Chapter 23

1903 Words

ACALLY Mataas na ang araw ng magising ako. Napabalikwas na lang ako ng bangon matapos na makita ko na alas onse na pala ng umaga. Napatitig ako sa orasan habang iniisip kung anong gagawin ko dahil sigurado akong sa mga oras na ito ay hinahanap na ako ng mga ka trabaho ko. Masakit ang ulo at buong katawan ko lalo na ang hiyas ko ng bumangon ako. Alam ko na epekto ito ng pinaghalong alak at ng ginawa namin ni Sabby magdamag. Ang lalaking iyon walang kasawa-sawa. Nakalimutan yata niya na first time ko kaya muntik na aking malumpo. Nakakunot noo ako na nilibot ng tingin ang paligid. Mag-isa na lang kasi ako dito sa loob at hindi ko mahagilap kahit anino ng lalaking kasama ko dito. "Teka, nasaan na ba ang lalaking iyon at hindi man lamang ako ginising. Paano ako papasok nito sa trabaho?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD