“Gusto mo bang ilipat ko sa 'yo si baby?” Terron asked her. Agad siyang tumango rito nang may ngiti. “Yes, please.” Binaklas naman ni Terron ang baby carrier sa katawan nito at inilipat na kanya kasama ng baby. Nang maayos na nailagay sa kanya ay sabay na silang naglakad palabas ng airport. Karga niya ang baby sa kanyang dibdib, at hila-hila naman ni Terron ang maleta nito habang nakayapos pa ang isang braso sa kanyang baywang na tila inaalalayan pa siya sa paglalakad. Pero pagkalabas ng exit ay agad na napahinto si Jeziel nang may maalala. Oo nga pala, hindi niya puwedeng iuwi ang anak niya. “What's the matter?” may pagtatakang tanong ni Terron dahil sa paghinto niya, napahinto din ito. “Ah kasi, Terron, a-ano kasi… p-puwede bang sa 'yo muna si baby kahit mga one week lang? Ikaw muna