Sofia Calling... Inirapan ko ang cellphone ko ng mabasa ko si Ross ang tumatawag. Nagse-set kasi ako ng alarm sa phone ko para bukas alas-sais gising na ako. "Pambihira ka talaga Ross. Baka lang hindi mo alam nine na ng gabi gusto mo pa akong kausap," "Pumayag si Tito at Tita Meshell, so paano ba iyan Dhana Sofia, bawal mo akong tanggihan sa date natin bukas," "Oo nga! Sinabi ko naman sasama ako," "Gusto ko lang makasigurong walang scam na mangyayari. Goodnight baby, hindi na kita gagambalian para maaga kang magising bukas," "Matulog ka na rin Ross," "Yes Madam, ito na matutulog na rin ako inaantay ko lang ang I love you too—" "Ross Oceanus puro ka biro," "Hindi iyon biro kasi totoo naman talagang mahal kita, Dhana Sofia." "Alam mo ikaw abusado ka?" "Tss pakipot kahit gusto nam