CHAPTER 22

4033 Words
PANAY ang sulyap ni Gelaena kay Gawen habang nasa gilid siya ng swimming pool at nakaupo sa lounge chair. Kasama niya si Emzara doon samantalang nasa loob naman ng gazebo si Gawen at kaharap nito ang laptop. Kanina pa ito mukhang aburido. Hindi kasi maipinta ang hitsura nito kumpara kanina nang dumating ito sa silid ng kaniyang alaga. Ngumiti pa nga ito sa kaniya nang sulyapan siya, pero kanina... nang dumating si Goran at binigyan siya ng bulaklak at tsokolate ng binata, bigla na lamang ito nagalit at sumama ang mood. Bumuntong-hininga siya nang malalim. Hindi kaya nagseselos siya kay Sir Goran? Tanong ng kaniyang isipan. Ah, Gelaena... malabo namang mangyari ’yon! Porket hinalikan ka niya kagabi, magseselos na siya kay Sir Goran? Hindi magseselos si Yorme dahil sa nangyari kanina. Giit pa ng kaniyang isipan. Jusko! Maloloka na ata siya kakaisip kung ano ang dahilan at bigla na lamang naging aburido ang kaniyang irog. “Bes, ayos ka lang ba?” untag na tanong sa kaniya ni Arlene nang hindi niya namamalayan ay nakalapit na pala ito sa kaniya. Umupo ito sa tabi niya. “Kaunti na lang ay matutunaw na ang labidabs mo kakatitig mo sa kaniya simula pa kanina.” Dagdag pa nito sa kaniya. Umismid siya nang lingunin niya ito. “Hindi ko siya tinititigan,” sabi niya. “Ayan ka na naman sa deny talent mo. Kahit kitang-kita ko naman na kanina ka pa nakatitig kay Mayor, mag-d-deny ka pa rin! Haynako, Gelaena.” Anito at inismiran din siya. Nag-iwas siya ng tingin dito at sinulyapan ang kaniyang alaga na busy sa nilalarong online games. Nakahiga rin ito sa isang lounge chair. Mamaya ay nakikinig na naman ito sa usapan ng may usapan. Maypaka-tsismosa pa man din ang batang ito. “Nako, ang balita ko... binigyan ka raw ni Señorito Goran ng bulaklak at tsokolate kanina, ah! Nanliligaw na ba sa ’yo si señorito?” tanong ni Arlene sa kaniya mayamaya. “Hindi siya nanliligaw sa ’kin, Arlene,” sagot niya. “Totoo?” tanong pa nito na parang ayaw maniwala sa sinabi niya. “Ang sabi kasi nina Nanay Hulya kanina, rinig daw nila ang sinabi ni Señorito Goran sa ’yo na inaaya ka niyang mag-date mamayang gabi. Nako, amiga... sinasabi ko sa ’yo, huwag na huwag kang papayag. Paano na lamang ang manok ko?” anito na sinulyapan din si Gawen. Napatingin din siyang muli sa binata. Malungkot na bumuntong-hininga siyang muli. “Nagagalit na naman siya sa akin,” mahinang sabi niya. “Isa lang ang dahilan kung bakit nagagalit na naman sa ’yo si Yorme mo.” Kunot ang noo na nilingon niya ulit si Arlene. “Nagseselos siya kay Señorito Goran.” “Nagseselos? Bakit naman siya magseselos sa kapatid niya? E, hindi naman—” “Hindi ba obvious, amiga?” tanong ni Arlene kaya naputol ang kaniyang pagsasalita. “Malamang nagseselos si Yorme mo kay Señorito Goran dahil binigyan ka niya ng bulaklak at tsokolate. Ibig sabihin n’on... may gusto rin sa ’yo si Mayor Gawen.” Saglit siyang napatitig sa seryosong mukha ni Arlene. Totoo? Kaya ba niya ako hinalikan kagabi kasi... crush niya rin ako? Pero bakit hindi niya sinabi sa akin kagabi? May pahalik at pagyakap pa siya sa akin kagabi pero hindi naman niya nilanaw sa akin kung may nararamdaman din siya sa akin! Sa isip-isip niya. Umiling siya. “Malabo, Arlene—” “Haynako, ewan ko na lang sa ’yo