Chapter 2.2

520 Words
Chapter 2.2 "You saved me Mark. Thank you" sabi ko sa gitna ng mga iyak ko. "Hush now. Halika ka na at iuuwi na kita" Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. Pinunasan niya ang mga luha sa aking mga mata. "Parang bata" sabi niya bago ngumiti Tinulungan niya akong ayusin ang sarili ko bago pumunta sa sasakyan niya. "Please, don't tell anyone about this" sabi ko sa kanya "What do you mean? Paano si Prin? He needs to know this!" galit na sabi ni Mark "Wag , please Mark. Ayokong pag usapan. Kapag lumaki to hindi ko alam paano haharapin si Prin" naiiyak kong sabi "He's your boyfriend. Tingin mo ba magbabago ang tingin niya sayo dahil lang dyan?! Ang babaw naman ng tingin mo sa kaibigan ko" "No. It's not like that. Ayoko lang Mark. Anong sasabihin ng iba? For sure, kapag nalaman to ni Prin hindi siya papayag na hindi makaganti. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kanya Mark. So please, let's stop here. Wag mo na ding iparating kahit kay Kim. Ayokong mag alala sila at sasabihin niya sa parents ko. I don't want bodyguards. Please Mark" pagmamakaawa ko sa kanya "How about that assh*le. Anong balak mong gawin sa kanya?" tanong niya sa akin "I don't know" at tumingin sa harapan ng kotse Hinampas ni Mark ang manibela "Arisse naman you need to do an action about this! Paano kung ulitin niya and this time wala ako para iligtas ka? What will you do?" sigaw nito "What should I do then Mark?" Nilingon ko siya at naghahanap ng sagot mula sa kanya "We will file a case against him. TRO" "Okay. Will you help me?" Ilang sandali siyang natahimik. "Fine. Dumiretso tayo ngayon sa presinto" Tumango ako bilang pag sang-ayon. Pagkapasok sa presinto ay bigla akong kinabahan dahil pinagtitinginan kami ng mga pulis. Napahawak ako sa mangas ng suot niyang t shirt. Napatingin naman agad siya sa akin "Hmm" tanong niya "Kinakabahan ako" "Don't worry. My tito is an officer here sa kanya tayo pupunta" at hinawakan ako ni Mark sa mga balikat para ituro ang tamang daan Pagkapasok namin ay isang lalaking nasa middle age ang sumalubong at agad na nag asikaso sa amin. Si Mark ang nagbigay ng lahat mg detalye na hindi ko masagot dahil sa pag iyak. Natapos ang pagtatanong at sabi sa amin na sila na ang bahala para ipaalam kay Gian ang aksyon na ginawa namin. Hinatid ako ni Mark hanggang sa harap ng condo unit ko. "Are you good? Kaya mo na ba?" Isang pilit na ngiti ang ipinakita ko sa kanya. "Oo. Salamat ng marami Mark. Basta ha yung usapan natin tayo lang makakaalam nito" Hindi siya sumagot agad. Hinawakan ko ang braso niya "Please Mark. Ngayon lang ako humingi ng pabor sayo" "Oo na! Pero kapag nakita ko pang lalapitan ka niya at may ginawa siya ulit sasabihin ko na to kay Prin" Tumango ako bilang pag sang ayon. "Asan nga pala si Kim?" "Wala eh umalis. May 3 days immersion sila na ginagawa ngayon" paliwanag niya "Owww, I see" Natahimik kaming dalawa matapos ang usapang iyon
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD