“DO I look like a gardener to you, miss?”
Wala sa sariling napalunok siya ng kaniyang laway habang nakikita niya ang matalim na titig sa kaniya ng lalaki, maging ang ilang ulit na pag-igting ng panga nito.
Oh, s**t ka naman kasi, Gelaena! Kita mo na ngang nakasuot siya ng mamahaling amerikana tapos tatanungin mo pa siya kung hardinero siya rito sa mansion? Galit na saad niya sa kaniyang isipan. Damn. Malinga-lingang sabunutan niya tuloy ang kaniyang sarili sa mga oras na iyon.
At nang makita niyang humakbang ang lalaki palapit sa kaniya ay biglang kumabog ang puso niya. Biglang binayo ng takot at kaba ang kaniyang puso. At ang balat ng saging na hawak-hawak niya ay halos mabitawan pa niya sa labis na panginginig ng kaniyang mga kamay. Gusto sana niyang umatras o hindi kaya ay tumakbo na lang bigla upang lumayo sa nakakatakot na lalaki, pero hindi niya magawang igalaw ang kaniyang mga paa sa kinatatayuan niya.
“Who are you?” kunot ang noo at matalim na tanong nito sa kaniya nang tumigil ito sa paglalakad, dalawang hakbang ang layo nito sa kaniya.
Bumuka ang kaniyang bibig, pero hindi naman agad siya nakapagsalita. Gusto niyang mag-iwas ng tingin dito, pero hindi niya naman magawa. Tila may magnet ata ang kulay tsokolate at mapupungay nitong mga mata. And damn. Ngayong nasa harapan niya na ito, natitigan niya nang maayos ang mukha nito. Napakaguwapo rin pala nito. Maayos ang pagkakapinid ng buhok nitong nilagyan ata ng hair gel. Makapal ang mga kilay, matangos ang ilong, maayos ang pagkakaporma ng panga nito, manipis at medyo mapula ang mga labi na halatang hindi pa nakakatikim ng sigarilyo. May manipis na balbas at bigote ito na sobrang bagay na bagay sa hitsura nito. Damn. He looks perfect. Sa tanang buhay niya ay hindi pa siya nakakakita ng perpektong tao o lalaki. Pero ngayon... she did. This man standing in front of her is so damn perfect.
“I said who are you?”
Napakurap-kurap siya nang marinig niya muli ang galit na boses nito. “A, um, b-bago...” hindi niya magawang tapusin ang pagsasalita niya dahil mas lamang ang kaba na kaniyang nararamdaman sa mga sandaling iyon.
Magsasalita na sanang muli ang lalaki, pero bigla namang tumunog ang cellphone na hawak nito. Napatingin siya sa kamay nito. Tila hindi pa alam ng lalaki kung ano ang gagawin para tumahimik ang pag-iingay ng aparatong hawak nito. Bumuntong-hininga ito nang malalim at sa ilang beses na pagpindot nito sa screen, sa wakas ay dinala rin nito sa tapat ng tainga ang cellphone.
“Hello...”
Dahil doon, sinamantala na niya ang pagkakataon upang tumalikod siya at nagmamadali ng umalis bago pa muling tumingin sa kaniya ang lalaki. Halos tumakbo pa siya pabalik sa kusina nang makapasok siya sa main door ng bahay.
“Oh, bakit bitbit mo pa rin ’yan, bes?” kunot ang noo na tanong sa kaniya ni Arlene.
“A, e, h-hindi ko kasi nakita ang... ang basurahan sa labas.” Aniya.
“Ganoon ba? Akin na ’yan at ako na lang ang magtatapon. Pinapainit ko pa naman nang husto ang mantika at ang asukal.” Anito at kaagad na kinuha sa kamay niya ang balat ng saging nang makalapit ito sa kaniya.
Wala na siyang nagawa kun’di hayaan ito. Ayaw naman niyang bumalik sa labas dahil panigurado siyang makikita niya ulit ang lalaking iyon.
“Oh, sino kaya ’yon?” tanong niya sa sarili nang maglakad siya palapit sa kalan. “Hindi naman siguro siya ang Mayor Gawen na anak ni Señor Salvador, hindi ba?”
