Chapter 14.1

786 Words
Chapter 14.1 Tatlong araw ko nang hindi nakikita si Mark. Pinapasundo niya lang ako sa driver tuwing umaga at pinapahatid kapag uuwi. Simula nung huli naming pag uusap ni anino niya ay hindi ko nakita sa office. Bagsak ang mga balikat ko nang pumasok ako sa office. "Okay ka lang Arisse?" tanong ni Ella ang nakapwesro sa katabi kong cubicle "Dysmenorrhea lang" sabi ko at isinandal ang ulo ko sa mesa. "Sana di ka na pumasok" "Di pwede kailangan kong makagawa ng maraming ideas para pagbalik ni Mark ay marami akong mapakita baka sakaling may maaprubahan" "Speaking of" sabi ni Ella at ininguso ang pintuan ng office Mula doon ay pumasok si Mark at may nakalingkis na kamay sa braso niya, napataas ako ng kilay nang makitang si Margie na naman ang kasama niya ngayong araw. Tinignan naman ako ni Margie at nginitian ako ng pang asar at dumikit pa lalo kay Mark. Nakita ko naman ang paggapang ng kamay ni Mark sa beywang nito habang pinapasok siya sa loob ng office Another make out session huh! Bakit hindi kayo sa hotel bat dyan sa office kadiri tong mga to! "Ella, may hot compress ba tayo dyan?" "Oo sa may pantry" Tumayo ako at pumunta sa pantry para maghanda ng hot compress dahil sobrang sakit talaga ng puson ko. Inilapat ko ang hot compress sa puson ko. Nabawasan ang sakit nito nang maramdaman ang init na dala ng hot compress. Palabas na ako ng pantry nang pumasok si Margie. She looked at me bago ako nilampasan. "Lumipat ka pa talaga dito para makalapit kay Mr. Villafuerte. So, desperate pero sa huli ako pa rin ang pinili" Natawa ako dahil sa sinabi niya. Nilingon ko siya at pinag krus ang mga braso ko sa tapat ng dibdib ko "Di ka ba na informed na siya mismo ang pumilit na ilagay ako dito?" natatawa kong sabi sa kanya "and the hell I care kung nag m make out kayo, ang tanong may label ba? Girlfriend ka? O hanggang kama lang?" Kita ko ang iritasyon sa mukha niya sa sinabi ko. Mang asar ka na sa bagong gising wag lang sa babaeng dini dysmenorrhea! Lumapit siya sa akin at hinaplos ang braso ko. "Wait for the label. Pinapatagal ko lang ang panliligaw niya sa akin, wag kang mag alala ikaw ang una kong babalitaan kapag kami na" "Okay. And a little advice. Tell to your suitor to drop down the picture of his ex girlfriend on his table everytime na mag m make out kayo. Ops, ikaw na pala ang nililigawan pero picture pa rin ng ex ang nasa table baka di pa nakaka move on?" pang aasar ko lalo dito Tinaasan niya ako ng kilay at kita kong konti na lang ay sasabog na to sa harapan ko. "Or baka naman hanggang pang office ka lang. Yun lang bye" sabi ko at hindi ko na siya hinintay na makapagsalita. Akala mo naman kung sino. Kung buhay pa si Kim wala ka sa eksena! Maganda ka lang pero maland* ka! Ngiting wagi ako nang makabalik sa table ko at nagsimula ulit na mag drawing pero habang tumatagal ay tila di na tumatalab ang hot compress at lalong sumasakit ang puson ko. Inihiga ko ang ulo ko sa may table at pinilipit ko ang katawan ko. Nakahawak ang dalawa kong braso sa puson. "Ella, pa check mo naman to kay Mark" sabay abot ko sa mga nakarolyong papel na naglalaman ng mga drawing ko nung nakaraang araw. Pumayag naman si Ella at hinatid ang gawa ko kay Mark. Ilang sandali pa ay bumalik na si Ella dala ang mga gawa ko. Malungkot siyang umiling sa akin Bwiset talaga! "Rejected eh, new ideas pa daw pero may isa siyang kinuhang drawing" sabi nito Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. "Alin?" "Di ko alam eh. Basta sabi niya he'll keep that one daw" "Sige salamat Ella" sabi ko at nagpatuloy lang sa paghilig ng ulo ko sa may lamesa. Nakatingin ako sa may glass wall at tinitignan ang napakagandang view mula rito. Green na green ang mga puno at mula kita rito ay kita ang ibat ibang sasakyan at ang asul na langit. Naramdaman ko ang paggalaw ng upuan sa may tabi ko. "Are you okay?" malalim ang boses ni Mark nang magtanong sa akin. Hindi ko alam pero biglang gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ang boses niya. Ibinaling ko ang ulo ko sa direksyon niya pero nakatagilid pa rin na nakahilig sa lamesa at hawak ko pa rin ang puson ko. Kitang kita ko ang gwapo ni Mark mula sa pwesto ko. Nakaupo siya paharap sa akin. Nakabukas ang dalawang mga hita habang nakapatong dito ang dalawang siko niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD