Who could have thought that I have the most wonderful morning when I woke up. Ang sarap sa pakiramdam ng lahat nang maimulat ko ang mga mata. Wala si Linus sa tabi ko at tanging ang makapal na kumot ang nakabalot sa katawan ko ngayon. Kakaiba ang ihip ng hangin at may halong laming ito. It's muggy and it seems like it's going to rain. Nabangon ako at mabilis na sinuot ang damit. Si Linus agad ang inisip ko ngayon. "L-Linus?" Wala siya sa labas, pero halata na katatapos niya lang magluto. Mainit pa kasi ang apoy at sadyang nakapatay na ito. Kahoy ang ginamit niya. Nakalapag na sa maliit na mesa ang pagkain namin dalawa. Ngumiti akong pinagmasdan ito. Ang swerte ko nga naman sa kanya. "Linus?" ulit na tawag ko. Humakbang na ako palabas at tinitigian si Salome. Kakaiba ang along ng dagat,