“Alex..” “Hmm…” “Bakit pala paiba-iba ang tawag mo kay Dylan? Minsan Young Master, pero minsan naman Sir. Ano bang meron?” “Ganoon talaga, Young Master or Señorito kapag nasa mansion, Sir 'pag nasa labas, at Boss naman 'pag nasa underground.” “Huh? Underground? Saan 'yun sa ilalim ba ng lupa?” “Tsk. Huwag mo na nga lang itanong, mas mabuti nang hindi mo alam.” “Hays… Nakakainis ka, ayaw mo naman sabihin, eh. And oo nga pala, ayos ka lang ba? Bakit ka pala nagkasugat sa braso? Sinaktan ka ba ni Dylan nung nawala ako sa mansyon? Ako ba ang dahilan kung bakit nagkasugat ang braso mo?” “No comment, Señorita. Kalimutan mo na lang ang bagay na 'yun, at kung maaari ay 'wag mo nang itanong pa sa akin dahil hindi ko rin naman masasagot nang maayos.” Jeziel frowned, tumahimik na lang siya at