CHAPTER 2 : Punch

1317 Words
NANG makauwi si Cloudy ay nadatnan niya sa kusina ang dalawang kapatid na sina Summer at Winter habang ang kanilang ina ay abala sa paghahain ng meryenda sa harap ng mga ito. "Oh, andyan ka na pala, bakit maaga ka atang umuwi? Akala ko ba lalabas kayo ni Bryle? " kaagad na tanong ng kanyang ina. Sinikap niyang ngumiti. "Happy Valentine's day sa inyo!" bati niya sa mga ito na hindi agad tinugon ang tanong ng ina. "Happy Valentine's day sa'yo," halos kuros pa ng tatlo. "Hindi kami natuloy, Ma. Alamo na may hinahabol iyong promotion sa kompanya," pagkuwa'y tugon niya sa ina saka inilapag sa mesa ang dalang cake at tsokolate na binili pa niya bago dumiretso pauwi. "Wow! Sana all may nagbibigay ng flower bouquet," nakangiti namang sabi sa kanya ni Summer habang nakatingin sa bungkos ng bulaklak na hawak niya. "Mukhang may presyo ah!" banat naman ni Winter. "Mukhang duda na ako talaga sa boyfriend mo ate, hindi pa ata iyon nag-abot sa iyo ng mahinang klase ng regalo. Hindi ka ba kinakabahan ate? 'Yong totoo nga, saang law firm ba s'ya?" Napailing siya. "Winter ano ka ba? Magtaka ka kapag binigyan na niya ako ng house and lot sa isang exclusive subdivision. Tsk! Dahil lang sa isang bungkos ng bulaklak kung anu-ano na iniisip mo doon sa tao," sabi niya dito bago tumingin sa ina. "Magbibihis lang po ako Ma." Paalam niya dito. "Sige na, bilisan mo na d'yan para sabay-sabay na tayong kumain." "Opo, Ma." BINITBIT niya sa kanyang silid ang bungkos ng bulaklak at matamlay na inalis ang artificial flowers sa vase na nasa gilid ng study table niya upang doon iyon ilagay. Inalis niya iyon sa pagkaka-wrapped at natigilan nang makita ang personalized card message doon. "A flower cannot blossom without sunshine, just like me—I cannot live without you."—Alexander Chase. 'How sweet you are Alexander Chase!' wala sa loob na nasabi niya. Binasa ulit niya iyon at sa pagkakataong iyon ay wala sa loob na napangiti siya pero agad ding natigilan nang maalala na hindi naman iyon para sa kanya. Bigla din niyang naalala si Bryle. Saglit siyang naestatwa pero pagkuwan ay kumilos siya at iniayos na ang mga rosas sa vase at nilagyan iyon ng tubig buhat sa bottled water na baun niya sabag niya. Dinampot niya ang kapirasong card kung saan nakasulat ang message na iyon at akmang ilalagay na sa rubbish bin nang magdalawang isip siyang itapon iyon. Hanggang sa huli ay naisip niyang isingit na lang iyon sa kanyang diary. Tumunog ang kanyang cellphone. Agad niya iyong dinampot at sinagot nang makita ang pangalan ng kanyang bestfriend na si Bethany. "Happy Valentine's day Beth!" nakangiting bati niya dito. "Oo salamat. Pero hindi ko alam kung dapat bang batiin din kita sa paraang gaya ng sinabi mo dahil sa ibabalita ko sa'yo." Agad na nagsalubong ang mga kilay niya matapos ang sinabi nito. "Ano ba 'yon?" tanong niya kasabay ang pagbangon ng kaba sa dibdib. "Nakita ko si Bryle, may kasama s'yang sexy at magandang babae sa coffee shop." Pagkarinig sa sinabi nito ay agad siyang napakuyom. Pakiwari niya ay umakyat lahat ng dugo sa ulo niya at nanlaki iyon. "Saang coffee shop!?" nanginginig ang boses na tanong niya. NABILING ang mukha ni Brian Bryle dahil sa pagsuntok ni Cloudy sa mukha nito. Halos lahat ng tao sa coffee shop na iyon ay nalaglag ang panga dahil sa nakitang ginawa niya. "Bryle! W-what's going on!? " react ng babaeng kaharap nito sa mesa. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla at pag-aalala. "Anong what!? Watwatin mo 'yang mukha mo!" galit na sabi niya dito. Napamata ito sa kanya at nasapo ang dibdib. "Cloudy, pack it in." Saway ni Bryle sa kanya sabay tayo at sinubukan pa siyang hawakan sa braso pero maaga niyang iwinaksi ang kamay nito. "Magsama kayo ng babaeng ito. Tapos na tayo," sabi niya at ibinagsak sa mesa ang susi ng kotseng iniregalo nito sa kanya. "Ayan, hindi ko kaylangan 'yan. Kunin mo na 'yan, baka hindi ako makapagpigil buhatin ko ang kotse na iyon at ibagsak ko dito sa harapan mo mismo." Tumalikod siya at siga na lumakad palabas ng coffee shop na iyon. Nag-atubili pa nang una si Bryle pero sa huli ay napilitan itong sundan siya dahil na din sa labis na pagkapahiya. "Let's talk. Let me explain," wika nito habang nakasunod sa kanya. Hindi niya ito pinansin. "Cloudy ano ba!? Mag-usap nga tayo!" medyo tumaas ang boses na sabi nito sa likuran niya. "Parang ikaw pa ata ang galit!" asik na sabi niya dito. "Of course not. Ang gusto ko lang pakinggan mo ako," Hindi siya huminto para harapin ito bagkus ay binilisan pa ang paglakad. Nilakihan nito ang mga paghakbang upang masabayan siya at mahawakan pero hindi niya ito hinayaan. Humakbang siya sa kalsada upang tumawid nang hindi namamalayan ang parating na sasakyan. "Cloudy!" nag-aalala na sigaw ni Bryle. Nabingi siya sa ingay ng preno ng paparating na sasakyan. Natulala siya at walang nagawa kundi titigan iyon. Mapalad na hindi siya inabot noon at huminto hibla lang ang layo sa kanya. Napapiksi siya nang lumapat ang kamay ni Bryle sa braso niya kasabay ang pagbukas ng pintuan ng sasakyan sa harap nila. "Magpapakamatay ka ba?!" galit na tanong ni Bryle sa kanya. Hinila niya ang braso dito. "Wala ka ng pakialam!" galit na sabi din niya dito. "Excuse me." Untag sa kanila ng driver ng kotse. Napatingin silang dalawa sa matangkad na lalaking nasa harap nila. Napatitig dito si Bryle habang siya ay laglag ang pangang napatitig din sa lalaking ito. Hindi dahil sa gwapo ito kundi dahil ito din ang lalaki sa flower shop kanina. 'Alexander Chase!?' wala sa loob na natawag niya ang pangalan nito sa pamamagitan ng kanyang isip. Tiningnan ng lalaking ito si Bryle mula ulo hanggang paa bago tumingin sa kanya. Mukhang hindi siya nito natandaan. "If you want to commit suicide, don't involve me!" bakas ang inis sa tinig na sabi nito sa kanya. Naibaba niya ang tingin at inisip na iignora na lamang ito. Kumilos siya upang tumalikod pero maagap siyang nahawakan ni Bryle sa braso. "Cloudy." Pigil nito sa kanya. Tumingin siya dito na puno ng pait sa mga mata. "Ilang beses mo na akong binalewala pero inintindi kita, pero pagkatapos ng nakita ko, ayoko na. Uulitin ko, tapos na tayo!" napaluha pang sabi niya dahil sa galit dito. "Anong nakita? Ano ba'ng pinagsasabi mo wala kaming ginagawang masama!" maanghang na sabi nito. Ngunit imbes na makinig sa nobyo ay padaskul na binawi niya ang braso dito. Tinangka muli nitong hawakan siya ngunit maagap niyang nai-angat ang kamao at sinulungan ulit ito ng suntok sa mukha pero mabilis na itong nakaiwas sa pagkakataong iyon. Lumampas ang kamao niya at aksidenteng dumapo sa gwapong mukha ni Alexander Chase na noo'y nakadukwang pala upang awatin sana sila. Nagulat siya ganundin ito. Tila bumagal ang pag-inog ng mundo habang nakatitig siya sa brown nitong mga mata na noon ay nakatitig din sa kanya, wari'y nagbabaga sa galit. Si Bryle naman ay laglag ang panga habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. "Cloudy." Untag nito sa kanya pagkuwan na siyang nagpanumbalik sa kanya sa huwisyo. Tiningnan niya ito bago tumalikod at nagpatuloy sa pagtawid sa kalsada. "Hey! Seriously?" kaagad namang react ni Alexander Chase na napahabol pa ng tingin sa kanya. "Thanks for hitting me!" napatiim bagang na sigaw nito habang inihahatid siya ng tanaw. Hindi naman siya lumingon bagkos ay nagmadaling sumakay sa dyip na agad na naipara. Si Bryle naman ay agad ding umalis. Inis na naiwan si Alexander Chase. Napakislot pa ito nang makarinig ng busina buhat sa likuran ng kotse nito. Pipihit na sana ito pabalik sa sasakyan pero nilapitan ito ng traffic police para ticket-an. Lalo itong nainis at nakamot ng hintuturo ang dulo ng kanang kilay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD