“BY the way, Tangi, ang ganda ng boses mo kanina,” nakangiting wika ni Gelaena habang magkahawak kamay silang naglalakad ni Gawen papunta sa kung saan. Wala siyang idea kung saan siya dadalhin ni Gawen ngayon. Basta ang sinabi lang nito sa kaniya kanina, naghihintay na raw sa kanila ang dinner nila.
“Oh, I thought hindi mo nagustohan ang kanta ko kaya hindi mo sinagot ang tanong ko kanina kung gusto mo ang kanta ko,” sabi nito at ngumiti rin nang malapad sa kaniya.
“I’m sorry, Tangi. Nadala lang ako sa kilig ko,” aniya. “Pero, I love it. Lalo na ’yong kumanta.”
“Really?”
Napahagikhik siya at dumukwang siya rito at hinalikan niya ang pisngi nito. “Alam mong mahal na mahal na kita, Gawen.” Saad niya.
Huminto saglit sa paglalakad ang binata kaya napahinto na rin siya. Humarap ito sa kaniya at hinawakan ang batok niya. Sa muling pagkakataon ay hinagkan nito ang kaniyang mga labi. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay pareho pa ring may malapad na ngiti sa kanilang mga labi.
“I know, Gelaena. And you know how much I love you.”
Banayad siyang bumuntong-hininga at ipinilig niya sa dibdib nito ang kaniyang ulo. Dinig na dinig niya ang malakas na pagkabog ng dibdib nito. “I love you, Gawen.” Bulong na usal niya.
Naramdaman naman niya ang paghalik nito sa kaniyang ulo at ang pagpulupot ng mga braso nito sa kaniyang baywang. Niyakap siya nito. “I love you, L’amour.” Ani nito. “Come on.”
Muli silang naglakad sa medyo madilim na daanan hanggang sa makarating sila sa may malaking puno. Nagtataka pa siya kung bakit doon siya dinala ni Gawen, samantalang wala naman siyang makita na nakahandang mesa roon kagaya sa sinabi ni Arlene kanina.
Nang pakawalan ni Gawen ang kaniyang kamay ay bahagya siyang humakbang palayo rito. Inililibot niya pa rin ang kaniyang paningin sa buong paligid. At mayamaya, kunot ang noo na nilingon niya ang binata. “Tangi, ano ang ginagawa natin dito?” tanong niya.
Ngumiti sa kaniya ulit si Gawen at pagkuwa’y may dinukot itong maliit na remote control mula sa bulsa ng pantalon nito. May pinindot ito roon at isang segundo lang ay biglang lumiwanag ang buong paligid. Nanlalaki ang mga matang napasinghap siya nang makita niya ang star LED lights na nakasabit sa mga sanga ng puno. May mga LED rattan ball string lights din ang nakasabit doon. At sa tabi ng malaking puno, may lamesa roong naka-set up at sa ibabaw ay may pagkain nakatakip pa. Isang ice bucket ang nasa gilid niyon habang may champaign sa loob n’on. Sa damuhan naman, mula sa kinatatayuan niya ngayon ay marami ring mga petals ng bulaklak ang nagkalat. Oh, kung kinilig na siya kanina sa panghaharana nito sa kaniya, hindi niya inaasahan na kikiligin pa siya nang husto ngayon dahil sa dinner date raw nila ni Gawen. Hindi lamang iyon basta simpleng dinner date. Halatang pinaghanda nga iyon ni Gawen kasama sina Arlene at ang tatlong binata na kasama nito kanina. Hindi na mapuknat ang malapad at matamis na ngiti sa kaniyang mga labi.
“Oh, Gawen...” aniya nang muli siyang lumingon sa binata. “Ang ganda!” usal niya.
Naglakad palapit sa kaniya si Gawen at muling hinawakan ang kaniyang baywang. “Bawi na ba ako sa supposed to be first dinner date natin no’ng nakaraan?” tanong nito sa kaniya.
Parang gusto niya tuloy maluha ngayon dahil sa effort na ginagawa ni Gawen para sa kaniya. Labis talaga siyang natutuwa! Ang puso niya, naglululundag sa tuwa sa mga sandaling iyon!
“Okay lang naman ang simpleng dinner date, Tangi,” sabi niya.
Umangat ang isang kamay ni Gawen at masuyong hinaplos ang kanang pisngi niya. Pagkatapos ay inipit nito sa likod ng kaniyang tainga ang hibla ng kaniyang buhok. Matamis pa rin ang ngiting nakapaskil sa mga labi nito. “You’re not just a woman in my life, Gelaena. So our dinner date should be something extra special because you are my everything; you are my one true love. And when I am with you, I want you to be filled with joy. I want you to be aware of the love I have for you, even in the small things I do for you. I want you to always feel that you are the queen of my life. Gelaena, I love you so much.”
Nang mag-init ang sulok ng kaniyang mga mata dahil sa mga katagang binitawan ni Gawen sa kaniya, kaagad niyang kinagat ang pang-ibaba niyang labi. Ngunit hindi niya pa rin napigilan ang mapaluha.
Binitawan ni Gawen ang baywang niya at ikinulong sa mga palad nito ang kaniyang mukha. Gamit ang dalawang hinlalaki nito ay pinunasan nito ang kaniyang mga luha na bigla na lamang naglandas sa kaniyang mga pisngi.
Oh, deserve ba ni Gawen na paglihiman niya ito tungkol sa totoo niyang pagkatao? Walang ibang ginawa si Gawen kun’di mahalin siya at iparamdam sa kaniya kung gaano siya kaimportante sa buhay nito. Pero siya... hindi niya pa magawang ipagtapat dito ang totoo.
“I love you, Gawen.”
“And I love you so much, Gelaena.” Ani nito at walang paalam na muling inangkin ang kaniyang mga labi.
Napapikit siya nang mariin at tumingkayad upang mas maabot niya nang husto ang mga labi nito. Umangat din ang isang kamay niya at pumulupot iyon sa leeg nito. Bumitaw ang isang kamay ni Gawen na nasa mukha niya at muli iyong pumulupot sa kaniyang baywang. Hinapit siya nito nang husto palapit dito. Hindi niya alam kung ilang segundong naghinang ang kanilang mga labi. Basta, nang maramdaman niyang pareho na silang kapos ng hangin, siya na ang kusang pumutol sa halik nila sa isa’t isa.
“I love you!” muling sambit niya.
Nakangiting ginawaran naman ng halik ni Gawen ang kaniyang noo at pagkuwa’y niyakap siya nang mahigpit. “Mahal kita, Gelaena. I wish we stay like this forever,” wika pa nito.
Hindi niya napigilang mapangiti ng malungkot.
“Come. Let’s eat because I’m starving.” Mayamaya ay pinakawalan siya nito.
Pinunasan niya ang kaniyang mga luha pagkuwa’y iginiya na siya ni Gawen papunta sa lamesa. Kinuha nito sa kamay niya ang bouquet na dala-dala niya kanina pa. Inilapag iyon ni Gawen sa gilid ng mesa pagkatapos ay ipinaghila siya nito ng upaun bago ito umupo sa puwesto nito.
“Thank you, Tangi.”
“You’re welcome, my love.” Ani nito ’tsaka tinanggal ang takip sa kanilang mga pagkain.
“Sino ang nagluto nito?” nakangiting tanong niya.
“Me,” sagot nito. “I tried to cook these. Nagpaturo lang ako kay Handa.”
“Who’s Handa?” kunot ang noo na tanong niya.
“Kaibigan siya nina Marya. Chef siya kaya nagpaturo ako sa kaniya na magluto nito. I hope you like it, L’amour.”
“Mukhang masarap naman, Tangi.” Aniya at kaagad na kinuha ang kubyertos at tinikman ang steak. “Mmm, masarap nga.” Nakangiting saad niya.
“Are you sure, L’amour? Kasi kung hindi—”
“Masarap nga.” Aniya para putulin ang pagsasalita nito.
Muling sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ni Gawen at nagsimula na rin itong kumain.
Kagaya sa nauna nilang date, masaya lamang silang nagkukuwentohan habang pinagsasaluhan ang pagkain na niluto mismo ng binata. Kung anu-ano lamang ang kanilang napagkuwentohan. Pagkatapos ay inaya ulit siya ni Gawen na magsayaw. Nakayakap lamang sila sa isa’t isa habang sinasabayan ang masuyo at malamyos na tugtog ng musika. Dahil nakapilig ang kaniyang ulo sa dibdib nito kaya naririnig niya ang malakas na kabog ng puso nito. Nakapikit lamang siya habang may ngiti pa rin sa mga labi niya.
“L’amour!”
“Yes, Tangi?”
“I want to meet your parents.”
Bigla siyang nagmulat ng kaniyang mga mata nang marinig niya ang sinabi nito. Hindi agad siya nakapagsalita at nakatitig lamang siya sa kawalan habang nararamdaman niya pa rin ang masuyong paghaplos ng palad nito sa kaniyang likod.
