"What the hell! Hanapin ninyo ngayon na!!"
I shut my eyes and my entire body shivers. My heart pounded so hard like it's going to get out from my chest. I even hold my breath because of the stinky smell all over me. I have no choice. I need to escape and I don't care anymore.
This is my only hope and I want to get out from here.
"Madam, Silva."
"Mga hayop kayo! Hanapin ninyo ang babaeng iyon! Paano siya nakatakas sa inyo? Ang dami ninyo rito at ni isa sa inyo hindi siya nabantayan ng tudo!? Mga hinayupak kayo. Mga walang silbe!"
Tinakpan ko na ang tainga nang marinig ang lakas na putok ng baril. Nangining lalo ang katawan ko at taimtim na nagdasal sa sarili.
Parang awa niyo na Dios ko, tulungan niyo po akong makatakas dito. Mama... Papa... Tulungan niyo po ako.
Panay ang agos ng luha ko habang nakapikit ang mga mata. Hindi ko yata kayang humakbang palayo mula rito, dahil hindi ko magawang igalaw ang katawan ko.
Sunod-sunod ang yapak nang mga paa nila at mukhang nagmamadali silang lahat. Niyakap ko na ang mga tuhod ko at nanginig ang katawan kong lalo. Ilang ulit ang dasal ko sa sarili, hanggang sa maramdaman ko ang maliit na galaw sa paanan ko. Mabilis kong pinunasan ang luha at pinagmasdan ito.
"M-Mimi?" mahinang tugon ko.
Si Mimi ito ang itim na pusa ko. Panay ang dila niya sa paa ko. Nabalot kasi ito ng grasa. Nakaapak ang paa ko sa lupa at nagtatago ako sa tambakan ng basura. Heto na siguro ang pinakahuling bahagi ng mansyon na mahahanap nila. Matagal ko ng minamatyagan ang mga tauhan ni Tiya, at alam kong sa bahaging ito ay hindi sila lumalapit.
"Meow, meow," tugon ni Mimi.
"Shh, M-Mimi..."
Niyakap ko na siya para tumahimik na. Nawala ang kaba at nginig ko nang maramdaman ang init ng katawan ni Mimi sa hita ko. I am no different to Mimi. She's the only one I have in this mansion. Sa tuwing kinukulong nila ako sa basement ay himalang napapasok ni Mimi ito. May maliit na butas ang bahaging gilid ng basement at sa basurahan ang lagusan nito. Maliit lang ito, ang akala ko nga ay 'di kasya ang katawan ko, pero milagrong nagkasya ang katawan ko mula rito.
Ilang buwan ko rin itong minatyagan. Alam kong hindi magkakasya ang katawan ko. Pero sa hindi inaasahan ay nadiskubre ko ang mas malaking sekretong lagusan ng basement patungo sa bahaging ito. Hindi nila mapapansin iyon dahil kakaiba ito at nasa gilid, sa madilim na bahagi.
"Hello, Mama. Kirsten escaped!"
Uminit ang tainga ko nang marinig si Silva mula rito. Siguro sa lahat ng parte ng katawan ko ay ang tainga ko ang pinaka-sensitibo. I can hear Silva's voice even she's twenty meters away from me. I can see her from here. She's facing the huge gate of our mansion that I aim to get through, to get out from here.
"Pinahahanap ko na nga, Mama. Oo. Nagtatago lang iyon dito sa loob. Impossible naman na makakaalis iyon dito," tugon ni Silva at napayuko na ako.
Tama nga naman siya. Paano ba ako makakaalis dito? Ni hindi ko nga makuhang tumakbo at humakbang ng maayos sa sarili.
"Ano wala pa ba?!" sigaw ulit ni Silva sa mga tauhan ni Tiya.
"Ikaw sa gate ka magbantay. Hindi iyon makakalabas. Hanapin sa likod pa!" utos niya.
Napabuntonghininga na ako at panay ang haplos ko sa ulo ni Mimi. Hanggang sa bumaba na siya mula sa hita ko at pilit na hinalungkat ang basurahan sa gilid. Puno ng maitim at mabahong garbage bin rito. Ang ibang mga gamit na nandito ay galing sa lumang bodega namin. Pinalilinis kasi ni Tiya ito at itinapon ang mga gamit nina Mama at Papa.
Bumagsak ang puso ko nang makita ang litrato nina Mama at Papa na malapit sa paanan ni Mimi. Inabot ko ito at mariing tinitigan ang masayang mukha ng mga magulang ko. Pumatak na ulit ang luha ko.
"Ma... Pa... I missed you..." tahimik na saad at hikbi ko.
Parang tinusok ng libo-libong karayum ang puso ko sa sakit. Walang silbe ang bawat sugat at pasa sa katawan ko ngayon kompara sa sakit na nararamdaman ko. Bugbog sarado ako kay Tiya sa tuwing hindi ko ginagawa ang gusto niya. I am twenty four but I look like an eighteen-years-old. Slender body, too much slender and fraile. Hindi ko kayang tumayo at ipagtangol man lang ang gusto ko.
Agad kong kinuha sa loob ng frame ang litrato nina Mama at Papa ko. Aalis na ako rito at bahala na kong mamatay ako. I am ready to face death and I want to meet my parents afterlife. Mas gustuhin ko pa ito kaysa sa bawat araw na imperno na buhay ko rito.
Pinunasan ko ang luha nang makita ang isang malaking supot na itim na pilit hinihila ni Mimi sa gilid. Lumikha ito ng inggay kaya kinuha ko agad si Mimi para mahinto. Pero nagkaroon ako ng panibagong ideya. Kiniha ko ang grabage bin na itim. Bulok na mga pagkain ang laman nito, at kahit mabaho ay walang kaartehan kong pinasok ang buong katawan ko rito.
"Mimi..." tugon ko sa pusa, pero agad siyang tumakbo palayo, patungo sa gate.
Mimi! Sigaw ng isip ko. Naghalo ang kaba at nginig ko ngayon. Gusto kong isama si Mimi sa akin. Pero mukhang imposible ito. Hanggang sa tinali ko na ang ibabaw na bahagi ng itim na plastic bag. May maliit na butas ito at nakakahinga ako mula rito. Ngayon maghihintay na lang ako sa pick up bin mamaya.
"Garbage collector, Ma'am!"
Rinig kong tugon ni Manong Kim, ang house body guard namin. Napalunok na ako at nag marathon ulit ang puso ko. Sana hindi nila ako mapansin.
Ramdam ko agad ang pa-isa isang kuha sa basura ni Manong Kim at nilagay sa truck ito. Alam kong nakabantay ang iilang gwardiya ni Tiya rito. Nagmamasid sila dahil hinahanap na nila ako. Hanggang sa ang plastic na kong saan ako na ang laman nito. Nahawakan ni Manong Kim ang paang bahagi ko at nahinto agad siya at kinapa ang kabuuan ko.
"Sarai - Ahem," agad na tikhim ni Manong Kim. Alam niya na ako ito. Hindi ako umimik at hinayaan na siya.
"Ang baho nito ah! Ano bang tinapon ninyo kagabi?" pagkukunwaring tanong ni Manong Kim sa kanila.
"Aguy. Iyan yata ang namatay na aso na binaril ni Paeng. Bilis itapon muna!" boses ng isa.
Mabilis ang pagbuhat ni Manong Kim at maingat ang paglapag niya sa likod ng truck. Nakahinga ako ng maluwag at nabalot ng pawis ang buong katawan ko. Tumahimik lang din ako at pinigilan ulit ang paghinga. Rinig ko agad ang pagbaba ni Manong Kim sa truck at ang pabalik na akyat niya.
"Wala na tapos na ba?" sigaw ni Manong Kim.
Nasa harapan ko lang siya. Naramdaman ko ito dahil nakikita ko ang lumang itim na sapatos niya. Naalala ko pa ang sapatos na iyan. Sabi niya sa akin noon bigay raw ni Papa sa kanya ito noong pumanta sila ni Papa sa Italya. Isinama siya ni Papa dahil siya ang nagsilbing personal body guard ni Papa roon, kaya malapit si Manong Kim sa Papa ko.
Simula nang mamatay sina Papa at Mama ay saksi si Manong Kim sa lahat ng mga parusa ni Tiya sa akin, at katulad ng iba ay wala rin siyang nagawa sa tuwing nakikita akong pinaparusahan. Pero sa bawat parusa at pagpapasakit ni Tiya sa akin ay si Manong Kim agad ang gumagamot sa mga sugat ko.
"Senyorita? Heto po," pabulong na tugon ni Manong Kim. May ipinasok siya sa maliit na butas, pera ito at tinangap ko.
"Mag-iingat ka. Hanggang sa muling pagkikita natin, Senyorita," pabulong na tugon ni Manong at pumatak na ulit ang mainit na luha sa mga mata ko.