CHAPTER 36

2935 Words
PAGKABUKAS pa lamang ni Gelaena sa pinto ng kuwarto ni Emzara, biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang makita niya ang isang tangkay ng white rose na nasa sahig. Nagtataka man ay yumuko siya upang damputin iyon. Dahan-dahan niyang hinila ang maliit na papel na nakadikit sa katawan niyon. Nakarelyo iyon! Napangiti siyang bigla nang makita niya ang nakasulat doon. Good morning, L’amour de ma vie! I hope you slept well last night. I love you! Wala sa sariling mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi niya habang ilang beses pa niyang binasa ang sulat ni Gawen para sa kaniya. In fairness, hindi printed ang letrang nakasulat doon. Talagang isinulat iyon ng binata! Dinala niya sa tapat ng kaniyang ilong ang bulaklak na sigurado siyang kinuha lang nito sa garden kanina. Inamoy-amoy niya iyon. Oh, umagang-umaga ay biglang napuno ng kilig at kaligayahan ang kaniyang puso dahil sa ginawang iyon ni Gawen. Hindi niya ini-expect na maglalagay ito ng bulaklak sa labas ng pinto ng silid ni Emzara para sa kaniya. Mayamaya, napatingin siya sa bumukas na pinto ng kuwarto ni Gawen. Nakita niya ang binata na palabas na roon habang inaayos nito ang kuwelyo ng suot nitong white long-sleeve. Mas lalo pang sumilay ang matamis niyang ngiti. “Good morning, Tangi!” Napatingin din naman sa kaniya si Gawen. Awtomatik ding sumilay ang ngiti nito sa mga labi nang makita siya. Humakbang siya palapit dito. “Good morning, my love! Do you like the flower?” tanong nito pagkuwa’y kinabig ang kaniyang baywang at hinalikan siya sa kaniyang pisngi. Tumango naman siya at ipinakita pa rito ang bulaklak na hawak niya. “Salamat dito,” sabi niya. “Nag-abala ka pang pumitas ng bulaklak sa garden.” Dagdag niya pa. “Of course. Just for you, L’amour.” Ani nito. “By the way, tonight, I promise we’ll have dinner date.” “Baka naman makalimutan mo na naman mamaya,” wika niya. Umiling naman agad si Gawen. “Hindi ko na makakalimutan ’yon mamaya, L’amour. Nagpaturo na rin ako kay Arlene kanina kung paano mag-set ng alarm sa cellphone ko para hindi ko na makalimutan mamaya.” Muli siyang napangiti dahil sa sinabi nito. Oh, kinilig na naman siya nang husto! Hindi niya tuloy napigilang halikan ito sa gilid ng mga labi nito. “Aasahan ko ’yan,” sabi pa niya. “I promise.” Ani nito sa kaniya. “So, let’s go to the kitchen. Saluhan mo na akong kumain ng almusal. Maaga akong aalis ngayon para matapos agad ang trabaho ko at makauwi ako ng maaga mamaya.” Binitawan nito ang kaniyang kamay ’tsaka ipinagsalikop ang kanilang mga palad at iginiya na siya sa paglalakad. Hanggang sa makababa sila sa hagdan at makarating sa kusina. Naroon na pala ang mag-asawang Señor Salvador at Doña Cattleya, kumakain na ng almusal. “Good morning, ma, pa!” bati ni Gawen sa magulang nito. “Good morning po, Doña Cattleya, Señor Salvador!” binati niya rin ang mag-asawa at palihim na bumitaw sa pagkakahawak ni Gawen sa kaniyang kamay. “Oh, nariyan na pala kayo! Let’s eat. Saluhan n’yo na kami.” Anang Doña Cattleya sa kanilang dalawa ni Gawen. “Um, m-mamaya na lang po ako—” “Come on, hija! Sumabay ka na sa amin,” wika naman ni Señor Salvador kaya naputol ang kaniyang pagsasalita. Nahihiya pa rin talaga siya sa mag-asawa hanggang ngayon kahit pa tanggap na siya ng mga ito para kay Gawen. Kaya nga madalas, kapag alam niyang nasa kusina ang mga ito ay hindi na siya tumutuloy roon dahil sigurado siyang aayain siya ng mga ito na sumabay sa pagkain. Tama nga ang Tiya Hulya niya na mababait ang mag-asawa. Pero hindi niya talaga maiwasang hindi pa rin mahiya sa mga ito. “Come on, L’amour,” bulong na sabi sa kaniya ni Gawen ’tsaka siya ipinaghila ng silya. Wala na rin siyang nagawa kun’di ang umupo na lamang. Nang makaupo rin sa tabi niya ang binata, ito na ang naglagay ng pagkain sa kaniyang pinggan bago naglagay sa sarili nitong pinggan. “Kumusta naman ang ginagawa ninyong preparation para sa campaign, hijo?” mayamaya ay tanong ng doña. “Okay naman po, ma,” sagot ni Gawen. “Wala naman sigurong problema sa ’yo hija na kasama lagi ni Gawen si Ella, right?” tanong din sa kaniya ng doña nang sulyapan siya nito. Bigla naman siyang napatingin dito at pagkatapos ay tiningnan niya rin si Gawen na nagbaling din ng tingin sa kaniya. “Um, w-wala naman pong problema, Doña Cattleya,” sagot niya. Pero ang totoo, sa tuwing maiisip niyang magkakasama na naman sina Ella at Gawen, awtomatik na nakakadama siya ng inis at panibugho! “Mabuti naman, hija! I mean, I know Ella, mabait din naman ang batang iyon. Sana lang ay maging magkaibigan din kayong dalawa.” Dagdag pang saad ni Doña Cattleya sa kaniya. Mabait? Gusto niya sanang tutulan ang sinabi ng doña, pero ngumiti na lamang siya rito at ipinagpatuloy ang kaniyang pagkain. Ayaw naman niyang bigyan ng dahilan ang mag-asawa para magkaroon ng disgusto sa kaniya para kay Gawen. “Pagpasensyahan mo na hija kung sa ngayon ay ayaw ka pang ipakilala ni Gawen bilang girlfriend niya. Naiintindihan ko naman ang anak ko na gusto niya lang mag-ingat at protektahan ka,” sabi rin ni Señor Salvador sa kaniya. “Naiintindihan ko rin naman po si Gawen, Señor Salvador,” sagot niya. “Don’t worry, hija. Ang mas importante naman ngayon ay alam na namin na may relasyon kayo at hindi naman kami tutol ni Salvador sa inyong dalawa.” Ngumiti pa sa kaniya ang doña matapos sabihin ang mga katagang iyon. Nang muling magbaling sa kaniya ng tingin si Gawen, nagkangitian silang dalawa. “Maraming salamat po ulit sa inyo Doña Cattleya, Señor Salvador sa pagtanggap po sa akin bilang girlfriend ni Gawen,” aniya. “Kung ako lang sana ang masusunod, gusto ko na rin na magpakasal agad kayong dalawa.” Nabilaukan naman si Gawen dahil sa sinabi ng ama nito. Kaagad niyang kinuha ang baso ng tubig nito ’tsaka niya ibinigay rito. Oh, maging siya man ay nabigla sa sinabi ng señor. Ano raw? Kasal agad ang iniisip nito sa kanilang dalawa ni Gawen? “Pa!” anang binata nang makahuma ito. “Ikaw naman Salavador, masiyado mong minamadali ang dalawa.” Anang doña sa asawa. Tumawa lamang ang Señor Salvador. “Why not? I mean, doon din naman ang punta ng mga batang ito, honey! At isa pa, hindi nga ba’t iyon naman ang pinag-uusapan natin kagabi? Just like Uran and Sirak, Sebas and Sakura, gusto mo na ring maging manugang si Gelaena. At, para sigurado ng madadagdagan na rin ang apo natin. Tingnan mo nga si Demetrio, ilan na ang apo niya? Samantalang tayo... wala pang isang taon ang anak nina Uran at Sirak. Si Sakura naman ay hindi pa nanganganak. Aba’y gusto ko habang maliliit pa ang mga apo natin ay maipon na sila para sabay-sabay silang lumaki at close sa isa’t isa. Hindi ba?” “Pa, relax!” natatawang saad na lamang ni Gawen sa ama. Mayamaya, napatungo na lamang siya nang maramdaman niyang unti-unti ng nag-iinit ang kaniyang buong mukha dahil sa kaniyang pagkapahiya. My God! Bakit naman kailangang pag-usapan agad ng mga ito ang tungkol sa bagay na iyon? Hindi siya nakapaghanda! At isa pa... wala pa ngang isang buwan ang relasyon nila ni Gawen, e! Pero pinag-uusapan na pala ng mag-asawa ang tungkol sa pag-aasawa nila ni Gawen! Lihim siyang nagbuntong-hininga upang tanggalin ang kakaibang kaba sa dibdib niya. Medyo dinaga ang kaniyang dibdib dahil sa labis na pagkabigla. “Kung sabagay, hon.” Pagsang-ayon naman ng doña sa asawa. “Ma, pa, please... huwag na po muna ninyong banggitin ang tungkol diyan. Nahihiya na si Gelaena,” sabi ni Gawen at saglit siyang binalingan ng tingin. “At isa pa po, we are still in the stage of getting to know each other. Matagal pa po para mapag-usapan namin ni Gelaena ang tungkol sa bahay na iyan.” Mula sa ilalim ng lamesa, habang nakapatong sa mga hita niya ang kaniyang mga kamay, kinuha ni Gawen ang kanang kamay niya at ipinagsalikop nito iyon sa palad nito at masuyong pinisil. Nag-angat siya ng mukha upang tingnan ito kahit nahihiya siyang mapaulyap sa mag-asawa. Nakangiting lumingon din ulit sa kaniya si Gawen. “Darating naman po tayo sa usaping ’yan,” wika pa nito habang matamang nakatitig sa kaniyang mga mata. Mas lalong tumamis ang ngiti nito sa mga labi. Hindi niya na rin napigilan ang mapangiti. “Aba’y pakibilisan lang ninyo! Hindi ka na bumabata, Gawen. And I’m sure Gelaena too.” Anang Señor Salvador. “At kami rin,” wika ng doña. “Your papa and I are not getting any younger, Mateo. Kailangan ay maka-bonding pa namin ng mas matagal ang mga apo namin.” Nanahimik na lamang siya at nakinig sa pag-uusap ng mag-asawa. Hindi niya naman kasi alam kung ano ang kaniyang sasabihin sa mga ito. Labis siyang nagulat na iyon pala ang mapapag-usapan nila sa umagang iyon. Que horror! Pagkatapos nilang mag-almusal, magkahawak kamay pa sila ni Gawen na naglakad palabas ng mansion. Inihatid niya hanggang sa labas ng main door ang binata. “Bye, L’amour!” anang Gawen at niyakap siya pagkatapos ay hinalikan ang magkabilang pisngi niya. Nakangiting inayos niya naman ang kuwelyo nito at pinasadahan niya rin ng tingin ang buong mukha nito maging ang buhok nito. Bahagya niya iyong inayos. “Mag-iingat ka. At... huwag ka ng makalimot mamaya, okay?” aniya. Ngumiti naman ang binata at ngumiti nang malapad. “I promise, my love! Uuwi ako ng maaga.” “Maghihintay ako,” aniya. “Sige na. Baka ma-late ka pa sa trabaho mo.” “Bye! See you later, my love.” Tumalikod na ito at akma na sanang sasakay sa backseat ng kotse, pero muli itong pumihit paharap sa kaniya at nagmamadaling bumalik sa tapat niya at ikinulong sa mga palad nito ang kaniyang mukha at walang paalam na hinagkan ang kaniyang mga labi. Napapikit na lamang siya at tinugon ang halik na iginawad nito sa kaniya. “I love you.” Ani nito nang pakawalan ang kaniyang mga labi. Malapad at matamis ang ngiti nito sa kaniya. Kahit bigla siyang nakadama ng hiya dahil nakatingin sa kanila si Anilito na nakatayo sa gilid ng pinto ng sasakyan, hindi niya na lamang iyon pinansin at ngumiti rin sa binata. “Bye! I love you, Tangi.” Tumalikod na si Gawen at sumakay na sa kotse nito. “Bye, Anilito! Ingat ka sa pagmamaneho mo, a!” Napalingon siya kay Arlene na nakatayo na pala sa may pintuan habang nakatingin din sa driver ni Gawen. Kumaway pa ito ’tsaka naglakad palapit sa kaniya. Gumanti rin ng kaway ang binata habang malapad ang ngiti kay Arlene. Nang makalulan sa driver’s seat si Anilito, parehong sinundan nila ng tanaw ang sasakyan nang umandar na iyon at hanggang sa makalabas na iyon sa gate. “My God, amiga! Ganito pala ang feeling kapag nagpapaalam ka sa labidabs mo, ano?” anang Arlene sa kaniya. Napahagikhik naman siya at bahagyang nangunot ang kaniyang noo. “Huwag mong sabihin sa akin na kayo na agad ni Anilito?” tanong niya rito. Mas lalo pang lumapad ang ngiti nito sa mga labi at tinalikuran siya. Nagpatiuna itong pumasok sa main door kaya napasunod siya rito hanggang sa makarating sila sa kusina. Agad na lumapit si Arlene sa lababo at ginawa na ang trabaho nitong saglit na iniwan kanina, samantalang nangalumbaba naman siya sa gilid ng kitchen counter. “E, wala namang problema kung maging kami agad ni Anilito, bes,” wika nito. Magkasalubong pa rin ang kaniyang mga kilay na tinitigan niya ang likod nito. “Huh? Arlene, no’ng isang araw lang kayo nagkakilala ni Anilito. Hindi mo pa nga nakikilala nang husto ang taong ’yon, e!” aniya. Bumuntong-hininga naman ito at muling nagbaling ng tingin sa kaniya. “Gelaena, ano naman kung no’ng isang araw lang kami nagkakilala ni Anilito? Mukha namang mabait talaga ang taong ’yon. At isa pa, sabi ni Nanay Hulya, wala naman raw sa tagal ng pagkakakilala mo sa isang tao para magkagusto ka kaniya o magkagustohan kayong dalawa. Ang iba nga... matagal na ngang magkakilala at matagal na nagligawan, pero ang ending... ilang araw o buwan lang nagkahiwalay rin agad.” Ani nito sa kaniya. “Kayo nga rin ni Mayor, e! Hindi nga ba’t naging magjowa naman agad kayo kahit hindi ka pa niya nililigawan.” Dagdag pa nito. Napatikom naman siya ng kaniyang bibig at tipid na ngumiti. Kung sabagay... tama naman ang sinabi ng kaniyang Tiya Hulya kay Arlene. Marami nga siyang kakilala na dumaan muna sa matagal na ligawan, pero ang ending... nagkahiwalay rin agad! Mayroon din naman siyang kakilala na ilang araw lang na nagkakilala at nagkaroon agad ng relasyon, pero tumagal naman ang pagsasama. Hindi pa toxic ang relasyon! “Pero... ang sa amin naman ni Gawen, mahigit isang linggo pa mula nang magkakilala kami bago ko siya naging boyfriend.” Saad niya. “Ah, pareho lang ’yon, bes,” wika nito. “Pareho namang gusto namin ni Anilito ang isa’t isa. Roon na rin ang punta namin bakit patatagalin pa. ’Tsaka, puwede niya naman akong ligawan habang magkarelasyon na kami, hindi ba?” Sang-ayon ulit siya sa sinabi nito. Kahit siya man, iyon din ang sinabi niya kay Gawen no’ng nakaraan. Ang sabi niya, gusto niyang maligawan pa rin nito kahit sila na. Pero mukhang... kagaya sa dinner date nila kagabi na nakalimutan nito, nawala na rin ata sa isip ng binata ang sinabi nito sa kaniya na liligawan siya nito! Oh, masiyado namang makakalimutin ang kaniyang irog! Pero ayos lang din naman. Sa bawat araw naman na magkarelasyon sila ni Gawen, kahit may kaunting tampuhan minsan sa kanilang dalawa... lagi namang ipinaparamdam sa kaniya ng binata na seryoso ito sa kaniya, sa relasyon nila. “Ang akin lang... ayoko na na masaktan ka pagdating ng araw, Arlene.” Lumingon ulit sa kaniya si Arlene at ngumiti. “Salamat, amiga,” wika nito sa kaniya. “Pero... tingin ko naman, mabait talaga si Anilito. Nararamdaman ko naman ’yon. Pareho kaming may takot sa Diyos at pamilya ang unang mahalaga sa amin. So, parang ito na ’yong sign na siya na talaga ang ka-poreber ko, bes.” Kinikilig pang saad nito sa kaniya. Napangiti na lamang siya. “Masaya ako para sa ’yo,” sa huli ay sabi na lamang niya. “Salamat, bes!” Todo suporta naman sa kaniya si Arlene sa relasyon nila ni Gawen, kaya kung masaya naman ito na gusto nito si Anilito, susuportahan na lang din niya ito! Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Arlene ay pumanhik na rin siya sa silid ni Emzara. Sakto namang gising na ang kaniyang alaga kaya kaagad itong naligo at pagkatapos ay pinakain ng almusal. May pasok kasi ito sa school ngayong umaga. NAKAUPO LAMANG si Gelaena sa bench na nasa gilid ng pasilyo ng building habang naghihintay siyang matapos ang klase ni Emzara. Hawak-hawak niya ang kaniyang cellphone at saglit siyang nag-reply sa text message sa kaniya ni Gawen. Nagtatanong ito kung ano ang kaniyang ginagawa sa mga sandaling iyon. Naka-break din daw ito sa trabaho kaya nakapag-message ito sa kaniya. Pagkatapos niyang mag-reply kay Gawen, sakto nang mag-angat siya ng kaniyang mukha at mapatingin sa labas ng gate ng eskwelahan ay nakita niya ang isang pamilyar na lalaki. Kausap nito ang guard at pagkatapos ay tumingin sa direksyon niya. Itinuro pa siya ng lalaki. Bigla siyang nakadama ng kaba sa kaniyang dibdib nang mayamaya ay magsimulang humakbang palapit sa puwesto niya ang lalaki. Kaagad siyang napatayo. “Cullen?” sambit niya sa pangalan ng lalaki. Huminto naman ito sa paglalakad nang makarating sa harapan niya. “Magandang araw po, señorita!” Bigla siyang napahugot nang malalim na paghinga at saglit iyong inipon sa kaniyang dibdib bago niya tuluyang pinakawalan sa ere. Naikuyom niya pa ang kaniyang mga kamay. “W-what... what are you doing here, Cullen?” tanong niya sa lalaki. “Sinusundo po kayo, Señorita Gelaena.” Napalunok siya ng kaniyang laway at bahagyang napaatras. “H-how... How did you know I was here?” tanong niya pa. “Hindi n’yo na po kailangang malaman, señorita. Ang mahalaga po ay sumama na kayo sa akin pauwi sa mansion. Mas lalo pong nagagalit sa inyo ang papa mo.” Ani nito at walang paalam na hinawakan ang kaniyang braso. “No! Please, Cullen! Let me go.” Kaagad siyang nagpumiglas sa lalaki. Bigla siyang nakadama ng labis na takot at pagkabahala. “Pasensya na po, señorita.” Anang lalaki at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniyang braso at pilit siyang hinila. Lumapit din sa kanila ang dalawa pang lalaki na alam niyang bodyguard ng kaniyang papa. “Dalhin n’yo na sa sasakyan si señorita!” utos ng lalaki. “Cullen, please! Don’t do this to me.” Patuloy siyang nagpumiglas habang nag-uumpisa ng mag-init ang sulok ng kaniyang mga mata. Ngunit hindi naman siya pinakinggan ng lalaki, maging ng dalawang bodyguard ng papa niya hanggang sa nailabas na siya ng mga ito sa gate. “Guard, please help me!” paghingi niya ng tulong sa guard. Nang akma na sanang lalapit ang guard, kaagad namang humarang ang lalaking tinawag ni Gelaena na Cullen. “Huwag ka ng makialam dito, pare! Baka mapahamak ka rin.” Ani nito. Wala ng nagawa si Gelaena nang tuluyan siyang maisakay ng dalawang lalaki sa backseat ng van.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD