7:

3268 Words
MAY perang dala si Haya dahil marami siya niyon. Kaya kung inaakala ng bilyonaryo na hindi siya makakaalis sa isla kung nanaisin niya ay nagkakamali ito. Wala lang talaga siyang balak na umalis doon at takasan ito dahil alam niyang uuratin lang siya ni Don Vladimir kapag nagkataon. Hindi niya rin gusto na dahil sa pera niya ay magkagulo-g**o ang mga tao roon. Siguradong magagalit si Lautus sa bangkerong babayaran niya kung sakaling gustuhin niya ngang umalis sa lugar. And of course, the doubts are there. Sa nagawa ng bilyonaryo sa mga naroon, madali nang sabihin na ang loyal ng mga ito ay na kay Lautus. Kaya erase ang idea na pagtakas. Besides, mahal na niya ang lugar na iyon kaagad kasama ng mga taong naninirahan doon. Hindi kaya ng puso niya na mapagsira ang mga magkakasundo pero puwede niyang gatungan gamit ang pera niya ang mga taong may hindi maabot na mga ambisyon na tulad ni Baby—Iyon pala ang pangalan ng ex ni Lautus, naitanong niya na kay Nana Pacing. "Mabait na bata naman 'yong si Baby, dangan lang at mataas ang ambisyon. Hindi rin siguro akalain na magiging mayaman si Lautus." "'Ganda naman ng love story nila." Naikuwento na kasi sa kaniya ni Nana Pacing ang kaunting love story nina Lautus at Baby. Kaya nga unti-unti, habang nilalantakan niya ang mansanas sa harap ng katiwala ay nakabuo siya ng idea na nakakasiguro na siyang hindi na papalpak this time. "Sayang ano?" Tumango lang siya. Sayang nga. Pitong taon din iyon. Pero hindi niya gets, kung pera rin lang ang problema ng babae, may pera naman na si lalaki, o, e, ano pa? Bakit hindi na lang magbalikan nang matapos ang problema? Para pati naman siya ay makahinga sa kasal na nais ni Don Vladimir 'no! "E, ikaw ba, wala kang nobyo?" "Wala pa po. Hindi rin ako nagkaroon pa ng boyfriend," pag-amin naman niya. Walang nakikitang masama si Haya sa pagsasabi ng totoo na no boyfriend siya since birth. Kahit pa ba sa mukha ni Lautus na sinabihan siyang lesbian. Ano naman ang magagawa niya? Lahat na lang ng lalaki sa paligid niya, natatakot sa lolo niya, sa mga tito niya at tinatakot ng tatlong bugok niyang pinsan! Kundi naman mga matatakot, mga intimidate naman sa yaman ng Henson. Ganoon din, kaka-turn off! "Aba ay, sa ganda mong 'yan?" "'Yon nga po yata ang rason, Nana Pacing, dahil sa ganda ko, wala nang nagtangka na lapitan ako at magpakita ng interes sa 'kin pero—ayos lang. Masaya naman ako sa life ko." "Siyang tunay, kaya ka nga maganda." Napangiti na lang siya. Ilang beses na siya nitong nasabihan ng maganda at hindi yata ito magsasawang sambitin iyon kahit nalaman niyang binawalan ito ng amo nito. "Mauna na 'ko, Nana Pacing. 'Check ko lang po kung okay na 'yung halo-halo na paninda nila Ate Esang," aniya sa katiwala. Tukoy ang isa sa kapitbahay ng mga ito sa isla na magtitinda ng halo-halo ngayong araw at gusto niyong siya ang unang bumili. "Sigurado ka ba na ikaw ang paparoon? Puwede ko namang gisingin si Vio para sila na ang bumili para sa 'yo." "Naku, 'wag na po. Sabi kasi ni Ate Esang, mas effective raw po kasi ang buwena mano kung ako raw mismo ang bibili." "Ay siya, bilisan mo lang ha, 'pag nagising si Lowtus, siguradong hahanapin ka." "Opo, noted!" sagot niya sa katiwala, nakangiting kinawayan niya pa ito bago siya lumabas sa kusina. Lingid kay Nana Pacing ay gising naman na talaga si Vio. Ito kasi ang makakasama niya sa pagpunta kay Baby pagkatapos nilang bumili ng halo-halo. Mabilis ang kilos nila, kailangan nilang dalian bago magising si Lautus. "Hindi ko alam kung magandang ideya ang gagawin mo," ani Vio, papunta na sila ngayon kay Baby. "Bakit hindi? Sinabi ko na nga sa 'yo na hindi pa makausad si Lautus kay Baby. Narinig ko sila. Tutulungan na nga natin siyang magkabalikan sila ng ex niya," tugon naman ni Haya. Iyon kasi ang planong naisip niya—ang bayaran si Baby para suyuin ulit nito si Lautus. Kapag nangyari iyon, makakalaya na siya sa kalokohan ng lolo niya. Simple lang, nakatulong na siya, nakalaya pa siya! "Paano kung malaman pala 'to ni Bossing?" Natigilan siya. Hmn, paano nga ba? "Kinakabahan ka naman agad! Akong bahala sa 'yo, okay?" pagbibigay assurance naman niya rito. Kung malaman man ni Lautus ang tungkol sa ginawa niya o gagawin niyang ito, siguradong nagkabalikan na ito at si Baby. Kaya nga may kasabihan na saka na lang tahakin ang bridge, kapag naroon ka na mismo at wala nang dahilan para hindi iyon tulayin. "B—BABY?" "Hi, good morning!" Nakangiting bati ni Baby kay Lautus, ito ang napagbuksan niya ng pinto nang hapong iyon. "What are you doing here?" puno ng pagtatakang tanong ni Lautus sa babaeng bagong dating. Pinagmasdan pa nito mula ulo hanggang paa ang ex nito na nakasuot ng pagkaiksing maong short at naka-crop top shirt. Litaw ang pusod na may hikaw at tattoo pala. Lihim naman na napangiti si Haya, patay malisya siyang naglilinis pa rin ng kuko niya sa paa. Naroon siya sa sofa ng bahay habang ang bisitang si Baby ay dumiretso rin doon at inilapag ang hawak nitong bowl sa coffee table. "Nagdala ako ng spaghetti. Naalala kasi kita nang niluto ito ni Tiyong Usteng, paborito mo 'to, hindi ba?" tugon ni Baby kay Lautus, masuyo ang tonong ginamit. Nang sulyapan ni Haya ang lalaki ay kunot na kunot ang mga kilay nito, marahil ay sa pagtataka. Nang lapitan ito ng ex girlfriend at unti-unting inangkla ni Baby ang sariling mga braso nito sa leeg ni Lautus, lihim siyang napangisi dahil mas lumalim ang pagkakunot ng bilyonaryo. But in fairness, hindi nito inalis ang mga braso ni Baby. Hindi rin ito umatras. Mukhang tama ang desisyon niyang kulang lang sa pera ang ex nito—este, na kulang lang sa suyo ang kuya mo, Lautus! "Salamat. Pero sana ay hindi ka na nag-abala. Puwede mo namang ipadala na lang sa iba ang spaghetti," dinig niyang sabi ni Lautus kay Baby. "Hindi na kailangan. Gusto ko rin naman na makausap ka." "About what?" Tumahimik ang mga ito. Nagtatakang nag-angat siya ng tingin, iyon pala ay nasa kaniya na ang mga mata ng dalawa, parang sinasabi na kung puwede ay umalis na muna siya. Agad naman siyang tumayo at tumikhim. "Uhm, maiwan ko na muna kayo, baka nakakaistorbo ako sa inyo," iyon lang at nakangiting tinalikuran na niya ang dalawa. Sana lang ay galingan ni Baby. Para mapadali ang pag-uwi niya sa Manila. MALAKAS ang ulan. Nagpasabi si Nana Pacing na hindi makakapasok daw dahil nirarayuma. Sabi naman ni Lautus ay usually, kinabukasan daw ay okay naman na ang matandang katiwala nito. Pero 'yun nga, umuulan at wala si Nana Pacing kaya no choice na naman si Haya kundi ang harapin ang kusina. Nagke-crave pa naman siya sa champorado or taho. Alin man sana sa dalawa. "Kaya ko 'to," pagpapalakas pa ng loob niya sa sarili bago niya harapin ang kusina. Alas tres na ng hapon niya naisipan na bumaba, hindi pa siya nanananghalian. Inabala niya ang sarili sa panood dahil nga umuulan. Kaninang umaga ay nag-agahan naman sila nila Lautus courtesy of Baby. Tinext niya kasi ang babae na pagkakataon na nitong dalhan ulit ng foods ang ex nito dahil wala silang almusal. Pero siyempre, lunch is ibang usapan. Napapikit na lang siya nang makita niya ang hugasin na pinagkainan sa sink. Mga lalaki nga pala ang kasama niya sa bahay. Ano ang malay mo sa paghuhugas ng pinggan, Haya Chevvy? Nasaan na ba ang mga lalaking 'yon? pagkausap niya sa sarili. Tahimik ang kabahayan. Parang siya lang ang tao, pinagkibit na lamang niya iyon ng mga balikat. Saka siya nag-tap sa screen ng cellphone niya. Kailangan niya ng tutorial para makapagluto ng champorado. Sana lang ay may sangkap doon para mailuto nga niya para kahit paano ay malamnan ang sikmura niya. Medyo mahaba ang watch hours ng tutorial vid na napusuan niyang panoorin, susubukan na muna niyang maghugas ng pinggan habang nanonood siya. "BOSSING, hindi na kakayanin ng golf cart na tawirin ang kabilang kalsada, medyo may kataasan na ang baha," anunsyo ni Vio sa kaniya. "Gawan niyo ng paraan na makatawid tayo!" mariing utos niya naman sa mga ito. Kailangan na gawan ng paraan ng mga ito na makauwi sila at nag-iisa sa bahay si Haya. Hindi naman sa nangangamba siya sa seguridad ng pasaway na dalaga. Alam niyang safe sa islang pag-aari niya. Dangan lang at sa tuwing umuulan kasi ng ganoong kalakas ay ninety five percent na nawawalan ng kuryente sa Isla Heredera. "Makakatawid naman tayo kung hihintayin natin na medyo tumila ang ulan. Saglit lang naman na mawala ang tubig—" "Hindi puwede, Vio," udlot ni Lautus sa sinasabi ng kanang kamay niya. "Hindi pa kumakain si Haya, alam mo rin na nawawalan ng kuryente kapag ganitong klase ang ulan dito." Iyon na nga mismo ang rason kaya sila magkakasamang lumabas ng mga tao niya kahit malakas ang ulan—walang kakainin si Haya. Buti sana kung kumakain ito ng de lata at cup noodles. Or kahit ng leftover foods. Tsk, kung bakit kasi late na naman nag-anunsyo na uulan ng ganito. 'Di sana ay napaghandaan niya ng pagkain ang dalagang housemate niya. "Pero, Bossing—" "Gawan niyo ng paraan." he said again firmly. Walang nagawa na nagkatinginan ang mga tao niya, kapwa iiling-iling na sinubukan nang tawirin ang bahaging iyon ng kalsada kung saan malinaw na nga niyang nakikita ang ragasa ng tubig ay papataas na. "Iwan na natin ang golf cart, maglalakad na lang tayo." "Bossing, delikado rin, puwede naman nating hintayin ang pagtila ng ulan. Ang ganyang buhos naman ng ulan ay bigla rin na humihinto," ani Vio, na para namang hindi niya alam ang tungkol doon. Siyempre ay kabisado na nila ang ulan lalo sa isla. May punto naman ang sinabi nito pero ayaw niyang maghintay—'yon talaga iyon. Ayaw mong maghintay na tumila ang ulan at bumaba ang tubig, for what? Hindi ba at inutos mo nga sa anak ni Nana Pacing na magpatay ng generator kahit isang oras lang kung sakali na mamatayan ng kuryente ang isla dahil gusto mong mainis at mahirapan ang heredera ni Don Vladimir? Hayun na naman ang nagsasalitang kung sino sa dulo ng utak niya, kinakastigo siya. "Bossing, may text pala si Señorita Haya, gising na siya, nagagalit sa dinatnan na hugasin sa lababo," untag ni Vio sa panandalian na paglalakbay ng isip niya. "Magka-text kayo?!" "H—Ha? Ah, e, Bossing, kinuha kasi ni Señorita Haya ang number ko—" "Kinuha niya?!" Huli na upang awatin ni Lautus ang pagdagundong ng boses niya. "Bossing, ano kasi…" Kakamot-kamot sa sariling ulo si Vio. Kunot ang mga kilay na kinuha na lamang niya mula rito ang payong pati na ang fried chicken at pizza na binili nila. "Burahin mo ang number ni Haya sa cellphone mo." saka tiim-bagang na utos niya ulit sa tauhan. "Boss?" "Narinig mo 'ko, 'wag mong ipaulit sa 'kin ang utos ko, Vio." Hindi niya alam kung tama ba ang pakiramdam na gusto sana niyang sapakin ang right hand man niya. Katulad nang hindi niya rin maunawaan kung tama ba na mag-alala siya kay Haya Henson kung sakaling mawalan ng kuryente dahil sa kasagsagan ng ulan gayong una pa lamang ay iyon na ang nais niya naman na maranasan nito sa isla. "Bossing, uuwi na ba talaga tayo?" Habol sa kaniya ni Vio. Tinalikuran na kasi niya ito bago niya pa maisipan na gawin nga ang pagbasag sa mukha nito. Huminto siya saglit sa paglalakad, sinulyapan ito. "Ako lang, Vio. Maiwan kayo rito, hintayin niyo ang pagbaba ng tubig. Delikado." Delikadong tunay kung sasagupa ang isang tao sa malakas na ulan at mataas na baha na ang tanging proteksyon lang ay payong at kapote. Kung may mangyari man sa kaniya, at least ay iisa siya. Wala siyang kasama. Tama, kukumbinsihin niya muna ang sarili niya na iyon nga ang dahilan niya kaya pinaiwan niya ang mga tao niya roon at hindi ang pagkakaalam niyang nagkaka-text sina Vio at Haya, samantalang siya ay hindi man lang nagawa kahit i-message sa kung anong social media platform ang dalaga. Fvck. MASARAP naman sa feeling na nahugasan niya ang mga hugasin. Kahit dahan-dahan lang ang ginawang pagsabon ni Haya sa mga baso at pinggan. Ngayon nga ay nakangiting binabanlawan niya na ang mga iyon. Naka-record kasi ang paghuhugas niya. Ipapakita niya sa mga pinsan niya at lolo niya mamaya iyon with the caption—achievement unlocked! "Ay!" bulalas niya nang mag-flicker bigla ang ilaw. Naku, huwag naman sanang mawalan ng kuryente. Ngayon na halos matapos na siya sa paghuhugas ay nasisiguro na niyang siya lang ang mag-isa na nasa bahay. Siguro ay may pinuntahan sina Lautus. Nagpasya si Haya na madaliin na ang paghuhugas para maka-save na rin siya ng phone life battery just in case e, may magamit siyang flashlight. Though, sure naman siyang may flashlight sa bahay na iyon pero mas okay na sa mga ganoong pagkakataon