Kadalasan tuwing sabado namimili ng grocery si Ruth sa Puregold. Kailangan kasi niyang mamili ng stock para sa maliit niyang tindahan na pinagkukuhaan niya ng kanyang pang-araw-araw na gastusin. Napansin niya ang isang batang lalaki na nasa counter, nasa pangatlong pila siya noon. Nakasunod kasi dito ay isang matandang babae, sa tingin niya nasa lima o anim na taon na ang edad nito.
"Ate sige na naman po, gusto ko lang po kasi talaga mabili ang barbie doll na ito para kay Nene. Babayaran ko nalang po sa sunod iyong kulang, iyan palang po kasi ang laman ng alkansya ko po ei." pakiusap ng bata, napalingon ito sa may gawi niya kaya napansin niya na naluluha na ito.
"Naku hindi talaga pwede bata, kasi sakin matacharge yan ei, mabuti pa ibalik mo na yan don sa kinalalagyan nyan marami ng nasa pila o nakakaabala kana," tila naiinis ng sagot ng tindira.
"Parang awa nyo na po ate, sige na naman po oh," tuluyan ng umiyak ang bata.
"Sabi ng alis ei! Sige ka ipapahuli kita sa guard!" galit na sabi ng cashier.
Umiiyak na umalis sa pila ang bata pero nanatili ito sa gilid at umiiyak na nakatitig sa barbie doll na hawak. Dina nakatiis si Ruth, awang-awa siya sa bata. Lumapit siya dito ng matapos siyang makapagbayad sa counter ng mga pinamili.
"Bata, patingin nga ako ng barbie doll na yan," gusto niyang makita ang price niyon kaya hiningi nya. Tila naman nag isa't dalawa ang bata kung ibibigay sa kanya, marahil naisip nito na siya na ang bibili at mawawalan na ito ng chance na bilhin ito. Ngumiti siya sa bata at inilahad ang kamay. Ibinigay naman nito sa kanya ang barbie doll na hawak. Agad na tiningnan niya ang price, 350 pesos ang presyo ng barbie doll. Muli niyang iniabot sa bata ang barbie doll.
"Ate, pwede po bang pakibilang ang pera ko po? Hindi po kasi ako marunong magbilang, para po sana malaman ko kung kulang ba talaga ang pambili ko. Kagabi po kasi bago ko basagin ang alkansya ko, nagpray ako kay God na sana kasya na ang naipon ko para mabilhan ko si Nene ng gustong-gusto niyang barbie doll," pakiusap ng bata sa kanya.
Iniabot nito sa kanya ang ilang tig-twenty pesos at ilang barya. Binilang niya iyon, 180 pesos lang ang perang dala nito. Hindi niya agad sinabi dito na kulang talaga ang pera nito.
"Bakit mo ba gustong-gusto mabili ang barbie doll na iyan boy,para ba kanino yan?" tanong niya.
"Para po kay Nene Ate, kakambal ko po si Nene. Dati po kasi pumunta kami dito kasama si Mama, nakita po nya ito na nakadisplay. Nagustuhan po nya at sabi nya wish nya na magkaron ng ganitong barbie doll. Tapos sabi nya sana daw ito ang ibigay sa kanyang regalo ni Santa Claus. Kaya po gustong-gusto ko po mabili ito ngayon," mahabang sagot ng bata.
Napakunot noo siya, sa pasko pa naman pala niya ito kailangan bakit ngayon na nito ito gustong mabili ei isang buwan pa naman bago magpasko.
"Boy, malayo pa naman ang pasko diba? Ei di sa pasko mo nalang ito bilhin, marami pa naman silang stock nito kaya tiyak kong may mabibili ka pa rin sa pasko ng ganitong barbie doll para sa kambal mo," nakangiting sabi niya.
"P-Pero hindi na po kasi niya nahintay ang p-pasko ei," gumaralgal ang boses ng bata at tuluyan ng naluha.
"Ano? Pero bakit?" takang tanong niya.
Ngumiti ng mapait ang bata, pinahid ang luha at tiningnan ang barbie doll na hawak-hawak.
"N-nasa heaven na po kasi si Nene Ate, at si Mama po ay nasa ospital ngayon. Sabi po ng Papa ko anumang oras daw po ay pupunta na rin si M-mama sa heaven para makasama si Nene kaya po gusto ko mabili itong doll. Nakiusap po kasi ako kay Mama na hintayin nya ako, bumulong po ako sa kanya kasi kahit naman po nakapikit siya alam ko naririnig niya ako. Sabi ko po sa kanya na hintayin niya lang akong m-makabalik para madala nya itong regalo ko kay Nene sa heaven," umiiyak na mahabang paliwanag ng bata, hindi napigilan ni Ruth ang hindi maiyak sa sinabi ng bata.
Tumalikod siya para pasimpleng punasan ang luha at pasimple ring dagdagan ang pera ng bata. Mabuti nalang may sukli pa sa kanya sa mga pinamili kaya may maibibigay pa siya dito.
"Napakabait mo namang bata, sana lahat ng bata katulad mo totoy. Alam ko si God, natutuwa sayo kaya alam ko na pinagbigyan ka niya sa iyong kahilingan. Diba pinagdasal mo kagabi na sana sapat iyang pambili mo. Punta kana ulit sa counter, malay mo nagkamali lang ng bilang sa pera mo," nakangiti pero pigil ang boses kasi pakiramdam niya mapapaiyak nanaman siya.
"T-Talaga po Ate?!" masayang sabi ng bata. Tumango siya at nakangiting pinalapit na ito sa counter.
Kitang-kita niya kung papano napakunot ang noo ng cashier ng bilangin ulit nito ang pera. Ilinagay na nito sa paper bag ang barbie doll at ang sobrang pera ay ibinigay sa bata. Nagniningning ang matang tumakbo ang bata sa kanya.
"Ate, tama po kayo nagkamali lang po ang cashier sa pagbilang ng pera. At ito po oh, may sobra pa. Napakabait po talaga ni God, tinupad nya ang dasal ko at sobra-sobra pa po ang ibinigay nya. Ngayon po mabibilhan ko na rin po si Mama ng paborito nyang white rose. Gusto ko po kasi palagi sya bibigyan non ei kaya lang po huli na po ngayon kasi aalis na sya. Pero okey lang po, alam ko aalis si Mama na masaya dahil mabibigyan ko sya ng paborito nyang puting rosas at makakasama na nya si Nene namin. Salamat po Ate ha, aalis na po ako," masayang sabi ng bata.
Hindi nanaman niya napigilang di maluha. Talagang napakabuti ng batang ito, mabuti ang naging pagpapalaki dito ng magulang nito sayang nga lamang at maaga itong mauulila sa Ina. Niyakap niya ang bata bago ito tuluyang umalis. Ilang sandali lang din ay umuwi na siya pero sa hindi mawala-wala sa isip niya ang batang lalaki.
Ginagabihan sa bahay ni Ruth.
Nanonood siya ng tv ng maibalita ang isang banggaan ng tricycle at van. Sa tricycle ang sakay ay mag-anak na ang sabi sa balita ay nanggaling sa pagsimba dahil nga linggo noon.
On the spot patay ang batang babae, nasabi naman na nacoma ang Ina nito pero awa ng Diyos dahil ligtas ang asawa nito at isa pang anak na napag-alamang kambal pala ng babaeng namatay. Ngunit ang malungkot lamang ei namatay na rin ang Ina ng bata ngayong hapon lang. Bigla siyang kinabahan.
"Di kaya?" sabi niya sa sarili. Hinala niya ay baka ito yong pamilya ng batang lalaking tinulungan niya kanina.
Ang ginawa niya kinuha niya ang address ng mismong location ng pinagburulan sa namatay na biktima. Kinabukasan nagtungo siya sa address na sinabi sa balita, bumili muna siya ng isang dosenang white roses. Nang makarating siya sa lugar, ganon nalang ang panlalamig ng buo niyang katawan.
Lumapit siya sa coffin at nakita niya sa tabi ng bangkay ng babaeng nakahiga doon ang barbie doll na binili ng batang lalaki kahapon at puting rosas na nasa ibabaw ng dibdib nito. Napaiyak siya, hindi masusukat ang paghanga niya sa batang lalaki at paghanga din sa napakabuting mga magulang nito. At syempre panghihinayang dahil maaga itong nawalan ng isang Ina na gagabay dito.
Umalis siya sa lugar na iyon na may ngiti sa kanyang mga labi kahit nalulungkot siya sa sinapit ng pamilya ng bata. Atleast kahit papano naging instrumento siya para matupad nito ang kahilingan ng kapatid nito at maalayan nito ng bulaklak ang mahal nitong Ina kahit sa huling sandali.
THE END