"Tightened it up, Saraid," tigas na pagkakautos niya at tumango ulit ako. Makailang tango na ang ginawa ko at sa bawat pagtali ko ay palpak talaga. Hindi ko ito makuha ng tama. Lumapit na siya at tinitigan ang kamay ko kung paano ko ito ginawa. "Here, this part, Saraid. Pull it, baby. That's it, great. Now the other part, twist it and pulled it out. . . That's it. Good job, baby," hakbang niya palayo at hinawakan na ang kabilang dulo ng tali. I woke up early thinking what sort of discussion we have do we to do. E, sa hindi nga ako makatulog ng maayos dahil kabado ako sa kung ano ang pag-uusapan namin. Ang dami pa tuloy pumasok na kung ano-ano sa isip ko. Iyon pala tuturuan niya lang ako kung paano e-tali ng maayos ito para makagawa kami ng matibay na haligi sa gitnang bahagi ni Salome.