MATAPOS ayusan ni Jeziel ang kanyang sarili ay agad siyang tumayo sa harap ng malaking salamin. She looks so different now, parang ang layo na ng pinagbago niya; kung dati ay mukha siyang basahan, ngayon naman ay tila siya isang kumikinang na jamante, pati ang kanyang kutis ay mas lalong kuminis at pumuti. Pakiramdam niya tuloy ay bumata siya ng limang taon. Umikot-ikot pa siya sa harap ng salamin para makita kung okay na ba ang outfit niya; simpleng black jeans with white t-shirt na pinarisan niya lang ng white sneakers. Ngayong araw ang unang pasok niya sa university kaya naman sobrang excited siya. Nang makitang okay na ang kanyang outfit ay kinuha na niya ang kanyang Chanel black backpack at sinukbit ito bago lumabas na ng kanyang kuwarto. “Excuse me, Miss, nakita mo ba si Alex? Na