Bumuntong-hininga siya nang malalim upang tanggalin ang kaba sa dibdib niya. At mayamaya lang ay nagsimula na rin siyang mag-prito ng saging. Pagkatapos ay muli siyang bumalik sa silid ni Emzara.
“What took you so long, Gelaena?” bungad na tanong agad sa kaniya ng bata nang makapasok siya sa kwarto nito.
“I’m sorry. Medyo natagalan lang ako sa pagluluto,” sagot niya. At nang makalapit siya sa center table kung saan nakapuwesto ang bata ay inilapag niya roon ang bitbit niyang tray. Ilang piraso ng banana cue ang dinala niya at isang baso ng fresh mango juice dahil ang sabi ni Arlene sa kaniya kanina, iyon daw ang paboritong juice ng bata.
“What is that?” kunot ang noo na tanong nito sa kaniya.
“Ito ’yong banana cue na sinasabi ko sa ’yo.” Aniya.
“There’s a lot of sugar. I don’t want to eat that.” Anito at bahagya pang itinulak ang plato na inilapag niya sa harapan nito.
“Tikman mo muna. I’m sure magugustohan mo ’yan. Masarap ’yan.”
“But I don’t like sweets.”
Saglit niya itong tinitigan pagkuwa’y banayad siyang bumuntong-hininga. “Okay,” sabi na lamang niya. Nag-effort pa man din siyang magluto, tapos hindi pala ito kakain. Pero okay lang. Hindi niya naman ito puwedeng pilitin kung ayaw nitong kumain. “Ano ba ang ginagawa mo?” tanong na lamang niya rito mayamaya at umupo siya sa carpet upang tabihan ito.
“I’m doing my homework.”
“Ano’ng subject?”
“Math and Science.”
Tiningnan at binasa niya ang ginagawa nito. “Ikaw lang ang nagsasagot ng homework mo?” tanong niya ulit.
“Yeah. Ayokong magpaturo sa tutor ko because they don’t explain to me properly, so I don’t understand either.”
Kunot ang noo na tiningnan naman niya ang naka-side view’ng mukha ng bata. Seryoso itong nakatitig sa libro at tila hindi nito masiyadong maintindihan ang binabasa.
“I can help you,” sabi niya.
Lumingon naman ito sa kaniya. “Do you know these?”
Tumango naman siya at ngumiti. “Math at Science ang favorite subjects ko nang nag-aaral pa ako.” Aniya at kinuha niya ang libro nito ’tsaka nag-umpisa siyang basahin ang mga nakasulat doon. In-explain niya ang lahat sa malumanay at maayos na paraan para madaling maintindihan ng bata ang mga sinasabi niya. And she was surprise nang matutunan agad nito ang mga sinabi niya. Fast learner pala si Emzara. Matalino rin kaya madaling makaintindi. Kailangan lang talaga na ipaliwanag dito ang lahat sa maayos na paraan para maintindihan agad nito.
Hindi na nila namalayan ang oras at pareho na silang naging busy sa pag-aaral at pagsagot sa assignments nito. Natutuwa lamang din siya na mukhang magkakasundo na ata silang dalawa! Not bad naman pala ang unang araw niya sa kaniyang trabaho. Ang buong akala kasi talaga niya kanina ay ito rin ang last day niya at babalik na lamang sa probinsya nila.
“Bes!”
Bigla siyang nag-angat ng mukha at napatingin sa may pintuan nang marinig niya mula roon ang boses ni Arlene. Nakasilip ito sa siwang ng pinto at nakangiti pa sa kaniya. Mayamaya ay niluwagan nito ang pagkakabukas ng pinto at pumasok ito.
“Wow! Mukhang magkasundo nga agad kayo ni Señorita Emzara,” nakangiting sabi nito at ipinagpalipat-lipat pa ang tingin sa kanilang dalawa.
Binalingan naman niya ng saglit na tingin si Emzara. “Bakit pala, bes?” tanong niya rito.
“Wala naman. Sinilip lang kita rito kung okay kayong dalawa.”
“Okay naman kami. Mukhang magkakasundo naman kaming dalawa,” wika pa niya.
“I’m done, Gelaena!”
“Wow! Very good.” Aniya nang tingnan niya ang papel na sinagutan nito. Kanina pa sila tapos gumawa sa assignments nito, pero dahil gusto pa namang mag-aral ng bata ay binigyan niya na muna ito ng numbers na sasagutan nito.
“Did I answer correctly?”
Tiningnan niya saglit ang sinagutan nito. “Yes, you did it right. Ang galing mo naman.”
“Thank you.” Ngumiti pa ito at inayos ang buhok na medyo nagulo na naman. Inipit nito iyon sa likod ng tainga nito. “Okay. That’s enough for today. I want to take a rest.” Anito at kaagad na iniligpit ang mga gamit nito.
“Ayaw mo ba talagang kainin ang niluto namin ni Arlene kanina?” tanong niya rito mayamaya.
Tiningnan naman nito ang banana cue na lumamig na lamang. Mayamaya ay dinampot nito ang tinedor at tinusok ang isang saging at dinala sa bibig nito.
Parehong nakatingin lamang sila ni Arlene sa bata habang ngumunguya na ito.
“Mmm. You’re right, Gelaena. It taste good.”
Bigla naman siyang napangiti at tumingin kay Arlene. Nag-thumbs up naman sa kaniya ang kaibigan.
“I told you. Kaya nga paborito ko ’yan kasi masarap siya.”
“Thank you, Gelaena.”
“You’re welcome, señorita.”
“GRABE, BES! Parang ayaw ko pa ring maniwala na nagkakasundo kayong dalawa ni Señorita Ezmara. Sa dinami-rami ng naging yaya niya, ikaw lang talaga ang nakapagpatahan sa kaniya, tapos nakakausap mo pa siya nang maayos. Si Mayor Gawen nga, bihirang sagutin ng batang ’yon... tapos lagi pa silang nagkakasagutan, pero ikaw. Grabe talaga, bes! Mabuti na lamang at isinama ka rito ni Nanay Hulya.” Anang Arlene sa kaniya habang pabalik na sila sa kusina.
Napangiti naman siya. “Kahit ako man ay nagulat din nang sabihin sa akin ni Emzara na gusto niya raw ako. Basta huwag ko lang daw siyang pagagalitan kagaya sa mga naging yaya niya sa una.” Saad niya rito. “Mabait naman ang batang ’yon, bes. Sadyang kulang lang talaga siya ng aruga, tamang pag-aalaga, oras at atensyon na dapat ay ilalaan sa kaniya. Nangungulila rin siya sa mommy niya kaya ganoon.”
“Isa rin naman ’yon sa iniisip kong dahilan, bes. Pero... kahit ano kasi ang gawin ni Mayor Gawen para hanapin ang mommy niya ay hindi na talaga ito makita. Walang may makapagsabi kung nasaan na ngayon si Eula.”
“Naaawa nga ako sa bata kanina bes, habang umiiyak siya. Ramdam na ramdam ko ang lungkot at sakit sa puso niya habang paulit-ulit na sinasabi niyang gusto niyang makita ang mommy niya.” Malungkot na saad niya ’tsaka siya bumuntong-hininga.
“Oh, kumusta naman ang trabaho mo, hija?” tanong sa kaniya ng kaniyang Tiya Hulya nang pagkapasok nila sa kusina ay naroon na pala ito at naghahanda na ng lulutuin nitong ulam para sa haponan.
Ngumiti siya sa kaniyabg tiyahin. “Okay naman po, Tiya Hulya,” sagot niya.
“Nako, hindi rin po kayo maniniwala sa sasabihin ko Nanay Hulya,” wika ni Arlene. “Alam n’yo po bang magkasundo agad sina Señorita Emzara at itong si Gelaena?”
“Talaga? Aba’y mabuti kung ganoon. At sa wakas hindi na kinakailangang maghanap ulit ng bagong yaya para sa batang iyon.” Anang matanda. “Mabuti na lamang pala talaga at isinama kita rito, hija.”
Ngumiti siyang muli dahil sa sinabi ng kaniyang Tiya Hulya. “Oo nga po, tiya.”
“Sigurado akong matutuwa rin ang Señor Salvador at Doña Cattleya kapag nalaman nilang magkasundo agad kayo ng apo nila.” Saad pa ng kaniyang tiya.
“At sana rin matuwa na si Mayor Gawen, Nanay Hulya. Nako e, lagi pa naman pong aburido nitong mga nakaraang araw si Mayor.”
“Sigurado akong matutuwa rin si Mayor, Arlene.”
Tumulong na rin sila ni Arlene sa pagluluto ng kaniyang Tiya Hulya. Dapit hapon na nang muli siyang pumanhik sa kwarto ng kaniyang alaga upang silipin ito. Kakatok na sana siya sa nakaawang pinto ng silid, pero natigilan naman siya nang marinig niya ang pamilyar na boses ng lalaki na nagsalita mula sa loob ng kwarto.
“Come on, Emzara. What’s the problem again? I thought we were done talking about this stuff?”
Bahagyang nangunot ang kaniyang noo at sumilip siya sa siwang ng pinto upang tingnan kung sino ang lalaking nagsasalita. Mayamaya ay nakita niya ang lalaking naglakad papunta sa may kama ng bata. Ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makilala niya ang lalaki.
Oh, my God! Siya... siya si Mayor Gawen? ’Yong lalaking napagkamalan kong hardinero kanina? Sa isip-isip niya.
Muli siyang sinalakay ng kaba sa dibdib niya. Diyos na mahabagin! Nakakahiya! Ano na lamang ang sasabihin sa kaniya ng Mayor na iyon kapag nalaman nitong siya ang bagong yaya ng anak nito?
“Please, Mayor. I just wanted to see my mommy.”
“How many times do I have to tell you that I don’t know where your mommy is?” galit pa rin ang boses nito. “Stop crying, Emzara. Or else I’ll get mad at you even more.”
Narinig naman niya ang mahinang paghikbi ng bata dahil pinagalitan na naman ito.
Gusto niya sanang pumasok upang puntahan si Emzara at patahanin ulit sa pag-iyak nito, pero inuunahan naman siya ng kaba at takot dahil sa lalaki. Ano na lamang ang mukhang ihaharap niya sa kaniyang amo?
“I said enough crying, Emzara!”
Ngunit mas lalo lamang lumakas ang pagpalahaw ng bata.
“Damn it.” Galit na usal ng lalaki ’tsaka ito naglakad palapit sa pinto.
Nataranta naman siya. Ayaw niya munang magpakita sa lalaki lalo pa at galit ito ngayon. Baka sa kaniya pa mabaling ang galit nito sa bata.
Sa pagkataranta niya at hindi niya alam kung saan siya magtatago, kaya bigla siyang napatakbo palapit sa katabing kwarto at wala sa sariling binuksan niya ang pinto niyon at pumasok siya roon. Napapikit pa siya ng mariin nang maisarado niya ang pinto at sumandal siya sa gilid niyon.
“Oh, muntik na ako roon, a!” aniya habang malakas pa rin ang kabog ng puso niya. Pero mayamaya, napatili siya at halos tumalon na ang kaniyang puso sa kaniyang dibdib dahil sa kaniyang pagkabigla nang bumukas ang pinto at nakita niya ang lalaking pumasok. Sa labis na pagkagulat niya, biglang nanlambot ang kaniyang mga tuhod at nawalan siya ng balanse. Pero mabuti na lamang, bago pa man siya tuluyang mahulog sa sahig ay mabilis na naging alerto ang lalaki. Nasalo ng mga braso nito ang kaniyang likod.
Ang mga mata niyang mariin niyang naipikit dahil sa labis na takot niya na bumagsak sa marmol na sahig ay dahan-dahan niyang iminulat mayamaya. At ganoon na lamang ang labis pa na pagkabog ng kaniyang puso nang makita niya ang mukha ng lalaki. Sobrang lapit niyon sa mukha niya kaya naaamoy niya ang mabango at mainit nitong paghinga na tumatama sa mukha niya.
Shit.