CHAPTER 45

2304 Words
“HUWAG mo nang pansinin ang mga sinabi ng Ella na ’yon, bes,” sabi ni Arlene nang lumapit ito sa tabi ni Gelaena. Nakaupo pa rin siya sa sofa at nakatitig sa kawalan. Hanggang ngayon ay ayaw pa ring mawala sa isipan niya ang mga sinabi ni Ella sa kaniya kanina. Totoo nga ba iyon? Totoo ba na magpapakasal na ang dalawa? E, paano naman sila? Paano naman siya? Paano ang relasyon nila ni Gawen? Iyon ang mga katanungang naglalaro sa kaniyang isipan sa mga sandaling iyon. Nang maramdaman niya ang pag-iinit sa sulok ng kaniyang mga mata ay kaagad niyang kinagat nang mariin ang pang-ilalim niyang labi at pagkatapos ay humugot siya nang malalim na paghinga at marahan iyong pinakawalan sa ere. “Gelaena!” “W-wala pang sinasabi sa akin si Gawen... t-tungkol dito,” sabi niya. “E ’di kausapin mo siya mamaya kapag dumating siya.” Ani nito. “Pero huwag ka kaagad na magpaniwala sa mga sinabi ng Ella na ’yon, Gelaena. Buang lang talaga ang babae na ’yon. Matagal na ’yon patay na patay kay Mayor kaya sigurado ako na gumagawa lang siya ng isturya para masaktan ka at magkahiwalay kayo ni Mayor Gawen. Hindi naman siya type ni Mayor e, at ikaw ang girlfriend niya at ikaw ang mahal niya kaya huwag ka muna mag-isip agad ng kung anu-ano riyan habang hindi pa kayo nagkakausap na dalawa,” sabi pa nito sa kaniya. Humugot siya ulit nang malalim na buntong-hininga. Tama si Arlene! Hindi siya dapat maniwala agad sa mga sinabi ni Ella sa kaniya. Kailangan ay kausapin niya muna si Gawen para magkaliwanagan silang dalawa. Alam naman niyang mahal siya ni Gawen. Pero hindi niya lamang maiwasan na hindi matakot at makadama ng kirot sa puso niya nang marinig niya ang mga sinabi ni Ella sa kaniya kanina. “Huwag ka ng iiyak!” anang Arlene at masuyong hinaplos ang kaniyang likod upang aluhin siya. Kaagad niyang sinupil ang kaniyang sarili at tumingala siya at sunod-sunod na kumurap upang pigilan ang kaniyang sarili na mapaluha. “Salamat pala, Arlene,” sabi niya rito. “Salamat saan?” kunot ang noo na tanong nito sa kaniya. “Sa pagtatanggol mo sa akin kanina,” sabi pa niya. “Of course, you’re my best friend, Gelaena,” sabi nito. “Oh, huh, inglish na ’yon.” Bahagya pa itong tumawa. “Pero... seryoso nga. Siyempre ipagtatanggol kita sa Ella na ’yon kasi best friend kita. Hindi ko naman hahayaan na basta ka na lang apihin ni Ella o kahit sino man diyang mga babae na abot hanggang Mars ang pangarap na magugustohan sila ni Mayor. Nako, hindi ako papayag na mabubuwag lang ang team GaGe ko nang dahil lang sa Ella na ’yon,” sabi nito at umirap pa sa hangin. Hindi na niya napigilan ang matawa ng pagak. “Thank you ulit, Arlene.” Aniya at hinawakan ang kamay nito. “Welcome, Amiga. Pero, maiwan na muna kita rito. Kailangan ko pang tapusin ang paggugupit ko sa mga halaman doon,” sabi nito at tinuro pa ang mga bulaklak na saglit nitong iniwanan kanina. “Nako, muntikan ko ng i-testing sa leeg ni Ella itong cutter ko. Mabuti na lang nakapagpigil ako.” Muli siyang natawa dahil sa pabirong sinabi ni Arlene bago ito tumalikod at naglakad na pabalik sa ginagawa nitong trabaho kanina. Sinundan na lamang niya ito ng tingin at pagkuwa’y nagpakawala siya ulit nang malalim na paghinga. “SERYOSO na ba talaga ’yang desisyon mo, anak?” tanong ni Doña Cattleya habang kasama ang anak nito sa loob ng sasakyan. Mula sa pagkakatitig sa labas ng bintana’y binalingan ni Gawen ng tingin ang ina at pagkatapos ay bumuntong-hininga siya nang malalim. Kaninang umaga ay umalis siya sa mansion upang magtungo sa Quezon City Hall para isumiti ang kaniyang withdrawal of candicacy sa nalalapit na eleksyon. Pinal na ang kaniyang naging desisyon sa nagdaang gabi na hindi na lamang niya itutuloy ang kaniyang pagtakbo bilang gobernor. Mas mahalaga para sa kaniya si Gelaena kaysa ang tanggapin niya ang inaalok ni Governor Alcantara na pakasalan niya ang anak nitong si Ella. Binigyan siya nito ng isang linggo para pag-isipan ang bagay na iyon. Ngunit hindi niya na kailangang gawin iyon. Hindi niya na kailangang hintayin ang isang linggo para magdesisyon. It’s final! He decided to filed his withdrawal of candidacy. “Mas mahalaga po sa akin si Gelaena, Mama,” sabi niya sa ina. Ngumiti naman ang Doña Cattleya habang nakatitig ito sa mukha ng anak. Mayamaya ay kumilos ang isang kamay nito at hinawakan ang kamay ni Gawen na nakapatong sa ibabaw ng isang hita niya. Masuyo iyong pinisil ng kaniyang ina. “I’ll support you whatever your decision is, anak,” sabi nito. “I’m sorry again kung pinilit pa kitang gawin ito.” “It’s okay, mama. Hindi naman po labag sa loob ko na ginawa ko ito. It’s just that... I can’t marry Ella dahil lamang sa pagtakbo ko bilang governor ng Bulacan. Dahil lamang sa makukuha kong suporta galing kay Governor Alcantara. I love Gelaena, mama.” “I know. I know you love her,” sabi nito. “Thanks, ma.” Nakangiting turan niya sa ina. “So, may balak ka na ba na alukin ng kasal si Gelaena?” Mabilis na sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi niya dahil sa naging tanong ng kaniyang ina. Pero hindi agad siya nakasagot at muling itinapon sa labas ng bintana ang kaniyang paningin. Hindi pa matagal ang relasyon nila ni Gelaena. Pero... alam niya at sigurado na siya sa kaniyang sarili na si Gelaena na babaeng para sa kaniya. He really loves her so much at nasa tamang edad na siya para magdesisyon at mag-asawa na. Isa pa, atat na rin itong mga magulang niya na mag-asawa na siya. “I really love Gelaena, mama. And of course, I want to settle down with her. Pero... bago kami mag-settle, gusto ko munang mas makilala pa namin ang isa’t isa. And after the election, kapag bumaba na ako sa puwesto ko bilang Mayor, makakapag-focus na ako sa sarili ko at hindi ko na kailangang itago ang relasyon naming dalawa.” “Ikaw ang bahala, anak.” Ani nito. Muli siyang ngumiti at isinandal ang kaniyang ulo sa headrest ng kaniyang upuan at muling itinuon ang paningin sa labas ng bintana. Ilang oras pa ang naging biyahe nila bago sila nakabalik sa mansion. “Daddy Mayor!” kaagad na sumalubong sa kanila si Emzara habang kasama nito si Arlene. “Hey, sweetie! How are you?” tanong niya sa bata nang kargahin niya ito at halikan sa pisngi. “Why are you still awake? It’s eight o’clock in the evening.” “I’m fine po, Daddy,” sagot nito. “I was waiting for you and lola po, e!” saad pa nito. “Hi, lola!” kumaway pa ito sa Doña Cattleya nang makababa na rin ito sa kotse. “Hello, apo! How are you?” nang makalapit ito sa mag-ama at hinalikan din sa pisngi ang bata. “I’m fine po, lola.” “Where is Gelaena?” tanong niya. Nagkibit lamang ng balikat ang bata kaya binalingan niya ng tingin si Arlene. “Where is Gelaena, Arlene?” tanong niya ulit. “Um, u-umalis po, Mayor,” sagot nito. Mabilis na nagsalubong ang kaniyang mga kilay. “Umalis? Kailan pa? Gabi na, ah! Saan siya nagpunta? Sino ang kasama niya?” sunod-sunod na tanong niya sa dalaga. “Kaninang hapon lang po siya umalis, Mayor. Ang sabi niya pupunta raw po siya sa farm.” Mas lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa sinabi ni Arlene. Farm? Ano naman ang gagawin doon ni Gelaena? Huwebes pa lang naman ngayon at bukas pa sila pupunta roon. “Gabi na. Ano naman ang gagawin ni Gelaena sa farm?” tanong din ni Doña Cattleya. “Hindi ko po alam, Doña Cattleya. Pero... Mayor, tingin ko po ay kailangan ninyong mag-usap ni Gelaena. Nagpunta po kasi rito si Ella kanina at nagkausap po silang dalawa. May mga sinabi po si Ella kay Gelaena na hindi po maganda.” Anang Arlene. Wala sa sarili at bigla siyang napabuntong-hininga nang malalim matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Arlene. Oh, parang may idea na siya kung ano ang napag-usapan ng dalawa kanina! “Dalhin mo na muna sa loob si Emzara, Arlene.” Aniya at ibinigay ang bata sa dalaga. “Aalis po ako, ma.” “Okay. Puntahan mo na ang batang ’yon at ng magkausap kayo nang maayos.” Kaagad siyang umikot sa papunta sa driver’s seat ng kaniyang sasakyan. “Mayor, hindi ko na po ba kayo ihahatid?” tanong ni Anilito sa kaniya. “Hindi na, Anilito. Kaya ko na.” Aniya at hiningi rito ang susi ng kaniyang kotse pagkuwa’y kaagad na sumakay roon at binuhay ulit ang makina niyon. Oh, hindi man niya alam kung ano ang eksaktong napag-usapan ng dalawang dalaga kanina, pero parang may idea na siya na tungkol sa arrange marriage nila ni Ella ang sinabi nito sa kaniyang nobya kanina kaya umalis ng mansion si Gelaena. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niyang muli sa ere habang mariing nakatiim-bagang. Sana lang ay hindi magalit sa kaniya si Gelaena kung hindi niya agad nasabi rito ang tungkol doon. Ang totoo niyon ay noong isang araw niya pa gustong sabihin iyon kay Gelaena, pero hindi lamang siya makahanap ng timing dahil kung mag-usap naman sila ay hindi lang matagal sa dami ng trabahong ginagawa niya. Maging kahapon man ay gustong-gusto niya ng sabihin dito ang totoo, pero mas minabuti na lamang niya na ngayon sabihin sa dalaga dahil nakapagpasa naman na siya ng withdrawal of candidacy niya. Iyon ang sinabi niya kanina kay Gelaena bago siya umalis ng mansion. Sinabi niya sa dalaga na mag-uusap sila pagkabalik niya galing Quezon City. Pero ang hindi niya inaasahan ay nauna na pala si Ella na kausapin si Gelaena. Ilang sandali ang naging biyahe niya bago siya nakarating sa farm. Hindi pa man siya nakakakababa sa sasakyan niya ay natanaw na niya ang ilaw mula sa bintana ng bahay kaya paniguradong naroon nga sa loob si Gelaena. Nang mapatay niya ang makina ng kotse ay kaagad siyang bumaba at malalaki pa ang kaniyang mga hakbang na tinungo ang balkunahe. Nang makaakyat siya roon at mabuksan niya ang pinto, kaagad niyang nakita si Gelaena na nasa sala. Nakahiga ito sa sofa at mukhang mahimbing na natutulog. Bigla naman siyang nagpakawala nang malalim na paghinga at napangiti siya. Dahan-dahan siyang naglakad palapit dito. Nang nasa tapat na siya ng sofa na hinihigaan ni Gelaena, bahagya niyang sinilip ang mukha nito bago siya yumuko at lumuhod sa sahig. Umangat ang isang kamay niya at masuyong hinaplos ang pisngi ng nobya. “Hey, L’amour!” mahinang tawag niya rito upang magising ito. “Gelaena!” nang wala siyang nakuhang sagot mula sa dalaga. At mula sa buhok nito, papunta sa pisngi at baba nito ay masuyo niya iyong hinaplos at pagkatapos ay ang braso naman nito. “L’amour, wake up!” Kumilos naman si Gelaena at dahan-dahang nagmulat ng mga mata nito. “G-gawen?” namamaos pa ang boses na sambit nito sa kaniyang pangalan nang makita siya. Ngumiti siya. “Hey! What are you doing here?” tanong niya rito. “Ikaw? Ano ang ginagawa mo rito, Gawen?” sa halip ay balik na tanong nito sa kaniya. “Arlene told me na nagpunta ka raw dito kaya kaagad kitang sinundan dito pagkarating ko sa mansion galing sa QC,” sabi niya. “Hey, I... we need to talk.” Saad niya pa. Seryoso pa rin ang titig ni Gelaena sa kaniya pagkuwa’y kumilos ito. Inalalayan naman niya itong umupo. Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa bago siya ang muling nagsalita. “Sinabi sa akin ni Arlene na kinausap ka raw ni Ella kanina.” Aniya habang hindi pa rin inaalis ang titig niya rito. Muling tumingin sa kaniya si Gelaena. Halos magkasalubong na ang mga kilay nito. “And the way you looked at me now, I know you’re mad so—” “Totoo ba ang mga sinabi ni Ella sa akin, Gawen?” tanong nito sa kaniya kaya naputol ang kaniyang pagsasalita. “I will explain—” “So totoo nga?” “No. Yeah. I mean—” “No? Yeah? Ano ba talaga ang totoong sagot, Gawen?” pagalit pang tanong nito ulit sa kaniya. “Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw mong ipaalam na muna sa lahat na may relasyon tayo? Kasi—” “Of course not, Gelaena.” “Kung hindi, bakit hindi mo agad sinabi sa akin na ipinagkasundo na pala kayo ng mga magulang ninyo ni Ella na ikasal?” “Hey, relax! Don’t be mad. Magpapaliwanag ako.” Nag-iwas ng tingin sa kaniya si Gelaena pagkuwa’y tumayo at akma na sana itong aalis, pero mabilis naman niya itong nahawakan sa kamay. “Gelaena!” “Then explain everything to me, Gawen.” Ani ito nang lingunin siya. At nakita niya ang pamumula ng mga mata nito. May mga luha ng nagbabayad doon. “Sabihin mo sa akin na hindi totoo ang mga sinabi ni Ella sa akin kanina! Na hindi ka magpapakasal sa kaniya kasi ako ang mahal mo, Gawen.” Biglang pumatak nang sunod-sunod ang luha sa mga mata nito. At nang makita niya iyon, bigla naman siyang nakadama ng kirot sa kaniyang puso. Damn! Hindi niya kayang makita na umiiyak ang babaeng mahal niya. “Sabihin mo sa akin, Gawen! Kasi—” Hindi na niya hinayaan na matapos pa nito ang sasabihin sa kaniya. Bigla niyang kinabig ang baywang at batok nito. Walang paalam na mariin niyang hinagkan ang mga labi nito.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD