Chapter 10... SIMULA NANG magkita sila ng abogadong dating nobyo na si Thunder halos ito na ang laman nang kaniyang isipan, tila ba pinagdugtong -dugtong sa isipan niya kung gaano sila nito nuon kasaya. Kung paano siya mangulila rito sa unang pagtalikod nito sa kaniya. Hindi niya inaasahang babalik ito makalipas ng sampong taon para maging mortal niyang kalaban. Malabong makalimutan niya ang pagkilos nito. At hindi siya nananaginip. Ang paghakbang at paggalaw nito malayo pa 'man ay kilala na niya. Naaalala niya ng araw na iyon, halos hindi niya maigalaw ang paa at kamay, daig pa niya ang na stroke sa tensyon na nararamdamn sa mga oras na iyon. Sunod-sunod na paglunok ng laway ang ginawa niya. Halos hindi mapakli ang pagtitig niya rito maging si Ria. Walang nanulay sa labi niya kundi p