Part 2
Sa tuwing binabalikan ko ang aking nakaraan ay halo halong emosyon ang aking nararamdaman. Gayon pa man ay hanggang pagbabalik tanawa na lamang ito. Katulad nga ng sinasabi nila, ang nakaraan daw ay maaari mong balikat ngunit hindi mo maaaring tambayan. Bsgamat lahat ng pangyayaring iyon ay nag iwan sa akin ng magagandang aral.
Halos ilang taon na rin noong mamatay si papa. At ang relasyon namin ni mama ay malamig pa rin bagamat nag uusap naman kami, sabay kumakain. Nag oopen siya sa akin, nag kkwento ng kung ano ano bagay tungkol sa kanyang buhay samantalang ako naman ay hindi ganoon. Kahit ang aking totoong pagkatao ay hindi ko naman inopen sa kanya. At madalang rin akong mag ask ng anything tungkol sa aking pag aaral.
Yung mga allowance at tuition fee ko ay kinukuha ko sa pagpapartime job sa coffee shop ng kaibigan ko at siyempre nag oonline selling din ako ng mga damit at gadgets para may extra income. Sa ganitong paraan ay hindi na ako nanghihingi kay mama ng pera pang gastos.
"Alam mo okay na iyang body mo, payat na may muscles, diba ang lakas maka korean ng datingan," ang wika ni Nick habang sabay kaming nagjojogging sa aming subdivision.
"So paano mamaya? Inuman tapos videoke lang. Oorder na lang ako ng pizza at pasta sa mga fast food," ang wika ko naman sa kanya.
"Oo sige na, taon taon naman ganyan tayo magcelebrate ng birthday mo. Taon taon mo ring iniidian ang mama mo sa dinner date ninyo," ang wika nito habang natatawa.
"Alam ko namang magiging boring yung dinner date na iyon. Imagine kapag sabay kumakain ni mama ng dinner sa bahay ay napakaboring na, sobrang tahimik at wala akong ibang maikwento sa kanya kundi yung pinanood kong korean zombie series na halos paulit ulit ko na lang nababanggit sa kanya," tugon ko naman.
"Oh e bakit hindi mo ikwento sa kanya yung pagiging top mo last week doon sa lalaking nakameet mo sa social media?" ang hirit nito.
"Ayoko ng alalahanin iyon, disaster," ang sagot ko naman habang natatawa.
"Ano yung disaster? Yung hindi tinitigasan dahil hindi siya kalibog libog o yung moment na tinigasan at noong pinasok mo at hugutin ay may peanut butter na sumama doon sa condom? Kaderder no?" ang natatawa nito tanong.
"Ayoko ng pag usapan dahil dalawang araw akong hindi nakakain after that. Anyway kaya ikaw kung magpapabona ka ay maglinis ka naman dahil kawawa yung top mo kapag sumamang kare kare sa batuta niya. Iw talaga," ang hirit ko naman.
"Eh ang cheap naman kasi ng dating apps na ginagamit mo kung sino sino lang yung nandoon. Itry mo ito Male Planet isa itong sumisikat na gay dating apps at talagang mayayaman ang members!" ang hirit niya habang patuloy kami sa pagtakbo.
Bandang hapon, dumating ang buong barkada namin, pati mga kaklase upang samahan ako sa pagdiriwang ng aking 19th birthday. Isang simple salo salo at selebrasyon lamang. Nag blow ako ng candle, inuman, umorder ako ng maraming pizza at kakanin. Halos taon taon naman ay ganito ang aking birthday celebration, lasing kung lasing. "Anong birthday wish mo?" tanong nila sa akin.
"Makatapos ang pag aaral at peace of mind. Sana huwag na mag uwi si mama ng boyfriend sa bahay para walang gulo," ang wika ko naman.
"Ano ka ba Ryan, hayaan mo na nga yung mama mo sa kaligayahan niya. O edi mag uwi ka rin ng boyfriend para patas ang laban niyo," ang hirit ni Nick dahilan para takpan ko ang kanyang bibig dahil ang ilan sa aming mga kaklase ay hindi naman alam ang aking pagkatao.
"Sira ka talaga, huwag ka ngang maingay diyan," ang bulong ko naman.
Tawanan kaming dalawa.
