CHAPTER 38

2798 Words
“GELAENA!” “Yeah?” sagot niya kay Emzara. Magkatabi na silang nakahiga sa kama. Nakaunan ito sa kaniyang braso habang masuyong humahaplos ang isang kamay niya sa buhok nito at nakatitig siya sa kisame. Nasa farm sila ngayon. Kaninang hapon, pagkatapos nilang magluto ng banana cue at mag-snacks ay nagtungo sila roon para doon ulit mamalagi hanggang sa Lunes ng umaga. Labis din talaga siyang humahanga kay Gawen. Kahit gaano pa ito ka-busy sa trabaho, lagi itong naglalaan ng oras at araw para kay Emzara. Kahit puwede itong magtrabaho sa City Hall sa araw ng Sabado at Linggo, pero mas pinipili pa nitong magpunta sa farm para maka-bonding ang bata. Kaya isa iyon sa labis na hinahangaan niya sa binata. Isa iyon sa dahilan kung bakit mas lalo pang lumalalim ang pagkagusto at pagmamahal niya rito. Ngayon pa lamang ay nakikita na niyang magiging responsableng ama si Gawen in the future. “I missed my mommy again,” malungkot ang boses na sabi ni Emzara sa kaniya. Sagit siyang huminto sa kaniyang ginagawa sa buhok nito. Mayamaya ay kumilos siya sa kaniyang puwesto. Nag-angat naman ng mukha si Emzara kaya natitigan niya ang mga mata nito. “I missed her so much. Last night, I had a dream about her.” Malungkot siyang ngumiti at masuyong hinaplos ang pisngi nito. “Ano ang napanaginipan mo tungkol sa kaniya?” tanong niya. Malungkot na bumuntong-hininga ang bata. “She said, she really missed me so much. And she really loves me.” Muli siyang napangiti. “’Di ba... ang sabi ko naman sa ’yo, mami-miss ka rin ng mommy mo. At mahal na mahal ka niya kahit nasa malayo siya at hindi kayo nagkikita at nagkakasama.” “Yeah. But... I want to see her again, Gelaena. I want to hug her again. I want to talk to her again.” Malungkot pa ring saad nito sa kaniya. “Don’t worry, I know... kung nasaan man ang mommy mo ngayon, ganoon din ang gusto niyang mangyari. Gusto niya ring makasama kayo ulit, mayakap ka niya ulit, mahalikan at masabi niya sa ’yo kung gaano ka niya kamahal at kung gaano ka na niya kamiss.” “I hope so, Gelaena! But if I have another chance to be with my mommy. I know I will be happier.” Muli siyang ngumiti at masuyong pinisil ang baba nito pagkuwa’y hinalikan niya ang noo nito. “I love you, Emzara. Puwede mo rin naman akong ituring na mommy mo,” wika niya. “I mean, kung gusto mo lang naman.” Muling tumitig sa kaniya ang bata. Nangingislap pa ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya. “Really, Gelaena?” tanong nito. Muli siyang ngumiti nang malapad. “Of course, Emzara.” Aniya. “Mahal ka ng Daddy Mayor mo. Mahal ko rin ang Daddy Mayor mo. At ikaw rin. Mahal din kita. Kaya walang dahilan para hindi kita ituring na anak ko.” “Really?” tanong pa nitong muli sa kaniya. Tumango siya at masuyong hinaplos ulit ang pisngi nito at pagkatapos ay inipit niya sa likod ng tainga nito ang buhok nito. Muli niyang hinalikan ang noo nito. Bigla naman itong yumakap sa leeg niya. “So, can I call you mommy too?” tanong pa nito. Bigla naman siyang nakadama ng kaligayahan sa kaniyang puso dahil sa naging tanong nito. Ewan, pero bigla siyang nakadama ng labis na tuwa sa puso niya sa mga sandaling iyon. Para bang... may mainit na palad ang humaplos sa kaniyang puso. Sasagot na sana siya sa tanong nito, pero bigla namang bumukas ang pinto ng silid at nagmamadaling pumasok doon si Arlene. “Bes, halika sa labas dali.” Ani nito habang may malapad na ngiti sa mga labi. Nangunot naman bigla ang kaniyang noo. “Huh? Bakit?” tanong niya. “Basta, halika sa labas, dali.” Saad pa nito at kaagad na hiwakan ang kaniyang kamay nang makalapit na ito sa kama; sa puwesto nila ni Emzara. “Arlene, anong oras na, oh! Patulog na kami ni Emzara kaya—” “Bes, saglit lang ito! At isa pa... sigurado akong kikiligin ka sa makikita mo sa labas.” Mas lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay. “Come here, Emzara,” sabi pa ni Arlene sa bata. Nang umalis sa tabi niya si Emzara, wala na rin siyang nagawa kun’di ang bumangon mula sa pagkakahiga niya. Saglit niyang inayos ang kaniyang sarili. “Dali, bes!” anang Arlene at hinila na rin ang kaniyang kamay hanggang sa makalabas sila ng silid at makarating sa sala. Mayamaya ay muling nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang mula sa labas ng bahay ay nakarinig siya ng tunog ng gitara. “My God, bes! Tingnan mo, oh!” anang Arlene nang makalabas na sila sa balkunahe. At doon, nakita niya si Gawen na nakatayo sa ibaba ng hagdan. Nakasuot ito ng white long-sleeve polo na pinatungan ng itim na coat. Maayos na nakapinid ang buhok nito. Malapad ang pagkakangiti habang nakatingin sa direksyon niya. May hawak din itong isang bouquet ng white roses. Habang sa tabi ng binata, naroon si Abraham na may hawak na gitara at pinapatugtog iyon. At kung tama ang pagkakaalala niya sa pangalan ng isang lalaki, si Alihan ito! Pinsan ni Gawen. At sa tabi nito, naroon si Goran na may hawak ding gitara. Nakangiti pa ito sa kaniya. Ano ang ginagawa ng mga ito roon? Bakit may dalang gitara ang mga ito? Dahan-dahan pa siyang humakbang hanggang sa makalapit siya sa gilid ng balkuhane. Matapos niyang ipagpalipat-lipat ang kaniyang tingin sa tatlong lalaki, itinuon niya kay Gawen ang kaniyang paningin at buong atensyon. Oh, napakaguwapo naman nito sa paningin niya ngayong gabi. Este, mas lalo pa itong naging guwapo sa paningin niya ngayon! Sobrang tamis pa ng pagkakangiti sa kaniya. Mayamaya, saglit na huminto sa pagpapatugtog ng gitara sina Abraham at Goran. At ilang segundo lang, ibang kanta na ang sinimulang patugtugin ng dalawa. Biglang may pumasok na idea sa isipan niya. Oh, nanghaharana ba ngayon si Gawen sa kaniya? Hindi niya napigilan ang mapangiti nang malapad dahil sa isiping iyon. Oh, my God! Hindi niya inaasahan iyon! Mayamaya’y nagsimula ng kumanta si Gawen habang hindi nito inaalis ang paningin sa kaniya. Bahagya niyang nahigit ang kaniyang paghinga nang marinig niya ang maganda at nalamyos nitong boses. Banayad lamang at hindi iyon masakit sa kaniyang tainga. Oh, holy lordy! Mas lalo siyang nakadama ng kilig sa kaniyang puso dahil sa ginawang iyon ni Gawen sa kaniya. Hindi niya talaga inaasahan na haharanahin siya nito nang gabing iyon! Sa walong bilyong nakasilong Ikaw ang aking nakasalubong Ating awit ay