Chapter 16... RAMDAM ni Thunder na walang kasing tigas ang puso ng dating nobya. Kaya tama lang na pakiusapan niya ang may-ari ng wine at makaparte siya nito. Sikat din naman ang Harvey Wine Company kung saan nagbibigay pinansyal sa kompanya ng dalaga. Lalo na ngayon at ramdam niyang pabagsak na ng pagbagsak ang Hacienda Imperial. Hindi niya hahayaang mapalapit ito ng husto kay Gaspar at doon kumapit. "Kung ayaw mong sa presinto tayo mag usap, umalis ka sa harapan ko." madiin at matigas na pakiusap nito sa kaniya. Hinhintay niya kung tataas ba ang palad nito sa marahas niyang pagpasok sa opisina nito at pag korner sa katawan nito ulit. Kung hinayaan niya ito kahapon, malabong hayaan niya ito ngayon araw. Nanliit ang dalawang mata niya saka pinagmasdan ang nangangalit mukha ng dalaga