong buhok pero aaminin nya na gusto nya ulit makita ang kulay pula nitong buhok. Napadako naman ang tingin nya sa mga labi ng dalaga ng maramdan nya ang pag vibrate ng cellphone nya na agad nyang kinuha at makita ang text ni Tad na ikinalingon nya sa kaibigan na nginuso ang cellphone nya. Binuksan ni Demon ang message ni Tad at nagsalubong ang kilay nya sa text nito. Tad Huwag katitig Mondragon, baka matunaw si Half-Japanese-Half filipina. Sasamaan sana ng tingin ni Demon si Tad ng makarecieve na naman sya ng text galing naman kay ToV ToV Kaya pala gustong mag unwind ah at ang likot ng mga mata may Japinay pala na pakay. You wicked asshole. Huwag pahalata Mondragon, kakakasal lang ni Ignacio huwag mo munang sundan sukob yun. Inis na binura ni Demon ang text nina ToV na sinisimulan na syang asarin dahil kay Ayane. He turn off his phone at itinago sa bulsa nya bago nilingon sina ToV na nginisian lang sya and he mouthed 'f*ck you both* sa dalawa na mas lalong ikinangisi ng mga kaibigan Pinilit ni Demon na huwag nalang pansinin ang pang aasar ng mga kaibigan at huwag paapekto sa presensya ng dalaga. Pinipilit nya ang sarili na huwag mapalingon sa dalaga dahil alam nyang once na lumingon sya dito ay hindi nya na maalis ang tingin sa dalaga. Hindi inakala ni Demon na mas lalong titindi ang atraksyon nya kay Ayane, mas napapatunayan lang nito na mukhang tama ang kalkulasyon ni LAY sa kanya. His undeniably fell in a swift with this girl sitting beside him who gave his first, hindi nya inasahan na ganun kabilis makukuha ng dalaga ang atensyon nya gayong ilang beses palang sila nagkita at hindi ganun katagal ang interaction nila sa isa't-isa He likes the girl pero hindi yun ipapakita ni Demon, hindi sya prepared sa ganitong bagay at ayaw nyang mabaling ang atensyon sa dalaga at hindi na makapag karera. Nakita nya sa mga kaibigan nyang nagmahal ng mainlove ang mga ito na itinigil ang atensyon at oras sa nakasanayan nila dahil sa babaeng minahal nila. Shawn gave up his soccer career because he fell inlove with Ruana and Sergio gave up his rising modeling because he fell inlove with Therice. Ayaw ni Demon na mangyari ang ganun sa kanya, yes his attracted to Ayane at gusto nya na siguro ito pero hindi nya ipagpapalit ang pangangarera dahil lang sa isang babae. Napagdesisyunan ni Demon na hanggat maaga ay pipigilan nyang lumala pa ang atraksyon sa dalaga at hindi na umabot sa love ang nararamdaman nya. Mukhang mali na nagstay sya sa resort dahil lang sa dalaga, akmang tatayo sya at aayain ng umalis sa resort ang tatlo ng hindi nya naiwasang mapalingon sa may bandang leeg ni Ayane na may maliit na hiwa na ikinasalubong ng kilay nya. "Anong nangyari dyan?" deretsong tanong nya na ikinatigil ni Ayane sa pagkain at nalilitong nilingon si Demon. Nakamasid lang ang tatlo sa dalawa ng makita nilang ituro ni Demon ang bandang leeg nya. "May maliit na hiwa ka sa leeg mo, saan mo nakuha 'yan?" pagbibigay alam ni Demon sa nakita na rinig nyang nagkumento ang mga kaibigan pero hindi nalang nya pinansin. Nakaramdam kasi sya ng inis dahil sa hiwa na nakikita nya sa bandang leeg ng dalaga. Sa tingin kasi ni Demon ay kakakuha lang ng dalaga sa maliit na hiwa nito sa leeg. Agad namang hinipo ni Ayane ang parte ng leeg nyang tinuturo ni Demon ng bahagya syang mapangiwi dahil mukhang namaga ang palibot ng sugat nya sa leeg. "Nasabit ata ang leeg ko kung saan, hindi ko napansin. Don't mind it, maliit lang naman 'to." sagot ni Ayane na uminom ng tubig habang tinatakpan ng isang kamay ang hiwa sa leeg nya "May clinic sa hotel na 'to, i can see that it's a bit swollen kaya ipagamot mo." pahayag ni Demon na ngiting ikinabaling ni Ayane sa kanya "Maliit lang naman 'to handsome, kaya kong gamutin ang ganitong sugat kaya no nee---"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD