TWO WEEKS passed. Tulad ng gusto ni Dylan ay napilitang iwasan ni Jeziel ang kaibigang si Tanya, dahil kahit wala si Dylan sa university ay alam niyang palihim siya nitong pinababantayan sa tauhan nito. Sa mga lumipas na buwan na pagsasama nila ay unti-unti na niyang nakikilala ang tunay na ugali ng asawa. Masyado itong bossy, seloso, madaling magalit, at ayaw nang hindi sinusunod. Nakakasakal sa totoo lang, pero wala naman siyang magawa kundi sumunod na lang sa mga gusto nito, lalo na't hindi niya pa rin nakakalimutan ang pagbabanta nito kay Terron na pupuntiryahin ang buong pamilya nito oras na pakialaman siya. And about naman kay Terron, medyo nanibago siya dahil hindi na ito masyadong makulit tulad dati. Palagi niya itong nakikita sa university dahil ito lagi ang sumusundo kay Tanya,