KINABUKASAN pagsapit pa lang ni Alexander Chase sa lobby ng company building ay nakuha na agad niya ang atensiyon ng mga naroon hindi lang dahil sa presensiya niya gaya ng parating nangyayari kun'di dahil sa pasa sa kaniyang kanang pisngi, halatang-halata iyon.
Nang makita ng mga ito ang madilim niyang mukha ay agad na umiiwas ng tingin ang mga ito matapos siyang batiin.
Pagsapit niya sa kinaroroonan ng hanay ng apat na elevator ay agad na nahawi ang ilang empleyado na nag-aabang doon.
Under maintenance ang elevator na para sa mga VIP at board members ng company kaya wala siyang choice kun'di ang makisabay sa mga empleyado.
"Good morning, Mr. Chairman," halos korus ng mga empleyado sa paligid niya.
"Morning," bati rin naman niya sa mga ito habang pinipindot ang call button ng elevator.
Nakatingin ang mga ito sa mukha niya pero walang may nais mag-uyuso o magbulungan man lang sa takot na marinig at mapansin niya.
Nang bumukas ang elevator sa harap niya ay bahagya pang nagulat ang lift attendant nang makita siya.
"Good morning, Mr. Chairman," bati nito sa kaniya.
"Good morning." Humakbang siya papasok at sumagad sa gilid bago tumingin sa mga empleyado na nakatayo sa labas ng elevator.
Ngumiti ang mga ito.
"Mauna ka na po, Mr. Chairman. May hinihintay pa po kami," sabi ng isa sa mga ito.
"Saang floor kayo?" pormal na tanong niya sa mga ito.
"Sa 35th floor po," naunang sabi ng isa.
"Sa 20th floor po ako."
"Ako rin po."
"Sa 18th floor po kami," korus naman ng dalawa sa likod.
"Bakit hindi ninyo gamitin ang emergency stairs so you don't have to wait for them because the ones you are waiting for, will surely be up there first," pormal na pamimilosopo niya sa mga ito.
Naiinis siya.
Namutla ang mga ito at nagkatinginan pa. Tiyak na hindi lang mahahalhal ang mga ito, gagapang pa sa labis na pagod kung gagamit ng hagdanan.
"I'd like to be taken up to the 64th floor," pormal na sabi niya sa lift attendant na mabilis namang tumalima.
Agad itong kumilos at pinindot ang close door button ng elevator saka pinindot sa floor selection buttons ang bilang ng floor na binanggit niya. Matapos ay pasimple itong tumingin sa kaniya, ngunit dahil nakatingin din siya rito ay agad itong nag-iwas ng tingin sa kaniya at nagmistulang haligi hanggang sa huminto ang elevator sa palapag kung saan siya bababa.
Nang makahakbang na siya palabas sa elevator ay dumiretso siya patungo sa opisina ng Vice-Chairman.
Kumatok siya sa pinto bago siya pumasok.
"Good morning, Mr. Chairman," bati sa kaniya ng secretary ng VC na tumayo pa.
Kaagad din nitong napansin ang nasa pisngi niya ngunit agad na iniiwas ang mga mata.
Hindi siya nagsalita bagkos ay nagpatuloy sa paghakbang hanggang sa sapitin niya ang pintuan ng private office ng Vice-Chairman.
Kinatok niya iyon bago pumasok.
AGAD na nagtama ang mga mata nila ni Brian Bryle pagbungad pa lang niya sa pinto.
Inaasahan na siya nito nang oras na iyan dahil sa nangyari kahapon. Hindi niya ito nagawang kausapin pagkatapos ng nangyari sapagkat iniwasan siya nito.
Naupo siya sa single sofa na naroon imbes na sa desk chair na kaibayo ng executive table nito.
Napailing siya.
Kapwa may pasa ang kanilang mga mukha at kakatwang tinamo nila iyon buhat sa iisang babae na mayroong balingkinitang katawan lamang.
"Have you never seen a woman other than her? She has no breeding, has no idea what to wear for her gender, and acted much more masculinely than you did. Hindi kaya dati talaga siyang lalaki?" sarkastikong tanong niya rito.
Tumalim ang tingin nito matapos marinig ang kaniyang mga sinabi.
"You don't even know her, but you've said a lot about her. If you don't have anything good to say, why don't you keep your mouth shut?" malamig ang tonong turan nito bago ibinaba ang tingin sa keyboard ng laptop sa harap nito.
"Where did you get the guts to speak to me in that manner?" Nakaarko ang kaniyang kilay habang nakatitig dito.
Hindi ito nagsalita.
Tumayo siya. "Ikaw mismo ang pupunta sa Quezon Province para magkumbinsi sa mga taga San Rafael upang magbenta ng mga lupa nila."
Napatingin ito sa kaniya.
"Patunayan mo sa akin na hindi ako nagkamali na ilagay ka sa position mo," dagdag pa niya.
Bumakas sa mukha nito ang disgusto sa mga sinabi niya pero hindi ito nag-abalang magsalita pa o umapila.
"You will leave the day after tomorrow at babalik bago matapos ang bakasyon ni Chris Kyle." Lumakad siya patungo sa pinto.
"She talked to me yesterday sa lugar kung saan nangyari ang gulo sa pagitan namin ng girlfriend ko," wika nito.
Napahinto siya matapos marinig ang sinabi nito, si Hazel ang tinutukoy nito.
"Pinababayaan mo s'ya, Alexander Chase."
Kunot ang noong pumihit siya paharap dito. "Hindi siya baby na kailangan ko pang i-babysit. Tell it to her, if she has an issue with me, ako ang kausapin n'ya at hindi kung sinong Poncio Pilato!" inis na sabi niya.
"Hindi ako si Poncio Pilato. I'm her best friend. At p'wede ba, h'wag mo akong pilosopuhin. Kung wala kang planong makasama si Hazel habang buhay, bakit hindi mo s'ya diretsuhin and let her go!" paasik na sabi nito.
"Nasa trabaho tayo at wala siyang kaugnayan dito," pigil ang inis na sabi niya. "Wala akong oras para makipag-usap sa iyo tungkol sa kaniya." Matapos iyang sabihin ay malalaki ang mga hakbang na tinungo niya ang pintuan ng opisina nito palabas.
Tinungo niya ang elevator at umakyat sa next floor sa taas kung saan naroon ang office niya.
Tinawag niya ang kaniyang secretary nang sumapit siya sa pintuan ng opisina nito na kanugnog lang ng private office niya.
"Gumawa ka ng declaration para ipaalam sa mga pangit na employees at agents na tapos na ang kanilang trabaho para sa araw na ito, maaari na silang umuwi. Abisuhan mo ang payroll department na lahat ng employees na mapapauwi today will be double paid," pormal na utos niya rito bago dumiretso sa pintuan ng opisina niya.
Saglit pang napanganga ang secretary niya habang nakasunod sa kaniya ng tingin.
Nang makitang nakapasok na siya sa pribadong opisina niya ay agad nitong kinuha ang pressed powder sa handbag nito at sinipat sa salamin niyon ang sariling mukha upang matiyak na hindi ito kabilang sa uuwi.