ay ang mas malapit sa 'yo ang una mong gamitin. But still, sana ay huwag naman mawalan ng kuryente, piping dasal niya. "Ouch!" sa kakamadali niya ay nabasag pa niya ang isa baso, worst, nasugatan pa siya niyon. Pikit ang mga mata na itinapat niya ang daliring nasugatan sa gripo upang hindi niya makita ang pagdurugo niyon. "Haya!" Humahangos na dinaluhan ni Lautus si Haya nang marinig niya itong napabulalas na tila nasaktan. Hindi nga siya nagkamali, dinatnan niya kasi na nakatapat ang daliri nito sa gripo. "Nabasag ang baso? Nabubog ka?" magkasunod niyang tanong dito. "Y—Yah," impit na tugon naman ni Haya sa kaniya. "Please, help me, paki-wipe naman ng blood para hindi makita 'pag dumilat ako. Nahihilo kasi ako kapag nakakakita ako ng dugo," ani pa nito sa kaniya, nakapikit at nakapaling ang ulo sa ibang direksyon. Buntong-hininga na sinara ni Lautus ang gripo. "Wait here, kukunin ko lang ang first aid kit." "S—Sure." Narinig pa niyang turan ng dalaga bago siya nagmadali nang tinungo ang cabinet ng first aid kit. Ilang saglit pa ay nakabalik na siya sa kusina. Nakaupo na si Haya, ngunit nananatili pa rin na nakapikit at nakapaling sa ibang direksyon ang ulo. Sa pagkakataon na iyon ay nakatalungko ito sa mesa. "Hindi mo na kasi sana hinugasan ang mga plato," ani Lautus sa mahinang tinig, sinimulan na niyang lagyan ng gamot ang sugat nito. "Wala naman kasi akong gagawin. I will cook champorado sana, nanonood na rin lang ako ng video tutorial, hinugasan ko na," katwiran sa kaniya ng pasaway na babae. "Champorado?" "Yup, nagke-crave ako e." Dumilat na si Haya dahil naramdaman niyang nilagyan na ni Lautus ng bandage ang sugat niya. Hindi nga lang niya napaghandaan na ang sasalubong sa kaniyang eksena ay ang pagkakatitig ng binata sa ginagawang pagbalot sa sugat niya. Para sa kapirasong sugat, grabe naman kung i-handle nito iyon. It warmed her heart… "A—Ahm, malaki ba ang sugat?" tanong na lamang niya para mapalis niya ang kung anong pag-iinit na nadama niya sa kaniyang puso. "Maliit lang pero kung sa tulad mo, siguradong big deal na 'yan." She rolled her eyeballs. And just uttered a thanks after. Binitiwan na nito ang kamay niya. "By the way, malambot ang kamay mo." She creased her forehead. Narinig niya iyon. Pero hindi naman siya binigyan ng pagkakataon ng lalaki na makapagsalita dahil tumalikod na ito, dumiretso sa sink para maghugas ng kamay. "Saan nga pala kayo galing?" tanong na lamang niya. Pinagmasdan niya ang kilos nito, ito na kasi ang nagtanggal ng nabasag niyang baso at bubog niyon sa lababo. "Sa paglagpas sa pinuntahan natin, doon kasi ay mga establishment na ang makikita. Bilihan ng pagkain, drugstore and the likes," tugon ni Lautus. Sa pagkarinig niya sa salitang 'pagkain' ay awtomatikong tumunog ang sikmura niya. Napalingon tuloy sa kaniya ang bilyonaryo. "G—Gutom na 'ko." Kagat ang lower lip na sabi na lamang niya. Pagak na natawa naman ang kaniyang kausap. "Halata nga." "Ano ang ulam na dala mo?" No sign of shyness, she asked. Aba naman, hindi maganda sa feeling ang gutom! "Pizza may dala ako bukod sa fried chicken. Magsasaing pa kasi ako kaya mag-settle ka na muna sa pizza." "That's fine," sagot ni Haya, tumayo siya para hanapin ang pizza na sinasabi ni Lautus, kaso ay naunahan na siya ng binata. Kaya pala ito naglakad palabas sa kusina ay kinuha na ang foods na sinasabi. "Here," anito pagkalapag ng mga supot sa mesa. "Just stay there, ako na," awat pa nito sa akmang pagtayo sana niya. Si Lautus na nga ang kumuha ng plato. Hindi pa ito nakuntento, pinagsalin pa siya ng juice sa baso—oo, kakain na lamang si Haya, pinagsilbihan siya ng binata sa hindi niya malaman na dahilan! "'Yun nga lang, hindi mamahalin ang pizza na nabibili rito, more like homemade pizza 'to at homemade fried chickens. May flavor din naman 'yan, ham and cheese. 'Yung chicken, mixed, may spicy, may hindi." "Ah, thanks," tipid na sambit ni Haya. Sa totoo lang ay nanibago siyang bigla kay Lautus. Himala na ang bait yata nito sa kaniya ngayon? Himala rin na hindi sila nagbabangayan. Sinabayan din naman siya ng lalaki na kumain. Magkatabi pa nga sila sa upuan. Tahimik lang silang kumain. "Hindi ako pawisan ngayon pero sa pagkakaalam ko ay hindi maganda ang epekto ng mukha ko sa mga babaeng tumititig sa 'kin." Napaawang ang labi ni Haya sa pagkagulat—buong akala niya pa naman ay hindi siya napapansin ng lalaking katabi niyang kumakain sa mesa! "H—Ha, ahm, itatanong ko sana sa 'yo k—kung… kung ano ang… shampoo mo…?" Lihim na nakagat na lamang niya ang sariling dila sa katangahan na tanong na pinakawalan niya. Lautus chuckled. "Shampoo?" parang natatawa na patanong nitong sambit. "Oo, naisip ko lang, shiny kasi ng buhok mo." Well, iyon ay totoo naman. Parating naka-brush up ang ayos ng buhok nito na medyo kulot but yeah, shiny nga. "Ang boring naman na shampoo ko ang itinatanong mo. Bakit hindi na lang natin itanong sa kapirasong tinapay na ito na nasa gilid ng bibig mo kung bakit tila ayaw niyang umalis sa lower lip mo?" Inalis nga nito ng kapirasong tinapay sa labi niya, nang makuha naman ay isinubo nito iyon sa sariling bibig. . . Kumusta na, heart? Paano ba magsalita nang halos magkandaduling na siya sa biglaan na naman na paglapit ni Lautus sa mukha niya? Paano ba siya makakasagot dito, gayong ang pintig ng puso niya ay nagkarambola na ang tunog sa kaniyang pandinig? Paano ba naman na hindi magkakagulo ang puso niya, e, papalapit na nang papalapit ang mukha ng binatang may ari ng islang iyon sa mukha niya… "P—Pipikit ako," paalam pa niya kay Lautus, "gano'n kasi sa palabas e, mas masarap yata ang halik kung may pagpikit." Lautus chuckled. "Ikaw lang naman ang makakasagot niyan." Nang muling magmulat ng mga mata si Haya, mas naduling pa siya sa g'wapong mukha ni Lautus na sobrang lapit na talaga sa kaniya. At hahalikan na nga yata talaga siya… "Bossing! Buti na lang at ligtas tayong nakauwi lahat!" Pareho na lamang silang napabuga ng hangin ni 'Bossing' at sabay na tinapunan nila ng nakakainis na tingin ang bagong dating na si Vio. Halik lang naman ang inudlot nito—halik na hindi niya alam kung kailan niya mararanasan! Kung kailan naman parang handa na ako, piping turan na lamang ni Haya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD