“WHERE is my apo?”
Biglang napalingon si Gelaena sa bumukas na pinto ng silid at nakita niyang pumasok doon si Doña Cattleya habang kasunod naman nito si Ella.
“Emzara, apo ko!”
Kaagad namang tumayo si Gelaena mula sa pagkakaupo niya sa silyang nasa tabi ng hospital bed na hinihigaan ng bata.
“Doña Cattleya!” aniya.
“Oh, my God! What happened to my apo, Gelaena?” kunot ang noo at mababakas sa mukha ng doña ang labis na pag-aalala sa apo. Nang makalapit ito sa hospital bed ay kaagad nitong hinawakan ang kamay ni Emzara na mahimbing pa ring natutulog.
“What did you do to Emzara, Yaya Gelaena?” mataray na tanong din sa kaniya ni Ella.
Saglit niyang tinapunan ng tingin ang babae bago niya sinulyapan ang doña. “Um, nagkaroon daw po ng allergy si Emzara, Doña Cattleya,” wika niya.
Lumingon naman sa kaniya ang doña. “Allergy?” halos mag-isang linya pa ang mga kilay nito. “Allergy saan?”
Bahagya siyang tumikhim. “Sa... peanut butter po na ipinalaman ko sa sandwich niya, Doña Cattleya,” sagot niya.
“What? Oh, God! Are you really doing your job well, Yaya Gelaena?” pagalit pang tanong sa kaniya ni Ella.
Ugh! Nakakairita ang babaeng ito, a! Kung maka-react, parang siya ang nanay ni Emzara. Hmp! Naiinis na saad ng kaniyang isipan.
“May allergy sa peanut ang apo ko? Hindi ko alam ang tungkol doon.” Anang Doña Cattleya.
Naglakad si Ella papunta sa kabilang parte ng kama at tinitigan nang mataman ang bata at pagkuwa’y masuyo nitong hinaplos ang buhok nito. “Next time, be careful naman sa mga ipinapakain mo kay Emzara, Yaya Gelaena. Maselan ang batang ’to.” Pagalit pa ring saad nito nang muli siyang tapunan ng tingin.
Lihim naman siya napabuntong-hininga at napairap.
“Tita, I think kailangan nating ilipat sa private hospital si Emzara para maasikaso siya nang mabuti ng mga doctor.”
Bumuntong-hininga rin naman ang doña at malungkot na hinalikan sa pisngi ang apo. Mayamaya ay muli nitong nilingon si Gelaena. “Where is Gawen, Gelaena?” tanong nito.
“Nasa labas po, Doña Cattleya. May kinausap lang po siya.”
“Ano ba ang sabi ng doctor tungkol sa kalagayan ng apo ko?”
“Okay naman na raw po si Emzara. Pero, kailangan niya pa pong ma-monitor. Kung maging maayos po agad ang lagay niya ngayon, puwede na po siyang makauwi. Pero kung hindi pa po, bukas pa raw po siyang papayagan ng doctor na makalabas dito.” Pagpapaliwanag niya.
“Oh, I was worried. Mabuti na lamang at naisugod agad dito ang apo ko.” Nang muling balingan ng tingin ni Doña Cattleya ang apo.
“Thanks to Gawen, tita! Mabuti na lang po at sumama siya sa family day nina Emzara.” Anang Ella. “Yaya Gelaena, you can go outside. Nandito naman na kami ni Tita Cattleya. Kami na ang magbabantay kay Emzara.”
Hindi na siya nagsalita pa at sa halip ay lumabas na lamang siya ng silid. Tutal naman at naaalibadbaran siya sa pagmumukha ng Ella na ’yon!
Sa bench na nasa gilid ng pasilyo siya tahimik na umupo. At mula sa dulo ng pasilyo, nakita niya roon si Gawen na naglalakad at palapit na sa kaniya. Mataman niya itong tinitigan. Naalala niya na naman ang ginawa niyang pagyakap dito kanina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa isipan niya ang eksenang ginawa niya kanina sa may fire exit. Hanggang ngayon ay nararamdaman niya pa rin ang mainit at matigas nitong katawan na nakadikit sa katawan niya. Maging ang pabango nitong nalanghap niya kanina na dumikit na ata sa ilong niya at hindi na iyon nawala sa pang-amoy niya.
Oh! And the way he walked. Napaka-manly. Napaka-sexy nang bawat hakbang nito. Para ba itong isang hari na bumaba sa trono nito at naglakad-lakad sa palasyo nito.
Oh, my veggies!
Wala sa sariling napalunok siya ng kaniyang laway.
“Gelaena! I said what are you doing out here?”
Bigla siyang napakurap nang marinig niya ang tinig nito na nasa harapan niya na. Napatingala siya rito habang nakaawang pa ang kaniyang bibig.
Darn. Nasa harapan niya na pala si Gawen. Napatulala na siya kanina kaya hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kaniya nang tuluyan.
“Um, n-nasa... nasa loob po kasi sina Doña Cattleya at Ella,” sabi niya at kaagad na nagbawi ng tingin dito.
Hindi naman nagsalita si Gawen at kaagad nitong binuksan ang pinto at pumasok doon.
Nagpakawala siya nang malalim na paghinga at napasandal siya sa upuan. Napahawak pa siya sa kaniyang dibdib na malakas na naman ang pagkabog.
Parati na lamang!
“Ma!”
Napalingon naman ang Doña Cattleya at si Ella nang pumasok si Gawen sa silid.
“Hijo, Gawen!”
“Hi, Gawen!” bati ni Ella at mabilis na sumilay ang ngiti sa mga labi nito.
“Nandito na po pala kayo.”
“Migo called me earlier. At sinabi niyang isinugod n’yo rito sa ospital ang apo ko.”
Bumuga nang paghinga si Gawen ’tsaka tumayo sa may paanan ng kama. Naglakad naman si Ella palapit dito.
“She has allergy pala, Gawen.”
Tumango ang binata. “Yeah. Kanina ko lang din nalaman.”
“Masiyadong pabaya ang yaya niya. Hindi sana ito mangyayari kung—”
“It’s not Gelaena’s fault, Ella.” Anang Gawen upang putulin ang pagsasalita ng dalaga. Nilingon pa nito si Ella.
“It’s her fault, Gawen. Siya ang yaya ni Emzara kaya dapat alam niya ang ginagawa niyang trabaho.” Giit pa nito. “So I want to suggest you na humanap ka ng ibang yaya. ’Yong may alam sa trabahong ginagawa niya.” Anito. “Maghahanap ako mamaya.”
Muling bumuntong-hininga si Gawen at isinuksok ang mga kamay sa bulsa ng trouser nito. “Just like me at ng ibang tao sa mansion, walang alam si Gelaena na may allergy sa peanut si Emzara. So it’s not her fault, Ella.” Pagtatanggol pa nito sa dalaga.
“Gawen is right, Ella.” Anang Doña Cattleya. “Walang may alam na may allergy ang batang ito sa peanut. So, walang kasalanan si Gelaena.”
Umismid na lamang si Ella at ipinagkrus sa tapat ng dibdib nito ang mga braso.
Mayamaya ay napansin ni Doña Cattleya ang paggalaw ni Emzara at ang pagmulat nito ng mga mata.
“Apo ko?” anito. “Gawen, my apo is awake.”
Kaagad namang humakbang si Gawen palapit sa gilid ng kama at hinawakan nito ang isang kamay ni Emzara at masuyong hinaplos ang buhok nito.
“Hey, sweetheart! How are you?” masuyong tanong nito sa bata.
Hindi naman agad nagsalita si Emzara. Sa halip ay dahan-dahan nitong inilibot ang paningin sa paligid. Sinulyapan nito ang abuela maging si Ella na nakangiti ng nakatayo sa tabi ng doña.
“Hi, Emzara! How are your feeling?” tanong nito.
Muling tumingin si Emzara kay Gawen. “Where... where is Gelaena?” mahinang tanong nito.
“She’s outside, sweetheart,” sagot ni Gawen. “Do you want me to call her?”
Marahan namang tumango ang bata.
“Ako na ang tatawag sa kaniya,” sabi ng doña at kaagad namang tumalikod at naglakad palapit sa pinto. “Gelaena, come inside.” Nang mabuksan nito ang pinto at makitang nakaupo si Gelaena sa bench.
Kaagad naman siyang tumayo sa kaniyang puwesto. “Bakit po, Doña Cattleya?” tanong niya.
“Emzara is looking for you,” sabi nito.
Bigla naman siyang napangiti at nang makapasok siya sa silid ay nakita niyang gising na nga ang bata. Nagmamadali siyang lumapit sa hospital bed. Umupo siya sa gilid niyon at hinawakan ang isang kamay ng bata.
“Kumusta ang pakiramdam mo, Emzara?” tanong niya.
“I’m sick, Gelaena.” Malungkot na saad nito.
Tipid naman siyang ngumiti at umangat ang isang kamay niya at masuyo ring hinaplos ang buhok nito. Medyo nagdaiti pa ang kamay nila ni Gawen nang hindi agad nito naialis ang kamay nito roon. Saglit siyang sumulyap sa binata na nakatingin din sa kaniya. Pagkuwa’y muli niyang tiningnan si Emzara.
“Huwag kang mag-alala... magiging okay ka kaagad. Nandito lang ako at babantayan kita.”
Muling napaismid si Ella habang masama ang tingin nito kay Gelaena at kay Gawen na nakatingin pa rin sa dalaga.
“Next time, you should be careful, Yaya Gelaena. Huwag kang basta-bastang magbibigay ng pagkain kay Emzara.” Anito.
Binalingan naman niya ng tingin si Ella. Gusto niya sana itong sagutin, pero hindi niya na ginawa. Baka ano pa ang isipin sa kaniya ng Doña Cattleya at ni Gawen kapag nakapagbitaw siya ng hindi magandang salita sa babae. Naiinis pa man din siya ngayon nang husto!
Banayad siyang bumuntong-hininga at muling nilingon si Emzara. “I’m sorry sa nangyari. Hindi ko naman kasi alam na may allergy ka pala sa peanut.” Paghingi niya ng paumanhin sa bata.
“I didn’t tell you, Gelaena. So you don’t have to say sorry to me.”
“Kahit na. Kasalanan ko pa rin. At... sobra akong nag-alala para sa ’yo kanina.”
“You don’t have to worry, Gelaena.”
Inabot pa ng isang oras ang pananatili ng Doña Cattleya at ni Ella sa ospital bago nagpaalam nang tuluyan ang dalawa. Naiwan sila ni Emzara sa loob ng silid nang ihatid ni Gawen sa labas ang ina at si Ella.
Ilang saglit lang ay bumalik din si Gawen.
“Iiwan muna kita rito. Kailangan kong sumaglit sa City Hall dahil may importante akong meeting na gagawin.” Anito.
Tumango naman siya. “Okay po, Yorme!”
Naglakad ito palapit sa kabilang parte ng kama at hinalikan sa noo ang bata. “I’ll be right back sweetheart, okay?”
“Okay po.”
“Just take a rest.”
“Mag-iingat ka po, Yorme!” aniya at nginitian niya ito nang sumulyap ito sa kaniya.
Isang tango lang naman ang ibinigay sa kaniya ni Gawen ’tsaka ito tumalikod at naglakad na rin palabas ng silid.
“TIYA HULYA! ARLENE!” aniya nang dumating sa ospital ang dalawa.
“Kumusta na si Señorita Emzara, hija?” tanong ng matandang Hulya.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa sofa at naglakad palapit sa kaniyang tiyahin. Kinuha niya ang bitbit nitong basket ng prutas at inilagay sa mesang nasa tabi ng hospital bed. “Okay na po siya, tiya! Pero bukas pa po kami makakauwi sa mansion.”
“Nag-alala rin kami para kay señorita,” sabi ni Arlene habang nasa tabi na ito ng kama at matamang tinititigan ang batang mahimbing na namang natutulog. “May allergy pala siya sa mani.”
“Ang sabi ni Yorme, hindi niya rin daw alam na may allergy si Emzara sa peanut.”
“Pero mabuti na lamang at nadala n’yo agad siya rito.”
“Oo nga po, Tiya Hulya! Labis din po akong nag-alala kanina,” sabi niya. “Ang akala ko’y kung ano na ang nangyari sa kaniya at bigla na lamang siyang nahimatay habang nagsasayaw sila ng mga kaklase niya.”
“Mabuti at hindi nagalit si Mayor, bes?”
Umiling siya. “Hindi naman, Arlene.” Aniya at bumuntong-hininga siya at umupo sa gilid ng kama. Tinitigan niya si Emzara. “Ang akala ko nga kanina ay tatanggalin na rin ako ni Yorme sa trabaho ko dahil sa nangyari kay Emzara. Pero... ang sabi naman niya ay wala akong kasalanan sa nangyari dahil hindi ko naman alam na ganoon nga...”
“Tama naman si Mayor, hija. Kaya walang dahilan para alisin ka sa trabaho mo. Hindi mo naman kasalanan ang nangyari sa bata, e!”
Ngumiti siya sa kaniyang tiyahin ’tsaka muling tinitigan ang mukha ni Emzara na payapang natutulog.
Labis talaga siyang natakot at nag-alala kanina nang makita niyang nahimatay ito. Pero nang makita niya namang nagising na ito kanina, bigla siyang nakadama ng ginhawa sa puso niya. Ewan ba niya sa kaniyang sarili... simula no’ng unang araw pa lamang na nakita niya si Emzara sa mansion ng mga Ildefonso, hanggang sa mga sandaling iyon... hindi na nawala ang kakaibang pakiramdam sa kaniyang puso sa tuwing tititigan niya ang maamo at cute nitong mukha. Hindi niya maipaliwanag sa kaniyang sarili kung bakit sobrang napakagaan ng kaniyang pakiramdam lalo na kapag silang dalawa lamang ang magkasama. Para bang may kung ano sa pagitan nila na nagkokonekta sa kanilang dalawa.
Malalim ngunit banayad na paghinga ang pinakawalan niya sa ere ’tsaka niya hinaplos muli ang buhok nito.
Pagkalipas ng ilang minuto, nagpaalam na rin sa kaniya ang kaniyang Tiya Hulya habang si Arlene naman ay nagpaiwan na muna roon para samahan siyang magbantay kay Emzara.
“So, paano ’yon bes... mapapag-solo pala kayo ni Yorme mo rito mamaya.”
Kunot ang noo na napalingon siya kay Arlene. Nakaupo na ito sa sofa habang nilalantakan ang orange na dala ng kaniyang Tiya Hulya kanina para sana kay Emzara. Nakangiti pa ito sa kaniya nang nakaloloko.
“Ano’ng mapapagsolo ka riyan?”
“Mapapagsolo. ’Yong kayong dalawa lang rito ang magbabantay kay Señorita Emzara.”
Mas lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa mga sinabi nitong muli.
“Alam ko kung ano ang ibig sabihin n’on, Arlene,” sabi niya. “Ang ibug kong sabihin... bakit naman kami mapapagsolo ni Yorme e, malamang naman na uuwi siya mamaya sa mansion.”
“Sus! Trust me, bes. Hindi iiwan ni Mayor si señorita dito na kayo lang dalawa. Kaya humanda ka na. Este, ihanda mo na ang puso mo sa kilig na mararamdaman mo mamaya. Kasi sigurado akong may second move nang magaganap mamaya. Mmm, yakap kaya o halik agad?” tanong pa nito sa sarili. “Ah, mas nakakakilig kung halik agad, bes.”
“Maghunos dili ka nga riyan, Arlene. Kung anu-ano na lamang ang maisip mong kalokohan diyan!” kunwari ay inismiran niya ito at nag-iwas siya ng tingin dito. Bigla kasing nag-init ang kaniyang buong mukha nang maalala na naman niya ang ginawa niyang yakap kanina kay Gawen.
“Ito naman, halata na ngang kinikilig ka riyan, pero nagkukunwari ka pang naiinis ka sa mga sinabi ko,” wika nito. “Hindi mo na lang sabihin sa akin Sana magdilang anghel ka Arlene, ganoon! Hindi ’yong kinokontra mo ang mga sinasabi ko sa ’yo, bes. Ikaw rin, kung ayaw mong magkatotoo ang mga sinabi ko. Nako, nariyan lang din sa gilid-gilid si Ella. Maunahan ka pa ng acclang ’yon.” Umismid pa ito at muling ngumuya ng orange.
Bumuntong-hininga siyang muli ’tsaka siya kumilos sa kaniyang puwesto. Umalis siya sa pagkakaupo sa gilid ni Emzara at naglakad siya palapit dito. Kinuha niya sa kandungan nito ang basket.
“Dinala n’yo ba ni Tiya Hulya rito itong prutas para kay Emzara o para may ngatngatin ka riyan habang nag-i-imagined ka na naman tungkol sa amin ni Yorme?” nagkukunwari pa rin siyang nagsusungit sa dalaga.
“Ay, sorry, bes! Akala ko kasi puwede rin ’yan sa mga bisita.” Nakangiting saad nito.
“Ikaw talaga! Umalis ka na nga rito.”
“Mmm! Kung alam ko lang... gusto mo lang ako paalisin para masolo mo agad si Yorme mo mamaya pagkarating dito.” Anito. Pero mayamaya ay kaagad din itong tumayo sa sofa at lumapad lalo ang ngiti sa mga labi. “Bes, ano kaya kung... gapangin mo na lang si Yorme mo mamaya?”
“Hoy, Arlene!” nanlalaki ang mga matang napasigaw niya nang lingunin niya ito. Napatutop pa siya sa kaniyang bibig at napalingon kay Emzara. Hindi niya napigilan ang mapalakas ang boses niya dahil sa mga pinagsasasabi ng kaniyang kaibigan.
Humagikhik naman ito. “Galawin mo na rin ang baso, bes. Mas mainam na ’yong galaw niya, galaw mo kasi mas madali kayong magtatagpo ni Mayor sa gitna. Parang chess game ba?”
“Sino ang magtatagpo?”
Sabay silang napalingon ni Arlene sa bumukas na pinto at pumasok doon si Gawen. Magkasalubong pa ang mga kilay nito habang nakatingin sa kanilang dalawa.
Kaagad na napatikom so Arlene at nag-iwas ng tingin kay Gawen. Tumikhim ito. “Bes, mauuna na pala ako,” sabi nito. “Mayor, magandang hapon po! Mauuna na po ako. Bumisita lang po kami rito ni Nanay Hulya.” Saad pa nito.
Tumango naman si Gawen ’tsaka naglakad palapit sa gilid ng kama.
“Bye, bes! Gapangin este—bantayan mo nang mabuti si señorita.” Anito at ngumiti pa sa kaniya ng nakakaloko.
Lihim na pinanlakihan niya ito ng mga mata bago tuluyan itong tumalikod at lumabas na sa silid.
Kaagad niyang sinupil ang kaniyang sarili at naglakad palapit sa mesang nasa gilid at ibinalik doon ang basket na hawak niya.
“How is she?” tanong ni Gawen sa kaniya.
“Okay naman po, Yorme! Wala na pong naging problema sa kaniya.”
Tumango ito at umupo sa gilid ng kama. Hinaplos nito ang buhok ng bata at pagkuwa’y hinalikan ang noo nito.
“Um, h-hindi po ba kayo uuwi sa mansion, Yorme?” mayamaya ay tanong niya rito.
Hindi agad sumagot si Gawen. Sa halip ay tumayo ito at hinubad ang suot na itim na coat at naglakad palapit sa sofa. Roon ito umupo pagkatapos ilagay sa armchair ng sofa ang coat. “Nope. I will stay here. Walang may magbabantay kay Emzara.”
“Nandito naman po ako, Yorme,” sabi niya.
Tumitig ito sa kaniya. “Wala kang kasama rito, Gelaena.”
Ewan, pero biglang kumislot ang puso niya dahil sa sinabi nito. Gusto niya sanang ngumiti dahil sa kilig na kaniyang naramdaman, pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. Tumikhim siyang muli. “Bibili po ba ako ng makakain natin mamaya?” tanong niya.
“No need. Inutusan ko na si Migo. Mamaya ay ihahatid niya rito ang pagkain natin.”
Tumango na lamang siya at nanatiling nakatayo sa tabi ng mesa.
“You can take a sit, Gelaena. Hindi mo kailangang tumayo riyan hanggang mamaya.” Anito at idinekwatro ang mga paa nito.
Napatingin siya sa dalawang single couch na nasa tabi ng sofa na inuupuan ni Gawen. Isang dipa lamang ang layo n’on mula sa binata. Nag-iisip siya kung uupo ba siya roon o tatayo na lamang sa kaniyang puwesto ngayon. Sigurado kasi siyang hindi siya mapapakali at mas lalo pang magreregodon ang kaniyang puso kung lalapit siya rito. Ano na lamang kung may magawa na naman siyang nakakahiya? Oh, hindi na puwedeng maulit ang ginawa niya kanina! Baka kung ano na ang isipin sa kaniya ni Gawen.
“Gelaena!”
“Um, o-okay lang po ako rito, Yorme!” aniya. “Dito na lang po ako sa tabi ni Emzara,” sabi pa niya ’tsaka siya naglakad palapit sa silyang nasa tabi ng hospital bed at doon siya umupo.
Hindi naman nagsalita si Gawen. Sa halip ay ang malalim nitong buntong-hininga ang kaniyang narinig. Humugot na rin siya nag paghinga at pinakawalan iyon sa ere upang kahit papaano ay pakalmahin niya ang kaniyang puso. My gulay! Parang gusto ng lumabas ng puso niya sa kaniyang ribcage at magsasayaw sa harapan ni Gawen para magpapansin dito!
Nilibang na lamang niya ang kaniyang sarili sa pagbabasa ng magazine na inilapag niya kanina sa gilid ni Emzara. Hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras. Kung hindi pa siya nakarinig ng katok mula sa labas ng pinto, hindi pa maaagaw ang kaniyang atensyon. Itiniklop niya ang magazine at ibinaba iyon ’tsaka siya tumayo sa kaniyang puwesto. Maglalakad na sana siya upang lumapit doon nang bumukas naman iyon at pumasok si Migo. May bitbit itong tatlong paper bag.
“Migo!”
“Sorry sa isturbo, Gelaena. Pero, nandito na ang pagkain na pinabili sa akin ni Mayor,” sabi nito at tinapunan ng tingin si Gawen na natutulog na pala habang nakaupo sa sofa. “Nagpapahinga na pala si Mayor.”
Ngumiti siya. “Ako na ang bahalang magsabi kay Yorme na naihatid mo na ang pagkain, Migo.” Aniya.
“Sige. Ilalapag ko na lang sa mesa, Gelaena.”
“Salamat.”
“Magpapaalam na rin ako.”
Ngumiti siyang muli. “Salamat ulit, Migo. Ingat ka.” Pagkuwa’y naglakad siya ulit pabalik sa kaniyang puwesto kanina. Muli niyang kinuha ang magazine, pero hindi nagtagal ay napahinto siya at napasulyap kay Gawen na bahagyang nakatungo at mukhang mahimbing na ata ang tulog. Tiningnan niya ang relong suot niya.
“Oh, gabi na pala!” mahinang usal niya. Alas syete na pala, hindi niya manlang namalayan ang mabilis na paglipas ng oras. “Hindi pa kaya siya nagugutom?” tanong niya sa sarili nang muli siyang tumingin kay Gawen. Banayad siyang bumuntong-hininga at saglit na nag-isip. Mayamaya ay tumayo siya sa kaniyang puwesto at dahan-dahang naglakad palapit sa binata. “Yorme!” mahinang tawag niya rito. Bahagya siyang tumikhim at lumapit pa lalo sa puwesto nito. Sa gilid ng sofa siya tumayo. “Yorme, tulog ka po?”
Oh, malamang, Gelaena! Kung gising siya, kanina pa siya sumagot sa ’yo!
Bahagya siyang yumuko upang silipin ang mukha nito, mahimbing ngang natutulog!
Ah, hihintayin ko na lang na magising siya. Mukhang pagod ata siya at nakatulog na nang mahimbing.
Akma na sana siyang maglalakad pabalik sa tabi ni Emzara, pero natigilan naman siya nang bigla siyang may naalala. Sumilay ang ngiti sa mga labi niya at dahan-dahang tumabi ulit sa sofa. Lumuhod siya sa gilid niyon at tinitigan niya ang guwapong mukha ni Gawen.
“Mmm, hindi talaga nakakasawang titigan ang mukha mo!” bulong na saad niya. “Kahit madalas kang magsungit sa akin, Yorme... hindi ko pa rin napigilan na magka-crush sa ’yo.” Kinikilig pang pag-amin niya sa natutulog na Mayor.
Unti-unting umangat ang mga kamay niya. Ang isa ay humawak sa armchair na nasa harapan niya habang ang isa naman ay umangat papunta sa tapat ng mukha ni Gawen. Bahagya siyang kumaway para siguraduhin kung natutulog ba talaga ito! Nang masiguradong hindi siya nito mahuhuling nasa tabi nito, napangiti siyang muli at dali-daling kinuha ang kaniyang cellphone. Ngumiti siya at nag-selfie kasama si Gawen na mahimbing pa ring natutulog. Sa pangalawang picture niya, humarap siya sa binata at ngumuso nang maipikit niya ang kaniyang mga mata. Kunwari ay hahalikan niya ito. Pero hindi pa man niya napipindot ang capture, bigla siyang nagmulat ng kaniyang mga mata nang marinig niya ang boses nito.
“What are you doing, Gelaena?”
Sa gulat niya ay bigla niyang napindot ang kaniyang cellphone at halos mabuwal pa siya sa kaniyang pagkakaluhod. Gising na pala ito at nahuli ang kaniyang ginagawa.
Oh, Gelaena!
“Um,” hindi niya malaman kung ano ang kaniyang gagawin sa mga sandaling iyon. Gusto niyang tumayo at lumayo rito, o mas magandang gawin ay kumaripas siya nang takbo papalayo, pero tila natuod siyang bigla sa kaniyang puwesto. Hindi siya makagalaw. At ang kaniyang puso, mas malakas ang kabog niyon ngayon kumpara kanina o sa mga nakaraang araw.
Jusko!
“Y-yorme!” nauutal na sambit niya.
Kumilos naman si Gawen sa puwesto nito at inilapit ang mukha nito sa kaniya. Mas lalo siyang kinabahan. Kahit ang paglunok ng kaniyang laway ay nahirapan na siyang gawin dahil mas lalong kumabog nang husto ang kaniyang puso.
“You’re taking selfies without my permission, Gelaena?”
Nahigit niya ang kaniyang paghinga nang tumama sa kaniyang mukha ang mainit at mabango nitong paghinga. Napapikit siyang saglit. At nang muli siyang magmulat, mas lalong nagregodon ang kaniyang puso dahil sobrang lapit na ng mukha ni Gawen sa mukha niya. Isang maling galaw lamang ang magawa niya, panigurado siyang maglalapat ang kanilang mga labi.
Jesus! Ano... ano ang ginagawa mo, Yorme? Sigaw ng kaniyang isipan.
“And are you going to kiss me?”
Bumilog ang kaniyang mga labi, pero walang kataga ang namutawi roon.
Shit!
“Puwede kang magpaalam sa akin, Gelaena. Hindi ’yong nanakawan mo ako ng halik habang natutulog ako.”
“P-po?” tanong niya. “H-hindi—”
Hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin nang bigla na lamang kinabig ni Gawen ang kaniyang batok at mariing hinagkan ang kaniyang mga labi.