iginuhit ng langit At araw-araw, napapatanong Paanong natupad aking bulong? Kung bakit sa tulad ko’y napalapit Pa’no nangyaring sa ’kin napatingin? Sa libo-libong mga bituin ’Di ko mawaring ikaw ang para sa ’kin Dalangin kita Ha-ah-ah-ah, ha-ah-ah-ah-ah Ha-ah-ah-ah-ah Kung kalawakan man ang pagitan Tadhana lamang ay ating sundan Dahan-dahan, sa dulo’y ating tagpuan Pa’no nangyaring sa ’kin napatingin? Sa libo-libong mga bituin ’Di ko mawaring ikaw ang para sa ’kin Dalangin kita ’Di inakalang darating ’Di ka na kunwa-kunwaring akin Mataman lamang siyang nakatitig kay Gawen habang seryoso itong kumakanta at nakatingin din sa kaniya. Habang tumatagal na naririnig niya ang lyrics ng kinakanta nito, mas lalong lumalakas ang kabog ng kaniyang puso at hindi niya na napigilan ang pag-iinit sa sulok ng kaniyang mga mata. Sa bawat katagang binibigkas ni Gawen, damang-dama niya ang tunay na pagmamahal nito para sa kaniya. Labis na naliligayahan ang kaniyang puso sa mga sandaling iyon. Sa tanang buhay niya, wala pang may gumawa niyon sa kaniya kun’di si Gawen lamang! Ito na marahil ang umpisa ng panliligaw nito sa kaniya?! Hindi niya namalayan ang pagpatak ng kaniyang mga luha. At nang matapos si Gawen sa kinakanta nito, dahan-dahan itong pumanhik sa baitang ng balkunahe hanggang sa makalapit sa kaniya. Malapad na naman ang ngiti nito sa mga labi. “Hi, L’amour!” bati nito sa kaniya. Saglit niyang nahigit ulit ang kaniyang paghinga ’tsaka niya iyon pinakawalan sa ere at dahan-dahang sumilay ang ngiti sa mga labi niya. “H-hi, G-gawen!” nauutal pang bati niya rin dito. Isang hakbang pa ang ginawa ni Gawen kaya nasa harapan niya na ito nang husto. Tumingala siya rito! “For you,” wika nito at iniabot sa kaniya ang bulaklak. Mabilis niyang kinagat ang pang-ilalim niyang labi nang lalo iyong nag-init pagkuwa’y tinanggap niya ang bulaklak. “Oh, t-thank you,” sabi niya. Umangat naman ang mga kamay ni Gawen at ikinulong sa mga palad nito ang kaniyang mukha. Gamit ang mga hinlalaki nito at pinunasan nito ang mga luha niya na malayang naglalandas sa kaniyang mga pisngi. “Tears of joy, I guess,” sabi nito sa kaniya. Bahagya naman siyang natawa at sinundan din iyon ng pagtango. “H-hindi... hindi ko naman alam na manghaharana ka pala ngayong gabi,” wika niya. Lumapad din ang ngiti sa mga labi ni Gawen at pagkuwa’y walang paalam na siniil ng mariing halik ang kaniyang mga labi. Napapikit na lamang siya at buong puso na tinugon ang halik nito sa kaniya. Narinig niya ang impit na pagtili ni Arlene maging ang boses ng mga lalaking kasama ni Gawen kanina sa ibaba ng balkunahe. Pagkaraan ng ilang sandali, dahan-dahang pinakawalan ni Gawen ang kaniyang mga labi. Nanatili siyang nakapikit lamang ng ilang segundo bago siya nagmulat muli. Nasilayan niyang muli ang guwapo at nakangiting mukha ni Gawen habang mataman itong nakatitig sa kaniya. “Do you like my song for you, L’amour? I mean, isa ito sa paraan ng panliligaw ko sa ’yo.” Bigla naman siyang nakadama ng labis na kilig sa kaniyang puso dahil sa sinabi nito. Oh, sinasabi niya na nga ba, e! Nangliligaw na nga ito sa kaniya! “At sino naman ang nagturo sa ’yo na haranahin mo ako, aber Mister Mayor?” sa halip ay tanong niya rito. “Well, si papa ang nag-suggest sa akin ng idea na ito. At...” nilingon nito ang kapatid at mga pinsan na nasa ibaba pa rin ng balkunahe. “Humingi ako ng tulong sa kanila,” sabi pa nito. Mas lalo siyang napangiti. “Kaya ka ba nagpaalam kanina na babalik ka sa mansion kasi may kukunin ka roon?” tanong niya ulit. “That’s my alibi, my love.” Tumango-tango siya. “Oo nga. Ang hilig mong gumawa ng alibi,” wika niya. Tumawa naman ito at muling dumukwang sa kaniya at hinalikan ang kaniyang pisngi maging ang kaniyang noo. “So, hindi ka pa naman siguro inaantok, right?” tanong nito. “Aayain sana kitang mag-dinner.” Dagdag pa nito. “Dinner date?” tanong niya. “Uh huh! Babawi ako sa dinner date na nakalimutan ko no’ng nakaraan.” Ani nito at napakamot pa sa batok. Muli siyang napangiti. Oh, kung hindi lamang sana nila kasama roon sina Arlene at mga pinsan at kapatid ni Gawen, malamang na hindi niya pipigilan ang kaniyang sarili na pupugin ito ng halik! “At... saan naman tayo mag-d-dinner, Tangi?” tanong na lamang niya ulit dito. “Ay, bes... don’t worry, maganda ang set up na ginawa namin kanina.” Napalingon sila ni Gawen kay Arlene nang magsalita ito. “Kasali ka sa plano nila?” tanong niya rin sa kaibigan niya. Malapad na ngiti ang sumilay lalo sa mga labi ni Arlene habang karga-karga nito si Emzara. “Alam mo namang ako ang president ng labtim ninyo ni Mayor kaya hindi puwedeng hindi ako kasali sa plano, amiga!” ani nito. Natawa na lamang sila ni Gawen dahil sa mga sinabi ng dalaga. “So, I’m waiting for your answer, L’amour.” Muli siyang napatitig kay Gawen. “Of course, Tangi. Hindi puwedeng humindi ako sa ’yo ngayon. Hindi natuloy ang dinner date natin no’ng una. Kaya ngayong may chance na tayong mag-date, aba, dapat lang na pumayag ako,” sabi niya. Kinuha naman ni Gawen ang isang kamay niya at ipinagsalikop ang kanilang mga palad. “I was truly wishing for those exact words to come from your mouth, my love.” Ani nito. “Let’s go.” Pagkuwa’y iginiya na siya pababa sa hagdan. “Hi, Gelaena!” nakangiting bati sa kaniya ni Abraham nang makalapit na sila ni Gawen sa puwesto ng tatlo. “Hi, Abraham!” bati niya rin dito. Lumapit sa kaniya ang binata at hinalikan siya sa magkabilang niyang pisngi. “Remember me, Gelaena?” tanong din sa kaniya ni Alihan pagkuwa’y hinalikan din siya sa magkabilang pisngi niya. “Oo naman, Alihan! Nice meeting you again.” “Oh, I told you, Goran. Naaalala pa niya ako.” Ani nito nang balingan ng tingin si Goran. “Akala ko kasi, hindi nakakaalala si Gelaena ng panget,” wika nito at natawa pa. “Hey! I’m not panget.” Kunwari nama’y naiinis na saad ni Alihan at bahagyang sinuntok sa braso ang pinsan. Napahagikhik naman siya. “Hi, Gelaena!” bati rin sa kaniya ni Goran at walang paalam na niyakap siya. “Hey, that’s enough.” Mabilis na saad ni Gawen at kaagad na hinila ang kapatid upang ilayo kay Gelaena. Magkasalubong pa ang mga kilay nito na halatang pinipigilan lang din ang sarili na huwag magselos sa kapatid. “Kuya naman, I know nagseselos ka. Pero... you don’t have to. Ikaw naman ang