Hope's POV "Bakit hindi ka kumakain?" Tanong ko kay Manong nang mapansing pagkatapos niyang kainin ang isang pinggan niyang pagkain ay hindi na siya kumain muli. Umiling siya at ipinatong lang ang dalawang siko sa lamesa at tinitigan ako. "Nakakahiya tuloy kumain," reklamo ko. Paano ba naman kasi nakatingin siya? "Bakit ka mahihiya?" pilit niyang pinigilan at itinago ang kanyang ngiti. "Kasi ba't ka nakatingin?!" sinimangutan ko siya. "Wala lang...sige na pala, kumain ka na," he then chuckled. "Sure ka? Hindi ka na kakain?" muling tanong ko sa kanya at inilahad sa kanya ang isang putahe ng pagkain. Umiling lang siya at itinulak pa palapit sa akin ang inilahad ko sa kanya. "Tell me kung kulang pa 'yan. I'll order more," bilin niya. Umiling ako. "Okay na 'to. Tsaka ayoko