CHAPTER 5

3530 Words
“GRABE ka bes! Hindi ka manlang natakot na sagut-sagotin si Mayor kanina?” tila hindi pa rin makapaniwalang tanong sa kaniya ni Arlene habang nasa swimming pool area. Magkatabi silang nakaupo sa lounge chair na nasa gilid ng pool. Latag na ang gabi. Natutulog na ang mga kasamahan nilang kasambahay. Siya naman ay kakababa lamang galing sa silid ng kaniyang alaga. Saktong pagkapasok niya sa kusina ay nadatnan naman niya roon si Arlene at inaya siya nitong tumambay raw muna sila sa may swimming pool area. Hindi pa naman siya inaantok kaya sumama na siya rito. “E, wala naman talaga akong balak na sagutin siya. Pero no’ng sinabi niyang pinagnanakawan ko siya... biglang tumaas ang BP ko kaya hindi ko na rin napigilan ang sarili ko, bes.” Pagpapaliwanag niya. “E, bakit ka napunta sa kwarto ni Mayor?” tanong pa ni Arlene. “Una, hindi ko naman kasi alam na kwarto niya pala ’yon,” sabi niya at bumuntong-hininga siya at nilingon ito. “Kasi...” nakakahiya naman kasi kung sasabihin niya rito ang totoo, pero sa huli ay wala na rin siyang nagawa kun’di ang magkwento na rin dito sa totoong nangyari. Baka kasi isipin din ni Arlene na magnanakaw nga siya. “Kaninang hapon kasi, hindi ba’t nagluto tayo ng banana cue para kay señorita?” tanong niya. Tumango naman ito sa kaniya. “Nang itatapon ko na sana ang balat dito sa labas, e... napagkamalan ko kasi siyang hardinero dito.” “Ano?” biglang nanlaki ang mga mata ni Arlene dahil sa sinabi niya. Pero ilang segundo lang ay tumawa naman ito. “Talaga, bes? Bakit? I mean, mabuti hindi siya nagalit sa ’yo kanina?” Muli siyang napabuntong-hininga at itinapon ang paningin sa tubig. “Nagalit nga siya sa akin kanina. Pero mabuti na lang at may tumawag sa kaniya kaya nakaalis agad ako. Kaso nang babalik na sana ako sa kwarto ni Ezmara, nakita ko siyang nandoon. Sa takot ko na makita niya ako at magalit na naman siya sa akin... nataranta na ako kaya napatakbo ako papunta sa kwarto niya para sana magtago. Pero... ayon nga, hindi ko alam na kwarto niya pala ang napasukan ko kaya nang pagkabukas niya sa pinto, naroon ako.” Pagpapaliwanag niyang muli. Muling tumawa si Arlene at napailing pa. “Grabe! First day mo pa lang dito sa mansion pero exciting na agad ang nangyari sa ’yo bes.” Tila kinikilig na saad nito sa kaniya. Nangunot naman ang kaniyang noo. “Ano’ng exciting ka riyan?” nang balingan niya ulit ito ng tingin. “Exciting naman talaga, bes,” wika nito. “At isa pa, parang may kutob na akong... may mabubuong love story sa pagitan ninyo ni Mayor—” “Zzzttt! Arlene.” Mabilis na saway niya sa dalaga. “Ano ba ’yang pinagsasasabi mo?” halos mag-isang linya na ang mga kilay niya. “Alam mo kasi bes, diyan kasi talaga ’yan nagsisimula, e! Sa una, nagbabangayan, parang aso’t pusa. Pero sa huli, nagkakahulugan naman ng loob at damdamin.” Humagikhik pa ito. “At isa pa... kanina habang pinagmamasdan ko kayong dalawa sa itaas ng hagdan, kinikilig ako. Hindi lang halata, kasi nga galit si Mayor. Pero bes, trust me... bagay na bagay kayong dalawa.” Napasimangot siya dahil sa mga sinabi ni Arlene. Ewan, baka inaantok na itong kasama niya kaya kung anu-ano na ang sinasabi sa kaniya. Aba, napakalabo namang may mabuong pag-ibig sa kanila ng Mayor. Unang-una, mataas ang antas nito sa buhay, Mayor ito ng San Ildefonso, Bulacan. At pangalawa, mukhang panget ang ugali nito kaya malabong magkagusto siya rito. Oo guwapo nga ito, pero hindi niya type ang ugali nito. Wala ring kwenta ang kaguwapohan ng isang lalaki kung panget din naman ang ugali. “Sana tumagal ka rito sa mansion bilang yaya ni Señorita Emzara para may chance sa inyo ni Mayor—” “Haynako, Arlene! Siguro ay inaantok ka na! Pumasok na nga tayo.” Pinutol niya ang pagsasalita nito ’tsaka siya tumayo sa kaniyang puwesto at naglakad. Napasunod ito sa kaniya. “Sus! Aminin mo, may crush ka na kay Mayor, hindi ba?” nanunudyo pa ito sa kaniya. Muling nagsalubong ang mga kilay niya nang balingan niya ito uli ng tingin. “Arlene, kahit magunaw man ang mundo, hinding-hindi ako magkakaroon ng crush sa lalaking ’yon. Ang panget ng ugali niya.” “Asus! Lulunukin mo rin ’yang mga sinabi mo, bes. Trust me again...” tumatawa pa ito sa kaniya. “Marami na akong kakilala na pareho ang sinabi sa sinabi mo. Pero ano ang ending? Naging sila rin ng lalaking hindi raw niya papatulan.” Sinimangutan niya ulit ang dalaga. Mayamaya ay bumuntong-hininga siyang muli at napailing na lamang. “Aabangan ko ang love life ninyo ni Mayor. Promise bes, ako ang president ng love team ninyong dalawa.” Kinikilig pang saad nito at inakbayan siya. “Itulog mo na lang ’yan, Arlene. Sigurado talaga akong antok lang ’yan,” aniya. Tumawa lamang ang dalaga dahil sa sinabi niya. “GOOD MORNING, MAYOR!” Biglang napalingon si Gelaena sa pinto ng kusina nang mula sa labas niyon ay narinig niya ang boses ng isang lalaki na binati si Mayor Gawen. Mula sa pagkakatayo sa gilid ng kitchen counter dahil nagtitimpla siya ng kaniyang kape, nagmamadali na dinampot niya ang kaniyang tasa at balak na niyang umalis doon habang hindi pa nakakapasok nang tuluyan ang lalaking gusto niyang iwasan na makita sa umagang iyon. Pero hindi pa man siya nakakahakbang sa kaniyang kinatatayuan ay nakita niyang pumasok na sa pintuan ang batang Mayor. Bigla pang nagsalubong ang mga kilay nito nang makita siya. Tipid siyang yumuko, “g-good morning, Mayor!” bati niya rito. Humugot naman ito nang malalim na paghinga at nag-iwas ng tingin dito. Nagtuloy ito sa paglalakad hanggang sa makalapit sa kabisera at umupo ito roon. “Where is my coffee?” seryosong tanong nito. Naglakad na rin siya para sana lumabas na sa kusina, pero nang marinig niya ulit ang boses ng lalaki ay muli siyang napalingon dito. “I said where is my coffee?” nakatingin na ito sa kaniya. Saglit siyang napamaang. Siya ba ang tinatanong nito? “Um, a-ako po ang kinakausap ninyo, Mayor?” tanong niya at saglit pang tinapunan ng tingin ang lalaki na nakatayo sa may gilid ng pinto. Nakatingin din ito sa kaniya. “Sino pa ba ang ibang uutusan ko?” sa halip ay balik na tanong nito sa kaniya. “Aren’t you a new maid here in the mansion?” Lihim siyang napaismid. Gusto niya sana itong sagutin ng... yaya ho ako ng anak ninyo, pero hindi ako maid dito sa mansion mo. Pero hindi na lamang niya iyon ginawa dahil ayaw niyang magkasagutan pa sila kagaya sa nangyari kahapon. Sa halip na lumabas sa kusina ay muli siyang naglakad pabalik sa kitchen counter at inilapag niya roon ang tasa ng kaniyang kape at nagtimpla ulit ng bago. “Migo!” “Yes po, Mayor?” “I want you to call Ella. Tell her I’m looking for a new nanny again for Emzara.” Saglit siyang natigilan nang marinig niya ang sinabi ng Mayor. Aba, talagang seryoso ito sa sinabi nito kahapon na ayaw nito sa kaniya at maghahanap ito ng bagong yaya para sa anak nito? “Okay po, Mayor. I’ll talk to her, later.” Banayad siyang bumuntong-hininga at napatiim-bagang. Nang matapos siyang magsalin ng kape mula sa coffee maker, nilagyan niya rin ng creamer ang kape ’tsaka siya humarap sa lalaki. “Bakit maghahanap ka pa po ng bagong yaya ni Señorita Emzara, Mayor? Nandito naman po ako?” nilakasan niya ang kaniyang loob na kausapin ito. Kinausap siya ni Señor Salvador kahapon, ang sabi sa kaniya ng matanda ay hindi raw siya aalis sa kaniyang trabaho dahil ito na mismo ang tumanggap sa kaniya. Pero dahil nagpapahanap naman ng bagong yaya itong si Mayor Gawen, mukhang wala nga ata siyang magagawa kun’di ang umalis na lamang at hindi na ipagpatuloy ang kaniyang trabaho. Lumingon sa kaniya ang Mayor. “I’m sure you must have heard what I said yesterday that I don’t want you to be my daughter’s nanny. So, tomorrow morning... I want you to leave. But don’t worry, babayaran ko ang dalawang araw na pag-aalaga mo kay Emzara.” Hindi niya napigilan ang mapatiim-bagang at panliitan ito ng mga mata. Humigpit din ang pagkakahawak niya sa tasa. “Mawalang galang na po, Mayor. Alam kong galit ka sa akin dahil sa nangyari kahapon sa swimming pool area,” sabi niya at nagtaas pa ng kaniyang noo. “Kung ayaw n’yo po sa akin... wala pong problema ’yon sa akin. Ayoko rin naman po sa ugali ninyo. So kwits tayo sa part na ’yan, Mayor. ’Tsaka, bakit po ipagpapabukas pa ninyo ang pag-alis ko kung puwede namang ngayon din ay paalisin mo na ako? Don’t worry about sa isang araw na pagbabantay ko sa anak mo. Hindi mo na ako kailangang bayaran.” Seryosong saad niya na ikinamaang naman ng Mayor. Hindi siguro nito inaasahan ang mga sinabi niya. Maging ang lalaking kausap nito ay napamaang din sa kaniya. “Aalis din po ako ngayon dito sa mansion mo. Magpapaalam lang ako kay Señor Salvador.” Aniya at tumalikod siya. Pero hindi pa man siya nakakarating sa may pinto, napahinto siya nang magsalita ulit ito. “Why are you taking my coffee?” Napatingin naman siya sa tasang hawak-hawak pa rin niya. Huminga siya nang malalim at pumihit paharap dito. Saglit niyang ipinagpalipat-lipat ang tingin niya sa tasang hawak niya at sa Mayor. At mayamaya, sa halip na lumapit sa puwesto nito ay naglakad siya palapit sa lababo at ibinuhos doon ang kapeng itinimpla niya para sana rito. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ni Gawen nang makita nitong itinapon ng dalaga ang kape. “Why did you do that?” inis na tanong nito sa kaniya. “Sorry po, Mayor. Pero hindi po masarap ang kape ko,” wika niya. “At isa pa, hindi po ako katulong dito sa mansion mo. Babu!” aniya at mabilis na siyang naglakad palabas ng kusina. Walang ibang nagawa ang dalawang lalaki kun’di ang mapasunod na lamang kay Gelaena ang paningin nito. Mayamaya ay mariing napatiim-bagang si Gawen at naikuyom nito ang kamao. “BAKIT AALIS KA, BES?” tanong sa kaniya ni Arlene habang pababa na sila ng hagdan. Kagagaling niya lamang sa kwarto ni Emzara at saglit niyang kinausap ang bata. Hindi niya na ipinaalam dito na aalis na siya dahil ayaw ng tatay nito sa kaniya. “Ang sabi sa akin ni Mayor, bukas ng umaga raw ay kailangan ko ng umalis dahil nagpapahanap na siya ng bagong yaya ni Emzara. Bakit pa ako magpapabukas kung puwede naman akong umalis ngayon, ’di ba?” aniya. “Babalik na lang ulit ako sa probinsya. Kailangan ko lang kausapin si Tiya Hulya dahil wala akong pamasahe pauwi.” “E, hindi ba at nagkausap naman kayo ni Señor Salvador kahapon at sinabi niya sa ’yo na hindi ka aalis? At isa pa, gusto ka ni señorita. Kung aalis ka, magwawala na naman ’yon dahil sigurado akong hindi na naman niya magugustohan ng bagong yaya niya. Gelaena, huwag ka ng umalis.” “Haynako, Arlene. Kahit naman hindi ako umalis o hindi ako paalisin ni Señor Salvador, sigurado akong pag-iinitan ako ng Mayor mo. Hayaan mo na lang. Maghahanap na lang ako ng ibang trabaho.” “Who is leaving?” Sabay silang napatingin ni Arlene sa ibaba ng hagdan nang marinig nila mula roon ang boses ni Señor Salvador. Kunot pa ang noo nito habang nakatingin sa kaniya. Saglit siyang napatingin kay Arlene bago siya tuluyang bumaba sa hagdan. “Magandang umaga po, Señor Salvador.” Tipid ang ngiti na binati niya ang matanda. “Good morning, hija.” Anito. “Tama ba ang narinig ko na aalis ka na?” tanong nito. Banayad siyang bumuntong-hininga. “E, pinapaalis po kasi ako ng anak ninyo, Señor Salvador. Nagkausap po kami kanina bago siya umalis.” “What? No, you’re not leaving.” Anito. “E, señor—” “Ako ang nagsabi sa ’yo kahapon na hindi ka aalis at ikaw pa rin ang magiging yaya ng apo ko, hija. So, you don’t need to leave.” “Pero po, Señor Salvador. Nagagalit po sa akin si Mayor Gawen—” “Don’t worry. I’ll talk to him again mamaya kapag nakauwi na siya. Hindi ka aalis ngayon, okay?” “Gelaena! Are you leaving?” Sabay pang napalingon ang tatlo sa itaas ng hagdan nang magsalita mula roon si Emzara. Magkasalubong pa ang mga kilay nito habang yakap-yakap na naman ang stuff toy nitong elepante. “I thought you wont leave me?” pagalit pang tanong nito ulit. “Emzara—” “You promised me you will help me find my mommy. I hate you!” pagkasabi niyon ay mabilis itong tumalikod at tumakbo pabalik sa silid nito. Napabuntong-hininga siya at napalingon sa matandang lalaki. “See? My apo likes you so much, hija. So, huwag ka ng umalis. Go on. Go back to her room.” “Sige na, bes. Balikan mo na ang alaga mo.” Anang Arlene sa kaniya. Wala na nga siyang nagawa kun’di ang pumanhik ulit sa hagdan at pinuntahan ang kaniyang alaga. Pagkapasok niya pa lamang sa pinto ay kaagad niyang nakita si Emzara na nakadapa sa kama nito at umiiyak. “Mommy! Mommy! Please come back!” Muli siyang napabuntong-hininga at dahan-dahan na naglakad palapit sa kama ng bata. Umupo siya sa tabi nito. “I’m sorry,” mahinang sabi niya rito. “No. I hate you, Gelaena! Go away!” “Sorry na. E, h-hindi naman talaga ako aalis. I mean, may pupuntahan lang ako. Pero babalik din naman ako, e!” pagdadahilan na lamang niya upang tumigil na ito sa pag-iyak. “No. I heard you talking with Señor Salvador. You told him you are leaving. How about your promised to me? You said you would find my mommy!” Na-guilty naman siya bigla dahil sa mga sinabi nito. Oo nga naman. Nangako siya rito, tapos babaliin niya lang din pala! Muli siyang nagpakawala nang malalim na buntong-hininga at hinaplos ang likod nito. “I’m sorry na. Okay, hindi na ako aalis,” aniya. “Tumahan ka na.” Kumilos naman ito upang umupo. Pinunasan ang luha sa mga mata nito at tiningnan siya. “Why are you leaving?” Saglit siyang tumitig din dito bago niya inayos ang hibla ng buhok nito na nahulog sa tapat ng mukha nito. Inipit niya iyon sa likod ng tainga nito. “Kasi... nagagalit sa akin ang tatay mo. Ayaw niya sa akin. Ayaw niya na ako ang magbabantay sa ’yo. Ayaw niya na ako ang yaya mo.” “Did he told you that?” Tumango siya. “Inaway niya ako kaninang umaga,” aniya. “Hindi ko alam kung bakit ayaw niya sa akin.” “Promise me you wont leave, okay?” Sumilay naman ang ngiti sa mga labi niya dahil sa sinabi nito. Oh, holy lordy! Paano niya naman bibiguin ang cute na batang ito? Isang araw pa lamang silang nagkakakilala at nagkakasama, pero pakiramdam niya ay may malaki na itong puwang sa puso niya. Ang gaan ng pakiramdam niya rito. Hinaplos niya ang pisngi nito. “Promise,” sabi niya kahit hindi naman talaga siya sigurado doon. Lalo pa kapag nagalit na naman sa kaniya ang tatay nito. “Pinky swear?” anito at itinaas pa ang pinky finger nito. Muli siyang napangiti at nakipag-pinky promise na rito. Pagkatapos ay yumakap ito sa kaniya. MULA SA PAGKAKATUON ng atensyon ni Gawen sa mga documents na nasa ibabaw ng kaniyang lamesa, habang abala siya sa binabasa niya ay nag-angat siya ng mukha nang makarinig siya ng mahihinang katok mula sa labas ng kaniyang silid. Napilitan siyang tumayo sa kaniyang puwesto nang muling may kumatok. Naglakad siya palapit sa pinto at binuksan iyon. Bumungad naman sa kaniya ang kaniyang anak habang nakatingala ito sa kaniya. Bahagyang nagsalubong ang kaniyang mga kilay at inilagay sa baywang niya ang isang kamay niya. “Why are you not sleeping, young lady?” tanong niya rito nang tingnan niya ang oras sa suot niyang wristwatch. “Are you not busy? Can I talk to you, Mayor?” sa halip ay balik na tanong nito sa kaniya. Bumuga siya nang malalim na paghinga ’tsaka niluwagan ang pagkakabukas sa pinto upang papasukin ito. Kababata niya ang Nanay nito, kaya parang anak na rin ang turing niya rito kay Emzara. No’ng araw na kinausap siya ng nanay nito at humingi ito ng pabor sa kaniya na kung maaari daw ay iiwan muna nito sa kaniya ang anak nito ay hindi siya nagdalawang-isip na pumayag. Pero ang hindi niya alam ay plano na pala nitong umalis at iwanan nang tuluyan sa kaniya ang bata. Hindi niya naman ito puwedeng dalhin sa bahay-ampunan para ipaampon, kaya kinupkop niya na ito at siya na ang naging legal guardian nito. Matagal na rin niyang ipinapahanap kung nasaan ang nanay nito, pero hindi niya naman ito makita. Umupo si Emzara sa sofa na nasa gilid ng kaniyang kwarto habang nakapamulsa naman siyang tumayo sa gilid ng kaniyang working table at seryosong tiningnan ang bata. “What do you want?” tanong niya rito. Tumingala naman ito sa kaniya. “Why are you sending Gelaena away?” NAPAHINTO SI GELAENA sa tapat ng silid ni Emzara nang marinig niya ang boses ng bata na nasa kabilang kwarto. Bahagyang nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang pagkalingon niya sa silid na pinasukan niya kahapon, nakita niyang bahagyang nakaawang iyon. Dahan-dahan siyang naglakad palapit doon. “You don’t need her because you have a new nanny.” “But I like Gelaena, Mayor.” “But I don’t like her.” “Nakakainis talaga ang Mayor na ’to! Hindi pa rin ba siya maka-move on sa pagtawag ko sa kaniya ng hardinero? Ang tindi naman ata ng galit niya sa akin!” bulong na saad niya habang nakatayo na siya sa gilid ng pinto at nakikinig sa usapan ng mag-ama. “But I don’t like the new nannies you hire to watch over me. I only like Gelaena.” “Emzara, I will decide who I want to be your nanny, okay? When I say I don’t like her, I don’t. So, tomorrow morning... you have your new nanny.” “But I don’t like, Mayor.” Nagtaas pa ito ng boses. “Emzara, do not be hard-headed.” Bigla naman itong umiyak kaya napasilip ulit si Gelaena sa siwang ng pinto. “Gelaena is the only one who doesn’t get mad at me. She was nice to me...” “Of course she’s nice to you because it’s just her first day at work. But I’m sure she will scold you, too.” Anito. “Sigurado akong panget ang ugali niya.” Dagdag pa nito. Napasimangot siya dahil sa kaniyang narinig. Aba, loko pala ang Mayor na ’to! Siya pa itong sinabihan ng panget ang ugali, samantalang ito naman ang hindi maganda ang ugali. Ugh! Nakakainis siya. Ang sarap niyang kastiguhin. Sisiraan niya pa ako sa bata! Huramentado ng kalooban niya. “No she’s not. She promised me—” “It’s already late, Emzara. Go back to your room. This conversation is done.” Narinig naman niya ang malalaking yabag ng mga paa na palapit sa may pinto. Hindi na siya nakagalaw mula sa pagkakasandal niya sa pader nang pagkabukas ng pinto ay biglang nagtama ang mga mata nila ni Mayor Gawen. Nanlalaki ang kaniyang mga mata na napatitig dito habang nangunot naman ang noo nito. “What are you still doing here? Akala ko ba ay umalis ka na?” “Gelaena!” Napatungo naman siya upang tapunan ng tingin ang bata. Ngumiti siya rito at inilahad niya rito ang kaniyang kamay na kaagad namang tinanggap ng bata at lumapit sa kaniya. Mayamaya ay binitawan niya ang kamay nito at tinakpan niya ang mga tainga nito at tinapunan niya ulit ng tingin ang Mayor. “Kung ako lang po ang masusunod, Mayor. Kaninang umaga pa ako umalis kagaya sa sinabi ko sa inyo. Pero kinausap ako ni Señor Salvador na hindi raw ako aalis at ako pa rin ang magiging yaya ni Emzara. Nakiusap din sa akin ang bata na huwag ko siyang iiwan. Ngayon, kung issue pa rin po sa ’yo... o kung galit ka pa rin po sa akin dahil napagkamalan po kitang hardinero, I’m sorry, okay?” pagkasabi niya niyon ay tinanggal niya ang mga kamay niya sa tainga ng bata at muling hinawakan ang kamay nito at iginiya na pabalik sa silid nito. Hindi niya na hinintay na magsalita pa ang Mayor. Walang lingon-lingon na nagtuloy sila ni Emzara sa silid nito. Napatiim-bagang na lamang si Gawen habang nakatitig ito sa nakapinid na pinto. “Wala pang babae ang kumausap sa akin ng ganito sa tanang buhay ko. Only you. Just only you.” Naiinis na saad nito at pabalibag na isinarado ang pinto ng silid nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD