CHAPTER 35

2798 Words
BAGOT na tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa na nasa loob ng gazebo si Gelaena at nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. Saglit niyang tiningnan ang screen ng hawak niyang cellphone. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap na text message galing kay Gawen. Ang sabi sa kaniya ng binata kanina ay mag-d-dinner date raw sila ngayong gabi. Pero namuti na lamang ang kaniyang mga mata kakahintay roon sa labas, pero ni isang text o tawag manlang ay wala itong ipinadala sa kaniya para sabihin sa kaniya na hindi matutuloy ang kanilang date sa gabing iyon. Kanina pa rin siya nagugutom. Nalipasan na nga siya! Muli siyang napabuntong-hininga at niyakap ang kaniyang sarili nang makadama na naman siya ng lamig pagkuwa’y naglakad papunta sa gilid ng swimming pool. Alas otso na ng gabi. Kaninang hapon pa umalis ng mansion si Gawen dahil may importante raw itong gagawin sa City Hall. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito dumarating. “What are you doing here?” Napalingon siya sa kaniyang likuran nang marinig niya ang boses ni Goran. Naglalakad na ito palapit sa kaniya habang may bitbit na bote ng beer. Nakasuot ito ng puting sando at stripes na pajama kaya kitang-kita niya ang magandang porma ng katawan nito; ang malapad nitong dibdib at mga balikat. Buhay na buhay ang mga muscles nito. “Hindi pa ba dumadating si kuya?” tanong pa nito sa kaniya. Muli siyang bumuntong-hininga at nag-iwas ng tingin dito pagkuwa’y umupo siya sa lounge chair na naroon. Nang makalapit sa kaniya nang tuluyan si Goran, pumuwesto rin ito sa isang lounge chair. “Hindi manlang siya nag-text o tumawag sa akin na hindi siya makakauwi agad,” malungkot na sabi niya habang nakatuon ang paningin niya sa tubig. At mula sa gilid ng kaniyang mata, nakita niyang lumingon sa kaniya si Goran. “Pagpasensyahan mo na si Kuya Gawen, masiyado kasi talaga siyang didecated pagdating sa trabaho niya,” wika nito. “Dati nga, madalas sa City Hall na siya natutulog. Buti ngayon... ngayong nagkakilala kayo at naging girlfriend ka niya, umuuwi na siya rito sa bahay para dito matulog.” Nangunot ang kaniyang noo at nilingon din ang binata. “T-talaga? Hindi siya madalas umuwi rito?” tanong niya. Tumango naman ang binata at dinala sa tapat ng bibig nito ang bote at tinungga iyon. “Umuuwi lang ’yan si kuya rito kapag nagagalit na si mama na masiyado na niyang ibinuburo ang sarili niya sa kaniyang trabaho o hindi kay ay kapag magpupunta na sila ni Emzara sa farm. Hindi manlang marunong magpahinga! Kahit si Emzara, hindi na niya maalagaan nang husto. Pero mabuti na lang at nandito ka na. At nang dahil sa ’yo, nakikita kong okay na silang dalawa.” Tipid siyang ngumiti at itinapon muli ang kaniyang paningin sa tubig. “Basta, ’yong mga napag-usapan natin kanina... huwag mo na munang sabihin kay kuya. Siguradong uupakan ako n’on.” Ani nito at tumawa pa. “Iba pa naman magalit ang isang ’yon.” Dagdag pa nito. “Salamat ulit, Goran.” Lumingon ito ulit sa kaniya. Malapad pa rin ang ngiti sa mga labi. “You’re always welcome, Gelaena.” Muli siyang nagbuntong-hininga nang malalim. Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa bago siya nagbaling ulit ng tingin dito. “Siya nga pala, nabanggit sa akin ni Arlene no’ng nakaraan... totoo bang... nagkaroon ka na ng fiancée dati?” tanong niya. Hindi naman agad umimik si Goran. Kagaya niya kanina’y nakatuon lang din ang paningin nito sa tubig. Pero pagkalipas ng ilang segundo ay lumingon din ito sa kaniya. Mapait itong ngumiti. “Yeah,” sagot nito at bumuga sa ere nng malalim na hangin. “She’s my long time girlfriend. Stacey is my second girlfriend actually.” “Okay lang ba kung... malaman ko kung bakit kayo nagkahiwalay?” tanong niya ulit, kahit pa alam naman na niya kung ano ang dahilan. Sinabi na iyon sa kaniya ni Arlene. Pero gusto niya pa ring malaman mula rito kung totoo ngang niloko ito ng fiancée nito. “I caught her cheating on me. She was with another man,” sagot nito. “I don’t know Gelaena kung ano ang kulang ko? Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Kasi... simula umpisa pa man, alam ko naman sa sarili ko na naging tapat ako sa kaniya at sa relasyon namin. I love her so much. Para sa akin, wala na akong makitang ibang babae na puwede kong makasama hanggang sa pagtanda ko kun’di siya lamang. Pero nang araw na mahuli ko siyang may kasamang ibang lalaki...” huminto ito sa pagsasalita at umiling at muling ngumiti ng mapait. Muli rin nitong dinala sa bibig ang bote ng beer at tinungga ulit iyon. Mataman lamang siyang nakatitig sa mukha nito habang naghihintay na ipagpatuloy ang pagkukwento nito sa kaniya. “Ikakasal na sana kami next year. And... I was damn excited to be honest. Pero hindi na ako naghabol sa kaniya. Alam naman niya kung sino ang nagkamali sa aming dalawa, e! Hinayaan ko na lang siya kung iyon talaga ang gusto niya. Basta ako... simula nang unang araw na minahal ko siya, alam ko sa sarili ko na handa akong gawin ang lahat para sa kaniya. Pero sinayang niya lang ako.” Tumawa pa ito ng pagak. Kahit siya ay hindi na rin napigilan ang mapangiti dahil sa mga sinabi nito. Hindi niya pa kasi naririnig ang salitang sinayang galing mismo sa isang lalaki. At base sa nakikita niyang hitsura ni Goran ngayon habang nagkukwento sa kaniya tungkol sa nakaraan nito, isa lang ang masasabi niya. Sayang! Totoong nagmahal nang tapat at wagas si Goran, pero sinayang nga lang ito ng Stacey na ’yon. Sa tanang buhay niya, si Goran pa lang ang lalaking nakilala niya na naging tapat at totoo sa babae at sa relasyon. Marahil mayroon pang ibang lalaki, pero si Goran pa lang ang nakilala niya. “Huwag kang mag-alala, alam kong may dahilan kung bakit nagkahiwalay kayo ng fiancée mo. Sigurado akong may babaeng dadating ulit sa buhay mo na mamahalin mo ulit at mamahalin ka rin at magiging tapat na rin sa ’yo. Hindi ba’t may kasabihang... Everything happens for a reason? Kaya marahil nangyari ito sa ’yo kasi may plano ang Diyos para sa ’yo, Goran.” Bumuntong-hininga ulit ang binata at umiling. “Maybe for now... mag-chill muna ako. I mean, I was a faithful boyfriend for so many years, Gelaena. Subukan ko kayang maging babaero ano?” tanong nito at nilingon siya. Mabilis namang nagsalubong ang kaniyang mga kilay at napasimangot dahil sa sinabi nito. “Nako, huwag mong sirain ang faithful boyfriend image mo, Goran. Hindi porket sinaktan ka ng fiancée mo ay manloloko ka na rin ng ibang babae,” wika niya rito. “E, kaysa naman wala akong girlfriend na mapapaglibangan.” Tumawa pa itong muli. Napasimangot siyang muli at inirapan ito. “Don’t worry, hindi ka naman kasama sa igi-girlfriend ko—” “Pero kalahi ko pa rin sila.” Tumawang muli ang binata. “Hintayin mo na lang kung kailan darating ang tamang babae para sa ’yo. Huwag mo ng subukan na maging babaero.” “Well, you have a point, Gelaena.” Mayamaya, naputol ang pag-uusap nila ni Goran nang mula sa kanilang likuran ay nakarinig sila ng isang tikhim. Sabay pa sila ng binata na lumingon. Nakita nilang naroon na pala si Gawen. Seryoso ang mukha nito habang ipinapagpalipat-lipat ang paningin sa kanilang dalawa. “Kuya, nandiyan ka na pala,” sabi ni Goran. Nag-iwas naman siya ng tingin sa binata. “Mukhang enjoy kayong magkausap dito!” “Sinamahan ko lang si Gelaena, kuya. Kanina pa kasi siya naghihintay sa pagdating mo.” Ani nito at tumayo sa puwesto nito. “Well, I gotta go, Gelaena. Nandito na si kuya.” Tipid naman siyang ngumiti sa binata nang tumingala siya rito at tumango. “Salamat, Goran,” aniya. “Good night, Gelaena! Good night, kuya!” tinapik pa ni Goran sa balikat ang kapatid nang makalapit ito rito pagkuwa’y umalis na rin nang tuluyan. Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa bago niya narinig ang pagtikhim ni Gawen at naglakad palapit sa kaniya. Umupo rin ito sa puwestong iniwan ng kapatid. “Kanina pa ako naghihintay sa ’yo,” seryosong sabi niya habang nakatuon pa rin sa tubig ang kaniyang paningin. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito nang malalim at nang silipin niya ito mula sa gilid ng kaniyang mata, nakita niyang nakatingin ito sa kaniya. “I’m sorry. Naging busy ako sa office. Marami lang akong ginawa.” “Kumain ka na ba?” walang buhay na tanong niya ulit. “Yeah. Nagpabili ako kay Migo kanina.” Nilingon niya ito at saglit na tinitigan sa mga mata bago muling nag-iwas ng tingin. “Mabuti ka pa nakakain na,” sabi niya. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Gawen. “W-what do you mean, L’amour?” Bumuntong-hininga siya nang malalim at hindi na sinagot ang tanong nito. Pagkatapos ay naiinis na tumayo siya sa kaniyang puwesto. Akma na sana siyang aalis para pumasok na sa loob ng mansion, pero mabilis namang nahawakan ni Gawen ang kaniyang kamay. “W-where are you going, Gelaena?” tanong nito. “Pupunta sa kusina. Kakain akong mag-isa. Tutal tapos ka ng kumain sabi mo hindi ba?” hindi niya na naitago ang iritasyon niya sa binata. Jusko! Ilang oras siyang naghintay na dumating ito dahil may dinner date raw sila. Tapos ngayon malalaman na lamang niya na tapos na pala itong kumain! “Hindi ka pa kumakain, L’amour?” tanong pa nito. Tiim-bagang na napabuntong-hininga siyang muli at humarap dito. Binawi niya ang kaniyang kamay na hawak-hawak nito. “Paano naman ako kakain, Gawen? Naghihintay ako sa ’yo kanina pa kasi ang sabi mo ay mag-d-dinner tayo ng sabay. Tapos ngayon, late ka na ngang nakauwi, malalaman ko pang tapos ka palang kumain samantalang ako, nalipasan na ng gutom at baka magka-ulcer pa.” Lintaya niya pero sa mababag tinig. Napamaang naman si Gawen pagkuwa’y tumayo. Mayamaya ay pilit itong ngumiti sa kaniya. “Oh, jeez! I’m sorry, Gelaena!” ani nito sa kaniya. “I forgot. I was busy—” “Oo. Naiintindihan ko naman, Gawen,” aniya. “Pero sana... nag-text ka manlang sa akin kanina para hindi na ako naghintay.” “I’m really sorry! Nawala na sa isip ko na tawagan ka. I promise, I was just busy, Gelaena.” Naiinis na bumuntong-hininga siyang muli at malungkot na ngumiti rito pagkatapos ay tumalikod na. “Gelaena!” kaagad namang sumunod sa kaniya si Gawen. “Please, I’m sorry.” “Oo na, Gawen! Magpahinga ka na,” sabi na lamang niya. “Kakain na lang ako ulit para samahan kita—” “Hindi na. Kaya kong kumain ng mag-isa.” “No. I insist.” Saad pa nito. Ito pa ang nagbukas ng main door nang makarating sila roon. Pinauna siya nitong makapasok. “Come on—” “Hindi na,” sabi niya ulit at binawi ang kaniyang kamay na kinuha nito. “H-hindi... hindi naman ako nabusog kanina, e! Gusto ko rin talagang kumain ulit pagkauwi ko rito.” Binalingan niya ito ng tingin. Ngumiti naman ito sa kaniya at sinubukan ulit na kunin ang kamay niya, pero pumiksi siya. “Ang galing mo ring mang-uto ano?” tanong niya. “Of course not, L’amour! Talagang nagugutom pa rin ako. At isa pa, hindi naman masarap ang pagkain na in-order ni Migo kanina. Sila lang nina Ella ang nag-enjoy.” “Oh, so kasama pa rin pala ang babaeng ’yon sa opisina mo?” nangunot bigla ang kaniyang noo nang muli niya itong balingan ng tingin. Napakamot naman ito sa batok at muling ngumiti ng pilit sa kaniya. “May kailangan pa rin kasi siyang gawin sa opisina kaya kasama ko siya kanina.” Damn. Nakailang buntong-hininga na ba siya magmula pa kanina dahil sa iritasyon niya? Hindi niya na mabilang! Nagpatuloy siya sa kaniyang paglalakad hanggang sa makapasok sila nang tuluyan sa kusina. Imbes na naiinis lamang siya rito sa kaniyang nobyo dahil sa hindi nito pagtupad sa dinner date na sinabi nito sa kaniya kanina, ngayon ay mas lalo siyang nainis at nanibugho na naman dahil kay Ella. Ang akala niya nang umalis ito kanina sa mansion ay si Migo lang ang kasama nito maging ang apat na empleyado nito sa City Hall. Pero kasama pa rin pala si Ella! “I’m sorry, my love! But I promise you wala naman ginawa sa akin si Ella. I mean, hindi naman siya lumapit sa akin para hawakan ako sa braso. At wala kaming ibang pinag-usapan kun’di tungkol lang sa campaign.” “Hindi ako naniniwala, Gawen,” wika niya habang magkasalubong ang kaniyang mga kilay na nakatitig dito. “Wala akong tiwala sa babaeng ’yon. Kanina nga na nandito kayo sa mansion, panay ang lapit niya sa ’yo at minsan pang sinasadya niyang idikit ang dibdib niya sa braso mo. Ano pa kaya na nandoon kayo sa opisina mo at ang pagkakaalam niya ay hindi mo ako girlfriend.” Panghihimutok niya. “I swear, Gelaena! I’m telling you the truth.” Itinaas pa nito ang kanang kamay para sabihing nagsasabi nga ito ng totoo sa kaniya. “Gawen.” “I promise, my love! You can ask Migo tomorrow kung ayaw mong maniwala sa akin. Kasama ko siya the whole sa office ko. Hindi lang si Ella. And... and, ’yong mga kasama ko rin kanina rito. Kasama rin namin sila sa office ko kaya puwede mo silang tanungin.” “Paano ko naman sila tatanungin kung ganitong hindi mo nga pinapasabi sa kanila na girlfriend mo ako, Gawen?” Napatikom naman ito ng bibig at napakamot ulit sa batok nito. “Yeah, you’re right,” wika nito at ngumiti pa ng pilit sa kaniya. “Ugh, damn! I swear, Gelaena.” Inismiran niya ito at tinalikuran na. “Magpahinga ka na roon. Alam kong pagod ka sa trabaho mo.” Aniya. Oo na. Naniniwala na siya sa mga paliwanag nito. Nakikita naman niya sa mukha at mga mata nitong nagsasabi nga ito sa kaniya ng totoo. Pero naiinis pa rin siya dahil nagutom siya kakahintay rito at hindi nito tinupad ang dinner date nila. Naglakad palapit sa kaniya ang binata. “Sasaluhan na nga kitang kumain.” “Kung busog ka na, huwag na! Magpahinga ka na roon.” “No. I... I promise... I’m still hungry, my love! Kakain ako.” Ngumiti na ito sa kaniya nang matamis. Haynako! Paano ko naman matitiis ang lalaking ito? Naiinis ako sa kaniya, pero ngayong ngumiti siya sa akin... okay fine! Tinatanggap ko na ang sorry niya. Napangiti na rin siya rito. “Nakakainis ka,” sabi na lamang niya. Lumapit sa kaniya si Gawen at niyakap siya nang mahigpit pagkuwa’y hinalikan ang kaniyang pisngi. “Bati na tayo, okay?” ani nito at umangat ang isang kamay sa tapat ng mukha niya at masuyong hinaplos ang pisngi niya gamit ang likod ng palad nito. Napangiti siyang muli. “Oo na,” sabi niya na kunwari ay napipilitan lang. Ngumiting lalo si Gawen at hinawakan ang kaniyang baba at walang paalam na ginawaran ng halik ang kaniyang mga labi. Napapikit naman siyang bigla at napahawak ang isang kamay niya sa baywang nito habang ang isa namang kamay niya ay sa kamay nito humawak. Tumugon siya sa halik nito. Ilang segundong naghinang ang kanilang mga labi bago siya pinakawalan ni Gawen. May malapad na ngiti pa rin sa mga labi nito. “I’m sorry again, Gelaena.” “Oo na! Sorry din! Naiinis lang ako kanina. Pero... okay na ako ngayon,” wika niya. Inipit naman nito ang hibla ng kaniyang buhok sa likod ng kaniyang tainga at hinalikan din ang kaniyang noo. “I love you.” “Kain na tayo.” “Wait.” Pinigilan pa siya nito nang akma na siyang tatalikod. “Bakit?” “Wala akong I love you too, Tangi?” tanong nito na nakanguso na. Napangiti naman siya dahil sa hitsura nito. “Kailangan ko pa palang sagutin ’yon?” pabirong tanong niya. “Of course, Gelaena.” Natawa siya ng pagak. “Oo na. I love you too, Tangi.” “Much better.” Ani nito at hinapit siya sa kaniyang baywang. “Let’s eat.” At iginiya na siya nito papunta sa lamesa. Ipinaghila pa siya nito ng silya. “Pero mag—” “Just sit down, my love! Ako na ang bahala,” sabi nito hindi pa man siya tapos sa kaniyang pagsasalita. Wala na nga siyang nagawa kun’di ang mapangiti na lang at pagmasdan ito nang ito na ang maghain ng kanilang pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD