"Salamat, Diezel. Alam ko na maasahan kita sa bagay na ito," saad ko kay Diezel sa kabilang network. Panakaw ang signal ko para lang makontak siya, at alam kong binuksan ni Xavion ito. Matagal na kasi niyang pinatay ang linya ni Diezel simula noong nag-away sila. "All for you, bro. I will do everything. Kahit pa itaya ko ang buhay ni Ranger magawa ko lang ang gusto mo," ngisi niya sa kabilang linya. Sumingit agad ang walanghiyang kapatid ko. "Ba't naman ako nasali sa usapan ninyo? Hi, Leone! How's no man in an island? Ano? Mukhang susunod ka na yata sa yapak ko? Kumusta sina Mama at Papa? Galit pa din ba?" bahagyang tawa niya at ngumisi na ako. "You stupid s**t! Go home and do your job! Are you going to keep running away? Hindi ka rin makakatakas kay Papa." Ngumisi siyang lalo at nap