'The rules are: You sleep in the basement like the usual. Cook your own meal and I will cook mine. Clean up your mess and clean the whole yacht. You have a separate toilet and so is mine. Don't cross each boundaries. Ayaw na ayaw ko na naghuhubad ka sa harap ko at kahit pa sa iba. Keep your manners, and don't talk to me if I'm not talking to you!' Hindi ako makatulog at pilit na bumabagabag ang boses ni Linus sa isip ko. Paulit-ulit ang mga patakaran na binitawan niya kanina. Mabilis ang takbo ng yate kahit na gabi na at paminsan-minsan ay inihihinto niya ito ng iilang oras sa umaga para makatulog siya. Kung marunong lang sana ako magnaneho nito ay ako na ang gagawa para makatulog siya ng mahimbing, pero hindi eh. Wala naman akong alam sa mga ganito. Kahit nga kotse ay hindi ako marunong