NAPATITIG si Gawen sa dalaga. From her beautiful and butterscotch-colored eyes, his gaze fell to her pointed nose and red lips. Hindi napigilan ni Gawen na suyurin ng kaniyang tingin ang magandang mukha ng dalaga na ngayon ay mataman ding nakatitig sa kaniya. Bahagya siyang nakayuko habang nakapulupot ang kaniyang isang braso sa baywang nito while his other hand was holding the nape of her neck. Ang isang kamay naman ng dalaga ay nakahawak sa kaniyang braso habang ang isa pang kamay nito ay nakahawak sa tapat ng dibdib nito.
Napalunok siya.
But later, he suddenly came to his senses so he stood up straight and let go of her.
“What are you doing in my room?” magkasalubong ang mga kilay na tanong niya sa dalaga.
Umawang ang mga labi nito, ngunit walang salita ang namutawi rito.
“I said, what are you doing in my room? Are you a thief?”
Nangunot bigla ang noo nito. “H-hindi.” Mabilis na sagot nito at umiling pa. “H-hindi po ako magnanakaw, sir.”
“Then what are you doing in my room if you’re not a thief?” umigting pa ang kaniyang bagang habang matalim pa rin ang pagkakatitig niya rito.
Mabilis naman itong nagyuko. “S-sorry po, sir. E, n-nagulat po kasi ako sa inyo kaya...” napalunok pa ito at bahagyang tumingin sa kaniya, pero muli ring nag-iwas ng tingin. “I’m sorry po, sir.”
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Gawen sa ere pagkuwa’y inabot ang doorknob ng pinto at isinarado niya iyon kaya napahakbang ang dalaga palabas. Mabilis siyang tumalikod.
“Manang Hulya!” malakas na sigaw niya sa pangalan ng matanda habang palapit na siya sa may hagdan.
Napasunod naman si Gelaena.
“Manang Hulya!”
“M-mayor!” nagkukumahog naman ang matanda habang palabas na ito ng kusina, kasunod naman nito si Arlene na halatang nagulat din sa dagundong ng sigaw ng batang Mayor.
“Who is she?” galit na tanong niya habang nasa gitna na siya ng hagdan. Tinuro pa niya ang dalaga na nakatayo naman sa itaas ng hagdan.
Tinapunan naman ng tingin ng matandang Hulya ang pamangkin. “Ah, Mayor, siya po pala ang pamangkin ko. Ang bagong yaya ni Señorita Emzara.”
“Emzara’s new nanny?” tanong niya.
“Opo, Mayor.”
“Bakit hindi ko alam ang tungkol dito?”
“E, w-wala po kasi kayo rito kanina, Mayor. Pero... nakausap ko na po si Señor Salvador nang dumating kami kanina. Nakausap na rin po ng papa ninyo ang pamangkin ko kaya nagsimula na siyang magtrabaho bilang yaya ni señorita ngayong araw.” Pagpapaliwanag ng matanda.
“Bakit hindi mo agad sinabi sa akin kanina nang dumating ako? Bakit si Papa lang ang kinausap mo tungkol sa kaniya? Ako ang nagpapahanap ng bagong yaya ni Emzara kaya sana sa akin ka lumapit para magtanong kung tatanggapin ko ba ang pamangkin mo o hindi.” Galit pa ring saad niya sa matanda.
Napalunok naman si Gelaena habang ipinagpapalipat-lipat ang tingin sa tiyahin maging kay Gawen.
Napalunok din naman ang matanda. “Pasensya na po, Mayor. Ang akala ko po kasi—”
“Alam mo ba kung nasaan itong pamangkin ninyo kanina, Manang Hulya?” tanong niya dahilan upang maputol ang pagsasalita ng matanda. “She was in my room and it was like she was stealing from me—”
“Sir, teka lang po, a!” biglang singit ni Gelaena dahil sa sinabi niya.
Napalingon naman siya rito. At mula sa kinatatayuan ng dalaga ay bumaba ito sa hagdan hanggang sa ilang baitang na lamang ang layo nila sa isa’t isa. Magkasalubong ang mga kilay nito habang nakatitig sa kaniya.
“Hindi po ako nagnanakaw sa silid ninyo,” wika nito. “Nakita n’yo ba na may kinuha o ginalaw ako sa mga gamit ninyo?” tanong pa nito sa kaniya. “Wala naman po kayong nakita na kinuha ko hindi po ba? Pero bakit pinagbibintangan n’yo agad ako na nagnanakaw sa gamit ninyo? Aba, naturingan kang Mayor pero judgemental ka naman po pala!”
MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Gelaena sa ere upang kontrolin ang kaniyang sarili. Aba, ang panget naman pala ng ugali nitong Mayor ng San Ildefonso, Bulacan. Wala naman itong nakita na kinuha niya kanina sa silid nito tapos ngayon ay pagbibintangan siyang nagnanakaw raw? Guwapo nga ito, panget naman ng ugali.
“You were in my room earlier. So ano ang gusto mong isipin ko? Na nagpapahinga ka lang sa kwarto ko?” mapanuyang tanong nito sa kaniya.
Muli siyang napatiim-bagang at napabuga nang malalim na paghinga.
Ugh, ang sarap niyang itulak para mahulog siya sa hagdan. Nagngingitngit ang kalooban niya ngayon. Siguro ay gusto lamang siya nitong gantihan dahil sa nangyari kanina roon sa swimming pool area? Dahil napagkamalan niya itong hardinero kanina kaya ito nagagalit ngayon sa kaniya.
Magsasalita pa sana siya para sagutin ito, pero bigla namang pumasok sa main door si Señor Salvador habang may kasama itong matandang babae. Marahil ay ito si Doña Cattleya na asawa nito.
“What is that noise?” tanong ng matandang lalaki. “Nasa labas pa lamang kami ay naririnig ko na ang galit mong boses, Gawen!” saad pa nito sa anak.
“Why you didn’t tell me about her, papa?” sa halip ay balik na tanong nito sa ama.
“About Gelaena?” tanong din nito na tinapunan pa ng tingin ang dalaga. “Oh, she’s the new yaya of my apo.”
Muling bumuntong-hininga ang Mayor. “Hindi mo manlang ako kinausap tungkol dito, papa.” Anito. “You know that I am very careful about hiring Emzara’s nanny dahil ayokong maulit uli ang nangyari sa batang iyon no’ng nakaraan. She was almost kidnapped by her nanny. Hindi ba kayo nadala sa nangyaring ’yon?”
“Gawen, anak!” anang Doña Cattleya. “Puwede n’yo namang pag-usapan ng papa mo ang tungkol dito ng hindi ka nagagalit. Mamaya kapag narinig ka ng apo ko ay mag-iiiyak na naman ’yon. Calm down.” Anito sa anak.
Bahagya naman siyang nakahinga nang maluwag dahil sa mag-asawa. Mabuti na lamang at dumating ang mga ito ngayon. Dahil kung hindi... malamang na ito nga ang una at huling araw niya sa kaniyang trabaho. Aba, hindi siya magpapatalo rito ano? Kahit pa sabihing Mayor ito at yaya lamang siya ng anak nito. Dahil nasa katwiran at nagsasabi naman siya ng totoo na hindi siya nagnanakaw sa silid nito, makikipagtalo talaga siya rito.
“I don’t like her. I will find another nanny for Emzara.” Pagkasabi nito niyon ay kaagad itong pumanhik.
Bigla naman siyang naalerto nang palapit na ito sa kaniya. Gumilid siya upang hindi siya nito mabangga. Napapikit pa siya nang pagdaan nito sa tabi niya ay naamoy niya ang mabango nitong perfume.
Oh, Gelaena! Magtigil ka nga riyan! Nakakainis ang lalaking iyon kaya huwag kang magpapadala sa bango ng perfume niya. Panenermun niya sa kaniyang sarili.
“Hija, Gelaena!”
Napamulat siya at napatingin sa mag-asawa. Mayamaya ay bumaba na rin siya sa hagdan.
“Señor Salvador.” Aniya.
“Ikaw pala si Gelaena. Ang bagong yaya ng apo ko?” tanong naman ng Doña Cattleya sa kaniya habang nakangiti ito.
Napangiti na rin siya sa doña. “Magandang hapon po, Doña Cattleya. Ako nga po ang bagong yaya ng apo ninyo.”
“Nice to meet you, hija.”
Nang ilahid nito ang kamay sa kaniya upang makipag-shake hands ay kaagad naman niya iyong tinanggap.
“Nice to meet you rin po, Doña Cattleya.”
“Pasensya ka na sa anak namin, hija.” Saad naman ng Señor Salvador.
“Ganoon lang talaga ang ugali n’on kapag bagong dating galing sa City Hall.” Dagdag ding saad ng doña.
Tipid naman siyang ngumiti. “E, paano po ’yon... ayaw raw po sa akin ni Mayor?”
“Huwag mo ng intindihin ang sinabi niya kanina, hija. I’ll talk to him. Ako na rin ang tumanggap sa ’yo para maging yaya ng apo ko kaya hindi ka niya puwedeng tanggalin sa trabaho mo. So, go on. Puntahan mo muna si Emzara. I know na nag-away na naman ang dalawang iyon.”
Tumango naman siya at ngumiti ulit sa mag-asawa bago siya nagpaalam at muling pumanhik sa hagdan upang puntahan ang bata.
Kumatok siya sa pinto bago niya pinihit ang doorknob at pumasok siya sa silid ng bata. Nakita naman niya itong nakaupo sa ibabaw ng kama habang humihikbi pa rin at yakap-yakap ang staff toy nitong elepante.
“Gelaena!” sumisinghot na sambit nito sa kaniyang pangalan nang tumingin ito sa kaniya.
Malungkot na naglakad naman siya palapit dito at umupo siya sa gilid ng kama nito.
“He’s mad at me again.” Tila pagsusumbong nito sa kaniya.
Inakbayan naman niya ito. “Galit din siya sa akin.” Aniya.
“Why is he like that? He always get’s mad at me. Lalo na kapag sinasabi ko sa kaniya na gusto kong makita si mommy.”
Bumuntong-hininga siya at masuyong hinaplos ang likod nito upang patahanin ulit ito sa pag-iyak. “Hayaan mo na siya. Siguro... pagod lang siya sa trabaho niya kaya nagagalit siya sa ’yo kapag nagtatanong ka about sa mommy mo.” Saad na lamang niya. Hindi niya rin naman kasi alam kung ano ang kaniyang sasabihin dito tungkol sa tatay nito. “Ganito na lang... tutulungan na lang kita na hanapin ang mommy mo. Okay ba ’yon sa ’yo?”
Bigla naman itong tumigil sa paghikbi at lumingon sa kaniya. “Really? Hahanapin mo ang mommy ko?”
Tumango siya kahit sinabi niya lang naman iyon upang tumigil na ito sa pag-iyak. “Basta hindi ka na iiyak!”
“Deal.” Saad nito at mabilis na pinunasan ang mga luha sa pisngi nito at pagkatapos ay nakipag-shake hands sa kaniya na tinanggap naman niya.
“Okay. Tahan ka na. Huwag ka ng umiyak, huh!”
“You will help me, Gelaena.”
“I promise.”
“Thank you.” Yumakap pa ito sa kaniya.
Napangiti naman siya at ginantihan din ito ng yakap.
“HINDI MADALING maghanap ng yaya para sa anak mo, Gawen.” Anang Señor Salvador sa anak habang nasa library sila na ginagawa rin namang opisina ng señor kapag nasa bahay lamang ito nagtatrabaho. “Kita mo naman... lahat ng yayang hina-hire mo para kay Emzara, isa, dalawang araw lang ay umaalis agad dahil hindi matagalan ang ugali ng batang ’yon. Why don’t you just give Gelaena a chance? Malay natin, siya na pala ang makakasundo ng anak mo. Hindi na tayo mahihirapang maghanap ng panibagong yaya niya.”
Bumuntong-hininga naman siya nang malalim dahil sa sinabi ng kaniyang ama. “I’m sure, bukas na bukas din ay aalis din ang babaeng ’yon. Sigurado akong hindi rin niya matatagalan ang batang ’yon kaya maghahanap na ako ng bagong papalit sa kaniya.”
“Gawen anak...”
“I’m sorry, Papa. But I don’t like her.”
Nangunot naman ang noo ng Señor Salvador at pinakatitigan ang anak. Mayamaya ay ngumiti ito. “You don’t like her? E, hindi naman ikaw ang aalagaan ni Gelaena, kun’di ang anak mo. Malay mo, magkasundo silang dalawa.”
Tiim-bagang na muling bumuntong-hininga si Gawen dahil sa sinabi ng kaniyang ama. Nakuha pa nitong magbiro sa kaniya.
“This conversation is done, Papa,” sabi niya upang tapusin agad ang pag-uusap nilang iyon. Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa at naglakad na palabas sa library na iyon.
“OH, MY GOD!” gulat na sambit ni Gelaena at napahawak pa sa tapat ng kaniyang dibdib. Nasa kusina siya at kumukuha ng malamig na tubig dahil iyon ang rekwes sa kaniya ng kaniyang alaga. Pero nang maisarado niya ang pinto ng refrigerator, nagulat naman siya nang makita niyang nakatayo sa gilid niyon si Gawen. Seryoso pa ang mukha nito habang nakatitig sa kaniya. “Jusko naman po, sir! Papatayin n’yo po ba ako sa takot?” naiinis na tanong niya rito.
“What are you doing?” malamig na tanong nito sa kaniya.
“Oh, teka lang po, huh! Baka pagbintangan n’yo na naman po akong nagnanakaw sa loob ng ref ninyo. Oh, baso lang ang hawak ko na may lamang malamig na tubig para sa anak ninyo.” Sarkastikong saad niya at ipinakita pa rito ang hawak niyang baso.
Mabilis namang nagsalubong ang mga kilay ng Mayor. Tila hindi nagustohan ang mga sinabi niya.
“Manners, miss. You are talking to the Mayor.” Anito. “Ganiyan ka ba talaga makipag-usap sa mas nakatataas sa ’yo? Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo na gumalang sa ibang tao?” mapanuyang tanong pa nito.
“Sorry po, sir, a!” aniya. “Pero ganito lang po ako makipag-usap sa mga judgemental na tao.” Pabulong pang saad niya nang tumalikod siya rito.
“What did you say?”
“Kako, excuse me po, sir! Ihahatid ko lang po itong tubig sa silid ng anak ninyo. Babu!” kaagad siyang humakbang palabas sa kusinang iyon at hindi na niya ito hinintay na magsalita pang muli. Mas lalo lamang siyang naiinis dito.
Napapabuntong-hininga na lamang si Gawen habang sinusundan nito ng tingin ang dalaga.