HINDI ko nakayanan manatili pa, matapos kong bumati sa kanyang ina ay hinila ko na si Jazz palabas muli ng kanilang mansyon at nagpahatid na ako sa kanya pauwi; ayaw pa nga sana niya akong ihatid dahil ipapakita pa raw niya sa akin si Dwarfena, pero hindi na ako pumayag at pinilit na siyang ihatid na lang ako. My goodness, hindi ko kaya manatili lalo na't naroon pala ang kanyang mga friends at 'yung kanyang mommy. Siguradong magiging awkward ako kapag manatili pa ako. Gosh! Napakaloko ko naman kasi at sumama ako sa kanya kahit hindi ko naman siya lubusang kilala. Kaya naman pag-uwi ko sa bahay ay muntik na akong mapagalitan ni Mommy dahil nagsumbong ang driver na wala ako nang sunduin niya na ako sa school. Mabuti na lang talaga ay agad akong nakapagpaliwanag na sumama lang ako saglit