“Naisip ko lang... tutal naman at kilala ka na nina mama at papa. Pati ng ibang kapatid at mga pinsan ko. I want to meet your family too. And I’d like to ask them formally for their approval of our relationship.”
Napangiti siya at dahan-dahang nag-angat ng kaniyang mukha upang tingnan ito.
“You haven’t mentioned them to me yet,” sabi pa ni Gawen sa kaniya.
Ilang segundo siyang nanatiling nakatitig lamang sa guwapong mukha ng binata habang patuloy pa rin siya nitong iginigiya sa pagsayaw.
“Ano ba ang gusto mong malaman tungkol sa parents ko?” tanong niya.
“Anything, my love.”
Tipid siyang ngumiti mayamaya. “Well, ang mama ko matagal ko ng hindi nakikita at nakakasama. Ilang taon na rin simula nang umalis siya at iniwanan niya ako. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Si papa naman... matagal na ring hindi kami okay,” sabi niya. “Nag-iisa lang ako na anak ng parents ko. Pero... may anak si papa sa ibang babae. ’Yon ang asawa niya ngayon.”
“Iyon ba ang dahilan kung bakit ka umalis sa inyo?”
Masuyo siyang tumango at muling nag-iwas ng tingin dito. Muli niyang ipinilig ang kaniyang ulo sa dibdib nito. “Hindi kami okay ni papa dahil mas mahalaga sa kaniya ang pera niya. Simula no’ng magkahiwalay sila ni mama, hindi na bumalik sa dati ang relasyon namin ng papa ko. Lagi kaming nag-aaway, lalo na ’yong stepmom ko. Kaya... pinili ko na lang na umalis sa amin at sumama kay Tiya Hulya papunta rito. At least, simula nang mapunta ako sa mansion ninyo, naging tahimik at masaya ang buhay ko. Hindi kagaya nang nasa bahay pa ako. Para akong preso at maraming bawal na gawin.”
“So that means... hindi ko makikilala ang parents mo?”
Nanatili muna siyang tahimik bago siya muling nag-angat ng mukha at muli itong tiningnan sa mga mata. Ngumiti siya! “Maybe soon. Ipapakilala rin kita sa kanila. Pero sa ngayon, ayos lang ba kung... hindi na muna?” tanong niya.
Ngumiti naman si Gawen sa kaniya. “Of course. Whenever you’re ready, my love.”
“Thank you, Gawen!”
Muli itong dumukwang sa kaniya at hinagkan ang kaniyang mga labi.
“By the way, Tangi,” sabi niya nang muli nitong pakawalan ang mga labi niya.
“What is it, my love?”
“Huwag ka ng magalit o magselos kay Goran,” sabi niya.
Bahagya namang nangunot ang noo nito habang matamang nakatitig sa kaniya. “Gelaena, you know I can’t control myself kapag nakikita kong kasama mo si Goran. Kagaya na lamang kanina nang yakapin ka niya,” sabi nito.
Bahagya siyang tumawa na mas lalong ikinakunot ng noo nito.
“Oh, come on, my love! Do not laugh at me.” Ngumuso pa ito na lalo niyang ikinatawa. Ang cute kasi ng hitsura nito. Parang hindi Mayor ng San Ildefonso, Bulacan kung magpa-cute sa kaniya.
“Hindi naman kasi totoong may gusto sa akin si Goran,” sabi niya.
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay nito at napatitig pa sa kaniya nang husto. “What do you mean?” tanong nito.
“Kinausap ako ni Goran no’ng isang araw...”
“Ano ba ang sasabihin mo?” tanong niya kay Goran nang makapasok sila sa library.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng binata sa ere pagkuwa’y ngiwing ngumiti sa kaniya. “I’m sorry, Gelaena. I lied to you.”
Nangunot ang kaniyang noo. “Ano ang ibig mong sabihin, Goran?” naguguluhang tanong niya ulit.
“Promise me you won’t get mad at me, Gelaena, okay?”
Hindi siya nagsalita at sa halip ay hinintay na lamang niya na magsalita ulit ito.
“I don’t really like you. I mean, you’re beautiful, Gelaena. But... you’re not my type.”
Seryoso siyang napatitig sa guwapo nitong mukha habang nakangiwi pa rin ito sa kaniya. Ano raw ang sinabi nito sa kaniya? Hindi totoo na may gusto ito sa kaniya? Na hindi siya nito type?
“Straight to the point, Goran!” aniya.
Muli itong bumuntong-hininga nang malalim at napakamot sa gilid ng kilay. “It was Papa’s idea,” sabi nito. “Gusto lang ni papa na makasiguradong may feelings si Kuya Gawen sa ’yo. Kaya... pumunta ako rito sa mansion at nagkuwaring gusto kita para pagselosin si kuya. Alam ko rin kasing hindi agad siya aamin sa ’yo. Knowing him, no girlfriend since birth kaya malamang na hindi niya alam kung ano ang gagawin niya para umamin agad sa ’yo. Nautusan lang ako ni papa. And... Arlene knows about this.”
“Ano? Alam din ni Arlene?” kunot pa rin ang noo na tanong niya.
Tumango naman ito at namaywang pa. “Arlene is the president of team GaGe. And I really like you for Kuya Gawen kaya... kasali na rin ako sa fans club nila ni papa.” Ngumiti pa ito sa kaniya.
Hindi na rin niya napigilan ang matawa dahil sa mga nalaman niya ngayon. Oh, my God! Sinasabi niya na nga ba, e! Una pa lamang ay ramdam na niyang malabong magkagusto sa kaniya si Goran. At talagang sumali pa ito sa fans club ni Arlene? Pero sa kabila niyon, natutuwa talaga siyang malaman na si Señor Salvador pa ang nag-utos sa anak nito para magpanggap na may gusto sa kaniya at para pagselosin si Gawen. Talaga ngang gusto siya ng señor para kay Gawen.
“But please do not tell this to kuya, okay?” ani nito. “I’m sure magagalit siya sa akin at malamang na masuntok pa ako n’on.”
“Ugh, Goran! Nakakainis ka!” aniya na natawa pang muli.
“They did that to me?” hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Gawen matapos niyang ikuwento rito ang mga napag-usapan nila ni Goran no’ng isang araw.
Ngiwing nakangiti na tumango naman siya. “So huwag ka ng magselos kay Goran, okay? Wala naman kasing gusto sa akin ang kapatid mo. Palabas lang ’yon.”
“Ugh, I really hate that man.” Nausal na lamang ni Gawen at muling nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. Napailing pa ito.
“NAG-ENJOY AKO sa dinner date natin, Tangi. Thank you ulit,” nakangiting sabi niya habang pabalik na sila sa farm house.
Bitbit ni Gawen ang bulaklak na ibinigay nito sa kaniya habang magkahawak kamay pa rin sila.
“I enjoyed too, L’amour. Thank you.”
“Ngayon ko lang naalala, hindi man lang ako nakapagbihis ng maayos na damit,” wika pa niya.
Kunot ang noo na sinuyod naman siya ng tingin ni Gawen mula hanggang sa paa niya. “What’s wrong with your pajamas, L’amour?” tanong nito.
Hindi niya napigilan ang matawa. Oo na! Siya lang ata itong nakipag-date sa nobyo niya na nakasuot ng pajama. Sa labis na tuwa at excitement niya kanina nang haranahin siya nito, nawala na sa kaniyang isipan na magbihis muna bago sumama rito. Oh, my gulay! Ang ganda-ganda ng set-up ng dinner date nila kanina, tapos nakapantulog lamang siya!
“Tangi, hindi naman kasi bagay ang suot ko sa suot mo,” sabi niya. “Maayos ang suot mo, samantalang ako nakapantulog lang!”
Huminto sa paglalakad si Gawen at hinarap siya. “L’amour... kahit ano pa ang suotin mo sa dinner date natin ay ayos lang,” wika nito. “Wala akong pakialam kung nakasuot ka lang ng pantulog at nakasuot ako ng amerikana. Ang importante... bagay tayo sa isa’t isa.” Ngumiti pa ito nang matamis.
Napahagikgik naman siya dahil sa kilig na bigla niyang naramdaman. “Aba, marunong ka pala sa mga ganiyang lines, huh?” aniya.
“Narinig ko lang ’yon kay Goran.”
“Pero kinilig ako, Tangi.”
“Okay lang sa akin kahit nakasuot ka lang ng pantulog. Ang importante, masaya tayong pareho.”
“Oo nga. ’Tsaka, wala naman ibang tao roon kanina kun’di tayo lang.”
“Yeah, right.”
“Salamat ulit sa dinner date, Gawen.” Aniya at tumingkayad siya upang muling bigyan ito ng halik sa pisngi nito.
“I love you!”
“Mahal din kita.”
“Let’s go. Baka inaatok ka na.” Ani nito at muli siyang iginiya sa paglalakad hanggang sa makabalik na sila sa bahay.