ACALLY Para akong isang maliit na batang walang magawa kun'di sundin ang gusto ng lalaking kasama ko kaya nanatili ako dito sa loob ng opisina niya kasama siya habang hinihintay ang panibagong pagkain na ihahatid dito sa amin. Kahit paano naman ay gumaan ang pakiramdam ko dahil nanahimik ulit siya sa sulok habang muling maging abala sa ginagawa nito. Napansin ko na napaka-ikli ng pasensya niya. Nakakatakot siyang maging amo kaya naiintindihan ko ang takot at kaba ng babaeng pumasok dito kanina. "Saan ang banyo dito?" tanong ko. Hindi na kasi ako makatiis dahil heto na naman ako at kailangan na gumamit ng banyo. "There, right side, first door," turo nito. Hindi na ako sumagot at agad na pumasok sa pintuan na sinasabi nito pero napatanga ako sa lawak at ganda ng silid na pinasukan k