ACALLY Tinapik ko ulit ang lalaking nakasiksik ang mukha sa leeg ko. Para na kasi akong bato na hindi makagalaw dahil bukod sa naroon siya ay para siyang batang mahigpit na nakapulupot ang braso sa bewang ko. Mabuti na lang at malakas ang aircon ng silid na ito dahil kung hindi baka na sunog na ako sa init ng balat namin pareho. "Yang kamay mo!" malakas na sabi ko dahil napaigtad ako. Dumapo kasi ito sa kanang dibdib ko at tila curious na pinipisil. Hindi ko naman magawang bumangon dahil nakadagan ang hita niya sa maliit na katawan ko tapos ganito pa ang posisyon naming dalawa. "Hoy, ano ba?" sabi ko ulit ng parang bola na nilaro nito ang dibdib ko. Hindi ito umimik at bumuntong-hininga lang sa leeg ko. Magulo ang nanlalabong isip ko dahil sa tanang buhay ko ay ngayon lang nangyari