ACALLY Dalawang linggo na ang mabilis na lumipas. Gusto ko na talagang makausap si Doktora Miranda dahil palagay ko ay okay na naman ako kaya baka sakali na pwede na akong umuwi at bumalik sa shop pero hindi pa siya dumadalaw sa akin magta-tatlong araw na ang lumipas. Pakiramdam ko kasi ay maayos na ang lagay ko. Hindi ako familiar sa kung paano ang treatment sa isang pasyente na covid positive, dahil wala naman akong kilala na nagkaroon ng virus gaya sa akin. Maingat kasi kami sa shop. Sinisiguro ni Ms. Macy na walang lagnat ang papasok sa loob, dahil sa labas pa lang ay may scanner na ginagawa si Kuya Andy na nagsisilbing gwardya namin, kapag wala kaming delivery. Laking pasasalamat ko na lang at naagapan ang virus na nakuha ko at hindi tuluyang kumalat sa sistema ko dahil nakakatako