“HI, GAWEN!” ang nakangiting mukha ni Ella ang nalingunan ni Gawen sa may pinto ng kusina habang gumagawa siya ng snacks para sa kanila ni Gelaena.
Naglakad palapit sa kaniyang puwesto ang dalaga habang malapad pa rin ang pagkakangiti ngiti nito sa kaniya.
“Ella, what are you doing here?” tanong niya.
“Um, inihatid ko lang itong portfolio na kailangan kong ipakita sa ’yo. ’Yong sinasabi ko sa ’yo kahapon,” sagot nito nang makalapit nang tuluyan sa kabilang bahagi ng kitchen counter.
“Sana hindi mo na inihatid dito. Puwede mo naman ’yon ibigay sa ’kin bukas sa office ko.”
“I just want to see you kaya sinadya ko na talagang ihatid ito rito.” Ani nito. “Wow! You’re making sandwich. That’s my favorite,” wika pa nito habang tinitingnan ang kaniyang ginagawa.
Saglit siyang sumulyap dito at tipid na ngumiti bago muling itinuon ang atensyon sa paglalagay ng palaman sa tasty. “This is for Gelaena.” Aniya.
Bigla namang nawala ang ngiti sa mga labi ni Ella at nangunot ang noo nito. Napatitig pa sa kaniyang mukha. “For Gelaena? Emzara’s nanny?” nagtatakang tanong nito.
Napatingin siya ulit sa dalaga. Ilang saglit siyang hindi nakakibo. Nawala kasi sa isipan niya at bigla niyang nasabi rito na para kay Gelaena ang pagkaing ginagawa niya. Mayamaya ay tumikhim siya at muling nag-iwas ng tingin dito. “Um, y-yeah,” sagot niya. “Masama kasi ang pakiramdam niya. Wala si Manang Hulya para gawan siya ng snack para makainom na rin siya ng gamot niya.”
Bigla namang tumawa ng pagak si Ella. “My God! You shouldn’t do that, Gawen. She’s just a nanny. Hindi siya dapat pinagsisilbihan ng amo niya. And besides, nandiyan naman si Arlene or ang ibang kasambahay ninyo para gumawa niyan.” Ani nito.
Muli siyang tumikhim. “It’s fine, Ella. Hindi naman mahirap gawin ’to! At isa pa... si Arlene kasi ang nagbabantay kay Emzara ngayon. May ginagawa ring trabaho ang ibang kasambahay.”
Buntong-hiningang umiling si Ella habang napapangiti pa ito ng mapakla. Namaywang pa ito pagkuwa’y umismid at pinaikot ang mga mata. “Ang arte-arte naman ng babaeng ’yon. I’m sure wala siyang sakit at nagkukunwari lang,” bulong na wika nito.
“What is it, Ella?” tanong niya nang tapunan niya ulit ito ng tingin.
Muli itong ngumiti. “Nothing,” sabi nito.
“Um, hintayin mo na lang ako sa sala. Tatapusin ko lang ito saka tayo mag-usap,” sabi niya.
Hindi naman nagsalita si Ella, sa halip ay naglakad na ito palabas ng kusina. At nang matapos niya ang kaniyang ginagawa ay kaagad din siyang lumabas sa kusina at bumalik sa silid ni Gelaena.
“Hey!” aniya. “Here’s your food, L’amour.” ’Tsaka niya inilapag sa bedside table ang tray na dala niya. Pagkatapos ay umupo siya sa gilid ng kama ng dalaga at inalalayan niya itong makaupo.
“Thank you, Tangi.” Nakangiting saad nito sa kaniya.
Inayos niya ang hibla ng buhok nito na nahulog sa tapat ng mukha nito. Inipit niya iyon sa likod ng tainga nito at pagkatapos ay hinalikan niya ang kaliwang pisngi nito. “You’re welcome, my love,” sabi niya. “Here.”
“Bakit isa lang?” tanong nito nang makitang isang baso ng juice lang ang dinala niya. “Akala ko ba mag-i-snack ka rin?”
“Um, mamaya na lang ako. Nandyan kasi si Ella sa sala.”
Biglang nagsalubong ang mga kilay ng dalaga at seryosong tumitig sa kaniya. Hindi niya tuloy napigilan ang matawa ng pagak dahil sa naging reaksyon nito. “Relax, L’amour,” sabi niya at bahagyang pinisil ang baba nito. “May pag-uusapan lang kami ni Ella about sa campaign.”
“Akala ko tapos na ang trabaho mo sa City Hall kaya umuwi ka na rito. Pero...”
“Tapos na nga. Pero, kailangan pa rin namin mag-usap ni Ella about sa bagay na ito. Importante kasi ’yon.” Pagpapaliwanag niya. “Don’t worry, L’amour... I made a promise, right? So, don’t get jealous, okay?” ngumiti pa siya rito at dumukwang upang halikan ang nakaawang nitong mga labi.
“Hindi naman na ako nagseselos, Tangi. Pero... wala lang talaga akong tiwala sa Ella na ’yon.”
Kinuha niya ang mga palad nito at masuyo iyong pinisil-pisil pagkuwa’y ginawaran din ng halik ang likod niyon. “Just trust me, Gelaena.”
Matamang tumitig sa kaniya ang dalaga pagkatapos ay ngumiti at tumango.
Mula sa pagkakaupo sa sofa, buntong-hiningang tumayo sa puwesto nito si Ella at naglakad upang sundan si Gawen. Ilang minuto na kasi itong naghihintay roon, pero hindi pa bumabalik sa sala ang binata. Mayamaya, nang makita nito ang bahagyang nakabukas na pinto ng isang silid, dahan-dahan itong naglakad palapit doon at sumilip sa loob.
“I love you, L’amour.”
“I love you too, Tangi.”
Mabilis na nangunot ang noo ni Ella nang marinig nito ang pagpapalitan ng salita ng dalawa, lalo na nang makita nitong magkahawak kamay ang mga ito. Nang halikan ni Gawen sa mga labi si Gelaena, napasinghap ito at napatutop sa bibig.
“Oh, my God!” hindi makapaniwalang sambit nito. “Gelaena is his girlfriend?” tanong nito sa sarili kasabay niyon ang inis na bigla nitong naramdaman. “I thought si Goran ang boyfriend ni Gelaena? They lied to me! Gawen lied to me!” saad pa nito.
“Sige na. Kainin mo na muna ito para makapagpahinga ka ulit. Kakausapin ko lang si Ella ’tsaka tayo aalis mamaya para pumunta sa ospital.”
“All right. Thank you, Tangi.” Anang Gelaena.
Hinalikan pa ito ni Gawen sa noo bago tumayo.
Nagmamadali namang tumalikod si Ella at bumalik sa sala.
“I’m sorry if I kept you waiting, Ella.” Anang Gawen sa dalaga nang madatnan niya itong nakatayo sa tabi ng mahabang sofa.
Seryoso ang mukha na tumitig naman ito sa kaniya at namaywang pa. Mayamaya ay nagpakawala ito nang malalim na buntong-hininga. “Hindi ko alam na ganiyan ka pala magtrato ng yaya ng anak mo,” sabi nito.
Nangunot naman ang kaniyang noo dahil sa sinabi nito. “What do you mean?”
Nagkibit ito ng mga balikat. “Nothing, Gawen,” sa halip ay saad nito. “Well anyway... I gotta go. Tumawag kasi si papa. May importante raw siyang sasabihin sa akin kaya kailangan ko ng bumalik sa bahay.”
“How about the portfolio?”
“We’ll talk about it next time, Gawen.”
Napatango na lamang siya habang nagtataka kung bakit parang biglang nag-iba ang mood nito ngayon. Samantalang kanina ay malapad naman ang ngiti nito sa kaniya.
Bumuntong-hininga siya. “Okay. Thanks again, Ella. Come, ihahatid na kita sa labas.”
Walang salita na nagpatiunang naglakad si Ella papunta sa main door. “Bye!” tipid na saad nito sa kaniya mayamaya.
Tipid siyang ngumiti. “Bye. Ingat ka.” Aniya.
Tumalikod agad si Ella at naglakad na hanggang sa makalabas ito ng gate at makasakay sa kotse nito. Nang nasa driver’s seat na ito, matalim ang titig na tumingin ito sa labas ng gate ng mansion.
“Ugh, Gawen! I did everything for you, tapos ito lang pala ang gagawin mo sa akin? Ilang taon na akong nagpaparamdam sa ’yo na gusto kita, pero ang Gelaena na ’yon... kailan mo lang siya nakilala pero—ugh, I hate that woman.” Galit na saad nito at malakas na hinampas ang manibela. “Hindi ako papayag na hindi kita makukuha. Hindi puwedeng sa Gelaena na ’yon ka lang mapupunta. I deserve you and you deserve me. Hindi puwedeng ang yaya na ’yon ang makakatuluyan mo.” Tiim-bagang na saad pa nito ’tsaka binuhay ang makina ng sasakyan nito.
“ARE YOU OKAY now, Mommy Gelaena?” tanong ni Emzara sa kaniya nang pumasok ito sa silid nila ng kaniyang Tiya Hulya kasama si Arlene.
Nakangiting umupo naman siya sa kaniyang kama at sa tabi niya pumuwesto ang bata. “Okay na ako, Emzara. Thank you for your concern.” Aniya at niyakap ito at hinalikan sa pisngi.
“I was so worried about you.”
“You don’t have to worry about me, señorita. I’m fine now.”
“Sigurado ka ba, bes?” tanong din sa kaniya ni Arlene.
Tinapunan niya ito ng tingin habang nakaupo na ito sa silyang nasa tapat ng maliit niyang vanity table. Nginitian niya ito pagkatapos. “I am really fine now, Arlene. Thank you again.”
“Ay wow! Sumakit lang ang ulo mo kanina tapos ininglis mo na agad ako ngayon.” Natatawang biro nito sa kaniya.
Natawa na rin siya.
“Pero seryoso, bes. Mabuti at okay ka na. Nag-alala rin ako sa ’yo kanina.” Ani nito. “Pero, kailangan ay magpa-check up ka pa rin habang maaga pa. Huwag mo ng hintayin na sumakit pa lalo ang ulo mo. Baka mamaya niyan... nako mas mabuti ng sigurado tayo na okay ka lang talaga.”
Bumuntong-hininga naman siya nang malalim. “Gusto nga ni Gawen na samahan niya ako mamaya na pumunta sa kaibigan niyang doctor. Pero, hindi naman na kailangan. Magpapahinga na lang ako nang husto para hindi na maulit ito.”
“Alam mo, amiga... maganda ka naman, e! Pero ang tigas lang ng ulo mo.” Ani nito sa kaniya at inismiran pa siya. “Para nga makasigurado na wala kang sakit.”
“E...” aniya at ngiwing ngumiti pa. “Ang totoo niyan... ayoko na talagang nagpupunta sa ospital simula nang ma-comatose ako. Parang... may trauma na roon.”
“E, bakit no’ng ma-ospital itong si Emzara ay nagpunta ka naman doon, ah!”
“Napilitan lang ako no’n kasi si Emzara naman ang dinala namin doon. Pero kung hindi naman kailangan at importante—”
“Importante naman ang kalusugan mo, ah!” putol ni Arlene sa kaniyang pagsasalita. “Kaya huwag ka ng magpabebe. Sasamahan ka naman ni Mayor, e!” dagdag pa nito.
“Gelaena!”
Napatingin sila ni Arlene sa bumukas na pinto at pumasok doon si Doña Cattleya.
“Are you okay, hija?” nag-aalalang tanong pa ng ginang sa kaniya.
Ngumiti siya rito. “Um, a-ayos na po ako, Doña Cattleya. Salamat po.”
“Oh, I was worried nang sabihin sa akin ni Gawen na masama raw ang pakiramdam mo kaya nagpunta agad ako rito,” wika nito nang makalapit na sa puwesto nila ni Emzara.
“Salamat po,” sabi niya.
“Come on, sasamahan na kitang magpa-check up.”
“Nako, Doña Cattleya, kanina ko pa po sinasabihan ’yang si Gelaena na magpa-check siya, pero ayaw niya po. Ang tigas po ng ulo.”
Pinandilatan niya ang kaibigan dahil sa pagsusumbong nito sa doña.
Mayamaya ay narinig niyang bumuntong-hininga ang ginang. “Ang batang ito, oo! Mas mabuti na ’yong alam natin kung ayos ka lang ba talaga. Kaya huwag ng matigas ang ulo. Sasamahan kitang magpunta sa ospital kaya magbihis ka.”
Napilitan na lamang siyang ngumiti nang tumingin siya ulit sa ginang. “O-opo, Doña Cattleya.” Saad na lamang niya sa huli.
“Sasama ka rin naman pala, e!” anang Arlene sa kaniya.
Lihim niya itong inismiran.
“Can I go with you, lola?” mayamaya ay tanong ni Emzara.
“If you want, sweetie.” Ani nito. “Siya sige na. Mag-prepare na kayo at aalis tayo mayamaya lang.”
“Come here, Emzara. Magbibihis tayo.” Kinuha ni Arlene ang bata nang makatayo na ito sa puwesto nito.
Siya naman ay tumayo na rin at nagbihis nang lumabas sa silid ang tatlo.
“ARE YOU OKAY, HIJA?” kunot ang noo na tanong ni Governor Alcantara sa anak nang madatnan nito si Ella sa swimming pool area habang nagpaparoo’t parito ng lakad at may hawak pang wine glass na halos mangalahati ang laman.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Ella sa ere nang harapin nito ang ama.
“I’m not okay, papa,” sabi nito at pagkuwa’y umupo sa silya na naroon sa tabi ng maliit na round table na nakapuwesto malapit sa gilid swimming pool.
Pumuwesto rin ang ama nito sa isang silya. “Why? Is there a problem?” tanong nito.
“I’m just thinking about Gawen,” sabi pa nito.
Nangunot naman ang noo ng governor. “Okay, tell me what is it, darling?”
Muling nagbuntong-hininga nang malalim si Ella at dinala sa bibig nito ang baso at sumimsim ng alak. Pagkatapos ay seryosong tingin ang ipinukol nito sa ama. “Papa, hindi po ba ay sinabi niya sa ’yo na hindi niya tatanggapin ang alok mo sa kaniya na ikasal kami dahil hindi pa siya handang makipagrelasyon sa ngayon?” tanong niya.
Tumango naman ang ama nito. “Yeah. Iyon ang sabi niya kaya hindi na ako namilit sa kaniya. I know, Gawen. Kapag sinabi niyang hindi na muna, hindi na muna. But I’m sure... soon ay tatanggapin niya rin ang alok ko. So you don’t have to worry, hija. Sisiguraduhin ko naman na maikakasal ka sa kaniya.”
Umismid ito sa ama umiling. “It’s not gonna happen, papa,” sabi nito.
Muling nagsalubong ang mga kilay nito. “But why?” tanong nitong muli.
“Nagpunta ako sa kanila kanina papa. At nalaman kong may relasyon pala sila ng yaya ng adopted daughter niya.”
“What?” gulat na tanong nito.
“Yes, papa. I saw them with my own two eyes. He lied to you. He lied to me.” Ani nito. “Ang sabi niya hindi pa siya handa. Pero... I saw them earlier. And I heard him say he loved her. They even kissed. Pa, how about me? I really like, Gawen. Hindi puwedeng mapunta siya sa iba. Can you please do something about it? I mean, help me.”
“Alright, alright. Don’t worry, hija.” Ani nito sa anak. Napailing pa ito. “I thought kilala ko na ang ugali ng batang ’yon. Ang buong akala ko ay loyal na rin siya sa akin dahil sa tagal ng pinagsamahan namin. I supported him since the beginning.” Napatiim-bagang pa nito pagkatapos ay nagpakawala rin nang malalim na buntong-hininga.
“Do something, papa, para makuha ko si Gawen. Please!”
“Okay. I’ll talk to him tomorrow.”
Ngumiti naman si Ella dahil sa sinabi ng ama nito. “Thanks, pa.” Ani pa nito at muling sumimsim sa alak nito.