RUEL Kanina pa kami narito at naghihintay sa loob ng flower shop kung saan kami nakaasign ng buddy ko na si Jack. Pareho kaming excited na makaharap ang babaeng alam kong especial na ngayon sa boss ko. Sa dalawang linggo na nakasunod ako dito ay napag-aralan ko na ang personality niya kaya masasabi ko na kilala ko na ang babaeng makakaharap ko. Mula kasi ng utusan akong sundan siya mula ng magkita sila sa Makati Mall ay wala na akong ibang ginawa kun'di alamin ang lahat ng tungkol dito. Mula sa pamilya niya hanggang sa naudlot na kasal nito sa manlolokong boyfriend na siyang nakatagpo niya sa mall kaya pinag-selos ito gamit ang boss ko ng halikan niya bigla. Lahat kami nagulat at natakot para sa buhay ng babaeng ito pero nagkamali ako dahil hanggang ngayon ay malaya pa rin siyang hum