WHEN I got home, I asked Mom about Kuya Theo, kung may iba nga ba itong kapatid mother nito. And it's true, talagang meron nga, at sina Jazz 'yun. Hindi lang exactly sinabi sa akin ni Mommy kung sino ang mga kapatid nito sa mother nito, pero meron daw, at alam ko na agad na sina Jazz. Talagang napakaliit lang pala ng mundo, dahil hindi ko inaakala na magkapatid sila ni Kuya Theo. Kapatid niya ang pinsan ko, pero at least, hindi naman kami blood-related ni Jazz, sila lang ni Kuya Theo ang magkapatid, pero hanggang doon lang, dahil sa mother lang naman sila magkapatid, hindi sa father. So hindi kami magpinsan kahit na magkapatid sila, dahil si Tito Terron lang naman ang pinsan ni Mommy. Ngayon ay lulan ako ng tumatakbong kotse, kasama ko ang dalawa kong daddy at papunta kami ngayon sa scho