Halos madaling araw na noong matapos ang aming inuman, ang lahat ay nalasing kaya naman nagpasya kaming kina Nick na lang muna matulog. Sama sama kami sa kanyang silid, kanya kanya kami ng siksik sa bawat sulok. Masaya na ako sa ganitong uri ng birthday party. Magbuhat kasi noong mamatay si papa ay hindi na ako nakapag celebrate ng kaarawan, sinusubukan naman ako ni mama na ipaghanda ngunit ako rin mismo ang umaayaw.
KINABUKASAN.
Pag uwi ko sa bahay ay hilong hilo pa rin ako dahil sa hang over. Pagpasok sa kusina para magtimpla ng kape ay nakita ko ang isang kahon ng cake sa lamesa. Inalis ko ang cover nito at dito ay nakita ko ang isang vanilla cake at nakasulat ang aking pangalan. "Happy Birthday Ry! From Mama."
Sinalok ko ang cake gamit ang aking daliri saka ko tinikman, pagkatapos ay naupo ako sa silya at ang napabuntong hininga na lamang. Kapag ganitong pagkakataon ay naalala ko si papa lalo't vanilla cake ang madalas naming kainin noong nabubuhay pa siya, eventually eto na rin ang naging favorite ko.
Noong buong maghapon na iyon ay wala akong ibang ginawa kundi ang matulog dahil sa tindi ng aking hang over. Halos maghapon akong nakakulong sa aking silid, nakahiga at kung ano ano ang iniisip. Marami akong natanggap na greetings at marami ring nag aask date sa akin pero wala akong nireplyan ni isa. Dito ko napagtanto na halos ilang months na pala ako sa mga social media dating apps at sa ilang weeks na iyon ay halos nasa apat o lima na ang aking nakaka meet.
Ang lahat ng aking nakaka eyeball ay nauuwi lang sa pag niniig o s*x. Ang iba ay halos kasing edad ko, ang iba ay mas bata pa sa akin. Kaya wala akong natitipuhan sa kanila, gusto ko kasi yung mas matanda sa akin, mas matured mag isip at mas masasakyan ang pagiging isip bata ko paminsan minsan. Mas malakas ang dating ng mas matanda, mas responsible sila at hindi mga manloloko.
Karamihan kasi ng mga nakaka eyeball ko mula sa dating apps ay for fun lang talaga. Walang seryoso at yung iba sa kanila ay in a relationship pa nga. Tulog lang daw yung mga jowa nila kaya may time sila makipagkita sa iba. Malaking ekis para sa akin ang ganitong mga bagay lalo't ayokong maging sanhi ng pagkasira ng relasyon ng dalawang tao.
Alas 7 ng gabi, habang abala ako sa paggawa ng power point ko para sa aming domestic tourism na subject ay dumating naman si mama at laking gulat ko noong may kasama itong isang lalaki. Pero this time ay mas bata ito sa kanya. Karamihan kasi ng nakakadate ni mama ay mukhang tatay na talaga at halatang mayroon na ring mga anak, hindi naman sa pagiging judgemental ngunit kadalasan ay tama naman talaga ang aking hula. Pero this time ay iba ang lalaking iniuwi niya, mas bata, gwapo at parang walang sabit. Kung sabagay may K naman si mama dahil maganda siya at kahit nasa mid 40s na ay hindi pa rin ito halata dahil sobrang inaalagaan niya ang kanyang sarili.
"Good evening," ang bati nung lalaki noong makita ako. Nahihiya pa ito bagamat nakangiti.
Lumapit sa akin si mama at inabutan ako ng shopping bags, mga tshirt at kung ano ano pa. "Anak say "Hi" naman to your tito Jerry," ang wika niya.
"What? Sino iyan ma? Tito ko ba iyan?" pabulong kong taong sa kanya.
"Shhh, huwag ka ngang maingay ka dyan hijo. Lets talk na lang later, okay?" ang wika nito at muling nagpunta sa binata, inasikaso niya ito pinagserve ng juice, nagbukas ng box ng cookies at kung ano ano pa.
"Salamat hon, ang laki pala ng bahay niyo, mukhang pwede na akong pumasok na hardinero dito ah," ang biro ng lalaki na parang may ningning sa kanyang mga mata. For sure pera lang ni mama ang habol nito, wala ng iba pa.
Maya maya ay napatingin sa akin si Jerry at nakita niya nakatingin ako sa kanyang dahil pinag iisipan ko nga siya ng masama. "Kain tayo," ang bati nito.
Hindi ko siya kinibo. "Gwapo pala yung anak mo, parang koreano," ang wika nito kay mama.
"Oo, nakuha niya yung features ng yumao kong asawa. Ganyan lang talaga siya katahimik pero mabait iyan at matalino pa. Tourism ang kinukuhang course kaya medyo abala," ang sagot ni mama.
Hindi na ako nakinig sa kanilang dalawa, pumasok ako sa aking silid at saka dito pinagpatuloy ang aking ginagawang power point. Maya maya ay sumunod naman si mama sa akin at kinausap niya ko. "Ry, bakit naman nagsusungit ka? Mabait naman si Jerry."
"Ma, mukha lang kayong mag ina nung inuwi mo. Mas okay pa yung mga daddy at matatandang pulis na nakakarelasyon mo dati."
"Ano ka ba, may mga sabit na yung mga iyon. Pero si Jerry ay wala, single ito at walang responsibility sa buhay. Saka ano bang mayroon sa age? Hindi naman menor de edad si Jerry, he's 36 na at older than you kaya sana igalang mo siya. Ang responsibilidad lang niya ay yung pamilya niya doon sa province."
"Oh may pamilya na pala siya doon sa province. Huwag ka ngang magpagamit sa kanya ma," ang wika ko naman.
"Ano ka ba, yung pamilya na tinutukoy ko ay yung nanay, tatay at dalawang kapatid niya. Nandito siya para magtrabaho at nagdesisyon ako na dito na lamang siya patirahin dahil saya naman yung ibabayad niya sa boarding house, babawas pa iyon sa sweldo niya," wika ni mama.
"Seryoso ka ma? Magpapatira ka ng taong hindi mo kilala dito sa bahay? Paano kung kriminal yan? Paano kung isa siyang masamang tao? Drug addict o kaya ay isang psycho?" tanong ko sa kanya
"Ry, matagal na kaming magkachat ng tito Jerry mo. One year na halos at ngayon lang siya nagdecide na magtungo dito sa city para maghanap ng trabaho. Pinasok ko siya doon sa company, at pina back ground check ko pa siya kaya alam kong mabuting tao siya. Saka hindi naman siguro magiging masikip dito sa bahay na ito. Ang laki laki nito ano lang ba naman yung bigyan natin siya ng maliit na guest room," ang wika ni mama sa akin dahilan para mapangiwi ako.
Ilang beses ng nasilat si mama sa pag ibig at hindi ko na rin mabilang kung ilang lalaki na rin ang iniuwi niya dito. Yung iba ay one week dito pero bigla na lang maglalaho na parang bula at di na babalik. "Saka ma, obvious naman na pera lang ang habol sa iyo nung Jerry na iyan," ang dagdag ko pa.
"Ry, hindi niya gagawin iyon okay, kung peperahan niya ako ay ako na mismo ang makikipaghiwalay sa kanya. Alam kong kadalasan ay imbyerna ka sa akin at cold ka pero sana pagdating sa happiness ay suportahan mo ako. Mabait na tao ang tito Jerry mo at dito siya titira, huwag mo siyang tatakutin, susungitan at lalong huwag mo siyang pagsasalitaan ng hindi maganda," ang wika ni mama sabay labas aking silid.
"Pero ma?" ang reklamo pa sana pero hindi na ito sumagot. Sumunod naman ako sa kanya sa labas at pinagmasdan kong mabuti ang nakakakilabot na sweet moment nila ng aking ina na nagaganap doon sa sala. Bakas ang kaligayahan sa mukha ni mama. Siyempre naman isang gwapo at isang matipunong lalaki ang nabingwit niya this time. Para siya isang cougar sa mga telenovela.
Kapag nakatapos ako ng pag aaral ay talagang aalis ako sa puder ni mama. Minsan kasi ay hindi ko na matake yung mga actions niya lalo't una pa lang ay talagang sablay na ito. At ano bang sikreto ng Jerry na ito? Ano ba talaga ang tunay na motibo niya?
Ito ang mga tanong na namumuo sa aking isipan habang nakatayo sa balkunahe ng ikalawalang palapag ng aming bahay. Maya maya ay napatingin sa aking kinalalagyan si Jerry, binasa nito ang kanyang mapulang labi kaya mas lalo itong naging gwapo at saka ngumiti sa akin.
Noong mga sandaling iyon ay wala akong kamalay malay na ang ngiting iyon ni Jerry ay isang makamandag na lason at ito ang babago sa tahimik na takbo ng aking buhay.
Itutuloy.