Imbes na titigan ang lahat ay heto ako ngayon nakamukmok sa bandang sulok. Hindi ko makuhang kumalma sa sarili at panay ang iyak ko. Ito ang unang beses na nagkaroon ng lakas ng loob ang puso ko na ilabas ang lahat ng sakit, pero mukhang ako lang yata ang may gusto nito at ayaw ni Linus. Niyakap kung muli ang tuhod ko at parang bumalik ako sa eksena sa basurahan noong araw na iyon. I wiped my tears but it never stop from falling. Parang ang sakit ng lahat sa loob ko. Hindi ko alam kung alin dito ang mas masakit. Ang mga parusa ba ni Tiya o ang pagtangi ni Linus sa akin. Pakiramdam ko kasi ayaw niya sa isang tulad ko. . . Ayaw niya sa mahina ang puso at hindi kayang ipaglaban ang sarili. Ayaw niya sa akin dahil sa mga piklat sa balat ko. Ayaw niya sa katangahan ko at ayaw na ayaw niya