Napaiktad sa sakit sa sikmura si security Nolasco matapos kong suntukin sa tiyan.
‘Stand up!’
Dahan-dahan siyang bumangon ngunit bago pa siya makatayo isang sipa uli sa dibdib ang binigay ko sa kanya at magkasunod-sunod na suntok. Hindi ko tinigilan hanggang sa wala akong makitang dugo sa bibig niya.
Hinubad ko ang necktie at itinapon ‘yun sa sahig.
‘I told you earlier mag-uusap tayo. Kinailangan ko pang ipag-drive si Grandma dahil sa kapalpakan mo. Nag-cancel pa ako ng appointments and worst hindi ako nakatulog kahit na puyat ako last night dahil nga kailangan kong bumawi kay Grandma kasi late ako!’ hinawakan ko ang kwelyo ng kanyang white long sleeve polo, itinayo ko siya saka isinandal sa pader ng basement. Sinakal ko siya ng dalawang kamay.
‘Gustong-gusto kitang patayin!’ nanlilisik ang mga mata kong nakatitig sa mukha niyang iniinda ang sakit.
‘Sorry to interrupt you, Master, nandyan po si Lady Andrea, hinahanap kayo.’ Bumaba si Manang Lisa para sabihin ‘yun.
‘Ha!’ napasuntok ako muli sa mukha ni Nolasco.
‘Sorry po Master.’
‘Ramil!’ tawag ko sa head security na na-assign sa akin.
‘Yes sir?’
‘Linisin niyo ang kalat dito.’
‘Yes sir.’
I started to walk towards the door. Isa-isa kong tinanggal ang botones ng suot kong damit. Hindi ako pwedeng makita ni Andrea na ganito ang ayos. Pumanhik na muna ako sa kwarto para maghugas at magpalit ng damit.
‘Nasaan siya?’ untag ko sa kasambahay nang makababa ako ng living room.
‘Nasa library po ninyo, Master.’
I took a deep breath at ipinasok sa bulsa ng suot kong jogging pants ang magkabila kong kamay.
Nadatnan ko ang babaeng maputi, balingkinitan at may mahaba na buhok sa harapan ng mesa ko. She’s wearing a royal blue off shoulder dress.
‘Nagsawa ka na ba sa Switzerland kaya ka nandito?’
‘Uh!’ isinara niya ang librong binabasa saka nagtaas ng tingin sa akin na nakasandal sa pinto. ‘Ang ingay mo.’
‘Tss.’ Naglakad ako palapit sa kanya.
‘Ang boring ng bahay mo. Nakakabingi ang katahimikan.’
‘Mmm, I agree.’ I sat down the couch in front of the table. ‘Kaya dapat hindi ka na pumunta dito.’
‘Nandito pa naman ako para makita ka tapos ayaw mo? Hindi ko nga sinabi kina mom and dad na nakauwi na ako.’
‘Bakit naman?’
‘Wala lang mas gusto kong makita ‘yang mukha mo na palaging nakabusangot.’
‘Hay!’ tumayo ako. Guguluhin lang ako ng babaeng ‘to. ‘May ginagawa ako at iniistorbo mo ako. Umuwi ka na nga.’
‘Mambababae ka lang naman, eh.’
‘Gawain pa rin ‘yun. Mage-effort pa rin ako at mapapawisan kaya trabaho ‘yun!’ pinandilatan ko siya ng mga mata. ‘Kaya sige na,’ tinataboy ko siya ng kamay. ‘umalis ka na, umuwi ka na sa inyo!’
‘Huy, matanda ka na kaya mag-asawa ka na!’
Singhal niya habang palabas ako pero para akong walang narinig. Pagkalabas ko nakaabang na sa akin si Ramil. Huminto ako sa tapat niya.
‘Alamin mo kung bakit umuwi si Andrea. Kumustahin mo rin ‘yung boyfriend niyang spoiled brat.’ I whispered.
‘Copy sir.’ Nilagpasan ko na siya at umakyat ng kwarto. Dumerecho ako ng verandah at inabangan ang paglabas ni Andrea.
Kita sa pwesto ko ang kotse niya. Lumabas na siya ng bahay. Ipinagbukas siya ng pinto ng kotse ng kanyang security personnel. Huminto siya at tumingala sa akin sa itaas.
Itinaas ko ang kamay sa kanya at nag-wave ng isang beses. Napangisi ako nang irapan lang ako ng maldita bago sumakay ng kotse niya.
‘Hay, nakakainis talaga ang isang ‘yun.’ Pumasok ako ng kwarto, saktong umilaw ang telepono ko.
Binuksan ko ang attachment na pinadala ni Ramil.
Mario John Herras is currently dating Jasmine Louise.
‘Ang gagong ‘to ang lakas ng loob!’ tinawagan ko ang number ni Ramil. ‘Dahil mo sa akin ang ungas na ‘to.’
‘Pero sir baka po malaman ni Gov.’
‘Wala akong pakialam! Basta dalhin mo sa akin ang tarantadong ‘yun! Wala akong pakialam kung paano niyo gagawin! Patayin niyo mga security niya kung kinakailangan! Kaladkarin mo si Gov kasama ng anak niya kung kanakailangan!’ pinatay ko ang telepono at inihagis sa higaan.
Bumuntong-hininga ako sa galit!
‘Mario John Herras, ang lakas ng loob mong ibasura si Andrea! Papatayin kitang hayop ka!’
Napahawak ako sa kaliwang hinliliit kong daliri sa kamay at inikot-inot ang singsing ko.
Lumabas ako ng kwarto, bumaba patungong bar room. Nang ma-sensor ako ng pinto kusa iyong bumukas. Umupo ako sa bar counter, nakabuntot sa akin ang isa sa mga security dito sa bahay. Kinuhanan ako ng ice tube sa freezer, inilagay sa baso saka sinalinan ng whiskey.
Inilagay niya ‘yun sa tapat ko. Malalim ang pag-iisip kong nakatitig sa nagmo-moist na baso.
Napapikit ako at bumuntong-hininga.
‘Babasagin ko talaga ang mukha ng lalaking ‘yun!’
Alas- onse na ng gabi nang makatanggap ako ng tawag na pabalik na sina Ramil at mga kasama niyang security kasama si Mario John.
Nilaklak ko ang alak na laman ng baso pagkatapos ay mabilis na tumayo at lumabas ng bahay. Sa labas ko na lang gagawin ang pagpaparusa sa magaling na batang ‘yun. Ayaw kong mabahiran ang bahay ko ng malansa niyang dugo.
Maya-maya pa nakita ko na ang headlight ng isang sasakyang papasok mula sa main gate na nasa isang kilometro ang layo mula sa villa. Imagine, ganun kalawak ang area ko, idagdag mo pa ang matataas na pader sa paligid. Walang kahit na sinong makakapigil sa akin kapag pinatay ko siya dito sa loob ng bakuran ko.
Bumaba si Ramil mula sa backseat ng black sedan, hinila niya palabas ang isang lalaking nasa 5’7 ang taas, nakasuot ng Hawaiian polo at pants. Nakagapos ang mga kamay nito sa likuran at nakabusal ang bibig. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.
I grinned. ‘Kumusta? Matagal na tayong hindi nagkita.’ Automatiko itong lumuhod sa harapan ko. Umuungol ito na para bang may gustong sabihin. Yumuko ako. ‘Ano ‘yun?’
Patuloy itong umuungol na may kasabay na luha mula sa mga mata.
‘Hay,’ umayos ako sa pagkakatayo at ginalaw ang tenga ko. ‘Sa tingin ko dapat na akong magpatingin sa ENT. Nabinge na ‘yata ako.’ Mas lalong lumakas ang ungol niya, ungol ng humahagulgol. ‘Ipa-schedule mo nga ako sa ENT bukas, Ramil.’
‘Noted, sir.’
‘Nawo-worry ako, eh. Para kasing may sinasabi ‘tong si Mario pero hindi ko naririnig, eh. Ikaw ba, may narinig ka?’
‘Wala po sir.’
‘Kayo?’ tanong ko sa ibang security.
‘Wala din po sir.’ Halos sabay nilang tugon.
‘Wala? Kung ganun hindi tenga ko ang problema? Ah, baka siya ang may problema.’ Turo ko sa lalaking nakaluhod. ‘Hindi lang siguro talaga siya marunong magsalita.’
Patuloy siyang umiiyak at umiiling.
‘Balita ko mahilig daw si Governor sa baseball.’ Nanlaki ang mata niya sa narinig. Bakas ang takot sa kanyang mukha. ‘Siguro naman naturuan ka ng Daddy mo kaya magaling ka naman sigurong catcher ‘diba?’ sunod-sunod na iling niya. ‘Ah, magaling ka nga, sabi ko na, eh.’
Inabot sa akin ng isang security ang baseball bat. Itinaas ko ‘yun at ipinalo-palo sa hangin.
‘May kabigatan pala ‘to.’ I laughed. ‘Baguhan pa ako sa larong ‘to kaya sa lapitan lang natin muna lalaruin ha? Baka hindi ko matamaan ang bola, eh.’
Nanginginig na siya sa takot at walang katapusang pagdaloy ng luha sa pisnge niya. Napangisi ako. Gustong-gusto ko kapag nanginginig at umiiyak na nagmamakaawa ang mga tao. I feel like powerful and superior of everything!
‘Sige nga, subukan natin.’ Pumwesto ako, hinawakan ng maayos ang bat. ‘I’m ready.’ In position na din si Ramil na siyang magiging pitcher.
Nakatiim-bagang kong pinalo ang bola at pinatama ‘yun sa katawan ni Mario. Napaiktad siya sa sakit.
‘Whoa! Grabe ang galing mong catcher Mario.’ Napapailing akong pumalakpak. ‘’Diba ang galing niya?’ tumango at sinabayan ako ng pagpalakpak ng mga security ko. ‘Oh, bilib na ako sa’yo. Manang-mana ka nga kay Gov. Isa pa nga!.’
Nag-pitch uli si Ramil at katulad ng nauna pinatama ko sa kanya.
‘Nakaka-enjoy pala ‘tong baseball. Sige pa nga, Ramil. Maglaro tayo hanggang sa magsawa ako.’
Hindi ako tumigil kakapalo ng bola kahit na nakita ko na ang pasa at duguang mukha ni Mario. Mas lalo akong ginaganahan habang nakikita siyang umiiyak at napapaungol sa sakit.
Hindi ko na mabilang kung nakailang palo na ako. Naramdaman ko na ang pagpatak ng pawis ko. Titira pa sana ako nang matigilan si Ramil.
‘Ano ba! Isa pa!’
‘Sir, nahimatay na po yata.’
Ibinagsak ko ang baseball bat at namaywang.
‘Hay, ano ba yan. Ang weak naman pero ang lakas ng loob gaguhin si Andrea. Buhusan niyo ng tubig!’
Napaubo siya nang magbalik ang kanyang malay tao. Sininyasan ko si Ramil na tanggalin ang busal niya sa bibig.
Namaga na ang mga mata nito sa pasa. Hindi niya na ito magawang imulat. Hindi ko na nakita kung ilang ulit siyang natamaan sa mukha o sa katawan niya.
Yumuko ako at hinila ang buhok niya. Habol ang hininga niyang nanginginig sa takot.
‘Ta-ta-tama na, ma-ma-maawa ka, p-please, Ta-tama na.’
‘Hahahaha, tama na? anong karapatan mong sabihing tama na? Hahahaha.’ Sinabunutan ko siya.
‘Ah!’
‘Binantaan na kita noon na ‘wag na ‘wag mong sasaktan si Andrea kung ayaw mong dumaan sa kalupitan ko pero ‘di ka nakinig! Makinig kang mabuti bata, hindi lang ‘to ang mararanasan mo sa akin! May darating pa, sisirain ko ang buhay mo! ‘Yun ang kabayaran ng pagpapahiya mo sa isang Del Salvacion!’ inimudmod ko ang mukha niya sa vermuda grass.
I stood up and glared at him. ‘Ibalik niyo kay Governor ang anak niya. Kapag pumalag siya sabihin niyong harapin niya ako.’
‘Yes sir.’
Bago ako tumalikod sinipa ko muna siya ng ilang ulit hanggang sa mawalan siya muli ng malay.
‘Putang Ina mo!’ nanlilisik ang mata ko. ‘Alisin niyo na ‘yan bago ko pa mapatay!’ pumasok na ako ng bahay pagkatapos baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Binalikan ko ang iniinom ko kanina. Tinawagan ko si Andrea.
‘Mmm, himala tumawag ka?’ napakasungit talaga ng babaeng ‘to.
‘Nakauwi ka na?’
‘Wala kang natanggap na tawag ‘diba? Kaya malamang nakauwi ako.’
Namaywang akong naglakad palabas sa may pool side ng bahay.
‘Okay ka lang?’
‘Ha?’
‘Yung biyahe mo, okay lang ba? Dapat nauna kang umuwi para makapagpahinga.’
‘Alam mo hindi ko alam kung bakit sinasabi ng lahat na malupit ka at sanggano gayung napakabait at maalaga mo sa akin.’
‘Bakit may iba ba akong choice? Kung pagsusungitan kita siguradong patay ako sa Tatay mo.’
‘Kung ganun dahil takot ka kay Dad kaya ka mabait sa akin?’
‘Hindi ako mabait, nagkataon lang na mahina ka at inaabuso ng iba kaya kahit labag sa loob ko kailangan kitang isama sa alalahanin ko.’
‘Kahit anong sabihin mo at kahit anong marinig ko mula sa ibang tao, mananatili kang si Harry na palaging kakampi ko.’
Natahimik ako sa sinabi niya. Napaka-fragile mo Andrea natatakot akong iwan kang mag-isa.
‘Harry,’
‘O, bakit?’
‘I know it would be hard for you, pero pwede bang humingi ng favor?’
‘Susubukan ko. Ano ‘yun?’
‘Kung kaya mo namang iwasan at talikuran, please ‘wag ka nang manakit. Natatakot akong masaktan ka at mawala.’
Tumawa ako at sinadya kong marinig niya iyon sa kabilang linya.
‘Sabi mo nga ‘diba, masamang damo ako? Kaya tatagal ang buhay ko, ‘wag ka mag-alala.’
‘Mmm, bye. Mag-ingat ka, I love you.’
‘Sige, ikaw din.’ Pinatay ko na ang telepono.
Hindi pa rin siya nagbago. Ang pananamit at pananalita niya lang ang nagbago pero ganun pa rin siya, dependent.
Lahat ng bagay sa mundo maaring mawala at masira kahit na anong oras at ‘yun ang dapat mong maintindihan Andrea. Masyadong malupit ang mundong ‘to para sa isang gaya mo na mahina.