boyfriend ni Gelaena, e!” “Ang dami pang sinasabi. Bawal ka pa ring yumakap kay Gelaena,” wika pa nito at binigyan ng masamang tingin ang kapatid. “Tangi, okay lang ’yon,” sabi niya. “See? Ayos nga lang daw kay Gelaena, e! Ikaw lang itong seloso. Come here, Gelaena. I want to—” Hindi rin nito naituloy ang akmang pagyakap ulit sa kaniya nang bigla siyang itago ni Gawen sa likuran nito. “Umalis na nga kayong tatlo.” Ani nito. “Tingnan mo ang taong ito... pagkatapos ka naming tulungan na haranahin itong si Gelaena, tapos palalayasin mo lang kami bigla,” wika ni Alihan. “Hindi ka manlang nag-thank you sa amin!” dagdag pa nito. “Thank you, Alihan, Abraham, Goran.” Siya na ang kaagad na nagpasalamat sa tatlong binata. “Mabuti pa si Gelaena nagpasalamat. Pero ikaw...” anang Goran na napailing pa. “Dapat pala hindi na ako sumama rito.” “Hey, I didn’t asked for your help,” wika ni Gawen sa kapatid. Natawa naman bigla si Goran. “Oo nga pala! Ako lang ang nag-volunteer. Nakakapagsisi.” “Halina nga kayong dalawa para makapag-date na sila,” wika ni Abraham sa dalawa. “Enjoy your date by the way,” sabi pa nito. “Thanks, guys!” anang Gawen bago tumalikod ang tatlo. Napapangiti na lamang siya habang sinusundan ng tingin ang tatlong binata na ngayon ay palapit na kotseng nakaparada sa ’di kalayuan. “So, let’s go, L’amour?” tanong sa kaniya ni Gawen nang muli siya nitong balingan ng tingin. Muli nitong inilahad sa kaniya ang isang kamay na kaagad naman niyang tinanggap. “Enjoy your date love birds!” Sabay pa silang napalingon ni Gawen sa itaas ng balkunahe nang marinig nila ang boses ni Emzara. Malapad ang ngiti nito sa kanilang dalawa. Mayamaya ay nag-flying kiss pa ito. Kumaway siya rito. “Thank you, Emzara!” “By sweetie! Go to bed, okay?” anang Gawen. “Good night, Daddy Mayor! Good night, Mommy Gelaena.” “Oh, she called you Mommy Gelaena?” nagtataka at hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Gawen nang muli itong tumingin sa kaniya. Ngumiti siya nang malapad. “Ang sabi ko sa kaniya kanina... puwede niya akong tawaging mommy kung gusto niya,” wika niya. “Mahal ko na rin naman si Emzara, Tangi, kaya... walang problema kung ituturing ko na rin siyang parang anak ko, hindi ba? I mean, nabanggit niya kasi sa akin kanina na nami-miss niya na naman ang mommy niya.” Pinakawalan ni Gawen ang kamay niya at kinabig nito ang kaniyang baywang. Nang magdikit ang kanilang mga katawan ay bahagyang naipit ang bouquet ng bulaklak na hawak-hawak niya pa rin. “I love you, Gelaena!” Sumilay lalo ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. “At mahal din kita, Gawen. Kayo ni Emzara.” Ilang segundong pinakatitigan ni Gawen ang kaniyang mga mata bago ito dumukwang sa kaniya at muling inangkin ang kaniyang mga labi. Muli siyang napapikit at tinugon ang mainit at masarap nitong halik sa kaniya. “Dinagdagan mo pa lalo ang dahilan ko para mahalin pa kita, Gelaena.” “Ako rin naman, Tangi.” Ginawaran din ng masuyong halik ni Gawen ang kaniyang noo. “So, let’s go. Naghihintay na sa atin ang dinner natin.” Ani nito at iginiya na siya sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD