Naisip kong kasing lumabas at alam kong tulog na siya. Mas nakakahinga kasi ako ng maluwag at presko sa pakiramdam ko ang hangin sa top deck ng yate, kaya rito ako naglalagi tuwing natutulog na si Linus at bumabalik lang ako sa lunga ko sa bodega kapag papalapit na ang pagsikat ng araw.
Napahilamos ako gamit ang tubig na galing sa jacuzzi. Napangiwi ako dahil sa lamig nito. Kabaliktaran nang kahapon, dahil umuusok ito at sekreto kong pinagmamasdan si Linus na naliligo mula rito.
I shouldn't be doing this to him. But I am so tempted to see him. It's my first time to see a matured man's body for real. Halos naman kasi ng mga lalaking nakikita ko noon ay mga matatandang stock holders ng kompanya.
I have one good friend and his name is Simon. I have only seen Simon twice and I find him so attractive. Mabait siya sa akin at madalas may pasalubong siyang bulaklak at chocolates. Siya lang yata ang mabait sa akin, pero ang landi naman ni Silva sa kanya.
Napangiwi ako nang maisip si Simon. Sa lahat ng mga kaibigan ni Silva ay kakaiba siya, at siya lang din ang nakakapasok sa harden sa likod ng mansyon na kung saan ako naglalagi. He's a good friend, there's no doubt about it. But I cannot even open a conversation with him. Palagi kasing nakabantay si Silva sa gilid o di kaya'y nakadikit sa kanya.
Nataranta ako at kamuntik nang malaglag sa kinauupuan ko nang marinig ang pagbukas sarado ng pinto sa baba. Maingat akong humakbang at nagtago sa gilid. Nagmamasid sa paligid. Hanggang sa namataan ko si Linus sa babang bahagi. Nakatalikod siyang namaywang at may kausap sa kabilang linya.
Humakbang siya patungo sa may gilid na bahagi at maingat akong bumaba. Pigilhininga pa ang pagbaba ko. Nag-iingat na hindi ko makuha ang atenyson niya. Parang hangin ang bawat yapak ko para makabalik sa storage room. Mabuti na lang at nasa gilid na banda siya at medyo malayo ito sa kung nasaan ang storage room area. Pumasok agad ako at isiniksik ang sarili na puwesto.
Inayos ko na ito kagabi at alam kong hindi na niya ako mapapansin ngayon kahit pa umikot siya sa bahagi na kung nasaan ako. Ito ang perpektong puwesto. Pagkaraan ng iilang minuto ay natapos na siya at pinikit ko ulit ang mga mata ko. Rinig ko ang pagpasok niya rito at uminit ang tainga ko nang marinig ang boses niya.
"Bloody hell that smell! That damn pest! Come on and eat this. Get your belly full and will see you in heaven later," mahinang tawa niya.
Napalunok ako sa sarili. Napansin na siguro ni Linus ang presenya ko. Sa totoo lang gusto kong maligo pero mas mahahalata niya ito kapag nadumihan ang jacuzzi niya sa top deck. Sana nga umulan ng malakas para naman makaligo ako kahit papaano. . .
Pagkatapos niyang ilagay sa sahig sa bandang gilid ang rat/mice bait ay humakbang siya palabas. Nakahinga na ako nang maluwag pero nabalot ulit ng kaba ang puso ko nang magmura ulit siya.
"Who the hell drink my orange juice? What the f*ck!"
Agad akong napahawak sa gilid at nahawakan ko ang sunscreen. Hindi na napansin na nadala ko ito rito sa loob. Napalunok ako at nabingi ang tainga ko sa lakas ng kaba sa dibdib.
He was about to check the orange juices stocks and I know it will be the end of me. Malalaman niya ito kapag nakita niyang walang laman ang likod. Napatingin ako sa nakabukas na pinto ng storage at mabilis na itinapon ang hawak kong sunscreen. Lumikha ito ng ingay at agad nahinto si Linus.
"What the hell?!" tugon niya at humakbang na siya palabas mula rito. Nakahinga ulit ako nang maluwag. Mabuti na lang at hindi niya nakita ito.
Parang nanghina ang buong sistema ko at nabalot ng pawis ang buo kong mukha. I smell so awful now. I'm sweating so much, feeling greasy and so stinky.
Kailan pa kaya uulan? Gusto ko ng maligo para malinis ko ang sarili.
*****
UNA akong nagising at pakiramdam ko ay tulog pa si Linus. Wala pa kasing galaw mula sa itaas. Ang bawat yapak niya kasi ang gumigising sa umaga ko. Pero ngayon kakaiba, dahil wala akong maramdam na.
Mahina akong tumayo at pinagmamasdan ang bawat sulok. Mas maliwanag na ngayon ang bodega dahil binuksan niya kagabi ang bintana rito. Malamig nga lang sa gabi ang hangin pero okay na rin. Dahil kahit papaano ay preskong hangin ang nalalanghap ko. Napakamot ako sa ulo at ang itim at mahahaba kong kuko ay puno ng dumi mula sa sarili. Panay lang din ang tanggal ko nito at kitkit sa bibig.
Nang makalabas ay tahimik ang dagat at nakalutang lang din ang yateng ito. Hindi siya naglayag at pangalawang araw na. Pakiramdam ko may importante siyang ginagawa.
Napakunot noo ako sa dalawang malalaking ice chest sa harapan. Naka-plug-in ito sa solar panel na enerhiya. Dito pansamantala kinukuha ni Linus ang kuryenteng tumatakbo sa appliances na nandito, ilaw, TV at iba pa.
Maingat kong binuksan ang isa at nakita ang nagyeyelong sugpo, lobsters, klase-klaseng isda at ibang pagkaing dagat. Napangiti ako dahil sa kakayahin ni Linus. Mabubuhay nga naman siya na mag-isa sa sarili, kayang kaya niya. Kumuha ako ng dalawang sugpo at kasing laki ito ng palad ko. Malamig at matigas pa. Mabilis kong isinara ito nang makakuha ako nang dalawa.
And as usual I am back inside and my eyes darted on the pellets of rat poison food. Iniisip ko kung anong maganda kong gawin para makumbinse siya na meron nga namang daga rito na kumakain sa pagkain niya.
Inilapag ko muna ang dalawang malalaking sugpo na nakuha ko sa gilid. Hahayaan ko muna ito sa tamang temperatura. Kinuha ko ang pellets at maingat na nilagay sa plastic ang lahat. At saka binalik ko ito sa pinaglalagyan niya kanina.
I think I should keep doing this. Hindi na niya ito mahahalata, at mamaya kapag maliligo siya at sisisid sa dagat ay lulutuin ko ng mabilis ang sugpo na ito sa kusina.
AFTER SIX HOURS of observing him, walking back and forth outside while doing something my tummy rumbles to the fullest. I am so hungry and I hate it because Linus didn't even go for a dive. Nakain ko na kasi ang panghuling tinapay na itinabi ko at ayaw ko nang galawin ang orange juice sa pinaglalagyan nito.
Hindi ko na rin itinapon ang mga plastic at tubig ang pansamantalang ninanakaw ko sa malaking tank niya na nasa gilid at ibabaw. Tubig ulan ito at naiinom mo rin. Malinis at presko.
Dumilim na ang langit at nanlumo na ako sa sarili. Panay ang titig ko sa dalawang malalaking sugpo. Hindi niya mapapansin na kinuha ko ang dalawa dahil ang marami siyang stock nito sa freezer ice chest niya. Nang marinig ko ang pag-andar ng makina ay inisip ko agad na maglalayag na ulit siya.
At last after almost three days of embarking in the same spot this Princess Salome is finally moving again.
MEDYO malamig ang hangin nang makalabas ako. Kakaiba ang lamig nito na parang may paparating na ulan. Nakailaw ang emergency light ng yate sa ibabaw at mabilis ang takbo ng yate niya. I don't know if he's sleeping but I doubt it. I'm sure nasa loob lang siya. Napabuntonghininga ako sa sarili at lutang ang utak ko ngayon.
Mahina akong humakbang para makita siya, at tama nga naman ako nasa ibabaw siya at tabi lang sa steering wheel niya. He seems busy with something. Taking notes while staring at his laptop. Naging kampante ako at maingat ko ulit na ibinalik ang dalawang sugpo na kinuha ko kanina.
What's the point of taking them if I couldn't even cook them? I really want to eat something and I am so hungry, but all I could do is to stare at this lifeless creatures. Hindi ko naman pwedeng kainin ito ng hilaw dahil baka masusuka lang ako.
Kaya imbes na pumasok ako pabalik sa bodega ay sekreto na naman akong pumasok sa kusina niya. I smile when I saw the block of chocolates on pile and grabbed one.
"Okay na ito. Dalawang araw na ito para sa akin," sabay kuha ko at hakbang palabas mula rito.
THE NEXT MORNING I wake up feeling uneasy. Nasusuka na ako at umiikot nang lalo ang pakiramdam ko. I'm only drinking water but maybe drinking more sweets will lift back my energy. Kaya kumuha ulit ako ng orange juice at ininom ito. After two hours I felt a lot better.
Lumabas na din ako at maingat pa din. Linus Leone always have his routine and I have memorize it already. Ang oras na ito madalas siyang naliligo sa ibabaw na bahagi ng jacuzzi niya. And this is the perfect time also that I sneaked into his kitchen to get something to eat that is not obvious.
Tinapay ulit ang kinuha ko. Mukhang nag sto-stock siya nito sa freezer niya. Kinain ko agad ang dalawang slice at napalingon ako sa bintana. Mula rito ay tanaw ko ang maliit na bahaging likod ng yate. Nasa ibabaw naman siya kaya hindi niya ako mahuhuli. Pero laking gulat ko nang makita ang hubo't hubad na likurang bahagi niya mula rito.
"Dios ko po!" sabay takip sa bibig ko at nabulunan na ako sa sarili.
Mabilis kong ininom ang tubig niya na nasa mesa. May kakaibang lasa ito pero hindi ko na ininda. Iniinom ko ito habang nakatitig sa hubad na likod niya. Nanindig ang balahibo ko at uminit ang pisngi ko. Parang akong natunaw at hindi ko maintindihan ito.
I shouldn't be staring at him but I cannot take my eyes away from him. Ewan ko ba, pero ayaw kong alisin ang mga mata ko sa kanya. Kirsten ano ba!
"Oh god, forgive me!" lihim na saad ko sa sarili at naubos ko ang tubig sa baso.
Makailang ulit ang pagkurap ko at namilog ang mga mata kong nang akmang humarap siya. Napaawang ang labi ko at mabilis akong napaupo nang patago sa sarili.
What the hell, Kirsten! sigaw ng isip ko.Nataranta na ako at hindi ko na alam ang gagawin. Tinakpan ko pa ang sariling bibig at mabilis na nag-isip.
Wala akong nakita promise! What I saw was nothing but it's humongous!
I swallowed hard and looked at each direction and my heart pounded so hard inside me. Gumapang ako para makalabas rito at halos matapilok ako nang makalabas sa pinto. Rinig ko agad ang hakbang niya papalapit at mabilis pa sa takbo ng daga ang takbo ko ngayon pabalik sa bodega.