Gelaena! Halatang-halata na nga si Yorme mo, pero hindi mo pa ma-gets.” Anito ’tsaka ito tumayo mula sa pagkakaupo sa tabi niya. “Babalik na nga lang ako sa loob. At sana habang pinagmamasdan mo ’yang irog mo ay ma-realize mong crush ka rin ng crush mo.” Anito at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad hanggang sa makapasok ito sa sala. “Arlene!” “Po, Señor Salvador!” anang dalaga at kaagad na naglakad palapit sa matanda na nakaupo sa sofa. “May kailangan po kayo, Señor Salvador?” tanong pa nito. “Come here, hija! Sit down first. May itatanong lang ako sa ’yo.” Bahagyang napalunok ng laway nito si Arlene habang hindi magawang alisin ang pagkakatitig sa señor. Kinabahan itong bigla. Mayamaya ay dahan-dahan itong umupo sa mahabang sofa na inuupuan din ng Señor Salvador. “A-ano... ano po ’yon, señor?” tanong nitong muli. “Magkaibigan na kayo ni Gelaena, hindi ba?” Tumango naman agad ang dalaga. “O-opo.” “Kung gayo’n ay masasagot mo ang tanong ko,” wika nito. “Does she like my son Gawen?” diretsong tanong nito. Saglit na napatitig si Arlene sa mukha ng matanda pagkuwa’y nagpakawala ito nang malalim na paghinga. “Kinabahan naman po ako nang husto dahil sa ninyo, Señor Salvador. Ang akala ko po ay tatanggalin n’yo na po ako sa trabaho ko rito.” Anito at napahawak pa sa dibdib nito. Mahina namang natawa ang señor. “Of course not, hija! Hindi kita tatanggalin sa trabaho mo.” Anito. “So ano nga?” tanong ulit nito. Tipid na ngumiti si Arlene. “E, ayoko po sanang sagutin ang tanong ninyo, pero... o-opo, Señor Salvador,” sagot nito. Mabilis namang sumilay ang ngiti sa mga labi ng matanda. Banayad pa itong nagpakawala nang buntong-hininga. “Really?” “Hindi naman po siguro kayo magagalit kay Gelaena, hindi po ba?” “Why would I get mad, hija?” anito. “I mean... masaya ako ngayon na nalaman ko ang tungkol doon. I really like Gelaena for Gawen.” Bigla namang napasinghap si Arlene kasabay niyon ang panlalaki ng mga mata nito. “Totoo po, Señor Salvador?” medyo napalakas pa ang boses nito. “Shhh! Hinaan mo ang boses mo, Arlene. Baka mamaya ay marinig tayo ni Cattleya. Magagalit na naman sa akin ang isang ’yon.” Nakangiting napatutop naman sa bibig nito ang dalaga. “Natuwa lang po ako bigla, Señor Salvador. Kasi naman po... gustong-gusto ko rin po na magkatuluyan sina Gelaena at Mayor Gawen. Bagay na bagay po silang dalawa hindi po ba, señor?” “Sobra,” natatawang sagot ng matanda at napapatango pa. “My God! So ibig sabihin po... may kasama na po ako sa fans club ng team GaGe.” Halata sa mukha nito ang labis na excitement. “What fans club?” tanong ng Señor Salvador. Kaagad namang umayos si Arlene sa pagkakaupo nito. Bahagyang lumapit sa matanda. “Mga tao po ’yon na sumusuporta sa love team nina Mayor at Gelaena. Kaya po team hashtag GaGe, short for Gawen at Gelaena po.” Pagpapaliwanag nito. “Dalawa na po tayo señor na susuporta sa love team nila. So, okay lang po ba na gawin ko po kayong vice president?” tanong pa nito. Biglang nangunot ang noo ng matanda habang nalilitong nakatitig pa rin sa mukha ng dalaga. “Ano ang ibig mong sabihin, hija?” balik na tanong nito. “Ako po kasi ang president ng love team ng GaGe. E, maghahanap po sana ako ng ibang supporter para the more the merrier po tayo. Gusto n’yo rin naman po sila para sa isa’t isa... kaya, welcome to the fans club at kayo na po ang gagawin kong vice president.” Tumango-tango naman ang matanda ang ngumiti. “Well, kung ganoon... go ahead. Let’s support them, hija. I really like Gelaena for Gawen.” Anito. Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ni Arlene. “Wow! Salamat po, Señor Salvador. Nakakakilig po sila hindi po ba?” Tumangong muli ang matanda habang nakangiti rin nang malapad. NAKASIMANGOT si Gawen na pumasok sa kusina. Kanina pa rin siya bad mood at hindi alam kung paano pakakalmahin ang kaniyang sarili. Hanggang ngayon ay naninibugho pa rin siya dahil sa ginawa ng kaniyang kapatid kanina kay Gelaena. Hindi pa rin matahimik ang kaniyang isipan dahil sa narinig niyang pag-aaya ng kaniyang kapatid ng date kay Gelaena. Sa sobrang inis niya sa kaniyang kapatid, hindi na niya nagawang bumalik sa City Hall para tapusin ang kaniyang trabaho na naiwan doon. Pinapunta niya na lamang si Migo sa mansion upang ihatid ang kaniyang laptop at doon na niya gagawin ang kaniyang trabaho. Muli siyang nagpakawala nang malalim na buntong-hininga nang mailapag niya sa lababo ang baso na bitbit niya. Saktong pagkapihit niya sa may kitchen counter, nakita niya roon ang bulaklak at tsokolate na ibinigay ni Goran kanina kay Gelaena. Saglit siyang napatitig doon. At mayamaya, kunot ang noo na dahan-dahan siyang naglakad palapit doon. Nang makita niya ang maliit na note na naroon sa ibabaw ng bulaklak, saglit siyang sumulyap sa may pinto ng kusina, baka kasi biglang may pumasok doon at makita siyang pinapakialaman niya ang bulaklak ni Gelaena. Nang masiguradong walang tao roon, kinuha niya ang note at kaagad na binasa iyon. In all my life, I have never seen a woman as beautiful as you, Gelaena. Napasimangot siyang lalo at napatiim-bagang. “Babaero talaga ang lalaking ’yon,” nasambit niya at napailing pa. Naiinis na ibinalik niya roon ang note. Oh, Gawen, mabuti pa ang kapatid mo... dahil sa pagiging babaero, malakas ang loob niyang magtapat agad ng nararamdaman para kay Gelaena. E ikaw? Nanghalik at yumakap ka na nga sa kaniya pero hindi mo pa magawang magtapat na gusto mo na siya. Panenermon ng kaniyang isipan sa kaniyang sarili. “Hindi kasi ako babaero. And I never had a girlfriend before.” Kausap pa niya sa kaniyang sarili at dinampot niya rin ang box ng tsokolate. Tinitigan niya iyon pagkuwa’y naiinis na ibinalik niya ulit agad. Bumuntong-hininga siya at pagkuwa’y humakbang na para sana lumabas na sa kusina, pero bigla naman siyang natigilan at muling napalingon sa bulaklak at tsokolate. Nang may maisip siyang ideya, nagmamadali siyang naglakad palapit sa may pinto ng kusina. Sumilip siya sa labas kung may tao roon. Nang wala siyang makita at tahimik naman sa sala, nagmamadali siyang bumalik sa kitchen counter at dinampot ang bulaklak at chocolate. Malalaki ang mga hakbang na lumabas siya sa kusina at pumanhik sa kaniyang kwarto. Pagkapasok niya roon, kaagad niyang itinapon sa basurahan niya ang mga iyon. “Gelaena doesn’t like flowers and chocolates.” Saad pa niya sa sarili at nakapamaywang na tinitigan ang pobreng bulaklak at chocolate. “ARLENE!” tawag niya sa kaibigan nang pagkapasok niya sa kusina ay nakita niyang nasa tapat ng kalan ang dalaga. Abala sa niluluto nito. “Bakit, bes?” tanong nito. “Nakita mo ba rito ’yong bulaklak at chocolate na ibinigay sa akin ni Sir Goran?” tanong niya. Kanina pa kasi niya iyon hinahanap. Sa pagkakaalala niya kasi... sa kitchen counter lamang niya iyon inilapag kanina nang pumasok siya sa kusina para gumawa ng miryenda para kay Emzara. Pero nang pumasok siya sa kusina pagkatapos nilang tumambay sa swimming pool area kanina, kukunin niya na sana iyon doon, pero wala na iyon sa pinaglagyan niya. “Huh? Wala akong nakita nang pumasok ako rito kanina, bes.” Bumuntong-hininga siya. “Dito ko lang naman ’yon inilapag kanina, e!” sabi niya nang tumayo siya sa tabi ng kitchen counter. “Baka kinuha ni Nanay Hulya at dinala sa kwarto ninyo?” “Tinanong ko na si Tiya Hulya, hindi niya raw alam.” “Aba, ewan! Wala naman akong nakita kanina nang pumasok ako rito, e!” sabi pa nito. Magsasalita na sana siya nang pumasok naman si Gawen sa kusina at nagsalita. “Gelaena!” Bigla siyang napapihit paharap dito. “Yes po, Yorme?” “Emzara is looking for you.” “Um, sorry po. May hinahanap lang po kasi ako, e!” aniya. Bahagya namang nangunot ang noo ni Gawen at tumitig sa kaniya. “Hinahanap?” “’Yong bulaklak daw po na ibinigay sa kaniya ni Señorito Goran,” si Arlene ang kaagad na sumagot. Bigla namang napatuwid ng tayo si Gawen at tumikhim pa ’tsaka nag-iwas sa kaniya ng tingin. “Where did you put it?” tanong nito. “Um, d-dito lang po sa kusina, Yorme.” Bumuntong-hininga ang binata. “Sa susunod kasi... kung makakatanggap ka ng bulaklak at tsokolate mula sa manliligaw mo, huwag mo kung saan-saan lamang inilalagay.” Anito. “Inilapag ko lang naman po ’yon saglit dito,” sabi pa niya. “Wala akong nakita nang pumasok ako rito kanina,” sabi nito at muling nag-iwas ng tingin sa kaniya. “Go upstairs. Naghihintay sa ’yo si Emzara.” Pagkasabi niyon ay kaagad itong tumalikod at naglakad na palabas. Nagtatakang sinundan niya ng tingin si Gawen. “Kung sana si labidabs mo ang nagbigay sa ’yo ng bulaklak at chocolate, tutulungan kitang hanapin iyon kahit pa sa buong mansion, bes.” Anang Arlene. Kunot ang noo na napalingon naman siya rito. “Ang sama mo, Arlene!” “Hindi ako masama, amiga. Nagkataon lang na hindi ko manok si Señorito Goran.” Napaismid na lamang siya at naglakad na upang lisanin ang kusina. Napabuntong-hininga pa siya. Hmp! Mamaya ko lang ’yon hahanapin. “SEÑOR SALVADOR!” “Yes, hija?” anang señor nang lumapit sa sala si Arlene. Hindi pa man nito pinauupo sa sofa ang dalaga’y umupo na ito. “May problema po tayo ngayon,” sabi nito. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ng matanda at ipinatong nito sa hita ang hawak na news paper. “Problema?” tanong nito. Tumango naman si Arlene. “Opo,” sagot nito. “E, ang dinig ko po kanina... lalabas daw po ngayong gabi sina Señorito Goran at Gelaena para sa first date nila. Wala po ba tayong gagawin para hindi po iyon matuloy?” tanong pa nito. “Goran likes Gelaena?” halos mag-isang linya pa ang mga kilay nito. “Opo, señor. Kaya po inaya ni señorito si Gelaena kanina kasi gusto niya rin po ang amiga ko.” Saglit na natahimik ang matanda. “Hindi ko alam na may gusto pala ang isang ’yon kay Gelaena.” “Kahit po anak n’yo rin si Señorito Goran, hindi naman po kayo papayag na sila po ang maging mag-love team, hindi po ba?” tanong pa ni Arlene. “Of course not. May pagka-palikero si Goran. Hindi siya bagay kay Gelaena.” Napangiti naman ang dalaga. “So, ano po ang gagawin natin ngayon para po hindi matuloy ang date nila?” Banayad na bumuntong-hininga ang señor at ngumiti. “Well, ako na ang bahala, hija. Basta mamaya, puntahan mo si Gelaena at sabihin mong gusto ko siyang makausap.” Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ni Arlene dahil sa sinabi ng Señor Salvador. “Okay po, señor. Babalik po muna ako sa trabaho ko,” sabi pa nito ’tsaka tumayo sa puwesto nito. “BAKIT ARLENE, may kailangan ka ba?” tanong ni Gelaena nang pagkabukas niya sa pinto ng silid nila ng kaniyang Tiya Hulya ay si Arlene ang nabungaran niyang nakatayo sa labas. “May ginagawa ka ba, bes?” tanong nito. “Um, naghahanap lang ako ng maisusuot ko.” “Talagang sasama ka kay Señorito Goran?” Nagpakawala siya nang buntong-hininga ’tsaka tumalikod at naglakad pabalik sa kaniyang kama. Umupo siya sa gilid niyon habang si Arlene naman ay nakatayo lang sa harapan niya. “Ayoko naman talaga sana. Kaso, nakakahiya naman kay Sir Goran kung...” huminto siya sa kaniyang pagsasalita. Kanina pa niya pinag-iisipan kung sasama ba siya sa binata o hindi. Ayaw niya sanang pumayag, kaso nahihiya naman siyang tanggihan ito. “Kung sasama ka kasi kay señorito, malamang na mag-i-expect ’yon na gusto mo rin siya. At sigurado din ako na kapag pumayag ka sa isang date, masusundan pa iyon ng pangalawa at pangatlo. At mas lalong mag-i-expect sa ’yo si Señorito Goran.” Anito sa kaniya. “Aba, mas mauuna pang magkaroon ng first date ang GoGe kaysa sa GaGe ko,” sabi nito at sumimangot sa kaniya. Mataman siyang tumingin kay Arlene. Magsasalita na sana siya, pero inunahan naman siya nito ulit. “Haynako, basta... huwag ka ng sumama kay señorito. Sa akin ka muna sumama. Ipinapatawag ka ni Señor Salvador. Gusto ka raw niyang makausap ngayon.” Anito. Nangunot naman ang kaniyang noo. “Huh? Bakit daw?” “Hindi ko alam,” sabi nito at lumapit sa kaniya. Kinuha nito ang hawak niyang damit at inilapag sa kama niya at hinawakan ang kaniyang kamay. “Halika na. Mamaya mo na iligpit ’yan.” Wala naman na siyang nagawa kun’di ang magpatianod kay Arlene nang hilahin na siya nito palabas ng silid. Hanggang sa makarating sila sa sala. “Nasaan ang señor?” tanong niya. “Ah, baka nasa office niya. Halika at sasamahan na kita roon.” Muli siyang hinila ni Arlene hanggang sa makarating sila sa tapat ng opisina ng Señor Salvador. “Nasa loob ata siya. Sige na, pumasok ka na, bes.” Saglit niyang tiningnan si Arlene na malapad ang ngiti sa kaniya. Parang may kakaiba siyang nararamdaman ngayon dahil sa klase ng ngiti ni Arlene sa kaniya. “Dali na. Naghihintay sa ’yo ang Señor Salvador.” Anito at ito na rin ang nagbukas ng pinto at bahagya siyang itinulak papasok. Wala na siyang nagawa nang maisarado na ni Arlene ang pinto. Saglit niyang inilibot ang kaniyang paningin sa loob ng library. Dim ang ilaw sa buong silid, pero nakikita naman niya nang maayos ang mga gamit na naroon. Pero si Señor Salvador na nagpatawag sa kaniya dahil gusto raw siya nitong makausap ay hindi naman niya nakita roon. “Señor Salvador?” tawag niya sa matanda. “Narito po ba kayo?” bahagya siyang naglakad palapit sa sofa. “Wala atang tao,” sabi pa niya at banayad na nagpakawala nang buntong-hininga. Mayamaya ay pumihit siya para sana lumabas na lamang sa silid na iyon, pero kaagad namang bumukas ang pinto at pumasok doon si Gawen. Nangunot pa ang noo nito nang makita siya roon. “Yorme?” “What are you doing here?” tanong sa kaniya ni Gawen nang humakbang na ito papasok. “Um, pinapatawag daw po ako ni Señor Salvador kasi gusto niya po akong makausap,” sagot niya. “Kayo po, Yorme? Bakit po nandito kayo?” tanong niya rin. Humakbang si Gawen palapit sa kaniya habang seryoso itong nakatitig sa kaniya. Mayamaya ay bumuntong-hininga rin ito. “Well,” sabi nito at tumikhim. “Naghahanap ako ng libro na puwedeng basahin.” Anito. Tumango naman siya. “Sige po... ah, baka po maisturbo ko pa kayo rito. At isa pa, wala naman po rito si Señor Salvador.” Aniya at kaagad siyang humakbang palayo sa binata. Hayon na naman kasi ang puso niya at nag-uumpisa na namang kumabog. Nagpaparamdaman na naman dahil nasa malapit niya ngayon ang kaniyang irog at sila lamang dalawa sa silid na iyon. “Gelaena!” Napahinto siya sa kaniyang paghakbang, pero hindi siya humarap sa binata. Nanatili siyang nakatalikod dito. Bahagya siyang napalunok ng kaniyang laway. “Y-yes po, Yorme?” kinakabahang tanong niya. Narinig naman niya ang paghakbang nito palapit sa kaniya. Mas lalong tinambol ang kaniyang puso, lalo na nang maramdaman niya ang mainit na palad ni Gawen na humawak sa kaniyang braso. Nahigit niya ang kaniyang paghinga nang maramdaman niya rin ang kuryenteng nanulay mula sa kamay nito papunta sa balat niya. Oh, jusko! Huwag ngayon. Wala sana siyang gawin ngayon sa akin. No! Hindi puwede. Baka... baka hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko. Paghuhumiyaw ng kaniyang isipan at mariin siyang napapikit ng kaniyang mga mata. Dahan-dahang humakbang si Gawen papunta sa harapan niya. “Gelaena!” Nang marinig niya muli ang malumanay na pagtawag ni Gawen sa pangalan niya, dahan-dahan siyang nagmulat ng kaniyang mga mata. Tama nga siya, mataman itong nakatitig sa kaniya. Ngunit hindi niya mahulaan kung ano ang ibig sabihin ng kislap na nakikita niya sa mga mata nito sa mga sandaling iyon. “Y-yorme!” nauutal na sambit niya. Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Tila wala atang may gustong magsalita sa kanila para sirain ang payapang mga sandaling iyon. Sa sobrang tahimik ng paligid, sigurado siyang naririnig na ni Gawen ang malakas na t***k ng kaniyang puso ngayon. Napalunok siyang muli at unti-unting bumaba ang paningin niya sa braso niya nang maramdaman niyang bahagya iyong iniangat ni Gawen at kinuha ng isang kamay nito ang palad niya. Muling umangat ang paningin niya sa gwapo nitong mukha nang masuyo nitong pisilin ang kaniyang palad. “G-gawen!” Biglang sumilay ang maliit ngunit gwapong ngiti sa mga labi ni Gawen nang sambitin niya ang pangalan nito. “I like it,” mahinang sambit nito. “My name sounds better ngayong ikaw na ang bumanggit nito.” Napaawang ang kaniyang mga labi at mas lalo pang napatitig dito. Ano raw? “Say it again, Gelaena.” Para naman siyang nahipnotismo at wala sa sariling ginawa nga niya ang sinabi nito. “Gawen.” Mas lalong lumapad ang matamis na ngiti sa mga labi ng binata. Mayamaya ay masuyo siya nitong hinila hanggang sa magkadikit ang mga katawan nila. Mas lalong nagregodon ang kaniyang puso dahil sa ginawang iyon ni Gawen. “From now on, don’t call me Yorme. I want you to always call me by my name. Gawen. Just Gawen.” Hindi niya nagawang makapagsalita agad. Oh, my gulay! Labis naman siyang nagulat sa mga nangyari ulit sa kanila ni Gawen ngayon. Hindi niya inaasahan na magkaka-moment na naman sila ngayon. Ang pagkakaalam niya kasi, nagpunta siya roon dahil gusto raw siyang makausap ng ama nito, pero heto siya... kinikilig na naman at kaunti na lamang ay maglulupasay na siya sa sahig dahil sa kilig niya. Bumilog ang kaniyang mga labi para sana magsalita na, pero kaagad naman silang nakarinig ng katok mula sa labas ng pinto. Napatingin siya roon, pero si Gawen, nanatiling nakatitig sa kaniya. “Gelaena?” Nang marinig niya ang boses ni Goran, doon lamang siya bumalik sa kaniyang sarili. Muli siyang napatingin kay Gawen. At akma na sana siyang lalayo rito, pero mabilis naman naipulupot ng binata sa kaniyang baywang ang isang braso nito at ang isang kamay naman nito ay mabilis na humawak sa kaniyang batok. Walang sabi-sabi... at sa pang-apat na pagkakataon, muli niyang natikman ang mainit at malambot nitong mga labi. “Gelaena! Are you there?” Kasabay nang pagpikit ng kaniyang mga mata’y narinig niya ulit ang boses ni Goran, maging ang sunod-sunod na pagkatok nito sa pinto. Ah, hindi na niya iyon pinansin! Mas natuon ang kaniyang atensyon sa halik na muling iginawad sa kaniya ni Gawen. Ilang sandali pa’y umangat ang mga braso niya at napatingkayad siya. Kusang pumulupot ang mga braso niya sa leeg ni Gawen. At dahil sa ginawa niyang iyon, naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito sa kaniyang baywang. Mas lalo pa nitong ipinagdikit ang kanilang mga katawan. At nang maramdaman niya ang paggalaw ng mga labi ni Gawen, napapikit siyang lalo. Ewan, pero parang magaling na ata siyang humalik at kusa ring gumalaw ang mga labi niya upang tugunin ang mga halik ng binata sa kaniya. Nagulat pa nga siya at tila ba expert na siya sa larangang iyon. Kahit bahagya na siyang kinakapos sa hangin, hindi na niya iyon pinansin. Mas lalo siyang tumingkayad at ipinulupot pa nang husto sa leeg nito ang kaniyang mga braso. Bahagya pa siyang napaliyad nang dahan-dahang yumuko si Gawen. Hindi naman siya natakot na mahulog siya dahil mahigpit naman ang pagkakayakap nito sa baywang niya at nakasuporta pa rin ang palad nito sa batok niya. Hindi niya alam kung ilang segundo silang nasa ganoong tagpo, basta dahan-dahan siyang nagmulat at napatuwid ng tayo nang maramdaman niyang unti-unting pinapakawalan na ni Gawen ang mga labi niya. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, sabay pa silang napangiti sa isa’t isa. “Hindi ka makikipag-date ngayon kay Goran.” Anito sa kaniya. “B-bakit po, Yorme—” “I said do not call me Yorme. Just Gawen.” Pinutol nito ang pagsasalita niya. Kagat ang pang-ibabang labi ay napangiti siyang muli at napalunok ng kaniyang laway. “Hindi ka makikipag-date sa kaniya dahil iyon ang utos ko, understand?” Wala sa sarili at marahan siyang napatango. “O-okay.” Ngumiti ulit si Gawen at pagkuwa’y ginawaran ng halik ang kaniyang noo bago siya niyapos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD