CHAPTER 25.

1908 Words

Chapter 25... BAGO MAGPUNTA NG hide out si Thunder, sinigurado muna niya ang kalagayan ng dating nobya. Sumakay ito ng taxi at dinala ito sa condo nito. Hindi siya umalis sa hanggat hindi niya nakikitang pumasok ito sa loob kaya panatag ang loob na umalis siya. Pinatawag silang lahat ni Von dahil sa malaking pagpupulong. Ngunit wala itong inanunsyo kung ano ba ang seryosong pag-uusapan ng grupo. Iyon ang kanauna-unahang meeting na makadadalo siya simula ng umuwe siya ng bansa. May galak siyang naramdaman dahil makikita niyang buo ang grupo. Sa ganoong paraan lang naman sila buo. Nangingiting iniliko niya ang sariling sasakyan dahil sa kapilyuhan na biglang pumasok sa isipan niya. Para bang nakadikit nasa tenga niya ang nanggugumigil na boses ng dating nobya. "I love you, Thunder!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD