Part 3

2219 Words
Part 3 "Ang ibig mong sabihin ay nag uwi na naman ng lalaki ang mama mo? Mukhang nakakarami na si Tita Roxanne ah," ang wika ni Nick noong bisitahin ko siya sa kanyang apartment. "Oo at mas bata sa kanya ng ilang taon. Medyo nasanay lang siguro ako na kasi edad niya o mas matanda pa yung inuuwi niya. Sa hilatsa ng mukha nung lalaking iyon ay tiyak na mamemera lang iyan kay mama," ang sagot ko naman. "So anong plano mo?" tanong ni Nick. "Wala, nag decide ako na dito muna ako mag sstay sa apartment mo hanggang nandoon sa bahay yung social climber at user na lalaking iyon," ang tugon ko naman. "May magagawa pa ba ako? Dito ka na lang muna kaysa naman araw araw kang high blood at wala sa kondisyon. Gawin na natin itong power point presentation natin para matapos na ito ng maaga," ang sagot ni Nick. Halos mag iisang linggo na ang nakalilipas magbuhat noong mag uwi si mama ng lalaking kinakasama doon sa bahay. Parang naging masikip sa amin ang mundo. Hindi ako komportable na may ibang tao doon kaya kadalasan ay nakakulong lang ako sa kwarto. Ang sabi sa akin ni mama ay iconsidered ko daw ang kanyang happiness pero hindi ko ito magawa lalo't hindi ako pabor sa kanyang mga ginagawang pag uuwi ng lalaki dito sa bahay. Daig pa niya ang nagmumurang kamatis o yung mga babaeng kung kailan tumanda saka umawra ng todo. Ilang beses ko na ring kinompronta si mama na palayasin ang lalaking iyon ngunit nag aaway lamang kami. "Bakit kasi dito pa iyan titira? Pang ilang lalaki na iyan ah," ang paninita ko. "Ry, walang matutuluyan yung tao, galing pa siya sa malayong probinsya. Masyado namang malaki itong bahay diba? Ano lang ba naman yung bigyan siya ng isang maliit na guest room doon sa itaas," ang wika ni mama. "Sana binigyan mo na lang siya ng pang upa sa bed space. Ang sabihin mo kaawrahan mo yang lalaking iyan at gusto niyo mag live in dito sa bahay," ang sagot ko sa kanya. "Ry, hindi ba't inamin ko naman sa iyo at the first place na kami ay may relasyon ng tito Jerry mo. Bigyan mo lang siya ng chance." "Hindi ko siya tito, basta ang masasabi ko lang ay mag ingat ka sa mga lalaking pinagkakatiwalaan mo dahil baka ang iba sa kanila ay gold digger, mang gagamit at mapagpanggap," ang sagot ko naman sabay tingin sa kanyang lalaki na noon ay nakatahimik lang habang nakaupo sa sofa doon sa sala. Hindi naman mataas ang boses ko, modulated lang ito pero batid kong naririnig pa niya ang aming confrontation scene ni mama. "Ah basta, bigyan mo ng chance ang tito Jerry mo at sana ay bigyan mo rin ako ng chance maging masaya," ang panapos na sagot ni mama sa akin kaya naman tumahimik na lang ako at lumabas. Tumambay ako sa harap ng aming bakuran. At dito ay nagmuni muni ng sandali. Hindi pa halos nag process sa akin yung mga desisyon ni mama at malinaw naman na hindi ako naging pabor dito. Sa mga ganitong oras ay lalo ko lamang namimiss si papa. Sana ay nandito pa siya at sana ay may nakakaunawa sa aking nararamdaman ngayon. Tahimik. Habang nasa ganoong posisyon ako ay laking gulat ko noong lumapit sa akin si Jerry na kapareha ni mama. Hindi ako humarap sa kanya at hindi ko siya pinagtutuunan ng pansit. "Ry, alam kong galit sa akin, pero sana ay huwag kang magalit sa mama mo. Sadyang mabuting tao lamang siya at matulungin sa mga nangangailangan, katulad ko," ang bungad nito. "Malalaman ko rin naman kung ano ba talaga ang totoong pakay mo kay mama," ang sagot ko sa kanya. "Ry, wala akong masamang pakay sa mama mo. Mabuti ang intensyon ko para sa kanya at kahit na kailan ay hindi ko inisip na mang gulo sa inyong dalawa. Hayaan mo, bukas na bukas rin ay hahanap na ako ng lugar na matutuluyan," ang sagot niya na may tonong lungkot na lungkot. "Mabuti pa nga, dahil kahit maluwang itong bahay ay ramdam na ramdam ko yung kasikipan ng mundo para sa atin. Sana dinala ka na lang ni mama sa ibang lugar at doon kayo umawra sa isa't isa. Huwag na dito sa bahay na pinagawa ni papa para sa kanya." "Kaya ba galit ka dahil iniisip mo na papalitan ko ang papa mong namatay?" tanong niya ulit. "Siguro," ang tanging salitang lumabas sa bibig ko bagamat di rin naman ako sigurado dito. Wala akong nagawa kundi ang pumasok sa loob ng bahay at umakyat sa aking silid na masamang masama ang loob at pakiramdam. Maraming factors kaya ayaw kong may ibang lalaking iniuuwi si mama dito. Una ay dahil hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang lahat ng memorya ni papa. Sa tuwing tumitingin ako sa mga larawan na nakasabit sa dingding ng aming bahay ay nakakaramdam pa rin ako ng ibayong lungkot. Ikalawa ay hindi ako pabor sa mga ginagawa ni mama dahil tiyak na pinupulutan na siya ng mga tsimis at usapan ng mga kapitbahay. Haloa ilang lalaki na rin ang naiuwi niya dito at ang pagpapalit palit nito ay para lang pagpapalit ng underwear sa kanya, ganoon kadali. Ikatlo, karaniwan sa mga lalaking iyon ay mabait at honest sa una, sweet at caring. Pero makalipas ang ilang linggo ay uutang na ng pera kay mama at bigla na silang mawawala na parang bula. Ilang beses ko na nakita si mama na umiyak si mama dahil dito bagamat hindi niya ito pinapahatala sa akin. Ikaapat, parang sa dami ng lalaking naiuwi niya dito sa bahay, ni minsan ay hindi naman siya nanalo, kadalasan ay talo siya at umuuwing luhaan. Ikalima, lahat ng naging kapareha at kasintahan niya ay manggamit. Tiyak kong ang bagong ito na si Jerry ay ganoon rin lalo't bata pa ito malaki ang pangangailangan sa buhay. KINABUKASAN, nagtangkang umalis si Jerry sa bahay namin ngunit hindi siya pinayagan ni mama. At sa huli ay ako rin ang lumabas na masama, para bang ako yung hadlang sa kaligayahan nilang dalawa. Napapadalas na rin ang confrontation scene naming mag-ina kaya naman ito yung reason kung bakit nagdecide ako na huwag na muna umuwi sa bahay. Mabuti na lang at may maliit na apartment ang bff kong si Nick. Dito muna ako hanggang sa maging maayos ang lahat. "So tama rin naman ang desisyon mo, kaysa naman araw araw ay stress ka dyan," ang wika ni Nick habang gumagawa kami ng presentation sa laptop. "Pustahan tayo, next month ay ibang lalaki na naman ang iuuwi ni mama," ang sagot ko naman. "Alam mo baka naghahanap lang talaga yang mama mo ng pagmamahal. Ikaw naman kasi e, wala kang care sa kanya tapos kung ituring mo siya parang buddy buddy lang kayong dalawa," hirit ni Nick. "Ah basta, wish ko lang na multuhin sila si papa at huwag silang patahimikin dalawa," ang hirit ko naman. Tawanan kami. Tuloy tuloy ang buhay ko sa campus. Parang naging isang regular routine lang ito. Buti na lang at mayroon akong mga hidden gay social media apps sa aking cellphone. Ito ang ginagamit ko para makipag flirt at makipag meet sa mga type kong makita. Ewan, minsan ay naiinggit ako sa mga kaibigan kong mayroong love life, parang napaka perfect sa kanila ng sitwasyon. Samantalang napaka boring naman pagdating sa akin. Marami naman akong nakaka meet at nakakadate sa mga social media apps iyon nga lang ay mahirap magtiwala dahil sobrang lalandi nila. Hindi ko naman nilalahat pero karaniwan kasi ay may sabit o kaya naghahanap lang ng one night happiness. Mayroon akong isang naka meet mula sa isang private dating apps, maganda naman ang back ground niya, sobrang edukado at conyo pa nga magsalita. Mukhang anak mayaman rin at maraming alam sa mga bagay bagay. Nagkapalagayan kami ng loob at pagkatapos namin mag dinner ay diretso kami sa motel para mag s*x. We enjoyed the night together, napaka perfect at sa tingin ko naman ay bagay kaming dalawa. Kaso nga lang kinabukasan inamin niya sa akin na mayroon siyang boyfriend na nasa province at nasa long distance relationship lang sila kaya naghahanap siya ng kaligayahan sa iba. After ng mainit na gabi namin together ay wala na siya, hindi na siya nagparamdam at blinock na ako sa kanyang account. To be honest maraming beses rin akong nagtry makipagdate at halos lahat ay talagang failed ako. Nabiktima rin ako ng networking at itatanong kung open minded ba akong tao. Nabiktima rin ako ng cuckolding kung saan nakipag niig ako sa dalawang mag jowang bottoms. Ito ang aking "hidden life" kung tawagin. Ito yung mga bagay na ang tanging sarili ko lang ang nakakaalam, kahit kay Nick ay hindi ko sinasabi. Pero alam niyang nakikipag date ako pero ni minsan ay hindi ko naikwento ang mga bed scenes experiences ko. "Alam mo nakita ko si Kian Flandrez doon sa mall, doon pala siya nagwowork. Sa tindahan ng mga sports wear," ang wika ni Nick habang kumakain kami. "Kian who?" ang inosente kong sagot. "Si Kian, yung sweet heart mo, alam mo sayang kayo noon, yung ship niyo ay biglang nag sink, sadder than sad." "Kahit kailan di kami nagkaroon ng anything. We are just to souls fooling around. Naglalaro lang kami, libog lang talaga at hanggang doon lang iyon. Kaya bago pa magkaroong ship eme na iyan ay nag sink na ito," ang sagot ko naman. "Ang init ng ulo mo, sana pala di ko na sinabi. Gusto ko lang naman magkaroon ka ng love life, baka sakaling mabago ang perception mo. Tapos pag may jowa ka na, iiuuwi mo sa nanay mo ngayon at mabibigla siya diba? Yung anak niya saksakan ng tigas na parang robot kumilos ay isa pa lang jelly fish!" ang pang aasar ni Nick. Tawanan kami. "Alam mo naisip ko nga iyan. Siguro time na rin para malaman ni mama, pero mas maganda kung mag uuwi rin ako ng lalaki sa bahay, at least patas ang labanan diba?" hirit ko naman. Habang kumakain ay sumagi sa aking ala-ala si Kian Flandrez. Isa siyang varsity player at point guard ng basket ball team. Gwapo, matangkad at maraming nagkakagusto sa kanya. Parang matinee idol ang datingan, mala Gerald Anderson, mala Aljur Abrenica, ganyan ang aurahan niya, boy next door, heart throb. Kapag naglalaro siya ng basket ball ay talagang napupuno ang gym sa dami ng kanyang mga taga hanga. Naging malapit kami ni Kian dahil nagkasama kami sa isang project sa subject na Mathematics at dito ay naging magkaibigan kami. Ang totoo ay hindi naman ako fan o taga hanga ni Kian, obvious naman na hindi rin ako fan ng larong basket ball. Pero may pagkakataon na attracted ako sa kanya, siguro dahil gwapo siya, maganda ang built ng katawan at may kakaibang aroma kapag pawisan. Nagsimula kaming maging close ni Kian at dito ay naging buddy-buddy kami. Hindi naman niya alam ang tunay kong pagkatao, hindi naman kasi ako mahahalata at hindi rin ako maamoy, no trace kumbaga. Kaya't naging confident siya na kaming dalawa ay best buds lang, mag utol at mag tropa. Yung mga susunod na eksena sa amin ni Kian ay medyo cliche pero ito talaga ang totoong nangyari kung paano nagsimula ang aming kakaibang laro. Sa aking pagkakatanda ay Sabado noon, nagkayayaan kaming uminom at magkalasingan. Tabi kaming natulog sa kanilang bahay at dito ay hindi ko napigilan ang sarili kong hipuan siya. I know mali ang ginawa ko pero tao lang ako, may pagnanasa, naaakit at nanghihina paminsan minsan. So ayun nga, habang natutulog ito ay nakita kong nakalabas ang ulo ng kanyang sa kanyang short kaya naman naakit akong hawakan ito at pagmasdang mabuti. Pinagmasdan kong maigi ang kanyang mala bakal na alaga na may namamagang ulo dahil sa katigasan. Nanunuyo ang aking lalamunan at tila tuluyan na akong nawala sa aking katinuan. Wala akong kamalay malay na gising pala siya noong mga oras na iyon. Noong makita ko siyang nakangisi at pinagmamasdan ako habang hinihimas ko ang kanyang alaga ay nahinto ako at natakot. Agad akong nanghingi ng dispensa sa kanya at sinubukan kong ipaliwanag ang aking side. Pero sa halip na magalit ay hinubo niya ang kanyang short at kinuha ang aking kamay para laruin ang kanyang alaga. Wala akong nagawa noong mga sandaling iyon, mahina ako sa tukso, marupok, dahil siguro wala akong karanasan at nasasabik ako sa ganitong uri ng mga bagay. Kaya namalayan ko na lamang na hinihimas himas ko ang kanyang alaga na kanya namang labis na ikinatutuwa. Ilang minuto rin ako sa ganoong paghimas noong bigla niyang hawakan ang aking ulo at hilingin na isubo ko ang kanyang mala bakal na alaga. Wala akong experience sa ganitong bagay noon. Pero dala ng kuryosidad at init ng katawan dulot ng masidhing pagnanasa ay ginawa ko ang kanyang nais. Ibinukas ko ang aking bibig at buong layang ipinasok ang kanyang alaga dito. Sa unang dampi pa lamang ng aking bibig ay napa ungol na siya agad sa kakaibang sensasyong nararamdaman. Hindi pa ako marunong sumuso noon kaya paminsan minsan na nasasabit at sumasayad ang aking ngipin. Hindi nagtagal ay kusa akong naka adjust at nasanay sa ganitong gawain. Isang bagong karanasan ito na hinding hindi ko malilimot. Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD